[You belong with me]
[
Yesha’s POV ]
Unang
kita ko palang kay Gray agad na akong nagkacrush sa kanya. Sino ba naman kasi
ang hindi magkakagusto sa isang tulad ni Gray? Bukod sa pagiging gwapo eh
matalino at mabait din..balita ko nga maraming patay na patay sa kanya sa
school…ang swerte ko nalang dahil naging kaibigan ko siya…ang bait-bait niya
sakin…kung minsan nga gusto kong isipin na may gusto din siya sakin
eh..ambisyosa ko lang diba?
“Trace” tawag ko sa bestfriend ni Gray. “Nakita mo ba si Gray?”
“Oy Yesha ikaw pala..hindi eh..bakit?
ikaw ha…” pang-aasar sakin ni Trace
“Sira…nagtext kasi siya sakin kahapon
sabi niya samahan ko daw siyang bumili ng materials para sa project niya”
“Kayo ha..ano yan? May gusto ka ba kay
Gray Yesha? Kung may gusto ka dun wag mo ng ituloy kasi masasaktan ka
lang..hindi marunong magmahal yun si Gray”
Gusto
kong magalit kay Trace dahil sa sinabi niya. Sino siya para sabihang di
marunong magmahal si Gray?
“Ano ka ba naman Trace..bestfriend mo
si Gray tapos ganyan ka magsalita”
“Yun na nga eh..bestfriend ko si Gray
kaya kung may nakakakilala man sa kanya ako yun..pero ikaw din..wag mo sabihing
di kita binalaan ah” at iniwan na
ako ni Trace.
Ano
kayang ibig sabihin ni Trace? Si Gray hindi marunong magmahal? Imposible naman
yata iyon.isa na si Gray sa pinakanice na lalaking nakilala ko..at ang mga
ganung klase ng lalaki masarap magmahal.
Hay
ewan..bahala na nga…saka kahit pigilan pa ako ni Trace na mahalin si Gray huli
na..kasi MAHAL ko na siya.
***
“Yesha may lakad ka ba sa Saturday?” tanong ni Gray sakin.
“wala naman..bakit?”
“Gusto mong gumala?”
Nagulat
naman ako sa sinabi ni Gray..is he asking me on a date?
“Ahhh…okay lang..bakit?”
“Naboboring kasi ako sa bahay..tara gala tayo”
“sige ba”
Hayyy…kahit
hindi date ito okay lang..ang mahalaga makakasama ko si Gray…sana mag Sabado na…excited much!
***
Dumating
ang araw ng Sabado. Talagang pinaghandaan ko tong araw na ito..super excited na
nga ako eh..nagpatulong pa talaga akong mamili ng isusuot na damit kay
Demi…kasi syempre gusto kong maging maganda sa paningin ni Gray.
Sa
starbucks malapit sa school ang usapan naming makikita. Mabuti nalang at walang
sumpong si Demi ngayon kaya pinahatid niya pa ako kay Mang Gusting.. yung family
driver nila.
“Enjoy your date Yesha” sabi ni Demi
“hindi naman yun date eh”
“When a guy and a girl goes out na
silang dalawa lang..date yun”
mataray na sabi pa nito.
“Whatever” kibit-balikat ko bago sumakay ng kotse… mabuti ng
makaalis at baka magtaray
na naman iyang pinsan kong bratinella.
11:00
AM ang usapan naming magkikita ni Gray. Kaso naman bakit ngayon pa
nagkatrapik!!! Asar!!! Ang dami namang araw kung kelan pwedeng magkatrapik
bakit ngayon pa?
“Mang Gusting hindi na po ba talaga
tayo makakaalis dito?” natatarantang
sabi ko
“Eh may nagbanggaan daw dun sa kanto
eh”
Hala
ka baka mainip na si Gray…
10:30
na…sana
makaabot ako bago mag 11:00. first date pa naman namin….kahit na hindi siya
officially date.
Sa
wakas eh mukhang nagkaayos din yung mga nagbanggaan dahil may mga dumating na
MMDA…kaso 11:15 na ako nakarating sa meeting place namin. Agad akong pumasok sa
loob at hinanap si Gray. Gusto ko na sanang manlumo kasi hindi ko siya makita.
Gray naman eh..15 minutes lang naman
akong late bakit iniwan mo na agad ako.
Sayang naman itong damit na binigay
sakin ni Demi…
Sayang naman itong makeup ko..
Sayang naman yung excitement ko..
Sayang naman yung….
“Yesha nandyan ka na pala”
“Gray…”
Gusto
kong umiyak kasi hindi naman pala ako iniwan ni Gray.
“Oh? Anong nangyare sayo?”
“wala..masaya lang ako”
“Bakit naman?”
“Kasi nandito ka pa..akala ko naman
iniwan mo na ako”
Tumawa
lang si Gray “grabe ka naman…di naman
ako nang-iiwan ng babae”
Shocks!
Gusto kong kiligin sa sinabi niya…iyan ba ang hindi marunong magmahal? Sira
talaga yun si Trace.
“So tara
na Yesha?”
“Tara”
Sumakay
na kami sa kotse ni Gray since nakaalis na naman si Mang Gusting.
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko sa kanya.
“kahit saan..basta pwedeng mag-enjoy”
“ikaw bahala”
Sa
may SM Megamall kami nagpunta ni Gray. Nanonood ng movie, naglaro sa time zone,
nagwindow shopping at kumain.
“Uy Gray teka lang” sabi ko at pumasok sa isang gift shop.
“Ano ito?” tanong ni Gray pagkaabot ko sa kanya ng isang
cellphone chain.
“Cellphone chain”
“Alam ko..para saan ito?” nagtatakang tanong niya.
“wala lang…souvenir…pareho tayo oh” sabi ko sa kanya at ipinakita ang chain na kinabit
ko sa cellphone ko.
“nice..sige” ikinabit din niya sa cellphone niya yung binigay ko.
“wait ka lang dyan ah” sabi ni Gray
at iniwan ako at pumasok sa loob ng gift shop.
Paglabas
niya isang teddy bear ang iniabot niya sakin.
“Para
sakin?”
“Yup..”
“Wow! Thank you..nag-abala ka pa”
“wala yun..nga pala…thank you Yesha
ah..”
“Ako nga ang dapat na magthank you sayo
eh..nag-enjoy ako”
“buti pinayagan ka ni Demi?”
“walang topak eh”
Sabay
pa kaming tumawa ni Gray dahil sa sinabi ko.
Agad
din naman akong natigilan..kahit saang anggulo talaga ang gwapo ni Gray..tapos
mabait pa. napatingin ako sa teddy bear na binigay niya.
“Naku…gabi na pala..baka hanapin ka na
sa inyo” nag-aalalang sabi ni Gray
pagtingin sa orasan.
“Oo nga..di natin namalayan ang oras
eh..enjoy kasi”
“Tara hatid na kita sa inyo”
***
“Maraming salamat sayo Gray para sa
arawa na ito..super nagenjoy ako..sa uulitin” paalam ko kay Gray ng nasa tapat na kami ng bahay nila Demi kung saan
ako nakatira.
“Oo ba..basta ba hindi ako busy at
hindi ka rin busy labas ulit tayo..ang saya mo palang kasama eh”
“Ikaw din..sige pasok na
ako..mag-iingat ka sa pagmamaneho.”
“Salamat”
Hindi
ako umalis ng gate hanggat hindi pa nakakaalis yung sasakyan ni Gray.
“Oh Gray..my Gray…” parang nangangarap na sabi ko habang nakasandal sa
gate.
“Hoy Yesha! Baka gusto mong isara yang
bibig mo at tumutulo na yang laway mo.kadiri ka!”
Nagulat
ako ng biglang may magsalita sa kanan ko. Si Demi pala. Kasama niya si Jeirick
na tumatawa lang. Gosh! Nakakahiya!
“Sorry” sabi ko at nakayukong tumakbo papasok ng bahay.
Bakit
naman kasi nasa garden sina Demi eh..pwede namang sa sala. Nakita pa tuloy nila
ang kagagahan ko.
***
Ilang
beses pang naulit ang paglabas labas naming iyon ni Gray.. inaaasar na nga kami
ng barkada eh..pero ngiti lang ang sinasagot ko at isang tumataginting na “MAGKAIBIGAN LANG KAMI”. Eh sa iyon
naman ang totoo eh..wala naman talaga kaming relasyon ni Gray. He’s just being
nice to me… ako lang naman ang nagmamahal eh..ako lang.
***
[Gray’s POV]
Pagkahatid
ko kay Yesha ay dumiretso na ako sa condo ko. Ako lang mag-isa ang nandito mula
ng humiwalay ako kina Mommy at nagfeeling independent.
“Salamat naman at dumating ka din”
“Trace?”
Pagbukas
ko kasi ng ilaw ay naabutan kong nasa loob ng condo si Trace. May sariling susi
kasi siya ng condo since madalas siyang tumambay dito kahit wala ako.
“Kanina pa ako naghihintay sayo”
“Grabe ka naman..daig mo pa ang asawang
naghihintay sa pagdating ng mister niya” natatawang asar ko sa kanya habang naghuhubad ng sapatos at ibinato ang
hinubad kong tshirt sa kanya.
Pero
hindi ako pinatulan ni Trace. Inilapag lang niya sa gilid yung binato kong
tshirt.
“seryoso ka yata?” puna ko sa kanya.
“Anong plano mo kay Yesha?” diretsang tanong ni Gray.
“Wooh! Grabe naman..masyado kang
mabilis” tumatawang sabi ko at
iniwas ang mata sa kanya.
“Gray kung may balak kang paglaruan si
Yesha..itigil mo na”
“Magkaibigan lang kami ni Yesha” balewalang sabi ko at kumuha ng beer sa ref.
“Tigilan na nga natin ito Gray. Huwag
mong idamay si Yesha sa galit na nararamdaman mo”
“Bakit ba ang kulit mo?! Sinabing
magkaibigan lang kami eh..ang hirap mong umintindi!” galit na sabi ko.
“Tsk! Siguraduhin mo lang
Gray…siguraduhin mo lang”
Iyon
lang at nilayasan na ako ni Trace at pabalibag na isinara ang pinto ng condo.
Asar
na ibinato ko naman ang hawak na lata ng beer sa sobrang asar.
Porket
ba naging sila lang ni Richelle kung umasta siya sakin akala mo kung sino na
siyang magaling at hindi manloloko. If I know hindi rin naman niya sineseryoso
si Richelle eh.
Kilala
ko iyang si Trace. Madaling magsawa iyan sa babae. Kaya alam kong darating ang
time na iiwanan din niya si Richelle… katulad ng pag-iwan niya sa ibang babae.
Pareho
lang kami… kaya nga kami magkasundo eh.
Kaya
wag siyang magmalinis at magmagaling sakin.
I
won’t buy that.
***
>>> CHAPTER 22 HERE
Nice! Nagkaroon din ng moment yung dalawa. Ang cute. Ang nice ni yesha unlike her mean cousin.
ReplyDeleteSana mabilis ang update.
ReplyDeleteYou can call me honey pala. =D
hi Honey..sorry for the late updates...thank you for reading my story..
Deleteoo nga, nagkaroon din yung sina yesha at grey.
ReplyDeletena miss mo ba comments ko ate? well,eto nah.. babawi lang ako sa more than 2 weeks na wala ako..
ReplyDeletehndi nagpapahuli ang cousin ko!! mei date sya!! well dahil pinsan kita,support ako diyan.. good thing hndi ako dinalaw ng topak ko.. haha..
awhh!! ang SWEET ni gray!! pero teka wats this, i smell something fishy.. hahah.. secrets.. mysteries.. like ko yan!
at talagang caught in action si yesha sa kagagahan nya!! hahaha.. u go gurl..
i miss your comment baby demi :)
Delete