Sunday, November 25, 2012

Darker than Black: Chapter 1

Author's Note: (Hehe! Edited po ang ch.1 :)) saka po 'yung prologue. AT! Hindi pa po sure 'yun SORRY po >__< sobrang nahihirapan po ako sa plot nito. Excited ako na nahihirapan dahil sobrang daming twist na ultimo utak ko ay natutwist din! Haha. Pero 'yung prologue nalang po papalitan ko dahil okay na itong ch.1 saka okay na lahat. Talagang sa prologue nalang ako nahihirapan! *siiighhh~* pati pala 'yung Black Dart~ aayusin ko lahat. Ipopost ko nalang sila ulit. Yung ch.1 - ch.6 ipopost ko kapag okay na! Hihi. Don't worry, hindi po iyon matatagalan! Gagawin ko siya agad! Maraming maraming salamat po sa mga sumusuporta nun! SALAMAT! >0< haba ng note ko! Hehehe! Ayun lamang po. Good morning and GOODNIGHT! Mua!)

Darker than Black
Chapter 1
** Megumi Sayson’s POV **






“Bitawan niyo ako! Ano ba!” Nagpupumiglas ako dito sa mga pangit na lalaking nakahawak sa magkabilang kamay ko. Sino ba sila? Bigla nalang nila akong kinuha at sinilid sa van!


“Nice. Matutuwa nito si Boss! Biruin mo, nakuha natin si Queen?! Hahaha!” Sabi nung lalaking medyo chubby. Hindi ko makita ‘yung mukha niya dahil lahat sila may nakatakip na tela sa mukha nila. Mukha silang mga holdapper-kidnapper. -__-


“Hahaha! Ang galing ko talaga ano? Tiba tiba tayo nito! Hahahaha.” At para silang mga baliw na nagsisitawanan.


Sino ba ‘yung Queen na tinutukoy nila? “Hoy! Hindi Queen ang pangalan ko kaya naman pakawalan niyo na ako ngayon din!” Sigaw ko sa kanila at lahat naman sila ay napatingin sa akin.


Kahit mga nakatakip ‘yung mga nila, sigurado ako mga pangit sila! >0<


“Miss, hwag ka ng mag-deny pa! Alam namin ang itsura ni Queen kaya naman wala ng magagawa ‘yang pagsisinungaling mo.” Pagkatapos tinakpan niya ‘yung bibig ko ng packaging tape.


Nagsisingungaling? Ako?! Alam nila ‘yung itsura nung Queen? Oh come on! Kung alam nila edi dapat hindi ako ‘yung dinukot nila ngayon! Mga bobo! Inutil! Mangmang! Walang pinag-aralan! Maninira ng dangal… eh? OA ko naman masyado! >__<


“Ahaoabjammp!” Hindi ako makapagsalita dahil sa packaging tape na inilagay nila sa bibig ko. Mga galunggong itong mga ‘to! Hindi nga sabi ako si QUEEN eh! MEGUMI ang pangalan ko at hindi Queen!


Dahil na rin siguro sa pagod ay nakatulog ako sa biyahe. Nagising nalang ako nung may tumampal ng pisngi ko.


Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang isang pangit na nilalang kaya naman napasandal ako sa inuupuan ko.


“Gising ka na pala, Queen.” Nakangising sabi nung pangit na nilalang. Siya na siguro ‘yung Boss na tinatawag nila. Hindi naman mukhang boss eh. Mukha nga siyang janitor sa school na pinpasukan ko eh. -___-


Magsasalita sana ako kaso naalala kong nakatakip pala ‘yung bibig ko. Kaya naman imbis na gasgasin ko ‘yung lalamunan ko ay binigyan ko nalang siya ng isang napakatalim na tingin na sigurado naman na mamamatay siya kung nakakamatay iyon. Huh? Ano daw?


“Hahahaha! Hindi ko inaasahan na sa maagang panahon ay magkakaharap tayo.” Nakangisi pa rin siya. “Totoo ngang napakaganda mo, Queen.”


+___+ lechong paksiw na may patatas! Sinabing hindi ako si Queen eh! Sino ba kasi ‘yung Queen na ‘yun at napaka-swerte naman niya dahil napagkamalan na ako siya!


Bigla siyang tumawa. “Gusto kong marinig ang boses mo.” Lumingon siya sa isang lalaking nakatakip pa rin ‘yung mukha at sumenyas ito.


Lumapit sa akin ‘yung lalaki at pumunta sa may likuran ko at dahan-dahan niyang inikot ‘yung tape at ako naman ay napapapikit dahil sa sobrang sakit! Sheyt na pasas na ‘yan oh! Killing me softly lang?!


“Bilisan mo!” Sigaw nung pangit kaya naman bigla niyang binigla ‘yung pagtanggal sa tape. Napasigaw ako dahil sa sobrang sakit! Pakiramdam ko natanggal ‘yung lips ko at sumama dun sa may tape!


De puta mansanas! Kapag ako nakawala dito? Malalagot sa akin kung sino man ‘yung nagpakadukot o dumukot sa akin!


“Anong masasabi mo ngayon, Queen?” He grinned.


Huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ang kanina ko pang nagwawalang kalooban. “Unang-una.” Tinignan ko siya ng matalim at mukhang hinihintay naman niya ‘yung susunod kong sasabihin. “Sino si Queen?” Napataas ‘yung kilay niya sa tanong ko. “Pangalawa, hindi ako si Queen dahil ang pangalan ko ay Megumi.” I gritted my teeth dahil sa sobrang gigil. “Pangatlo, kapag hindi niyo ako pinakawalan dito… sa impyerno kayo pupulutin.” Madiin kong sabi.


Pero… “Hahahahahahahahahahahahaha!” =___= tumawa lang siya na para bang wala ng bukas. “Hahahahahaha!” Ngayon pumapalakpak na siya. “Whoo~ hindi ko alam na mahilig ka palang mag-joke, Queen.” Sinabing hindi ako si Queen eh! -___-+++


“Hoy Panget!” Sigaw ko. Nakakainis na eh. Sino ba kasi talaga ‘yung hinayupak na Queen na ‘yun?! “Sinabing hindi ako ‘yung Queen na hinahanap niyo eh! Hindi ba kayo marunong umintindi?! Ha?! Diba sinabi ko na sa inyo na MEGUMI ang pangalan ko at hindi Queen?! Lechong baboy naman o! Sino ba ‘yung hinayupak na Queen na ‘yan at ipapahanap ko para ibigay sa inyo?! Mga gunggong!” Hingal na hingal akong tumingin sa kanila ng masama pagkatapos ngs mga sinabi ko. Nakakainis eh! Mga pangit na nga, hindi pa marunong kumilatis ng tao! Bowset!


“Pre, baka nga hindi si Queen ‘yan.” Bulong nung isa sa mga dumukot sa akin.


“Oo nga. Hindi naman ganyan si Queen magsalita eh.” Sabi pa nung isa.


“Hala! Lagot ka kay Bossing! Pinaasa mo nanaman siya sa wala!” Sabat naman nung isa.


“TAHIMIK!” Nagulat naman ‘yung mga naguusap dahil sumigaw itong si Pangit. Lumapit siya sa akin at saka lumebel. Hinawakan niya ‘yung baba ko gamit ang kaliwang kamay niya at kinikilatis niya ‘yung mukha ko. Pagkatapos tumayo na rin siya at humarap dun sa mga ‘tauhan’ daw niya. “Mga inutil! Hindi nga si Queen ‘to!” Sigaw niya dun.


“Patay ka ‘tol!” Gatong nung isa.


“H-ha? P-pero B-boss! Papaanong nangyari ‘yun? Kamukhang kamukha niya!” Natatakot na sabi nung chubby na lalaki. Siya ‘yung humila sa akin kanina!!! Lagot ka sa akin mamaya kapag nakawala ako dito!


“Bobo! Hindi kita binabayaran para magdala ng ibang tao dito!” Nagsalita! Eh kanina lang pinagpipilitan niya na ako si Queen! -__-


“E-eh Boss, anong gagawin natin jan sa babaeng ‘yan?” Tanong nung isa.


Tumingin naman sa akin ulit ‘yung Boss na pangit nila. “Hmm…” Napahawak siya sa baba niya at mukhang nagiisip.


“Hah! Pakawalan niyo nalang ako para mahanap niyo na ‘yung Queen na hinahanap niyo!” Sabi ko.


“Hindi maaari!” Sigaw ni Pangit.


“At bakit?” Taas kilay kong tanong -___^


“Dahil magsusumbong ka sa mga parak na walang utak!” Woah! Parak? Ano ‘yun?


“Huh? Anong parak?” Clueless na tanong ko.


“Basta! Hindi ka pwedeng umalis!” Anak ng tokwa naman o! Kapag ako napikon, ipapahuli at ipapabugbog ko sila sa mga army nila Papa at Ate!


Magsasalita pa sana ako nang bigla akong makarinig ng putok ng baril.


Siguro mga pulis na ‘yan! “Hah! Kulong kayo ngayon!” Sabi ko at nag-flash ako ng isang ngiting wagi.


“Tsk! Mga wala naman utak ‘yan!” Sabi ni Pangit. “Hoy kayo jan! Tignan niyo ‘yung nasa labas at akong bahala dito sa babaeng ‘to!” Nagsitakbuhan naman papunta sa may labas ‘yung mga ulupong niyang tauhan. Humarap siya sa akin.


“O? Anong tini-tingin tingin mo jan?” -__-


“Ang tapang mo pa ha! Hindi mo ba alam na kaya kitang patayin ha?”


“Ows? Sinong tinakot mo? Ikaw na isang pipichuging pangit? Kayang patayin ang isang mala-dyosang tulad ko? O c’mon! Joke ‘yun?” Ngumisi ako.


Bigla naman namula ‘yung tenga niya at parang may usok na lumabas sa ilong niya. WAAAH! Mukha siyang bull dog! Mwahahahaha!


“Sinusubukan mo talaga akong babae ka ah!” Lumapit siya sa akin at tinanggal ‘yung pagkakatali ko sa may paa para makatayo ako. Hinatak niya ‘yung braso ko.


“ARAY! Dahan-dahan naman sa paghatak! Be gentleman!” Inis na sabi ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin at hinatak lang niya ako papunta dun sa madilim na part.


WAAAH! A-anong gagawin niya sa akin?! >___<


“Hoy! Tigil!” Sigaw nang isang lalaki kaya naman napatigil kami sa paglalakad.


Lumingon si Pangit dun sa lalaking sumigaw. “A-anong—papaano niyo nalaman itong lugar na ‘to?! Ha?!” Galit na sigaw ni Pangit dun sa lalaki kaya naman napalingon ako.


O___O si J-jack?!


“Megumi! Ayos ka lang ba!” Sigaw niya habang may baril siyang hawak-hawak.


“J-jack?! Anong ginagawa mo dito?! Saka… bakit ka may baril na hawak?!” K-kailan pa siya natutong humawak ng baril?! “Delikado ‘yan!” Sabi ko sa kanya at tinawanan lang ako.


“Hwag kang mag-alala Megs! Marunong ako gumamit nito!” Nilipat niya ‘yung tingin niya kay Pangs. “Bitawan mo siya kung hindi pasasabugin ko ‘yang utak mo.”


Napatingin ako dito kay Pangs at mukha siyang natatae na ewan. Natatakot ata siya? Hindi naman siya kay Jack nakatingin. Nung tinignan ko ‘yung direksyon na tinitignan niya ay may naaninag akong lalaking matangkad. Hindi ko totally nakita. Naaninagan ko lang. Baka nga guni-guni ko lang iyon eh.


“Bibilang ako ng tatlo! Kapag hindi mo siya bin—“


“Oo na! Oo na! Bibitawan na!” Binitawan niya ako at itinulak pa-abante kaya naman napada ako sa may sahig.


Lechong kawali naman talaga! Ang sakit nun ah! +___+#


Bigla nalang tumakbo si Pangs dun sa may madilim na part.


Anong nangyari dun? Bakit parang nakakita siya ng multo? -__-


“Megs!” Tumakbo papalapit sa akin si Jack. “Okay ka lang ba?” Itinayo niya ako at tinatanggal na niya ‘yung taling nakatali sa kamay ko. Nung natanggal niya na ‘yung tali ay bigla siyang nag-cuss. “Shit! Masakit ba?”


“Ha? Ang alin?”


Inangat niya ‘yung kamay ko at pagtingin ko pulang pula ‘yung wrist ko. Dahil siguro ito sa sobrang higpit ng pagkakatali nung lubid. “Hindi naman.” Sagot ko. Napatingin ako dun sa baril na hawak niya kaya hinampas ko siya sa braso niya. “Baliw ka! Kailan ka pa natutong humawak ng baril ha?!”


“A-aray! Megs naman! Sandali lang!” Tinigil ko ‘yung paghampas sa kanya. “Tignan mo gagawin ko ha.” Inangat niya ‘yung kamay niya na may hawak ng baril at itinutok sa akin ‘yon.


Nanlaki ‘yung mata ko sa ginawa niya at napaatras ako. “J-jack! A-anong ginaga—“


*POINK!*


-___- “JAAAAAAAAAAACK!” Sigaw ko dahil bigla siyang tumakbo palabas nitong lumang building.


Siraulong lalaking ‘yun! Akala ko pa naman totoo ‘yung baril niya! Yun pala laruan lang na kapag kinalabit mo ‘yung trigger ay may bilog na papel na tatalsik doon! At tinamaan ako sa noo nun ha!


***


Inihatid ako ni Jack sa bahay mismo namin. Sabi ko nga sa unit ko nalang ako uuwi kaso ayaw naman niya dahil nagaalala siya na baka balikan ako nung mga pangit na dumukot sa akin kanina. Pumayag naman ako.


“Jack, salamat ha.” Hinawakan ko ‘yung balikat niya at saka nginitian.


“Huh? Para saan?”


“Sa pagligtas sa akin?” Bigla niya akong pinitik sa noo. “A-aray!” >0<


“Mabuti nalang at may nakakita sayo at sa plate number nung van na sinakyan mo. Kung hindi pa kita pupuntahan sa unit mo, hindi ko pa malalaman na na-kidnap ka na pala nung mga pangit na ‘yun.” Nakasimangot na sabi niya.


Eeh bakit ang gwapo niya sumimangot? Saka nag-aalala siya sa akin! >///<


“Hindi ko naman alam. Saka sorry n—aray! Jack naman eh!” Ngumuso ako at napahawak sa noo ko. Lakas mamitik eh!


“Pumasok ka na sa bahay niyo. Simula bukas, dun ka na kumuha ng unit sa Condominium na inuupahan ko.” Ano daw? O.o?


“P-pero Ja—“


“Wala ng pero-pero! Kapag hindi ka pumayag, iku-kwento ko kay Tito Sydney ‘yung nangyari sayo ngayon. At kapag nakwento ko na ‘yun malamang, kukuhaan ka nun ng bodyguard.” Seryosong sabi niya. >___<


Isa siyang blackmailer!


“Hay! Oo na po Lolo!” Natatawang sabi ko sa kanya at saka bumaba ng sasakyan niya. “Salamat ulit. Ingat ka ah.” Mahal kita. Gusto ko sanang idagdag ‘yun eh. Kaso hwag nalang! Hihi. Sayang ang ganda ko kung sasabihin ko ‘yun! Mwahahaha. Anong kunek? Secreeeeet! :p


2 comments:

  1. GuSto ko uNg chaRacter ni eLLine, kHit gNun xAh paRaNg ang sARap niAng mGing kAibigAn,,,

    ReplyDelete
  2. ────────────────────░███░
    ───────────────────░█░░░█░
    ──────────────────░█░░░░░█░
    ─────────────────░█░░░░░█░
    ──────────░░░───░█░░░░░░█░
    ─────────░███░──░█░░░░░█░
    ───────░██░░░██░█░░░░░█░
    ──────░█░░█░░░░██░░░░░█░
    ────░██░░█░░░░░░█░░░░█░
    ───░█░░░█░░░░░░░██░░░█░
    ──░█░░░░█░░░░░░░░█░░░█░
    ──░█░░░░░█░░░░░░░░█░░░█░
    ──░█░░█░░░█░░░░░░░░█░░█░
    ─░█░░░█░░░░██░░░░░░█░░█░
    ─░█░░░░█░░░░░██░░░█░░░█░
    ─░█░█░░░█░░░░░░███░░░░█░
    ░█░░░█░░░██░░░░░█░░░░░█░
    ░█░░░░█░░░░█████░░░░░█░
    ░█░░░░░█░░░░░░░█░░░░░█░
    ░█░█░░░░██░░░░█░░░░░█░
    ─░█░█░░░░░████░░░░██░
    ─░█░░█░░░░░░░█░░██░█░
    ──░█░░██░░░██░░█░░░█░
    ───░██░░███░░██░█░░█░
    ────░██░░░███░░░█░░░█░
    ──────░███░░░░░░█░░░█░
    ──────░█░░░░░░░░█░░░█░
    ──────░█░░░░░░░░░░░░█░
    ──────░█░░░░░░░░░░░░░█░
    ──────░█░░░░░░░░░░░░░█░
    ████──░█░████░░░░░░░░█░
    █──█──████──████░░░░░█░
    █──█──█──█──█──████████
    █──█──████──█──█──────█
    █──█──█──█────██──██──█
    █──████──█──█──█──────█
    █─────█──█──█──█──█████
    ███████──████──█──────█
    ──────████──██████████

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^