[ The Promise]
[Jeirick’s
POV]
Nandito ako ngayon sa bar. Tinext kasi
ako ni Laxus na magkita daw kami. May problema yata si mokong.
Naabutan ko siyang mag-isang nakaupo sa
bar counter.
“Hey
bro! what’s up” bati ko
sa kanya at marahang tinapik siya sa balikat. Pansin kong may baso na ng alak
sa lamesa niya.
“Yow!”
“Problem?”
I seat at his side and ordered a light
drink. Ayokong maglasing.
“Bro…bakit ganun? Bakit ang sakit
sakit?” simula ni Laxus.
Hindi
ko naman alam kung anong dapat sabihin kaya nanatili lang akong tahimik at
nakikinig sa kanya.
“Anong masakit? Ulo mo? Mukhang madami
ka ng nainom eh” tinangka ko pang
magbiro.
“Hindi bro..eto oh…eto” sabi ni Laxus at hinampas hampas pa yung dibdib
niya.
Nagetz
ko naman ang ibig niyang sabihin. Pero I didn’t expect lang na makikita siyang
ganun.
“What is it Laxus?”
“Jeirick…hindi ko siya niligawan kahit
gustong gusto ko siya..kahit na mahal ko siya kasi nangako ako sayo. Nangako
akong hindi ako manliligaw kahit kanino sa kanila para hindi magkaroon ng
problema… pero Tol…bakit ang sakit sakit makita siya na pag-aari na ng iba?
Pesteng pangako kasi iyan eh!”
Nanatili
akong tahimik. Partly may kasalanan ako kung bakit nagkakaganito si Laxus. Kaya
hindi ko alam kung anong dapat sabihin sa kanya.
Isang
pangako….
Dahil
sa isang pangako.
=flashback=
15
years old palang kami nun. 4th year highschool. Panahon kung saan
uso ang mga ligawan..syota…asaran…
“Uy tol balita ko nililigawan mo daw si
Vanessa ah..yung taga section 3?” tanong
ko kay Laxus.
“Ano ka ba tol…break na kaya kami
nun..huli ka na sa balita.”
“Hala..eh kanina ko nga lang nalaman na
nililigawan mo tapos ngayon break na kayo?..tindi mo tol” nailing na sabi ko.
“Ganun talaga ang mga gwapings” pagyayabang niya pa sakin.
Kilala
bilang babaero si Laxus sa school namin, hindi ko nga din maintindihan kung
bakit hinahabol iyan ng mga babae kahit alam nilang babaero. Sa amin kasing
magkakabarkada… si Laxus ang parang naunang magbinata… siya ang pinakapopular
nun sa eskwelahan.. laging inilalaban sa mga contest ng pagwapuhan.
“ikaw na tol… ikaw na”
“kuya!!!!” napalingon kami s atumawag sa akin.
Ang
kapatid kong si Jhonah kasama ang mga kaibigan nitong sina Regine at Richelle
ang papalapit sa amin.
“Hoy! Bulinggit!” pang-aasar ni Laxus dito.
“Panget” ganti naman ni Jhonah
“anong panget ka dyan..mamaya marinig
ka ng mga fans ko magalit sayo yun”
“Ewan ko sayo…..kuya libre mo kami ice
cream” paglalambing ni Jhonah sakin.
“Oo nga kuya Jeirick…libre mo kami…si
Jhonah kasi ayaw manlibre eh...highest score siya kanina sa test” segunda naman nina Regine at Richelle.
“Oy teka nga..kelan ko kayo naging
kapatid ah?”
“Ngayon lang”
“May klase pa kami eh…kayo nalang”
“Pengeng pera”
“itong bulinggit na batang ito mukhang
pera” pang-aasar ni Laxus sa kapatid
ko at ginulo pa ang buhok nito.
“Tigilan mo nga ako panget”
Dumukot
ako ng pera sa wallet ko.
“Oh ito na..lumayas na kayo..darating
na teacher naming…congratz dahil highest score ka sa exam”
“Sus! Anong bago dun? Eh kalahi yata ni
Einstein yang kapatid mo” nailing na
sabi ni Laxus
Tuwang-tuwa
naman yung tatlo sa ibinigay kong pera. Sadyang kuripot lang talaga iyang
kapatid ko. Ayaw gumastos.
Napansin
kong sinusundan ng tingin ni Laxus yung tatlong papalayo.
“hoy!” untag ko sa kanya dahilan para mahulog siya sa
upuan.
“Tol naman eh”
“Ang layo ng tingin mo eh..baka matunaw
yun”
“Sira”
Nagseryoso
ako ng mukha.
“Laxus…”
“Oh?”
“Mangako ka sakin..”
“Ng ano?”
“Mangako ka..na kahit anong
mangyari…hindi mo liligawan ang kahit sino sa tatlong iyon…mangako ka”
“Ha? Okay ka lang?”
“Mangako ka” mariing sabi ko.
“Fine! Hindi mo kailangang sabihin
sakin iyan..dahil wala naman akong balak ligawan kahit sino dun sa tatlo”
Saka
lang ako nakahinga ng maluwag.
“Mabuti kung ganun”
=end
of flashback=
“Alam mo ba kung gaano ko katagal
itinago ito sa dibdib ko tol? Matagal na..bago pa man ako mangako sayo nun..may
gusto na talaga ako sa kanya…kaso torpe ako eh..pagdating sa kanya nahihiya
ako…mula kasi pagkabata kilala ko na siya..we almost grew up together…sa
sobrang tagal naming magkakilala nawalan ako ng loob na sabihin sa kanyang
gusto ko siya..na mahal ko siya..pero ang sakit sakit palang makita siya sa
iba…ang sakit dito..”
Tinapik
tapik ko nalang sa balikat si Laxus. Sa tagal naming magkakilala ngayon ko lang
siya nakitang nagkaganito kaya seeing him like this..masakit din para sa akin
bilang kaibigan niya.
“Mahal ko siya tol…mahal ko si…Richelle” napayukyok nalang si Laxus sa ibabaw ng mesa.
Nakatulog
dala ng sobrang kalasingan.
Kinuha
ko ang cellphone ko at idinayal ang numero ng kapatid ko.
“hello Jhonah? Pumunta ka nga dito sa
bar ni Tito Jake sa Makati…
wag ka na magdala ng kotse…magtaxi ka nalang”
“Kuya..paano ako magdadala ng kotse eh
hiniram mo kaya kotse ko”
“Oo nga pala” nasa talyer kasi ang sasakyan ko. Nabangga kahapon.
“Basta pumunta ka nalang dito.. now
na..bilisan mo”
“Bakit ba? Anong meron? Lasing ka? Di
ka makauwe?”
“Hindi ako..si Laxus”
“Ha? Si Laxus? Lasing?”
“Oo..kaya pumunta ka dito..ikaw
magdrive ng kotse mo..ihahatid ko si Laxus sa kanila.”
“Bakit pa? puntahan mo nalang sa itaas
si Tito Jake… dyan mo muna palipasin ang kalasingan niyan ni Laxus… wag na kayo
umuwe. Ayokong pumunta dyan. Gabi
na..baka makidnap ako”
“Hay naku kahit kelan ikaw bata ka wala
akong maasahan sayo”
“Sige na kuya babye na..matatalo na ako
ni Earl oh”
“Magkasama kayo ni Earl?” gulat na tanong ko.
“Oo. Hinihintay ka niya eh habang wala
ka pa hinamon ko muna siyang maglaro ng Xbox.”
“Asus! Kaya naman pala ayaw mo ng
lumabas eh..andyan si Earl” pang-aasar
ko sa kanya.
“Kuya!!! Ang epal mo! Babye na!” at pinatay na niya ang telepono at kinausap ang
bartender.
“Nandyan ba si Tito Jake?”
“Si Sir Jake po? Nasa itaas po”
“Pwede pakisabi nandito si Jeirick?
Pamangkin niya ako”
“Sige po.
Muli
kong pinagmasdan ang tulog na si Laxus.
“I’m
sorry tol”
*
* *
♪♪♫ Silent night! holy night!
All is calm all is bright
Round yon virgin mother and child
Holy infant so tender and mild
Sleep
in heavenly peace
Sleep in heavenly peace♫♪♪
Sleep in heavenly peace♫♪♪
Nakatitig
ang batang lalake sa batang babaeng kumakanta sa simbahan. Hindi niya maialis
ang tingin niya dito… Christmas week noon at naisipan ng magulang niya na
bumisita at magpalipas ng pasko sa lola niya…at ngayon nga ay nasa simbahan
silang buong pamilya. First time ni Gray na magcelebrate ng Christmas sa
Pilipinas. Kaya naman medyo tahimik lang siya. Nalulungkot kasi siya dahil
hindi niya nakasama ang mga kalaro niya sa America.
Habang
abala ang mga magulang sa pagkausap sa mga kakilala ay naglibot libot muna ang
batang lalake sa paligid ng simbahan. Napansin niya ang isang batang nakaupo
lang sa labas ng simabahan. Ito yung batang babaeng kumakanta kanina.
Dahan-dahan
siyang lumapit dito.
“ahhhmmm excuse me?”
tanong niya paglapit dito.
“Anong kailangan mo?” sagot
nung batang babae.
“Are you crying? Are you lost?”
magkasunod na tanong niya. Hindi niya alam kung naiintindihan ba siya nung
bata. “Do you understand English?”
“Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo.
Nawawala ka ba? Dun ka magtanong sa pulis” sagot nung bata.
He
can understand Tagalog dahil minsan iyon ang salita sa bahay nila sa America kaya
naman his parents see to it na marunong siyang magsalita ng sarili niyang wika.
“Hindi ako nawawala. Baka ikaw iyon?” sagot
ng batang lalake.
“Marunong ka naman palang magtagalog eh.
Hindi ako nawawala. Tagarito ako eh.”
“Talaga? Napanod kitang kumanta kanina.
Ang galing mo”
Bumakas
ang lungkot sa mukha ng batang babae.
“Hindi naman ako napanood nila Inay at
Itay.”
“It’s okay.. I’m sure they will be proud
of you.” Sabi ng batang lalake at nginitian yung
batang babae.
Sa
wakas ay nakita ko ding ngumiti siya. Ang cute cute niya. Sana lagi nalang siyang ngumiti.
“What’s your name? Im---“
bago pa niya masabi ang pangalan niya dun sa bata ay may isa pang batang babae
na lumapit dito. The new girl looks like a spoiled brat.
“Where have you been?! Mom is looking for
you all over the church! I want to go home!” maktol
nito.
Napayuko
nalang yung batang babaeng kausap ko.
“Sorry”
Bago
tuluyang umalis ay ngumiti pa muna sa batang lalake yung batang babae.
“Sayang I didn’t have a chance to ask her
name.” nasabi niya sa sarili. “Will I ever see her again?”
***
[Gray’s
POV]
Napabalikwas ako ng bangon. Panaginip
lang pala. Hindi ko maintindihan kung bakit parang madalas ko yatang
mapanaginipan ang pangyayaring iyon sa buhay ko. That was a very long time ago.
Six years old palang yata ako nun or seven. Anong reason at bakit
napapanaginipan ko na naman siya?
Dahil naputol na din naman ang tulog ko
ipinasya ko nalang na bumangon na.
It’s already 7:00 in the morning. 10:00AM
pa naman ang pasok ko sa eskwela.
Nagulat pa ako ng biglang tumunog ang
doorbell sa labas ng condo unit ko.
Sino naman kaya itong posibleng nang-iistorbo sakin?
Baka yung katabi kong unit na naman. Baka
manghihingi na naman ng asukal.
Without bothering to put my t-shirt on at
tanging boxer shorts lang ang suot ay binuksan ko ang pinto para lang mashock
sa kung sino ang makikita ko.
“Yvette?”
“Hi
Gray… it’s nice to see you again”
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong
sabihin sa kanya. I just stood there looking at her as if I’ve seen a ghost.
Well actually I really think she’s a
ghost.
“Hindi
mo ba ako papapasukin?”
nakangiting tanong niya.
“Sorry…pasok
ka”
Nang makapasok si Yvette ay nag-excuse
muna ako sa kanya upang magsuot ng t-shirt.
Prente na siyang nakaupo sa sofa ng
bumalik ako.
“Drinks?”
alok ko.
“No
thanks”
“What
do you want?” tanong ko
sa kanya.
“I
need your help Gray…. I want Trace back” mariing wika ni Yvette.
***
>>> CHAPTER 24 HERE
KakaAwa nmAn c LaXus,,, pangAko panGAkO kasi,,, maHaL nmAn pLa c richELLe,,,, haiiiii,,,,
ReplyDeletesi LAXUS??? seryoso?? sya bah toh?? ibang iba pala sya pag lasing.. and mahal nya si ate RICHELLE?? dba parang mgbestfriend na ang dalawang to?? oh em gii!! this is new!! that's noted.. hahaha.. he's a man of his word kasi eh,kaya he cant break his promise.. naks naman.. and si earl ha,dumadamoves na nman kei ate jho.. hahah
ReplyDeletei guess kami talaga yun ni yesha!! so noon pala ngkita na kami este sila pala ni gray..
hahah.. tinadhana..
and sino tong bagong salta?? a ceratin yvette?? sensya na po at madami na kami rito sa story,bawal nang umepal.. hahaha!.. why is it that they know each other?? well,taken na po si trace.. huli ka na sa pila.. hahah..
────────────────────░███░
ReplyDelete───────────────────░█░░░█░
──────────────────░█░░░░░█░
─────────────────░█░░░░░█░
──────────░░░───░█░░░░░░█░
─────────░███░──░█░░░░░█░
───────░██░░░██░█░░░░░█░
──────░█░░█░░░░██░░░░░█░
────░██░░█░░░░░░█░░░░█░
───░█░░░█░░░░░░░██░░░█░
──░█░░░░█░░░░░░░░█░░░█░
──░█░░░░░█░░░░░░░░█░░░█░
──░█░░█░░░█░░░░░░░░█░░█░
─░█░░░█░░░░██░░░░░░█░░█░
─░█░░░░█░░░░░██░░░█░░░█░
─░█░█░░░█░░░░░░███░░░░█░
░█░░░█░░░██░░░░░█░░░░░█░
░█░░░░█░░░░█████░░░░░█░
░█░░░░░█░░░░░░░█░░░░░█░
░█░█░░░░██░░░░█░░░░░█░
─░█░█░░░░░████░░░░██░
─░█░░█░░░░░░░█░░██░█░
──░█░░██░░░██░░█░░░█░
───░██░░███░░██░█░░█░
────░██░░░███░░░█░░░█░
──────░███░░░░░░█░░░█░
──────░█░░░░░░░░█░░░█░
──────░█░░░░░░░░░░░░█░
──────░█░░░░░░░░░░░░░█░
──────░█░░░░░░░░░░░░░█░
████──░█░████░░░░░░░░█░
█──█──████──████░░░░░█░
█──█──█──█──█──████████
█──█──████──█──█──────█
█──█──█──█────██──██──█
█──████──█──█──█──────█
█─────█──█──█──█──█████
███████──████──█──────█
──────████──██████████
wow!!! ang ganda naman..
ReplyDelete