:Cursed
Tribe of Snow Vetters:
Nadamay lang noon ang Snow
Vetters Tribe nang magsimula ang isang digmaan sa pagitan ng Lux at Dark
Sorcerers.
Ang mga Hollowick kasi ang
nagturo noon sa tribo nila sa paggamit ng black magic kaya naman bilang
pagtanaw ng utang na loob, kasama silang lumaban para talunin ang Lux.
Ngunit sa katapusan ng
digmaan, nanalo ang Lux sa pamumuno ng Auserwalt Family. Bilang hatol sa mga
Hollowick, panghabang-buhay na silang ikukulong sa Atreria.
At tanging sila lamang ang
nabigyan ng ganitong hatol.
Lahat kasi ng mga nadamay
sa gulo, kabilang ang Snow Vetters, ay binigyan ng pagkakataon ng Auserwalt na
makapagbagong buhay.
Dahil dito, nagalit ang
mga Hollowick at hindi sila pumayag na bumagsak nang sila-sila lang.
Bago sila naikulong sa
Atreria, isinumpa ng leader nila ang lahat ng mga kakampi nila noon na hindi
sila kailanman makakagamit ng normal na kapangyarihan maliban sa Dark Sorcery.
Hindi man naisama sa
kulungan ang Snow Vetters at ilan pa, hindi naman sila magiging ganap na
kakampi ng Lux. Hindi sila makakabangon at hindi nila magagawang kalimutan ang
kadiliman.
Nagpatuloy ang sumpa sa
mga sumunod pang henerasyon.
Sinabihan sila noon ng
White Light Clan na mamuhay na lang ng hindi gumagamit ng Dark Sorcery ngunit
lubhang mahirap na mamuhay sa Otherworld ng hindi gumagamit ng kapangyarihan.
Dahil dito, nagtago na
lang ang buo nilang tribo kung saan malaya silang mamumuhay gamit ang
kapangyarihang tangi nilang sinasandalan.
Nagkaroon ng pagbabago sa
kanilang angkan nang maipanganak si Clerion.
Bata pa lamang ito, umaasa na siyang may pagkakataon pang lumaya ang angkan
nila sa sumpa ng mga Hollowick.
Napapagod na siya sa buhay
nilang laging nagtatago, palipat-lipat at kinukutya ng lahat.
Nang tumuntong siya sa
tamang edad, nagpasya siyang iwan ang Snow Vetters Tribe sa pag-asang maaring
may paraan na ang Lux para matanggal ang sumpa.
Ngunit sa balitang nagkawatak-watak
na ang White Light Clan at nawawala ang kasalukuyang tagapagmana, halos gumuho
na noon ang pangarap ni Clerion. Pinili niyang wag umuwi sa tribo niya hangga’t
wala siyang dalang magandang balita.
Sa di-inaasahang
pagkakataon, napadpad siya sa isang lugar na tubig at nyebe ang pangunahing Elementong
ginagamit, at kilala sa tawag na Castle of Eiskalt. Nalaman niyang pinamumunuan
ito ng mga Glaciever, ang Fourth Family of Lux.
Noong una ay kalaban ang
tingin sa kanya, ngunit napatunayan ni Clerion sa kasalukuyang leader doon, si
King Roland, na wala siyang dalang kahit na anong problema.
Inialay niya ang kanyang
buong katapatan sa pagsasagawa ng naiibang ritwal at pagpirma sa isang life
contract. Naging oracle din si Clerion ng anak ni King Roland na si Prince
Rouel Glaciever.
Matatapos lang ang kanyang
paglilingkod sa prinsipe kapag nahanap na nila ang nawawalang prinsesa ng Lux.
At matatapos lang ang kanyang misyon kapag nasabi at napapayag na niya ang
prinsesa sa kanyang kahilingan.
Thing
to remember:
- Snow
Vetter ang tawag sa kanila dahil kulay snow ang mga balat at buhok nila. Pero hindi nila kayang kontrolin ang
yelo. Tulad nga ng sabi sa sumpa, Dark Sorcery lang ang alam nilang
magic.
ANg bAit tLga ni cLeriOn,,,
ReplyDeleteAng nice naman pala talaga ni Clerion.
ReplyDeleteAng gwapo pa.
Yun pala ang dahilan kung bakit siya naglilingkod for Prince Rouel.
lalo aq naiinluv kei clerion ksi good-hearted nmn tlga siya! kumbaga ung tma lng nman din ksi ung ginwa nia noon s auntie ni yana na paepal diba???
ReplyDeletemapapalaya ka rin sa curse na yan clerion. tiwala lang kay yana!
ReplyDeleteclerion is one of the most remarkable and unforgettable character in this story! and the fact na ganun yung angkan niya but he's kind hearted, what a twist!
ReplyDeleteclerion ur so pogi!
ReplyDelete