[ The New Girl ]
[Jiyeon’s POV]
Tirik
na ang araw ng makarating ang barkong sinakyan ko papuntang Maynila. Agad na
nagsibabaan ang mga pasahero upang salubungin ang mga susundo sa kanila.
Nakisabay na din ako sa kanila. Ayokong mapag-iwanan eh.
Nang
makababa ako ng barko ay tumabi muna ako sa gilid. Itinabi ko din ang maletang
dala ko upang hindi makaistorbo sa ibang pasaherong bumababa. At dahil
nakakangawit tumayo eh ginawa kong upuan yung maleta ko habang hinihintay kung
sino ang susundo sakin.
“Hay!!! Ito pala ang Maynila. Nasa
ovary palang siguro ako ni Inay pangarap ko ng makarating dito” sabi ko at pasimpleng luminga-linga sa paligid upang
hanapin ang posibleng susundo sakin.
Mayat-maya
ay napapatingin ako sa relo ko at napapapitlag sa tuwing may palapit sakin.
“wala na yatang susundo sakin ah…mag-iisang
oras na akong naghihintay dito. Gutom na gutom na ako”
Kagabi
pa mula ng huli akong kumain at pasado alas dose na ng tanghali kaya siguro
gutom na gutom na ang mga alaga ko sa tyan.
Konti
nalang ang taong natitira dito.
Paano
kung wala na ngang sumundo sakin?
Paano
kung may masamang loob na lumapit sakin?
Paano
na ako dito sa Maynila? Mapupunta nalang ba ako sa mga prostitution?
“Hay naku Jiyeon tigilan mo nga iyang
pag-iisip mo ng kung ano-ano okay?” saway
ko sa sarili ko.
Mawawalan
na sana ako ng
pag-asa ng may isang itim na kotse ang huminto sa tabi ko. Bahagya naman akong
naalarma kasi baka sindikato ito at balak akong kidnapin.
“Naku po..wala akong pera..mahirap lang
po ako.” At itinakip ko ang kamay ko
sa mukha ko ng may bumabang isang babae at lalaki sa kotse.
Ganun
nalang ang gulat ko ng bigla nalang silang tumawa. Tinignan ko naman sila ng
puno ng pagtataka.
Isang
babaeng sa tingin ko ay matanda lang sakin ng isa o dalawang taon at isang
lalaki na kasing edad ko or matanda sakin ang nakita ko.
Meaning..mga
estudyante lang itong mga ito.
“Jiyeon ikaw na ba iyan? Ako ito si
Richelle..pinsan mo ako” pakilala
nung babae at bigla ba naman akong niyakap?
“Richelle?? Ahh…oo yata pinsan nga yata
kita..pasensya na ah..di kita makilala hilo
na kasi ako sa gutom” reklamo ko at
bahagyang hinimas ang tyan.
Agad
naman siyang humingi ng paumanhin sakin.
“Pasensya ka na ah. Naipit kasi kami sa
trapik. Alam mo naman dito sa Maynila. By the way this is my boyfriend Trace” pakilala nito sa lalaking kasama “Bheb, si Jiyeon pinsan ko…actually second cousin”
“Hi Jiyeon, welcome to Manila” sabi nung boyfriend nung pinsan ko at nakipagkamay
sakin.
Wow
ah..magaling pumili si Insan…saksakan ng gwapo ang boyfriend niya. At mukhang
mayaman at mabango pa.
“Bheb, pakitulungan naman si Jiyeon sa
mga luggage niya” sabi ni Richelle
at tinignan ang mga dala kong maleta.
Akmang
bubuhatin naman na ito nung boyfriend ni pinsan pero pinigilan ko siya.
“Ako nalang..kaya ko na ito” sabi ko at sinimulang buhatin ang mga maleta ko
papunta dun sa compartment ng kotse.
“ako na Jiyeon” pigil ni Trace at siya na ang nagbuhat ng gamit ko.
Sumakay
naman na kami ni Richelle sa loob ng kotse. Sa unahan siya, sa likod naman ako.
Teka
nga…hindi ko pa pala naikukwento kung sino ako at anong ginagawa ko dito sa
Maynila…at kung anong ginagawa ko dito sa kwentong ito.
Ako
nga pala si Jiyeon…laking probinsya ako…pero sa totoo lang..hindi ko alam kung
bakit Jiyeon ang pangalan ko. Ang sabi nun ni Inay..si tatay daw ang
nagpangalan sakin. Isang seaman si tatay nung nabubuhay pa siya…at nung minsan daw
na nagpunta sila ng Korea
ay may nakilala siyang isang cute na cute na bata na ang pangalan ay
Jiyeon..habang ipinagbubuntis ako ni Inay… ayun… kaya nung pinanganak ako..iyon
na ang ipinangalan sakin… nag-iisang anak lang ako… bata pa lang ako nung
namatay si Tatay. Halos di ko din naman siya nakasama gawa nga ng trabaho niya…kaya
kaming dalawa lang ni inay ang laging magkasama….at nitong nakaraang buwan nga
ay pumanaw na si Inay.. kaya napilitan akong lumuwas ng Maynila para makitira
dun sa nag-iisang kamag-anak ni Inay.
Naputol
ang pag-iisip ko ng maramdaman kong kumulo na naman ang tyan ko. Gutom na
talaga ako.
“Ahhh Richelle, malayo pa ba ang bahay
niyo?” di na nakatiis na tanong ko.
“Actually Jiyeon..hindi muna tayo
didiretso sa bahay… may dadaanan muna tayo”
“Hah??? Malayo?” Gutom na gutom na ako eh.
“Hmmm..
medyo malapit lang naman…why?”
“Gutom na
kasi ako” di na ako nahiyang
magsabi. Aba?
Eh kesa naman mamatay ako sa gutom diba?
“Ahh ganun
ba? Sorry…sige magdrive thru nalang tayo kapag may nadaanan tayo..tapos dun ka
nalang kumain sa pupuntahan natin kasi birthday nung isa kong barkada eh”
Pwede na yun.
“Sige..salamat”
Nang may madaanan kaming fast food chain ay nag-order
na nga ng pagkain yung boyfriend ni Richelle. Siya na din nagbayad. Infairness
ang bait niya.
“Pasensya
ka na muna dyan Jiyeon ah..pagdating nalang dun sa house ng friend ko ikaw
kumain ng madami” hinging pasensya
ni Richelle sakin nung iabot niya sakin yung hamburger, large fries at large
coke.
“Sus…wala
yun..ang dami na nga nito eh..saka okay lang bihira naman ako makakain ng
ganito samin. Masyado kasing malayo ang bayan samin eh.” Sabi ko at sinimulang kainin ang bigay niya.
“Richelle..hindi
ba nakakahiya dun sa friend mo kung isasama mo ako?” tanong ko sa pagitan ng pagnguya.
“Ha? Of
course not..dont worry mababait ung mga yun..besides pinsan naman kita.. diba
Bheb?’’ baling nito sa nobyo.
“Yup..dont
worry Jiyeon..hindi sila nangangagat”
“Okay..sabi
niyo eh.”
+ + +
Matapos ang mahabang biyahe..at natapos ko na ding
kainin yung binili naming food kanina eh nakarating na kami dun sa bahay ng
kaibigan ni pinsan… grabe..hindi nga yata bahay ang tawag dun eh..parang
palasyo.
“We’re
here” anunsyo ni Richelle at
nagpauna ng bumaba.
Sumunod naman kami ni Trace sa kanya. Iniwan ko
nalang dun sa kotse yung dala kong maleta.
Isang unipormadong guard ang nagbukas sa amin nung
gate matapos naming magdoorbell.
“Big time
pala yung kaibigan mo pinsan”
humahangang sabi ko. Sa mga palabas sa TV lang kasi ako nakakakita ng ganito
kaganda at kalaking bahay eh.
“Masanay ka
na” natatawang sabi ni Richelle. “isa pa lang yan..madami pa akong kaibigan”
“wow
ah…pero di ba nakakahiya ang suot ko? Birthday party ito diba?” simpleng tshirt at kupas na pantalon lang ang suot
ko. Idagdag pang pakiramdam ko amoy pawis na ako.
“It’s okay
Jiyeon..makikita mo normal lang din ang suot ng mga tao dito..like us” sabi ni Trace.
Pinagmasdan ko ang damit nila ni Richelle. Kung sa
kanila normal lang ang suot nila..para sakin panglakad na iyon…at saka yung
damit ni insan ..ang sexy… mukha akong katulong kapag idinikit sa kanya.
Inakbayan naman ako ni Richelle.
“Don’t
worry cousin…akong bahala sayo..ang besides..walang mang-aaway dito
sayo..mababait sila…I swear”
Medyo napanatag naman ako.
“okay sige”
Isang unipormadong maid ang sumalubong samin.
“where are
they manang Ising?” tanong ni
Richelle.
“they are
outside at the pool area Miss Richelle” sagot nung katulong.
Wow!!! Spokening dollar pala ang katulong dito eh.
Iniwan din naman agad kami nung katulong.
Suplada.hehe.
Dumiretso naman kami kung saan yung pool area na
sinasabi niya.
Muli ay nakaramdam ako ng pagkailang. Mas mukhang
disente pa yata sakin yung maid eh.
“Jiyeon..relax”
nakangiting sabi ni Trace sakin.
Naramdaman niya sigurong natetense ako “hindi
ka bibitayin dito”
“okay” sabi ko at huminga ng malalim.
Mga
sampung tao lang ang naabutan namin sa pool. Mabuti nalang. Akala ko madaming
bisita eh.
“Happy birthday Jeirick!!!!!” sigaw nina Trace at Richelle at nilapitan ang isang
lalaki.
Diyos
ko…napakagwapong lalaki naman nitong nasa harapan ko. Akala ko si Trace lang
gwapo pero maging ang ibang kaibigan din pala nila ay saksakan din ng gwapo.
“You’re late” nakangiting sabi nung lalaking may birthday. Natulala
nalang ako habang nakatingin sa kanya. Napakaamo ng mukha niya…mukha siyang
anghel.
“pasensya na..something came up” hinging-paumanhin ni Richelle.
“Excuse me miss..who are you?” nagulat ako ng biglang may isang magandang babae na
sumulpot sa tabi ko… hindi ko napansin kung saan siya nagmula.
Napatingin
tuloy sakin lahat ng tao dun. Nakakahiya.
“are you lost?” tanong pa ulit nito. ..ang taray ng dating niya..
ito ba ang mababait na sinasabi ng pinsan ko?
Agad
na nilapitan naman ako ni Richelle.
“Guys…everyone..this is Jiyeon..she’s
my cousin from the province.. sinundo ko pa kasi siya kaya nalate kami ni
Trace.” Pakilala sakin ni Richelle
at inakbayan ako… kaya medyo nagging at ease naman ang pakiramdam ko. “Jeirick okay lang naman na dinala ko siya dito
diba? Galing pa kasi kami ng terminal eh”
“Sure,,,no problem” nakangiting sabi nung Jeirick. Gosh! Ang gwapo
talaga.
Kaso
parang biglang naguho ang lahat ng ilusyon ko ng lapitan ito at yakapin nung
malditang babaeng sumita sakin kanina. Girlfriend niya kaya yun o asawa? Pwes..hindi
sila bagay! Hmfpt!
“Everyone..i’d like you to meet my
cousin Jiyeon… be nice to her okay?”
“Hi Jiyeon.. I’m Regine..bestfriend ako
ng pinsan mo… ito naman si Paul.. boyfriend ko” pakilala nung cute na babaeng palangiti. Ang cute
niya kasi may dimple siya sa pisngi…saka yung boyfriend niya…gwapo din.
“Hi Jiyeon” bati nung Paul.
“Ako naman si Marky…single pa ako” pakilala naman nung isang lalaki at lumapit sakin at
nakipagkamay. “ikaw? Single ka pa?’’
“Ah..oo”
“good..hehe”
“tumigil ka nga dyan…” sita dito nung isang babae…o babae nga ba?
Nakabaseball cap kasi siya eh….pero maganda naman siya… mas maganda siya kesa
dun sa babaeng maldita.
“Jhonah” pakilala nito. “welcome
to the club”
“thank you.” Gusto ko siya
promise!!!!
Isa-isa
silang nagpakilala sakin.
“Yesha” mukhang
tahimik.
“Earl” mukhang
suplado. Hindi man lang ngumiti.
“Gray” sobrang
gwapo..mukha na tuloy babae.
“Jeirick” ahhh…eto crush
ko..kaso may girlfriend na demonyita.
“Demi” maganda sana at sexy kaso ang
sungit. Hmfpt!
“Teka..asan si Laxus?” tanong ni Richelle.
“Here” mula sa likod ay may nagsalitang lalaki.
“Jiyeon..this is Laxus” pakilala ni Trace.
Pakiramdam
ko may bumabang Olympus God sa lupa nung makita ko siya.
Ang
gwapo…ang macho…lalaking-lalaki.
“Wala bang panget sa inyo?” di ko mapigilang itanong.
Halos
lahat kasi sila magaganda at gwapo eh. Kahit saan ako tumingin.
“wala eh. Bawal ang panget dito… nasa
harapan mo na ang gwapo bakit maghahanap ka pa ng panget?” sagot nung Laxus.
Parang
lahat ng good things niya biglang naglahong parang bula.
Ang
sama ng ugali!
“Ganun? So bawal pala ako dito?” biglang sabi nung Yesha.
Mukhang
siya yung pinakamaliit sa kanila.
“Hindi ka panget Yesha” kontra nung lalaking mukhang babae sa sobrang gwapo.
“Ayiiieeeee…dumadamoves” pang-aasar dito nung Jhonah. Mukhang siya yung
malakas mang-asar dito eh.
“Ang unfair talaga ng mundo noh? Gaya
niyo…magaganda…gwapo..at mayayaman pa…samantalang sa amin..naku! wala ka man
lang makitang gwapo… bakit ba kasi kayo nagtatago dito?” di ko napigilang bulalas dahilan para mapangiti
sila.
“hey Richelle..i like your cousin” tumatawang sabi nung Marky.
“Pwede bang maupo? Kanina pa ako
napapagod eh” tanong ko. Sakit na ng
paa ko.
“Sure..sorry” at naghila pa ng upuan yung si Jeirick para ibigay sakin.
Ang
gentleman naman..sayang…sige na hindi ko na siya crush…may girlfriend na siya
eh..baka pag nalaman ng girlfriend niya na crush ko yun eh kalbuhin pa ako nun.
“Saang province ka ba galing?” tanong nung Gray.
“Samar”
“Ahh I see.”
“Alam niyo ba dun sa probinsya
namin..ako na ang pinakamaganda… nanalo pa nga akong Miss Samar .. Akala ko
sobrang ganda ko na..pero nung Makita ko kayo..parang bigla akong nanliit sa
sarili ko..milya milya ang layo ng kagandahan niyo sakin. Magmumukha akong basahan
sa inyo.”
“Simplicity is beauty” sabi nung lalaking masungit.
“hindi ka ba talaga ngumingiti?” di ko napigilang itanong. Halata namang nagulat siya
sa tanong ko. Maging yung iba naming kasama.
Bakit?
Masama na bang magtanong?
Binulungan
naman ako ni Richelle.
“Don’t try to mess with him…he’s like a
living hell”
“Ganun? Sorry”
“Wag mong intindihin yun… kapag inaway
ka niyang lalaking iyan sumbong mo sakin” sabi ni Jhonah.
“Bakit anong gagawin mo?” supladong tanong naman nung si sungit prince.
“Wala…sinabi ko lang naman sumbong niya
sakin ah”
“Hay naku Jiyeon wag mo nalang pansinin
yang dalawang iyan. Mga abnormal yan eh” sabi sakin ni Regine.
“Hehe… mukha nga”
“Bakit ka nga pala nandito sa Maynila?” tanong sakin ni Gray.
Mukha
ba akong kakaibang species at pinagkakaguluhan nila ako?
“Namatay kasi ang nanay ko. Kaya dito
na ako titira sa bahay ng pinsan ng nanay ko.”
“Ahh okay I see… Condolence”
“kain ka Jiyeon” yaya sakin ni Jeirick.
“Thanks” gwapo talaga.
Tsk! Sayang!
“Kung gusto mong magswimming..pwede
rin…marunong ka bang magswimming?”
“Ano ka ba naman hon…natural laking
probinsya yan kaya malamang marunong lumangoy iyan” singit ng nobya nito.
“Oo naman ako pa…walang makakatalo
sakin sa paglangoy.dagat pa ang nilalangoy ko..kayo swimming pool lang. talo
kayo sakin” pagmamalaki ko.
Hindi
sinasadyang napatingin ako sa pool ng biglang may nagdive sa tubig.
Yung
lalaking Olympus god kaso saksakan ng sama ng
ugali ang nagsuswimming. Para akong nanonood
ng sine sa nakikita kong tanawin.
“Uy! Crush mo” untag sakin ni Jhonah at bahagya pang binunggo ang
balikat ko.
“Sino??” pagmamaang-maangan ko kahit na alam ko kung sino ang
tinutukoy niya.
“Weeh? Ayun oh…kung nakakatunaw lang
ang tingin kanina pa nalusaw iyang si Laxus” pang-aasar pa nito.
“Ha??? Hindi ko crush yun ah.ang yabang…iba
yung crush ko” nakasimangot na sabi
ko at kumuha ng barbeque na nakahanda sa mesa.
“Sino?”
“Ayun oh” sabi ko at ininguso si Jeirick.
“Ay! Wag na yan..kakalbuhin ka ng jowa
niyan…”
“Mukha nga”
“Kay Laxus ka nalang…walang girlfriend
yan”
“Tse! Masama kasi ugali niyan kaya
siguro walang girlfriend”
Ewan
ko ba parang ang init ng dugo sa kanya. Ang yabang kasi saka parang matapobre
pa.
“You know what…I think I’m gonna like
you” nakangiting sabi niya at iniwan
ako.
Pakiramdam
ko mapanganib yung ngiting iyon eh….ahhh bahala na. She looks nice naman.
“Hey…anong sabi sayo ni Jhonah? Inaaway
ka ba?” tanong sakin ng pinsan ko ng
makalayo sakin si Jhonah.
“Ha? Hindi…wala yun.. mukha naman
siyang mabait eh”
“Yeah right..she’s nice and kind…” napatingin ito sa pinag-uusapan namin “..pero ingat ka…she’s dangerous you
know…but not in a bad way naman.. parang there’s something in her na di mo
kayang iexplain…ahhh basta… she’s also one of my bestfriend.. kaso hindi niya
ako kinakausap ngayon…”
“Ha? Bakit? Nag-away kayo?” Kaya pala hindi niya sinabing bestfriend siya ni
Insan. Yung Regine lang ang nagpakilalang bestfriend. Magkagalit pala sila.
“Not necessarily away..tampuhan lang
naman”
“Bakit?”
“Well…ayaw niyang maging kami ni Trace”
“Ha? Bakit naman..mukha namang mabait
iyang boyfriend mo eh”
“I don’t know…maybe she has her own
reasons ..sometimes.. I really cant understand the way she thinks eh…” tumayo na si Richelle “ anyways… enjoy the party.. mamayang gabi na tayo umuwe.”
“Ahhh nasaan ba ang restroom ditto?
Kanina pa ako nawiwiwi eh.”
“Just ask the maid kung saan ang
restroom..pasok ka dun sa loob”
“Okay..sige”
“Bakit
kaya sila nag-away? Hmm..mukhang interesting ang mga tao dito ah” sa loob-loob ko habang papasok ako ng loob ng
malapalasyong bahay.
+
+ +
>>> CHAPTER 23 HERE
s wkas!!!!! nagpakita n aq!!!! ang saya-saya!!!!! at pinsan q p si ate richelle! hohohhhhohhoohoohoo!!!!!!! ang kulit ni marky, ngaun p lng kinikilig na aq!!!!!!1
ReplyDeletengaun gbi q n lng ncheck ito kya nmn nde p aq mkkpagcommnt s next chpter dhil kelngan n mtulog!!!! huhhhhhuhhhuhhuuuhuhuu!!!!!! abang-abng n lang aq!!!!
ReplyDeleteat first palang,tawa much na ako sa kanya.. LOL..
ReplyDeletei think im gonna like the new gurl.. she seems so funny and nice.. ang honest pa.. well its a good thing that she speaks her mind,i like that about her..
0_0 ohh emmm giii!!! birthday pala ni jeirick mylabs ko!! shock ako dun..
at censya na, una pa lang nkatikim ka na ng mala razor sharp na dila ko.. hahah.. WAIT,parang binabawi ko na i like her.. mei crush sya kei mylabs ko,hndi pwede!! hahaha.. definitely no way!..
si laxus,olympus?? hmmn,pwede na rin.. haha.. nakalunok nga lang ng vacuum cleaner..
hahahaha...tawa much :)
ReplyDelete