Chapter XI --- Matthew’s P.O.V.
Naihatid ko na si Richelle sa apartment nila. At nakarating na rin ako ng bahay at handa ng matulog ng may maalala ako.
Sabi sa akin ni Kate noon, babalik sya sa 20th bday ko. Pero sa totoo lang, ayokong umasa na tutuparin nya ang pangako nya na yon. Hindo ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman kapag nagkita kami ulit. Mahal na mahal ko sya noon, pero hindi ko alam kung ano na ang mararamdaman ko para sa kanya pagkatapos nya akong iwanan at hindi magparamdam mula ng umalis sya sa Pilipinas.
*FLASHBACK*
Matthew: bakit kailangan na doon ka pa mag-aral? Marami naman na magandang eskwelahan dito.
Kate: pagtatalunan na naman ba natin to? Paalis na ako ngayon. Akala ko ba ok na tayo sa issue na to?
Matthew: you can’t blame me if ganito ako. Mahal kita at gusto ko na lagi tayong magkasama, magka-usap at nagkikita.
Kate: wala ka bang tiwala sa akin? You don’t need to worry anything. Promise ko naman sayo na once na dumating ako sa London, tatawagan agad kita.
Matthew: ok! Lagi kang tatawag ha. And don’t forget to check your email everyday.
Kate: oh pano? Kailangan ko na talagang umalis. Last call na para sa flight ko.
Matthew: mag-iingat ka lagi doon ha. I love you! I’ll miss you baby!
Kate: yeah, I will. Mag-iingat ka din ditto ha. Promise me na hindi mo ako ipagpapalit ha. Babalik ako sa 20th bday mo. Pangako yan. I love you too baby. Bye.
*END OF FLASHBACK*
Nung time na umalis sya non, ang lungkot ng pakiramdam ko. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman kong lungkot noon. Kinakabahan din ako para sa kanya dahil iyon din yung unang beses na titira sya ibang bahay na hindi nya kasama ang parents nya. Pero alam ko na kakayanin nya yun dahil palaban sya.
*FLASHBACK*
Dalawang araw na ang nakalipas mula nung umalis sya dito pero hindi pa rin ako nakakatanggap ng tawag, text o kahit email man lang. nangako sya sa akin na tatawag sya agad kapag dumating na sya doon. Pero inunawa ko na lang sya dahil malamang na pagod sya mula sa byahe. Lumipas ang dalawa pang linggo pero hindi pa rin nya ako kinokontak. Natatkot na talaga ako.
Matthew: bakit ganon ma? Sabi nya sa akin once na dumating sya don tatawagan nya agad ako, pero bakit hanggang ngayon, wala pa rin akong natatanggap na tawag mula sa kanya?
Mama: anak, siguro kaya hindi ka pa nya natatawagan hanggang ngayon dahil marami pa syang kailangang ayusin, o baka naman nag a-adjust pa sya.
Matthew: pero ma it’s been two weeks. Nag-aalala ako sa kanya. Baka mamaya kung ano na ang nangyare sa kanya sa London.
Mama: magtiwala ka lang sa kanya anak. Sigurado ako na hindi rin naman nya kagustuhan ang hindi ka matawagan.
Mabilis na lumipas ang panahon. Dalawang taon na pala ang nakalipas pero kahit isang tawag, sulat text o email mula sa kanya ay wala talaga. Lagi akong umiinom sa gabi pagka-galing ko sa eskwela.
Mama: anak, wag mong sirain ang buhay mo ng dahil lang kay Kate. siguro, you’re not really meant for each other.
Matthew: ma, ang sakit at ang hirap tanggapin. Ok naman kami nung umalis sya. pero bakit biglang naging ganito? Why everything change all of a sudden? I really don’t understand why.
Mama: Matthew anak, walang permanente sa mundo kundi pagbabago. Kailangang magbago ng tao dahil nagbabago din ang mga taong nakapaligid sa kanila. Nagbabago din ang tao dahil kailangan. Masakit man pero iyon ang nararapat.
Matthew: I still don’t get it.
Mama: may mga bagay talaga na kahit anong pilit nating intindihin ay hindi talaga natin maiintindihan lalo na kapag ayaw mo o hindi mo gusto ang pagbabago na nagyare.
Matthew: ano bang dapat kong gawin Ma? Hirap na hirap na ako, nasasaktan talaga ako sa mga nangyayare.
Mama: kapag nagmamahal anak, dapat hindi ka dapat nahihirapan; dapat hindi ka nasasaktan ng sobra-sobra. At sa nakikita ko anak, sobrang nahihirapan at nasasaktan ka na. kung talagang mahal ka nya, hindi nya hahayaan na maramdaman mo ang mga iyan ngayon.
Matthew: what do you men Ma? Hindi talaga ako mahal ni Kate?
Mama: maaring oo mahal ka nya pero maaari rin naman na hindi. Hindi ako si Kate para masagot ang bagay na yan. But base on my observation, sorry to say this pero parang wala kang halaga sa kanya. Hindi ko sinasabi sa iyo to Matthew dahil gusto kong mas masaktan ka o siraan si Kate sa iyo, gusto ko lang marinig mo kung ano ang nakikita at napapansin ng ibang tao. Walang magulang na gugustuhin na makita ang anak nila na nasasaktan at nahihirapan. Siguro anak, hindi talaga sya ang para sayo. You deserve better than her.
Matthew: saan ba ako nagkulang Ma para ganituhin nya ako?
Mama: siguro nga may pagkukulang ka, pero hindi lang naman ikaw siguro ang nagkulang. Kung hindi ka man nagkulang sa kanya, hindi lang talaga sya makuntento sa kung ano lang ang kaya mong ibigay sa kanya. She want something na hindi mo siguro kayang ibigay. Kung ano man iyon, hindi ko rin alam. Matthew, wag mong sayangin ang magandang buhay na meron ka. Marami ang nagmamahal at magmamahal pa sayo. Try to get back the wonderful you. Kalimutan mo na sya, eh muka namang kinalimutan ka na rin nya. Masyado na sigurong matagal ang ginawa mong paghihintay ang pag-unawa sa kanya na mahigit dalawang taon. Find someone that you really deserve.
Matthew: siguro nga Mama tama ka. Kailangan ko na syang kalimutan at ibalik ang dating ako. Pero Ma, hindi na muna ako maghahanap ng bagong babae. Ok na sa akin ang mga kabarkada ko.
Mama: just always remember na nandito lang kami lagi ng Papa at Ate mo para sayo. (at binigyan ako ng power hug.)
*END OF FLASHBACK*
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^