Hindi naman siguro kaila sainyo na nawala ako ng lagpas isang linggo. Hindi ko po yun ginusto, kinailangan lang dahil sa health problem ko.
Pero wala na pong dapat ipag-alala, okay na po ako!!! Anyway, nangako po ako na ishi-share ko sa lahat ng daydreamers ang naging experience ko noong mga panahon akala ko eh mamatay na ako.
This all started Saturday, November 10, 2012, nag-bonding kami ng mama at kapatid ko. We decided to have dinner in an eat-all-you-can buffet.
Nagshabu-shabu and grill kami. We also enjoyed their sushi bar.
Masarap po lahat ng kinain namin doon! Busog na busog pa kami kasi eat-all-you-can nga!!!
Ang kaso ang inyong lingkod na si Aegyo, mahilig po yan mag-experiment ng pagkain! May nakita kasi akong oyster! Ang sabi ko pa sa mama at kapatid ko, yun yung oyster na kinain dati ni Mr.Bean (live action) at dahilan ng pananakit ng tyan niya.
Since curious ako sa lasa kaya nag-try ako. Pinigilan pa nga nila ako dahil baka daw sumakit ang tyan ko or baka hindi masarap... pero kumain pa rin ako. Pasaway lang eh. At tsaka masarap siya!!!
The next day, Sunday, hapon na ng nakaramdam ako ng pananakit ng tyan. Wala akong ganang kumain nung hapunan na dahil ang sakit-sakit-sakit as in sobrang sakit ng tyan ko!
Unang pumasok sa isip ng mudra ko ay baka umaatake na naman ang hyperacidity ko.
Dahil doon, itinulog ko na lang.
Next day, Monday. AYOS NA PO AKO NIYAN!!! Walang bakas ng sakit ng tyan! Bumalik yung gana ko sa paglamon.
Then came Tuesday.
THE MOST TERRIFYING NIGHT OF MY LIFE!!!
Hapon nun, nanonood kami ng kapatid ko ng Step-Up Revolution. Kumakain pa ako ng jumbo pandesal at coco jam nun. Nakaubos ako ng tatlo. Right after the movie ended, sumakit ang tyan ko!
Hindi ulit ako nakakain ng dinner nun. And in a few minutes, I started throwing up. Nakabonding ko pa si inidoro nun kasi panay pa ang pag-poop ko nun. Siguro nung pang three times ko na sa banyo nun ay hinang-hina na ako. Buti girls scout si mama, may hydrite at gatorade kami sa bahay kaya naman yung nilalabas kong tubig sa katawan, pinapalitan naman agad. Pero hindi sapat yun kasi hinang-hina pa rin ako.
Inabot kami ng hanggang madaling-araw nun. At malapit na sana kaming sumugod sa ospital nun... mabuti na lang mga alas-kwarto eh tuluyan siyang nawala at nakatulog ako. Kung bibilangin ko kung ilang beses akong nagpupu at sumuka nun, lagpas twenty yata!
Wednesday. OKAY NA NAMAN AKO!!!
Siguro sinadya yun ni God dahil that day was my brother's birthday. At kahit nasa abroad siya, we celebrated dito sa bahay. Nagkagana ulit ako lumafang! Nakakain pa ako ng chicken joy! Ahahahaha!!!
And we all thought it's all over.
Hindi pa pala.
Kinabukasan, Thursday. GABI ULIT!!!
Sumakit ang tyan ko. Paskip-skip yung sakit.
Sobrang kalam ng sikmura ko. Umiikot na paningin ko. Tubig as in tubig na lang ang nilalabas ko dahil hindi na naman ako makakain ng araw na yun.
It was before midnight when we decided to finally go to the hospital.
The doctor right away told us na kailangan akong i-confine. WHY? Dehydrated ang lola mo!
Ang problema ay dahil nag-positive yung poop sample ko na may bacteria nga daw na pwedeng makuha sa seafood. LINTEK NA OYSTER YUN!!!
Pinalagyan na ako ng swero para palitan ang tubig na nawala saakin.
Jan na kasi mismo sa swero din pinadadaan ang gamot and antibiotics na kailangan ng katawan ko.
And holy cow, the hospital food!!! Pinagbawal kasi saakin ang dairy products at lahat ng fatty foods. At minomonitor nila ang mga dapat ko lang kainin.
Ang laking penitensya po ng pilitin nila ako pakainin ng mga pagkain nila. Minsan naman masarap yung siniserve nila, pero basta madalas walang lasa!!! As in kung pasyente ka dun, nakakawalang gana naman talaga!!!
Anyway, akala ko makakauwi na kami nun ng Friday ng hapon.
But then I also undergone urine test... at may UTI pa pala ako! Shetlungs!!!
Yun daw po ang mas nagpalala ng sitwasyon ko, kaya hindi ako pinayagan ng doctor na madischarge agad.
Pero wala naman na akong nararamdaman ng mga panahon na yun. Kasi nalinis na po yung stomach ko at naka-ilang litro ng dextrose na ako.
Kung susumahin, mas naistress pa nga ako sa ospital kasi hindi ako makatulog ng maayos.
Tapos yung mga itinuturok nila saakin, sobrang sakit!
I even had a local reaction (namula at namaga po yung kaliwang braso ko) nung turukan nila ako ng bagong antibiotic for my urine nga!
And yeah, wala akong magawa kundi, matulog or pagtyagaan ang napakapangit na view dun sa kwartong nakuha namin. Epal kasi yung mga kawad ng kuryente!
"Sunset" |
"Sunrise" |
Anyway, we were all relieved to hear na pwede na akong makauwi noong Saturday ng hapon.
"Si Mama na napuyat at hindi ako iniwan. If you're reading this, thanks Ma and I love you!" |
"Censored po mukha ko. Ahahaha!!! Ang panget eh... stolen shot!" |
"And me in black and white. Ang sagwa kasi ng original pic." |
So... ano pong natutunan ko sa experience na ito?
MARAMI!!!
Una, wag kumain ng oyster.
Pangalawa, kumpletuhin and 8 glasses of water.
Pangatlo, wag nang pumayag na magpa-hospital!
Pang-apat, magbitbit ng make-up palagi para ready sa pictures!
Joke lang po yang pang-apat!
At ang mabuti rin naman na idinulot ng pagkaka-ospital ko ay makapagpahinga ng utak.
Sa katanuyan nga po, nakapag-formulate pa ako ng dalawang stories habang wala akong magawa sa higaan ko noon.
Kaya po abangan niyo:
"Bitter-Sweet Medicine"
Romance po ito. Isang mini-series mga 3-5 chapters lamang!
at
"Blood Flower/Devil's Flower"
Horror, Thriller, Supernatural, Romance.
Dito po ako mas excited dahil sobrang na-inspire ako sa dugo!
Anyway, sana po ay naenjoy niyong basahin ang magulong hell week ko.
Sana po hindi na ulit mangyari yan dahil ayoko talagang iwan kayong mga readers ko dito.
And sana hindi kayo matulad saakin.
Keep healthy!!!
Love,
AegyoDayDreamer
Pangalawa, kumpletuhin and 8 glasses of water.
Pangatlo, wag nang pumayag na magpa-hospital!
Pang-apat, magbitbit ng make-up palagi para ready sa pictures!
Joke lang po yang pang-apat!
At ang mabuti rin naman na idinulot ng pagkaka-ospital ko ay makapagpahinga ng utak.
Sa katanuyan nga po, nakapag-formulate pa ako ng dalawang stories habang wala akong magawa sa higaan ko noon.
Kaya po abangan niyo:
"Bitter-Sweet Medicine"
Romance po ito. Isang mini-series mga 3-5 chapters lamang!
at
"Blood Flower/Devil's Flower"
Horror, Thriller, Supernatural, Romance.
Dito po ako mas excited dahil sobrang na-inspire ako sa dugo!
Anyway, sana po ay naenjoy niyong basahin ang magulong hell week ko.
Sana po hindi na ulit mangyari yan dahil ayoko talagang iwan kayong mga readers ko dito.
And sana hindi kayo matulad saakin.
Keep healthy!!!
Love,
AegyoDayDreamer
kasibaan kasi...ayan!!! hahaha...
ReplyDeletegood thing ok ka na talaga...
salamat sa oyster kasi natuto ka ng matulog at gumising ng maaga... natuto ka ng healthy living dahil sa oyster... pasalamatan mo si Mr. Bean!!! hahaha...
Na-try ko na ring ma-dehydrate. Nakakaloka 'yan! May two options pa jan eh, either water therapy or magpa-confine. In the end ay na-confine din ako. Ahaha. //NesteaShareShare
ReplyDeleteNagkaroon na rin ako ng UTI minsan and it hurts like hell!
Buti naman at magaling ka na Ate Aegyo! *__*
Aabangan ko 'yang Bitter-sweet Medicine at Devil's Flower. Hoho~
PS. Parang ang tangkad mo sis. Hehe
Ba't mo tinakpan 'yung fes mo. T^T
medyo matangkad talaga ako. 5'5 height ko eh. at tinakpan ko pes kasi ang panget talaga! ahahahaha!!!
DeleteHahahahahahahaha! >___< kapag ang curiosity nga naman ay umiral. Wala ka ng magagawa kundi gawin iyon! Hahahaha! Unnie! Wala ng makakatalo sa iyong katukewan!!! Ikaw na! Ikaw na matakaw na payatot! XD
ReplyDeletePero to be honest, nagalala talaga ako sayo ng sobra >__< kaya nga nitext kita nun eh. Gustong gusto talaga kitang tawagan nun at chikahin kaso naisip ko na nagpapahinga ka. AT mabuti na rin talaga at nakapagpahinga ka ng ilang araw! Alam ko naman na stress na masyadyo si Brain cells mo eh! Hindi talaga ako mapakali nung mga araw na 'yun! XD kahit pinsan ko napansin na mukha daw akong natatae. Nung kinuwento ko na nasa hospital ka naintindihan naman niya. Whew! Ang laking ginhawa nung makita ko 'yung post mo sa ADD page! :)) ikaw talaga Unnie! Lakas ng tama mo eh! XD hindi naninawala kay Mr. Bean at sinubukan pa talaga!
Iniimagine ko kung pumayat ka eh. XD Hihi. Pero mabuti nalang at natapos na rin ang iyong HELL WEEK!
At... at!!! OMG! EXCITED na me dun sa Blood Flower/Devil's Flower! :)) hihi! I love you Unnie! Hwag masyadong matakaw! Hihi. Lalove ka ni Rin! Mua! :*
waaaahhh ate!!!! buti nmn at mgaling ka na!!!!!! psensya n po hindi n aq msyado nkkpagol kasi alm nio nmn busy n s school!!!! pero hndi q po kau nkklimutan! 2nd family q n kau dito e... namimiss q n po kau nla ate queen at empress!!!!!!!
ReplyDeletehAy saLamAt oKay kNa,,, preHo po pLa tAu n kontiNg kAin Lng ng Kkaiba, sumSakit n tyAn,,, wAg k n pO maGkkaSkit hA, aLwAys be heALthy aTey,,, LoVe k pO nMin,,,,,
ReplyDeletePS,,, aLaM nio po b sinAve ni gLeN uNg pictuRe mo,,, hWahEhE,,,
Buti naman at ok kana... next time magingat na sa mga kakainin....
ReplyDeletekeep safe....God Bless You :)
kung hindi po ako nagkakamali...yung oysters at shrimps ang mga ipis ng dagat...kaya, marami silang bacteria
ReplyDelete