Chapter Ten
Jan nagsisimula yan!!!
“Tara na kasi Shenelin, miming na tayo.” Yaya
sa akin ni Mina. “Sayang naman ang
outfit namin ng mga lola mo kung hindi ito maibibilad na parang tinapa!”
ahahaha, talagang sa tinapa inihambing ang ganda nila.
“Ang
bantot mo namang pumili Mina, baka ikaw lang ang muka at amoy tinapa.” Singit naman ni
Milka. “Tara
ba Demi-licious babe, naghihintay na ang magandang dagat sa ating lahat.”
Ayoko lang na matawag na KJ kaya naman eto ako ngayon at
patayo na sa kama, hindi na ako magpapalit ng damit. “Sandali lang, eto na lalabas na nga eh.” at di nga nagtagal ay
lumabas na ako ng kwarto ko. “Puchaness
kayong mga bakla kayo, bakit naka-ganyan kayo? Akala ko ba sa beach tayo
pupunta, eh bakit naka-sleeves kayo na outfit?” alam nyo yung sinusuot nung
mga divers, yung yung lykra na long-sleeves, basta ganon ang suot nila.
Si Miley naman ang sumagot sa akin na halatang feel na
feel nya ang suot nya. “Kasi
Demi-licious mag i-snorkeling tayo at scuba-diving.” So kailangan ganon
talaga ang suot?
“Ahhh, kaya pala
ganyan ang outfit nyo, ang jologs.” Ako kasi naka pang-summer lang na short
at saka racer-back na sando, mas jologs pa sa kanila kasi para lang akong
magjo-jogging sa kanto. “Tara na nga!”
“Hep, hep, hep, my
little devil friend Demilicious, you have to change that monster outfit of yours
to this!” at talagang pinakita pa nya sa akin ang isang black na
long-sleeve na katulad nung suot nila at isang black na bikini. “Go, mag-change outfit ka na!”
Fuck, hindi ko isusuot ang bikini na yon, ayoko. “Eto, isusuot ko to!” I’m referring dun
sa long-sleeve. “Pero etong isang to, no
way!” at yung bikini naman ang tinutukoy ko. Pumasok na ako sa kwarto ko
para magpalit nung damit.
Grabe, sobrang ganda talaga dun sa ilalim, ang daming magagandang
isda, si Nemo nga nakita ko din eh. Wala akong masabi sa ganda, paano pa kaya
kung sa Palawan kami nag-snorkeling at scuba
diving?!
“Nag-enjoy ka ba?”
tanong sa akin ni Wacky pagka-baba namin sa bangka.
Tiningnan ko naman sya at saka sumagot. “Grabe, sobrang enjoy ako. I admit hindi
ako ganong kagaling lumangoy kaya di ko talaga feel ang mga ganyang klaseng
activity, pero grabe lang talaga, sobrang enjoy talaga!” mahaba kong sagot
sa kanya.
Dahil sa mahabang sagot ko na yon at over sa laki ng
smile ko, nangiti rin ang lolo na ubod ng tamis at ganda. Paker ka Demi, wag
mong masyadong titigan ang isang yan at baka mahulog ka jan! Sa naisip ko na
yon, lalo ko syang pinagmasdan na naka-ngiti, pakelam ko ba sa sinasabi ng
isang bahagi ng utak ko.
“You know what
Demi, akala ko talaga hindi ka mag e-enjoy eh. Nasabi kasi sa akin ni Milo na
hindi ka naman talaga mahilig sa mga ganitong activities, hindi ka rin daw
ganong kagaling lumangoy. But I’m really glad na nagustuhan mo at nag-enjoy ka sa
ginawa natin ngayon.” Mahabang sabi nya habang naka-ngiti sa akin.
Yung apat na bading ba hinahanap nyo, andun pa sa dagat
at kasalukuyang nagfi-feeling sirena. Ako at si Wacky naman nandito na sa nipa
hut at kasalukuyang nagpapahinga.
“Zipline tayo
Shen, gusto mo?” biglang tanong sa akin ni Wacky.
Ayoko ng zipline, takot ako sa heights eh, and kawawa
naman yung makakasabay ko kasi paniguradong basag ang eardrums nya kapag tumili
ako. “Ayoko, natatakot ako, ayoko sa
matataas na lugar.” Sagot ko na lang sa kanya, sana lang hindi nya ako kulitin diba?!
“You should try
zipline Shen, you’ll enjoy promise.” Business ba nila yung zipline na yon
at kung makapa-pilit tong si Wacky ay ganon na lang? “Wala namang mawawala kung susubukan mo diba, who knows baka mawala na
yung fear of heights mo kapag nag-zipline ka!” konti na lang Wacky, konti
na lang at malapit na akong pumayag. Konting smile na lang at OO na ang sagot
ko. “Come on Shen, zipline na tayo.
Kapag hindi ka nag-enjoy hindi na ulit kita kukulitin.” Ok, payag ka na
Deminyita, nag-smile na ulit sya oh!
“Ok, ok! Pero
kapag may nangyaring masama sa akin hinding-hindi talaga kita patatahimikin.”
Bigla na lang syang tumayo ay hinila ako palabas ng kubo,
muntik pa nga akong masubsob sa pagmamadali nya eh. Jusme naman, parang gusto
ko ng magbago ng isip ah, parang ayoko ng mag-zipline. Bakit
hindi man lang nya sinabi na napakahaba naman pala ng zipline na sinasabi nya?
“Tara
na!” aya nya sa akin nung kami na pala yung susunod na itatapon dun sa
kabilang dulo. “Relax, you’re with me.” Kinilig naman
pwet mo Demi sa sinabi nya.
“Teka Kuya, parang
hindi ko yata talaga kaya eh!” pinigil ko na naman kasi si Kuya for the
fifth times. “Sigurado ka Kuya safe to,
mabubuhay pa ba ako after nito?” pasensya naman, kasi first time ko
ma-experience to eh. Eto namang si Wacky super supportive, sa pabigay ng moral
support todo-effort.
Hinawakan nya yung magkabila kong pisngi “You can do this Shen, kung yun ngang
binalibag mo ng malaking bato yung windshield ng kotse ko kinaya mo, eto pa
kaya.” Napasimangot naman ako sa sinabi nya na yon, ano naman
connect nun diba? “Come on Shen,
matapang ka diba?!” sa totoo lang hindi ko na alam kung matapang ba talaga
ako.
After nung mga pamimilit na yon ni
Wacky, inayos na naman ni Kuya yung mga dapat ayusin para matapos na ang
kaartehan ko sa lintik na zipline na to. “Lord,
kayo na po bahala sa pamilya ko sa Japan kapag hindi na po ako naka-uwi ng
buhay!” yun yung huli kong nasabi bago pa kami pakawalan ni Kuya papunta sa
kabilang dulo.
Puro sigaw ko lang ang
maririnig mo, kulang na nga lang isumpa ko si Wacky dahil pinilit nya akong
gawin ang bagay na to! Pero nung umpisa ko lang naman naramdaman yon, dahil
after ilang seconds mula nung ini-released kami ni Kuya, naramdaman ko na agad
yung adrenaline, ang sarap pala sa pakiramdam.
“Tama ako diba, masarap mag-zipline!” mejo
pasigaw na sabi ni Wacky sa akin. “Ayos ba?!”
Hindi naman na ako nag-abala na sumagot ng oo, in fact
sumigaw na lang ako at nag-thumbs up sa kanya. Grabe, sobrang saya pala
talagang mag-zipline, bakit kaya hindi ko to naisipang gawin before?!
“You two are oh so
unfairness, bakit hindi nyo kami sinama sa zipline adventure nyo?” ang
nagtatampong sabi ni Milo ng dumating kami sa
kubo. “Kaya pala bigla na lang kayong na
out-of-sight lalu, yun pala nag-moment kayo!” at umirap pa ang bruha.
Natatawa naman si Wacky sa reaksyon ng mga
sang-kabadingan ng malaman nila na nag-zipline kami. “Kasi
naman busy kayong apat sa kakahanap ng ka-loveteam nyo na syokoy jan sa dagat.
Sino ba naman ako para sirain ang pantasya at kaligayahan nyo diba?” sagot ko naman
sa kanila.
“Don’t worry,
zipline na lang ulit tayo bukas.” Bigla namang singit ni Wacky. “Oo nga pala, Mom will prepare dinner for
us later.”
“Wowness mga sisters,
ang bonggacious naman natin, si Madam President pa talaga ang magluluto ng dinner para sa atin.” Ang
bonggang reaksyon ni Miley.
“Award ka girl,
pero parang nakakahiya naman yata yon diba? Isipin nyo na lang si Madam ang
kaharap nating kumain mamaya.” Reaksyon naman yan ni Mina.
Si Milo naman ang nagsalita habang inaayos ang buhok nya.
“Ok lang yan mga sisters, wala naman
tayong gagawing kagagahan sa harap ni Madam no, so why worryness!” sya nga
naman.
“Basta ako, chichikahin
ko si Madam at aalamin ko ang beauty secrets nya.” sagot naman ni Milka.
Nag-aayos na kasi ang mga bakla at tapos na daw silang
mag-swimming, nakapagbanlaw na kasi sila. Ako naman hindi pa nakakapag-banlaw
at nakakapag-bihis, kaya pala kinakati na ako eh. Madaya
sila, hindi man lang nila sinabi sa akin na nagdala sila ng pamalit.
“Bilisan
nyo na nga jan, nangangati na ako eh, hindi pa ako nakakapag-banlaw.”
Reklamo ko sa kanila para naman bilisan na nila ang kilos nila. “Sa resthouse na lang ako magbabanlaw.”
“You’re
so yuck to death talaga Demi, nasaan ang hygiene mo gilrlalu?”
makapag-react naman tong si Milo, ang sarap lang pukpukin ng bote sa ulo. “Magbanlaw ka na dito, nakakahiya kang
kasabay eh, nakakasira ka ng ganda.”
Hay naku naman oh, saksakan
din ng aarte tong mga bakla na to eh. Pwede naman na sa kwarto ko na lang,
bakit kailangang dito pa magbanlaw eh ganon din naman yon.
“Magbabanlaw ako
dito, tapos hindi rin naman ako makakapagpalit kasi hindi nyo man lang ako
sinabihan na nagdala kayo ng pampalit ninyo.” Naka-nguso ko namang reklamo
sa kanila.
Hindi naman na sila umepal pa na magbanlaw na ako,
hinayaan na lang nila ako na hindi nagbabanlaw, hahaha! “Shen, nagtext nga pala si Mommy kanina. If it’s ok to you, she wants
you to help her at the kitchen later.” What, ano daw?
Teka nga Demi, bakit naman kung maka-what ka jan eh akala
mo wala kang kahit na anong alam sa kitchen, diba HRM ang course mo? Packing
tape naman oh, hindi naman sa wala akong alam sa kitchen, aba eh nakakatakot
kaya dahil si Madam President ang kasama ko, saka sya yung may-ari nung school
na pinapasukan ko. Paano na lang kung hindi magustuhan ni Madam yung
performance ko sa pagtulong ko sa kanya?
“Naku,
ok lang yan kay Demilicious dahil wala namang gagawin ang bruhaness na yan.” biglang sagot ni
Milo .
Tiningnan ko naman ng masama si Milo pero dedma lang ang
lola mo. “S-sige, pakisabi na mag-aayos
lang ako tapos pupuntahan ko na lang sya sa kitchen.” Pumayag na ako, eh
kasi wala naman akong makitang dahilan para humindi sa gusto ni Madam.
“Alam
mo ba na hilig ko talaga ang pagluluto? There
is this time nga that I really want to have a daugther na makakasama sa
pagluluto, but sad to say si Wacky lang ang nag-iisa kong anak and he’s a guy.” Kwento sa akin
ni Madam habang busy kami sa pagbe-bake ng chocolate cake at ng pecan tart.
Mayaman naman sila, pero bakit isa lang ang anak nila? “Madam, bakit po nag-iisa lang si Wacky;
hindi nyo po ba naisipan na gawin dalawa ang anak ninyo or much more?” kadalasan
hindi ko talaga mapigilan ang bibig ko sa kakatanong ko eh.
“Actually naisip
din namin yan, but it’s too late for that. We’ve been so busy to our different
businesses that we forgot to have a big happy family.” Sagot naman ni Madam
sa akin. “When Wacky was about four
years old, he often asked us why he didn’t have a brother or a sister to call
on. Hindi naman yon pinansin na mag-asawa, so here we are, iisa lang ang anak.”
Hindi ko ma-imagine ang buhay ko ng walang kapatid, sa
totoo lang. Oo malayo ako kay Kuya Kyohei ngayon pero alam nyo yun, alam ko na
isang text o tawag ko lang sa kanya eh nandyan na sya.
“Parang
ang lungkot naman yata ng buhay ni Wacky nun, kasi po lagi kayong busy tapos
wala pa syang kapatid.” Kamusta naman kaya ang childhood ni Wacky nun, kaya
siguro ngayon sya nangungulit kasi hindi nya yun nagawa nung bata pa sya. “Sino po ang mag nakaka-laro po nya that
time?”
Teka nga ulit Demi Shen, bakit ba
masyado ka na namang interesado sa kwento ng buhay ni Wacky? Magtapat ka ngang
babae ka, nahuhulog ka na ba sa kanya? Paker naman oh, pag ba nagtatanong ako
ng tungkol kay Wacky interesado na agad? Hindi ba pwedeng wala lang kasi kaming
ibang mapag-usapan ni Madam maliban sa anak nya kaya tanong ako ng tanong ng
tungkol sa kanya?
next na po ! ang ganda ng story tsaka ung mga bakla , grabeee .. haha !!
ReplyDeletenext na po ! ang ganda ng story tsaka ung mga bakla , grabeee .. haha !!
ReplyDeletekaingGit ang bAkasyOn nLa,,, zipLine guSto q diN mtRy!!!!!
ReplyDeletenaging busy po kasi ako sa OJT kaya late ang comment ko.. hehe.. pero babawi ako.. ahemm.. sisimulan ko nah.. baka nxt week lang kasi ako ulit mka pg internet eh.. kaya susulitin nah..
ReplyDeletebongga!! gusto ko rin magscuba diving and snorkeling!! inggit nman ako.. sayang,hndi nakita ni wacky ang beautiful sizzling hot and sexy body ko.. hahaha.. minsan lang ako mangarap kaya pgbigyan nyo nah..
ui!! pumaparaan si wacky!! stop smiling!! you're stealing my heart! naks..hahah.. masubukan nga ang zipline.. parang ang saya eh.. baka mei magcheer din sa akin na fafables.. well,i hope so..
s0rry na lang kayo mga sisters,ng moment kasi kami ni wacky.. unahan lang yan.. nasa harapan nyo na ang HOTness,sa dagat pa kayo nghanap ng monster,haha..
naku!! yari tayo jan!! hrm nga ako pero hndi ko hilig ang pagluluto.. hahaha..
hahaha ang bait talaga ni madama :) super love ko na siya :) hahaha
ReplyDelete