Sunday, February 17, 2013

You Got Me : Chapter Twelve


Chapter Twelve


The Unforgettable Moments



(ONE YEAR AFTER)


            “Babe!” tawag sa akin ni Wacky pagkababa nya sa kotse nya. “Kanina ka pa?”


            Yup, kami na nga! He courted me for six months while I’m on my last semester sa university na sya na ang nagma-manage. Kapag nasa school parang yung dati pa rin, yung lagi kaming nag-aaway para hindi masyadong halata. Naging kami nung mismong graduation day ko, and napaka-unforgettable nung moment na yun para sa aming dalawa.



+++FLASHBACK+++


            “I also wanna thank my friends na laging nandyan para pasayahin at gisingin ako sa mga panahon na sobrang inaantok ako sa klase. Maraming salamat sa Bading-Girl-Zees na walang sawang inunawa ang mga topak ko sa buhay.” At tumingin pa talaga ako sa kanila at kumaway, and they waved back. “Sa family ko na kahit nasa malayo ay naging napaka-supportive sa naging decision ko na mag-working student and to stay here alone. Mama, you brighten up my every morning with your calls and reminding me that you love me. Papa, you always put a smile on my face everytime to texted me unexpectedly with all of your humorous jokes na ako lang yata ang nakaka-alam. Kuya Kyohei, makinig ka naman sa akin at wag yung pagtingin sa paligid mo yung atupagin ko kakatingin sa mga babae.” Tawanan naman yung mga nasa hall. “I wanna thank you too kahit na bihira mo lang akong tawagan at kamustahin, I know naman that you’re too busy. Thank you sa moral support na ibinibigay mo sa akin everytime na tatawag ka para mambwisit o kaya para maglabas ng stress, akala mo yata Stresstab ako eh.”


            Eto na yung hinihintay mo Deminyita diba, go! “Sa isang tao dito sa loob ng hall, maraming salamat sa walang sawa mong pag-suporta sa akin. Lagi kang nanjan kapag may problema ako sa mga subject ko, though masasabi ko na wala ka namang itinuturo sa akin pero para ka ring si Kuya na tagapag-pataas ng tiwala ko sa sarili. Ikaw na hindi nagsawa na umunawa at maghintay, well the long wait is over. Sa akin ka na ngayon, at simula sa mga sandaling ito ay girlfriend mo na ako sa ayaw at sa gusto mo. Teka lang, wag ka munang mag-react mamaya na ha, pati na rin kayo mga Bading-Girl-Zees hold all your tili ha. Sana lang tuparin mo LAHAT ng pinangako mo, dahil kung hindi ipapakain kita ng buhay sa mga kaibigan ko.” ayan na, nasabi ko na, boyfriend ko na si Wacky, hahaha. Pagdating talaga sa kahibangan Demi Shen nangunguna ka, iba ka, ikaw na talaga! “Sa lahat ng professors, instructors, in behalf of all the students in this university, we salute you and, we thank you for all the knowledge you shared to us.” At palakpakan ang lahat ng students and parents na nasa hall to thank our instructors. “Maraming salamat po!”


            Bumalik na ako sa pwesto ko after ng lahat ng kalokohan, dahil magbibigay na ng closing remarks si Mr. President. Oo nga pala, magna cum laude ako kaya naman isa ako sa nagbigay ng speech. Ilang sandali pa ay tapos na ang graduation rights, at agad akong nilapitan ng mga bakla.


            “Malandi kang Deminyita ka, at talagang ngayon mo pa sinagot ang suitor mo!” sabi agad ni Milka sa akin nung makalapit na sila.


            “Teka nga baby gelay, sino ba yang bago mong jowa?” dagdag na tanong pa ni Mina.


            Si Milo, Wacky at ako lang kasi ang may alam. Himala diba, hindi naidaldal ni Milo na nililigawan ako ni Wacky. Kaya yung tatlong bading alam ko na na-shock talaga sila, nakita ko nga kanina pati si Milo na-shock. Hindi kasi nya alam na may ganon akong balak.


            “Ipakilala mo naman kami sa newlalu mong jowaness!” dagdag pa ni Miley. “Where-lalu na ba ang fafable mo?”


            “Shen!!!” tawag sa akin ni Mama “Congratulations baby!” at niyakap ako ni Mama ng sobrang higpit.


            “I’m so proud of you my baby girl!” at si Papa naman ang lumapit at yumakap sa akin. “So?”


            “Emmy awards ka Demilicious, sya ba ang jowa mo? Bakit now-sung lang namin sya na sightness?” malanding sabi ni Milka.


            “Gaganess ka talaga Milka, yan ang Kuya ni Deminyita no!” sagot ni Milo kay Milka with matching hila pa sa buhok. “Hi po Tito, Tita, Kuya!”


            Syempre hindi naman magpapahuli si Kuya sa pagbibigay ng power-hug. “Grabe ka Deminyita, as your friends calls you! Hindi mo man lang sinabi sa akin na Magna ka pala, ang sabi mo lang sa amin graduation mo na.” At lalo pa nyang hinigpitan ang yakap sa akin na halos hindi na ako maka-hinga. “So,  nasaan na yung boyfriend mo? Nasaan na si---“


            Sasabihin sana ni Kuya pangalan ni Wacky pero tinakpan ko muna yung bibig nya kasi baka marinig nung iba eh ang ang dami pa namang tao dito. “Kuya wag ka ngang magulo, mamaya pupunta yun sa bahay.” Yun na lang ang sinabi ko para lang matigil na sila sa kakatanong.


            Kilala naman na ni Mama, Papa at Kuya si Wacky, pero hindi nila alam yung balak ko na ngayon ko sasagutin si Wacky.


            “Awaaaarrrrdddd ka talaga Deminyita ka!” sabay-sabay na sabi ng Bading-Girl-Zees “Ang kireeee!!!”


            Hahampasin ko sana silang apat kaya lang natigilan ako kasi nag-ring bigla yung cellphone ko, si Madam tumatawag. “Hello po.” Hindi na ako lumayo kasi for sure susunod din sa akin ang mga baklang to. “Salamat po Madam, opo kasama ko po dito yung apat na saksakan na gugulo na bading.” Binalingan ko naman yung apat “Mga bakla, congratulations daw sabi ni Madam!”


            “Thank you po Madam!!!” ang sabay-sabay nilang sabi.


            Ni-congratulate lang ako ulit ni Madam at nag-paalam na sya, pero wala pang three second ay nag-riring na naman ang phone ko pero isang unregistered number ang lumabas sa screen, sino to?


            “Hello?” pagka-hello ko ‘congratulations anak’ agad ang narinig ko. Mr. President, ikaw po ba yan?” hindi kasi talaga ako sigirado eh. “Maraming salamat po Mr. President, sige po, salamat po ulit.” At end of call na naman.


+++END OF FLASHBACK+++


            “Hindi naman, kakadating ko lang din.” Sagot ko naman sa napaka-gwapo kong boyfriend.


            Sunday ngayon so we decided na magsimba before we eat dinner out. Naging routine na namin na every Sunday kapag magkikita kami yung pagsisimba, minsan sa umaga but most of the time sa hapon.


            “Babe, sabi nga pala ni Mommy sa bahay ka na daw mag-dinner bukas bago ka pumasok sa work mo.” Ang sabi sa akin ni Wacky nung papunta na kami ng simbahan. “Gusto ka na daw kasi nya ulit makita eh.”


            Si Madam talaga oh, kunwari pa papakainin lang ako ng dinner tapos makikipag-kwentuhan hanggang sa makalimutan ko na ang oras. “Sige babe, pero this time dinner lang talaga ha. May event kasi bukas sa bar so kailangan ng madaming bartenders, hindi ako pwedeng ma-late or mag-absent.”


            Tumingin at ngumiti naman sa akin si Wacky sandali at saka sumagot. “Well I think ikaw ang dapat magsabi nyan kay Mommy, alam mo naman yon kapag ikaw ang pinag-uusapan.” At sumulyap sya ulit sa side ko.


            Sa dati pa rin ako nagta-trabaho, yung pinapasukan ko nung nag-aaral pa ako. Hindi na ako naka-alis dun kasi maganda rin naman yung offer sa akin nung may-ari, pero in time kapag may nakita ako na mas challenging na lugar lilipat din ako.


            “Oo nga naman, para ngang mas mahal pa ako ni Madam kesa sayo babe eh.” Ang natatawa kong sabi kay Wacky. “By the way babe, saan tayo kakain mamaya?”


            Kapag narinig ng Mommy ni Wacky na Madam pa rin talaga ang tawag ko sa kanya, malamang na makurot ako nun sa singit. Ilang beses na kasi nyang sinasabi na Mommy na rin ang itawag ko sa kanya, kaya lang hindi talaga ako masanay eh.


            “That’s a surprise My Demi.” And he kiss the back of my palm, ang sweet talaga ng boyfriend ko.


            Ilang minuto pa at nakarating na kami sa Manila Cathedral kung saan kami mag-sisimba, at ano pa nga ba ang aasahan mo kundi ang sobrang dami ng tao. Ngayon nga lang ulit kami nakapag-simba dito eh, yung first time na nagsimba kami dito is yung nililigawan pa lang nya ako.


+++FLASHBACK+++


            *Ding-dong-ding-dong*


            Pesteng doorbell yan, bakit ba kasi naisipan ko pang maglagay nyan eh. Ang dami ko pang antok tapos kung makapag-doorbell naman ang isang to akala mo mauubusan ng tunog. “Sandaleeee!!!” bwisit na yan!


            Walang mumog at walang suklay ng bumaba ako para tingnan kung sino ba yung istorbo na to, para naman malaman nya na inaantok pa ako at ang aga-aga nyang istorbo!


            “Sino ka, anong kailangan mo?” tanong ko dun sa tao na nakatayo sa harap ko habang nagkukusot ako ng mga mata ko. “Hindi mo ba alam na inaantok pa ako, tapos kung makapag-doorbell ka akala mo wala ng next time!”


            Pag-angat ko ng tingin ko, kulang na lang pumasok ako dun sa banga na nasa labas ng bahay dahil sa sobrang hiya! Si Wacky nakatayo sa harap ko at ang ganda ng porma, nyemas na buhay naman to oh, puro kahihiyan na lang ang inaabot ko kay Wacky.


            Hinila nya ako papasok ng bahay ko, at saka nya isinara ang pinto. “Simba tayo!” at umupo na agad sya sa sofa na akala mo sya ang may-ari ng bahay.


            Ok, hindi ko alam kung paano ako magre-react dahil windang pa rin ang isip ko. “H-ha?” inaaya nya akong mag-simba, tama ba yung pagkakarinig ko?


            “Sabi ko simba tayo, kaya maligo ka na at magbihis dahil baka mahuli pa tayo sa misa.” Tumayo sya at kinuha yung remote control nung tv. “Panood ha, habang hinihintay kita.”


            Ay ang kapal lang talaga ng muka nya. “Che, wag mong pakelaman yang tv ko! Aksaya ka sa kuryente, wala namang magandang palabas ng ganitong kaaga, magbasa ka na lang jan!” at umakyat na ako sa kwatro ko para maligo.





            “Oh, maghawak-kamay daw sabi ni Father kaya wag mo akong titigan ng masama jan.” pasalamat sya sinabi ni Father na kailangan maghawah-hawak ng kamay kapag Ama Namin.


            “May sinabi ba ako, masama na bang tumingin ngayon?!”


            Eto namang lalake na to, nasa simbahan na nga pero parang tamang chansing pa rin eh. Yung hawak nya sa kamay ko eh yung parang magkahawak na mag-ligaw na naglalakad sa park, eh diba hindi naman dapat ganon?!


            “Yung kamay ko baka gusto mo ng bitawan dahil tapos na yung kanta.” Pero deadma lang sya, hindi pa rin nya binitawan yung kamay ko.


            “Shhh, wag kang magulo jan at di pa tapos yung misa.” Sagot naman nya sa akin.


            Kung wala lang kami siguro sa loob ng simbahan, malamang nasaktan na tong lalake na to sa akin kanina pa. Lord pasensya na po sa mga karahasan na pumapasok sa utak ko, kasalanan po nya lahat. Natapos na ang misa at lahat pero hindi pa rin talaga nya binitawan ang kamay ko, akala nya yata kapag naiwan ako dito mag-isa hindi ako makaka-uwi.


            “Where do you want to eat?” tanong sa akin ni Wacky ng makapasok na kami sa kotse nya.


            Saan nga ba, ano nga ba ang gusto kong kainin today? Hmmm, breakfast lang naman diba so pwede na sa akin yung cake lang, triple chocolate cake! “Bili mo na lang ako ng triple chocolate cake tapos iuwi mo na ako.” Ang tagal ko na palang hindi nakaka-kain ng chocolate cake, last month pa yata yun.


            “Chocolate cake, mabubusog ka ba dun?” kita mo tong loko na to, tatanungin ako tapos ngayon na sinabi ko yung gusto ko di naman pala susundin. “Alam ko na kung saan tayo kakain na mag e-enjoy ka, don’t worry dahil for sure may chocolate cake din doon.”


            “Triple chocolate din ba yung cake dun? Pag hindi yung triple chocolate masasaktan ka na talaga sa akin!”


            Ilang minuto pa naming tinahak yung kalsada patungo sa kung saan, sa isang subdivision pala. Sa gate pa lang makikita mo na yung naglalakihan at nag-gagandahan na bahay, ano bang gagawin namin dito?


            “Saan ba kasi talaga tayo pupunta, may restaurant ba sa loob nitong subdivision na to?” tanong ko kay Wacky na masyadong seryoso sa magda-drive nya. “Nagugutom na mga alaga ko eh.”


            Pagkaliko naming dun sa pang-apat na kanto ay tumapat sa isang malaki at magandang putting bahay “Nandito na tayo!” bahay nya to, as in sa kanya tong bahay na to? Ay nako, bakit dito nya ako dinala?!


            “Hoy, kakagaling lang natin sa simbahan at kakabawas ko lang ng kasalanan. Bakit dito mo ako dinala?!” ang tanong ko kay Wacky habang masama talaga ang tingin ko sa kanya. “Kaninong bahay to?”


            Pero hindi man lang nya ako pinansin, sampalin ko isa to eh. At dahil hindi nya ako pinansin, naglakad ako palayo sa kanya, uuwi na ako, meron naman akong dalang pera no! Aba naman, hindi ko pa sya boyfriend tapos gagantuhin na nya agad ako, ano sya sinuswerte!


            “Demi, saan ka ba pupunta? Bumalik ka dito!” ang biglang sabi ni Wacky ng makita nya ako na naglalakad palayo sa bahay nya. “Shen!” at naglakad na sya pasunod sa akin. Ako naman tong si gaga na sobrang sabog ng imagination tumakbo. “Demi, huminto ka nga baka madapa ka!” at nag-dilang anghel nga ang loko, nadapa nga ako! “Shit!”


            Ano ba namang klaseng subdivision to, bakit may naka-usling bato dito sa kalsada nila?! Naman oh, ang sakit ng tuhod ko tapos parang na-sprain pa yata yung right ankle ko. Lord naman ee, sabi ko po ingatan ninyo ako eh bakit nadapa po ako? Para kang tanga Demi, tama bang sisihin mo si Lord sa katangahan at kagagahan mo?


            “Bakit ka ba kasi umalis, tingnan mo tuloy ang nangyari sayo.” Nadapa na nga yung tao pinapagalitan pa. “Kaya mo bang maglakad?” maaalalahanin din naman pala.


            Hindi naman agad ako makasagot, kasi hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin yung naisip kong dahilan kung bakit ako nagtakbo palayo sa bahay nya. Tapos ang sakit pa nung sugat ko, tapos masakit pa rin yung right ankle ko.


            “Uwaaaaaahhhh!!! Kasalanan mo lahat ng to eh, kung hindi mo ako sinama dito eh di sana hindi ako nadapa, sana hindi ako na-sprain. Magtatanong ka kung ano gusto mo tapos nung sinabi ko yung gusto ko ikaw pa rin yung nasunod. Ang gara mo Wacky, ang gara-gara mo. Uwaaahhh!”


            Nakaka-inis sya talaga, kapag nagkaron ako ng peklat hindi ko na sya papansinin kahit kailan, hindi ko na sya mamahalin! “Tahan na Demi, nagtext kasi bigla si Mommy gusto ka daw nyang makita kaya dito kita dinala.” Sabi nya habang yakap-yakap ako habang busy ako sa pag-iyak. Si Madam, ibig sabihin nasa loob ng bahay na yon si Madam at wala talagang balak na masama sa akin si Wacky. “Bakit ba kasi bigla ka na lang umalis?”


            “Eh kasi ano…a-akala ko may gagawin kang hindi maganda sa akin kaya dinala mo ako jan sa bahay mo.” Ang namumula kong sagot sa kanya, sana may maligaw na space ship ng alien at kuhanin na nila ako dahil sa sobrang hiya na nararamdaman ko. “Sorry, pinag-isipan kita ng hindi maganda.”


            “You’re really one of a kind Demi, that’s why i really like and love you. You don’t have to worry anything, wala akong balak na bastusin ka dahil hindi ko kayang gawin ang bagay na yon sa isang mahalagang tao sa buhay ko. hinding-hindi ako gagawa ng kahit na anong bagay na ikakawala ng tiwala mo sa akin.” Grabe, tawag nga kayo sa 911 at parang lahat ng dugo ko ay napunta sa muka ko at malapit na yatang sumabog ang puso ko sa sobrang kilig. “Pero syempre kapag tayo na laging may ‘see you soon kiss’ para naman masaya ang buhay.” Luko-luko talaga, pero aminin mo Shenelin kinilig ka. “Tara na sa bahay, kanina pa tayo hinihintay ni Mommy. Papagalitan ako nun for sure kapag nakita yang sugat mo” at binuhat na nya ako papunta sa bahay nila. Parang bagong kasal lang Deminyita ah, parang anghel ka ngayon oh ang bait ng itchura mo.


8 comments:

  1. espren... may PM ako sayo dun sa FB. aylabyu~ ^^

    ReplyDelete
  2. OMO!! 0_0 babe???parang baboy lang?haha yess!! we're officialy on!!!

    naks! maka nose bleed nmang speech yun! haha,ang landi ko lang.. at talagang sa ganoong time ko siya sinagot!.. magpapatiwakal ata sa hi-way ang BGZ if they know na kami na ni wacky ko!! haha,mamatay sila sa inggit! 'my Demi' daw oh!! shaks!! lumilipad na ko sa kilig! haha at talagang kinacareer ko na ang pagiging bartender dito ha!

    sumisimple din tong si wacky eh.. mgsimba daw,gusto lang mka hawak ng kamay eeh.. haha..

    goshnessess!!! kaberdehan talaga ung nasa utak ko!!! haha.. ako na talaga!! pumapalya na talaga ung katiting na matinong part ng kaisipan ko.. hahah

    ReplyDelete
    Replies
    1. pasensya na Demi kung super natagal tong chapter na to..alam mo naman, busy ang lola..haha...

      sana ay kinilig ka.. nakuha ko lang ang idea na yun dun sa magna cum laude namin before.. kundi pa nya binati yung girl, hindi pa namin malalaman na may jowawit na pala sya...

      babala...
      baka mas matagalan pa ang next chapter kahit na tapos ko na syang gawin... mag-iipon muna kao ng maraming updates para sulit ang paghihintay... at dadamayan ko sa pagdadalamhati nya ang espren ko na nawalan ngmga files... pasensya na in advance...

      don't worry, pag sinipag ako bibigyan kita ng preview sa next chapter thru fb message...hihi... para naman hindi mo ako masyadong ma-miss....hahaha...

      Delete
    2. okAy LNg aTey kHit minSan mtGaL aNg updAte,,, we unDerstAnd nmAn pO,,, at tsAka aLwaYs woRth it nMan po ang pAghihiNtay nMin,,, nkkBawas Po ng stRess kPag nbbSa q stOries mo kXe Light-heArted xAh at nkkA goOdviBes tLga,,,

      Delete
  3. kyaaaahhhh!!! kilig mats! ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. gawa ka na ng google account mo para hindi kana anon...hihi...

      thanks to your short but sweet comment... :)

      Delete
  4. ((Da moves ni Wacky))

    ((Haha, kakilig))

    ReplyDelete
  5. kilig much :D hahahaha may pinaghugutan pala sa scene na yun :D hahaah super like :) hahaha

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^