Thursday, January 3, 2013

You Got Me : Chapter Eleven

Chapter Eleven

You’re so Beautiful in my Eyes, that’s why You Got Me, but I’m Terrified



            Salamat naman at walang nagbigay ng kahit na anong hindi magandang comment ang mga bading na to pati na rin si Wacky. Kasi kung nagkataon na nilait nila ang cake na ginawa namin ni Madam, talagang makakatikim sila ng hindi nila malilimutan na galit ko.


            “Ma, si Daddy ba kailan pupunta dito?” biglang tanong ni Wacky sa mommy nya. “Akala ko ba ngayong gabi sya darating?”


            Bahala nga silang mag-ina na mag-usap, gawa muna kami ng kanya-kanyang mundo. Yung mga Bading-Girlz-Zees kasi tamang plano na magpunta  sa malapit na bar para daw mag-papa hunting. Ako, tamang lakad lang muna along the shore.


            Pagka-graduate ko kaya, saan ako unang mag a-apply ng trabaho? Alam naman nating lahat na isang napakalaking pagsubok ang paghahanap ng trabaho ngayon, kaya bilang malapit na akong maka-graduate, dapat ko ng isipin kung saan ko gustong pumasok ng trabaho. Aba, ayoko namang mapabilang sa napakaraming unemployed.


            Kailan ko kaya mabibisita ang pamilya ko sa Japan, namimis ko na kasi silang tatlo eh. Ang gaga ko rin naman kasi eh, pwede naman kasi na sa Japan na lang ako mag-aral kung bakit dito ko pa talaga naisipang mag-aral eh. Pero hindi naman talaga ako nagsisisi na dito ako nag-aral, na mag-isa lang ako.


            Sa lovelife ko kaya, kailan magkakaron ng linaw? Kailan kaya mawawala yung takot ko na masaktan? Puchang buhay kasi naman na to oh, bakit laging sa maling lalake ako nagkaka-gusto eh, ibigay na lang nating halimbawa si Wacky. Panigurado luluha ako ng sobrang dami kapag pinag-patuloy ko pa tong nararamdaman ko. Ay nako, erase, erase, erase!


            “Madam, punta tayo dun sa bar na yon oh, parang ang sarap maki-jamming sa tugtugan nila.” Hala ka, ang tibay din nitong si Miley at talagang si Madam pa ang inaya na mag-bar. “Kanta tayo dun, daliiiiiii!!!!” at hinila pa talaga ni Miley at Milka si Madam, grabe nakakahiya ang ginagawa nila.


            Pero eto ang nakaka-gulat, si Madam hindi na nagpapilit at sumama agad dun sa dalawa. “Tara na kayo bilis, kakanta daw ang dalawa na to. Tara na Shen, Wacky.” grabe, ibang klase talaga tong si Madam super unpredictable.


            Pagdating namin dun sa bar, agad na nag-order ng dalawang bucket ng lights ang mga bading. Syempre hindi na rin naman ako kumontra dahil bukas ng hapon uuwi na kami, wala ng next time para sa ganitong klaseng experience.


            “Miley-gaya, simulan mo na, maki-jamming ka na sa kanila.” Sigaw ni Milo.


            Dahil sadyang mahal ni Milka ang mic at ang pagkanta, hindi na sya nagpakipot pa. Sa sobrang excitement nga nya kahit na may kumakanta pa umakyat na agad sya eh.


            “Teh maya ka na ulit, moment muna ako!” pagtataboy ni Miley dun sa isang nakiki-jamming dun sa banda. “Good evening everyone of youuuu.” Grabe, ibang klase talaga ang isang to kapag nakakahawak ng mic. “At dahil good ang evening nyo ay hayaan nyo akong sirain ang mga gabi ninyo, ahahaha! Joke lang mga mars at papards. Bandaness, muzic!!!”


            Feel na feel naman ni Mile yang pagkanta nya ng Speak Now ni Taylor Swift, feeling nya siguro sya si Taylor. Hindi pa nakuntento ang luka, kumuha pa kunwari ng lalake na kinakantahan nya, alamat naman at hindi sya sinapak nung lalake na napag-tripan nya na hilahin.


[A/N: pa-epal lang sandali at may nagre-request na ibang POV naman daw, pag-pahingahin ko naman daw yung POV ni Deminyita. Dahil mahal ko yung nag-request eh pagbibigyan ko sya, ang nag-request ay walang iba kundi ang pinsan ko na umeepal bago ako mag-post. Hulaan nyo kung kaninong POV ang ni-request nya… kay MADAM PRESIDENT. Walanjo tong pinsan ko, pahihirapan akong mag-isip kung ano ang tumatakbo sa isip ng isang Madam President. Kung ano man ang makayanan ko sa POV ni Madam ay pag-pasensyahan nyo na.                                           Queen =)]



(Madam President POV)


            Ang mga bata na ito oh, lalo na tong mga kaibigan ni Shen. Hindi ko maintindihan pero hindi ko nagawang tumanggi na sumama sa kanila dito sa bar na ito na puro kabataan ang laman.


            “Papa Waiter, two bucket of lights please!” what an alcoholic gays. We just arrived here but they hurriedly order two buckets. “Pabilis fafa, were thirsty.”


            “Miley-gaya, simulan mo na, maki-jamming ka na sa kanila.”


            Milka go to the stage without any hesitation, it’s like he’s not ashame of everyone out here na hindi man lang nya kilala. “Good evening everyone of youuuu.” The crowd answers him with a wild yell; mababasag yata ang eardrums ko dito. “At dahil good ang evening nyo ay hayaan nyo akong sirain ang mga gabi ninyo, ahahaha! Joke lang mga mars at papards. Bandaness, muzic!!!” what  a funny gay Miley is, now I don’t wonder why Shen makes them her friends.


            Sige lang sa pagkanta si Miley kasama yung lalake na nahila nya sa iba pang bar-goers when Milo suddenly said something so interesting. “Madam, you want to hear Shen sings?” of course I love to.


            “Shenelin, may sasabihin daw sayo si Madam oh. Wag masyadong titigan si Papa Wacky at baka bigla yang matunaw.” Biro ni Milo kay Shen. Wait, talaga bang pinagmamasadan ni Shen ang anak ko?


            Tumabi naman sa akin si Shen and she ask me agad. “Ano po yun Madam, kinukulit po ba kayo nitong baklita na to?” kaya naman hindi na ako nagtataka na ganito ka-prangka ang mamnugangin ko eh.


            “No, no, no! I just to ask a favor to you.” Para namang kinabahan sya sa simpleng sinabi ko na yon, she even look to Milo. “Oh Shen, Milo has nothing to do with my favor.”


            “Ano po ba yon Madam, anything po basta kaya ko.”


[A/N: pasingit lang ulit saglit, mapapatay ko sa tingin tong pinsan ko. Jusme, ang hirap ng POV ni Madam hindi ko alam kung panong gagawin ko dito, dumudugo na ilong ko!]


            “Sing for me Shen, please!” with matching paawa looks pa yan. “Please?”


            Napakamot naman ng ulo si Shen sa request ko sa kanya, maybe she’s not the type of girl who wants attention. Kasi nga naman diba, when she sings up there for sure titingnan sya ng lahat, then the other boys might like her. Parang mali yata yung ginawa ko na mag-request, what if may magka-gustong iba kay Shen tapos magustuhan din nya, paano na si Wacky ko nun?


            “Isang kanta lang po Madam ha, mahiyain po kasi ako eh pero para sayo Madam, kakayanin ko.”


            After pumayag ni Shen, agad na lumapit si Milo kay Miley na kakatapos lang kumanta and maybe he said na kakanta si Shen. “Awardness!” biglang nasabi ni Miley, then after a while Milo returned to our place.


            “Howkey guys and gels, may nag-requestsung kasi sa aking beautiful but little devil friend to sing-along, payag naman ba kayo? Ayun sya oh” then he pointed Shen who sits beside me.


            Shen just give a weak smile na halatang nahihiya sa mga nangyayari. “H-hello?!” yan lang ang nasabi nya. Sumisigaw naman ng go yung ibang tao dito sa bar, it means payag sila na kumanta si Shen.


            “Tara na dito sa stage Shenelin, bilis excitedness na aketch sa mini-concert mo!” tumayo naman si Shen para pumunta na sa stage. “Party peoples just a fact here, first time kakanta tong si Shenelin in front of madaming madlang party animals.”


            Tinanong naman nung band na tumutugtog kung ano ang kakantahin ni Shen just to make sure na alam nila yung kanta. Looks like there’s a problem, parang hindi alam nung band yung gustong kantahin ng soon to be daughter-in-law ko.


            “Waitsung muna tayo at nag-uusap pa ang bandaness and ang ating songer of the night. Anyway, I just want you all to meet the Bading-Girl-Zees and of course our financer of the night. Lights Director, put them on the spot.” Oh this gay isa really something, parang sobra yata ang kapal ng foundation nya ngayon at di man lang sya makaramdam ng konting hiya. “Meet Milo, Milka, and Mina, the member of the Bading-Girl-Zees.” And nagpalakpakan naman ang mga tao dito dahil sa kalokohan nitong mga ito. “And our financer of the night, Little Mr. President Wacky and of course, and fairygod mother ni LMP si Madam President. Madam, Wacky wave-wave-wave naman kayo jan!”


            No choice na rin naman kami ng anak ko kaya naman kumaway naman kaming dalawa. Parang gusto ko ng mag-sisi sa sumama ako sa mga kabataan na to.


            “Ayan ready na ang ating main event tonight, igi-givesung ko na kay Shenelin ang makapangyaring microphone. Nawa ay mag-enjoy tayong lahat!” at ibinigay na nga ni Miley ang microphone kay Shen.


            Excited na ako, swear! “Good evening everyone, pasensya na po kayo sa kabaliwan nitong apat na kasama ko hindi ko po kasi napa-inom ng gamot kanina eh.” humorous lady, I really like her for my son. “And in advance, gusto ko na rin pong humingi ng pasensya sa magiging performance ko. Anyway, I have to play keyboard dahil hindi alam ng banda yung kakantahin ko. I hope you’ll all like it.” And she started to play the keyboard.


Demi POV


            Kung hindi lang para kay Madam, hindi ko naman gagawin to eh. Kumbaga eto na lang yung maibabayad ko sa kanya sa pagpapatuloy nya sa amin sa rest house nila, saka sa pagpapakain nya sa amin. Pero nakakahiya talaga tong mga baklang to, grabe lang.


You're stuck on me and my laughing eyes
I can't pretend though I try to hide - I like you
I like you.


            My goodness talaga, hindi kasi ako sanay na maging center of attraction eh kaya laking pasasalamat ko sa mga magulang ko na hindi ako ipinanganak na kasing gandang tao ni Kuya Kyohei, tapos heto ako ngayon kumakanta sa harap ng madaming tao.


I think I felt my heart skip a beat
I'm standing here and I can hardly breathe - you got me
You got me.

The way you take my hand is just so sweet
And that crooked smile of yours it knocks me off my feet.


            Tapos etong si Wacky naman kung makatingin akala mo nagpapakita ako ng isang malaking himala, pati si Madam kung maka-tingin sobrang nakaka-ilang. Yung apat na bading pa, ayun mga nakataas ang kamay at nakikisabay sa pagkanta ko. Bakit ba kasi ito pa ang napili kong kantahin eh, baka mamaya isipin ng tukmol na yon na para sa kanya to.


Oh, I just can't get enough
How much do I need to fill me up.
It feels so good it must be love
It's everything that I've been dreaming of.
I give up. I give in. I let go. Let's begin.
Cause no matter what I do,
Oh (oh) my heart is filled with you.


            Pero kung iisipin ko namang mabuti, wala namang masama o wala naman akong nakikitang mali kung magkaka-gusto ako sa kanya. Pero alam nyo kasi yun, andun yung takot na baka masaktan lang ako na baka lokohin nya lang ako at mapasama pa ang pangalan ko sa most wanted list dahil napaslang ko yung babae na umagaw sa kanya sa akin.


I can't imagine what it'd be like
Living each day in this life - without you.
Without you.
One look from you I know you understand
This mess we're in you know is just so out of hand.


            Sa kaka-isip ko ng walang kakwenta-kwentang bagay hindi ko namalayan na nasa mini-stage na rin pala si Wacky while intently looking at me. Ano bang problema nya, bakit ganyan sya kung makatingin?


            “Gorabelles na Papa Wacky, support mo na si Mama Demi!” sabi ni Milo na nasa tabi lang din pala ni Wacky. “Kinikilig ako girlz!” dagdag na sabi nito nung pababa na sya ng stage.


Oh, I just can't get enough
How much do I need to fill me up.
It feels so good it must be love
It's everything that I've been dreaming of.
I give up. I give in. I let go. Let's begin.
Cause no matter what I do,
Oh (oh) my heart is filled with you.

I hope we always feel this way (I know we will)
And in my heart I know that you will always stay



            Ikaw ba naman ang magkaron ng mga ganitong kalalandi na mga baklang kaibigan, ewan ko na lang kung matagalan nyo rin sila?! Hindi lang pala sila ang mga pasaway na kinikilig sa mga nangyayari, pati na rin si Madam, at isama mo pa yung ibang mga gimikero at gimikera dito sa bar.


            “Kiss…kiss…kiss…” sigaw nung isang gimikero.


            Ako tuloy lang ako sa pagkanta kahit pa gustong-gusto ko ng sigawan yung lalake na yon na nagsasabi ng kiss na ‘ikiskis mo sa pader nguso mo’ ka-badtrip lang sya, iki-kiss eh nakita ng kumakanta yung tao dito. At bakit Demi Shen sa lips ka ba iki-kiss, hindi ba pwedeng sa cheeks lang?


Oh, I just can't get enough
How much do I need to fill me up.
It feels so good it must be love
I give up. I give in. I let go. Let's begin.
Cause no matter what I do,

Oh, I just can't get enough
How much do I need to fill me up.
It feels so good it must be love
It's everything that I've been dreaming of.
I give up. I give in. I let go. Let's begin.
Cause no matter what I do,
Oh (oh) my heart is filled with you.


            Pagkatapos nung kanta ko kanya-kanya silang palakpak at sigaw ng ‘more, more, more.’ Anu sila sinuswerte, akala yata nila napakadali lang kumanta sa harap ng maraming tao.


            “You really surprise me Shen, ang ganda pala ng boses mo.” Bulong sa akin ni Wacky ng makababa na kami sa stage. Ako naman eh napa-inom bigla ng isang basong lights ng wala sa oras, straight. “Hey, may plano ka bang mag-lasing?”


            Pero dedmatologist lang ang lola mo kasi naman hindi ko alam kung bakit ang puso ko eh parang merong live band din sa loob at panay ang tambol. “Madam, ayos po ba?” baling ko na lang kay Madam kasi ayokong makita ang muka ni Wacky, ayoko!


            “Hindi ayos Shen, sobrang ayos. Ang galing mo talaga anak!” maka-anak naman tong si Madam wagas, akala mo anak nya talaga ako. “Isang kanta pa please!” aba naman, umaapaw na sa request si Madam.


            Si Milo at si Miley naman andun na pala sa stage at parang sila na talaga ang host tonight, buti na lang hindi sila hinihila nung mga bouncer dito sa bar.


          “You want more guys?” tanong ni Milo sa mga tao dito sa bar. Naku Emilio, wag na wag ka lang magkakamali na pakantahin ako ulit kundi babalatan talaga kita na parang palaka. “Sisteret, wantsungness pa nila ng morelalu! Sinetch naman kaya ang nagsi sing-galing after ng DBF ko na si Shenelin?” hay nako, ang landi talaga ng BBF ko.


            “May ideaness na ako Lola Milo, kanina na-keribelles ni Shenelin baby ang stage, bakit hindi naman si papable papa Wacky ang pakantahin natin, awardness yun teh!” bwahahahaha, that’s a super brilliant idea Miley!


            Sigawan naman yung tao dun sa naisip na yon ni Miley, syempre mas malakas ang sigaw nung mga babae. Tiningnan ko naman yung itchura ni Wacky pero parang game na game naman ang lolo mo, eh di sya na ang mahilig sa exposure.


            Bumaba naman si Milo sa stage at lumapit kay Wacky at hinila ito papunta sa stage. “Wacky, kanta ka for all of us here they want to hear your beautifulness voice ever.” Makukurot ko talaga sa singit tong si Milo mamaya pag-uwi namin.


            “Anong wantlalu mong kanta?” tanong ni Miley kay Mahangin Man kahit hindi pa naman sya sumasagot na kakanta nga sya. “For sure kilig to the bones ang mga girlets dito.”


            Napa-kamot naman sa batok nya si Wacky, siguro dahil sa kahihiyan na binibigay sa kanya nung dalawa kong baliw na kaibigan.


            “Madam President, kumakanta po ba talaga si Sir Wacky?” biglang tanong ni Milka kay Madam.


            Oo nga no, kumakanta nga kaya talaga si Wacky? “Hear it your self girls, baka lalo kayong mahumaling sa kanya kapag narinig nyong kumanta ang anak ko.” ang makahulugang sagot naman ni Madam kay Milka.


            “Milka-way, narinig mo ba yung sinabi ni Madam, girls daw! So girl na din pala ang tingin sa atin ni Madam, awardsungness yun girl!” biglang singit naman ni Mina. Ganyan kasaya talaga ang isang yan kapag natatawag syang girl ng ibang tao, ang babaw lang diba.


            “I’ll sing Beautiful in my Eyes, ok na ba yon?” tanong pa ni Wacky sa dalawa, ang yabang lang nya ha. “Anyway, I dedicate this song to the most beautiful girl in my eyes.” Hindi lang mayabang, malandi pa pala at may nalalaman pa na I dedicate this song.


            Nagsimula na syang kumanta at syempre pa kilig na kilig ang mga bading pati na rin ang ibang mga babae dito sa bar, at hindi ako kasali sa mga kinikilig na yon. Masyado akong abala sa pamumulutan at pag-inom, ayoko ng masyadong damihin ang prisensya ni Wacky sa paligid, at lalong ayokong pakinggan yung boses nya baka kasi tuluyan na akong lamunin ng nararamdaman ko. Ilang minuto ko ring tiniis yung hindi pakinggan ang kanta nya, pero kagaya ng lahat ng bagay ay meron din yung katapusan at tapos na nga sya.


            “Hang-ganda pala ng boses ni Papa Wacky, narinig at nakita mo ba yon Deminyita?” biglang tanong sa akin ni Milka ng matapos kumanta si Wacky. “Hoy bruha, bakit parang hindi ka naman nakikinig jan?!” biglang tapik nya sa akin, nabuga ko tuloy ng bahagya yung iniinom ko.


          “Award ka Demilicious, kailan ka pa natutong uminom ng ganyang karami? Paano kami makaka-uwi kung pati ikaw ang lasing?” sita naman sa akin ni Mina.


            “You want more????!!!” biglang tanong ni Miley sa mga audience nila, feeling nila gay bar to eh. “I can’t hear you people!” ano to Miley, concert?


            Merong isang waiter nung bar ang lumapit dun sa dalawa sa stage at may iniabot na papel. “Oh, my love letter na ipinadala sa akin Miley look!” ang sabi ni Milo ng maiabot sa kanya yung papel. “Dear Ate Charo… charot guys!” silang dalawa muna ni Miley yung bumasa nung sulat at base sa expression ng muka nila ay nagulat na masaya na kinikilig sila.


            “Award yan, magiging mabenta ang bar na ito sa mga darating na araw, swear to my beautiful face yan.” ang exag na sabi ni Miley na kinikilig-kilig pa. “Basahin mo na yan Milola.”


            “Syempre sabihin na muna natin kung kanino agaling yung love note na ito, kay Mr. Management!” ay award, balak pa yata silang i-recruit nung may-ari nito para maging regular performer ah. “’Please sing my daugther’s favorite song Terrified my Katherine and Zack, if you will libre na lahat ng drinks and pulutan ninyo. It’s my daughter’s birthday today and she really wants to hear that song from you two’. Ay Oscar’s Award, nasaan si birthday girl na anak ni Mr. Management, tara dito bilis?” tanong ni Milo habang nililibot nya ng tingin yung buong bar. Meron namang isang parang fifteen years old na babae ang lumapit sa stage. “Ay teh, bagets pa ang ating celebrant. Baby come here, excited na aketch kung sino ang gusto nyang kumanta ng favorite songlalu nya.”


            Ng maka-akyat na sa stage ang anak nung may ari “What’s your name cutie?” tanong ni Miley dun sa bata. How come na isinama nung parents nya yung anak nila na yon sa ganitong klaseng bar, I don’t get it.


            “I’m Patricia Nicolette, and today is my thirteenth birthday.” Sagot naman nung babae.


            “So, who do you preffer to sing your favorite song?” tanong ulit ni Miley.


            “The guy who sings Beautiful in my Eyes, and the girl who sing a Colbie Calliat song.” At talagang tiningnan pa nya kaming dalawa ni Wacky. Oh come on, ayokong maka-duet ang kumag na to. “Please?” ang sabi pa nung bata with puppy eyes.


            “Go, it’s her birthday today and you two have the power to make her happy in a very simple way. Pagbigyan nyo na sya!” biglang sabi naman ni Madam.


            “Oo nga naman, simple lang naman yung hiling nung bata kaya pagbigyan nyo na. Saka all expense paid na tayo ditey sa lahat ng tinomabelles natin.” Si Milka.


            Eh ano pa nga ba diba, parang ang sama ko namang tao kung hindi ko pa pagbibigyan yung simpleng hiling nitong bata na to. Pero naisip ko lang din, bakit hindi na lang dun sa banda nya ipakanta yung Terrified samantalang mas maganda naman ang boses nila kesa sa boses ko.


            Hindi na ako nagsalita, pati si Wacky, basta na lang naming nilapitan yung bata dun sa stage. “Happy birthday!” ang sabay naming sabi ni Wacky kay Patricia Nicollete.


            “I want you to sing that song because it fits so well to the both of you.” Walanjong bata to, ang daming alam. “Thank you in advance. Anyway, you look good together. Girlfriend mo ba sya Kuya kasi nung kumakanta ka sa kanya ka nakatingin eh.”


            Ano ba naman tong bata na to, kung ano-ano ang sinasabi at napapansin. At talagang naka-mic pa sya nung tinanong nya si Wacky ng ganon. “She’s not my girlfriend, not yet.” Kinilig naman yung ibang gimikeros, at si ako naman nag-blush, eh yung baklang sina Milo at Miley naman akala mo maiihi lang.


            “Bagay sila diba?” biglang tanong ni Patricia sa mga tao, at nagsipag-sigawan naman sila as an answer to Patricia’s question. “Ate type mo ba si Kuya?”


            Off guard. Hindi ako prepared sa tanong na yon ha, ano ngayon ang isasagot ko? “Ah…kantahin na natin yung request mo!” kasi naman, parang hindi naman yata tama na sumagot ako sa ganong klaseng tanong sa ganitong klaseng lugar at sa ganitong klaseng kalagayan ko na naka-inom na.


            At hindi nga nagtagal ay sinimulan na nung banda na tugtugin yung Terrified na parang tama nga yata yung sinabi nung celebrant.


You by the light
Is the greatest find
In the world full of world
You’re the thing that’s right

Finally made it through the lonely
To the other side

You set it again, my heart’s in motion
Every word feels like a shooting star
I’m at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark.


            Hindi kasi talaga pwede eh, hindi ako pwedeng magka-gusto sa kanya kahit pa sabihin natin na gwapo sya at may dimple na isa sa mga weaknesses ko. Hindi ko pa nakikita ang sarili ko na umiiyak ng dahil sa isang lalake, hindi ko pa kaya.


And I’m in love
And I’m terrified
For the first time and the last time
In my only life


And this could be good
It’s already better than that
And nothing’s worse
Than knowing you’re holding back

I could be all that you need
If you let me try.


            Pero kung hindi ko naman susubukan, paano ko malalaman yung mga bagay na gusto kong malaman about love? Para naman akong tanga kung magtatanong lang ako, syempre gusto ko rin naman na ma-experience yung saya na sinasabi nila once you fall in love. But everytime that I wanted to, saka naman sumasabay yung thoughts na baka masaktan lang ako.


You set it again, my heart’s in motion
Every word feels like a shooting star
I’m at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark.

And I’m in love
And I’m terrified
For the first time and the last time
In my only


            Kung ganito ba naman kasing kagwapo ang magugustuhan mo ewan ko lang kung hindi ka umani ng napakaraming karibal, idagdag mo pa yung mayaman sya at pala-ngiti. Demi Shen no guts no glory, so if you really want to be happy in a different way, have the courage to acknowledge what you really feel for him.


I only said it ‘cause I mean it
I only mean it ‘cause its true
So don’t you doubt what I’ve been dreaming
‘cause it fills me up and holds me close whenever I’m without you.


            Sige, ganito na lang! Kung balak nya talaga akong ligawan, papayagan ko sya para naman mas makilala ko pa sya. Kapag nagpaligaw naman siguro ako hindi naman ibig sabihin nun na may gusto rin ako sa kanya. I really want to feel the happiness they feel when they’re with their partner. Ang inggitera ko lang diba, but I do think na panahon na rin naman siguro.


You set it again, my heart’s in motion
Every word feels like a shooting star
I’m at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark.

And I’m in love
And I’m terrified
For the first time and the last time
In my only life


            Eto naman oh, kung makatingin naman parang balak akong lusawin. Parang-awa mo naman Wacky, wag mo naman akong titigan ng ganyan dahil baka lalo akong mahulog sayo.




4 comments:

  1. oh my gosh!! at first super na shock talaga ako super sa title!! i mean,for real?????!! goshness..

    go lang ng go si madam! she's so cool!! and nka POV na rin siya for the first time! winner! at feeling lang talaga ng mga baklita show nila yung bar na yun!! angkinan na lang eh noh.. hahaha!! tawa much talaga sa kanila.. they'r so amazing..

    turns out to be a singing night.. a romantic one!! i mean,WOW!!!! super kilig to my backbones!! napapakanta rin kaya ako.. ginawa ko pang mic ung phone ko.. hahah.. na carried away na talaga sa sweetness eh!!!

    thanks patricia! i owe you one.. duet tuloy kami ni wacky mylabs!! eeehhh! ang landi ko lang! hahah.. keri lang yan Demi! u know wat they say, "you gotta try it before you hate it"..

    thanks ate richelle!! i'll surely sleep w/ a smile painted on my lips! :) love yah!

    ReplyDelete
  2. wiiiEee nmiSs q tO atEy,,, nUng maOpen q uLit aNg ADD, aNg saYa sAYa q kXe mEi updAte n,,,,

    ReplyDelete
  3. Nice one! Update pa po!

    ReplyDelete
  4. waaaaaaaahhh grabe super kilig. super love ko pa yung song. hahahah :D

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^