Chapter One
MISS TAPIA
MISS TAPIA
Maagang pumasok si Misha sa
eskwelahan upang gawin ang kanyang assignment sa literature mamayang alas dyes
ng umaga. Hindi niya iyon nagawa kagabi dahil sa kanyang part-time job. Dahil
sa kahirapan ay kailangan niyang magtrabaho habang nag-aaral sa kolihiyo.
Mula
ng maghiwalay ang kanyang magulang, two years ago, at nagkaroon ng sariling
pamilya ay naiwan mag-isa si Misha sa maliit na bahay.
Leaving their daughter
at the age of sixteen in a house was not easy for her especially when Misha’s
living alone. Pinapadalhan lang siya ng pera na mahigit three thousand pesos ng
kanyang ama habang ang ina naman ay two thousand pesos once in a month.
She could barely pay the expenses in
her daily life except for the tuition in college.
You see, Misha was one of the
luckiest student in University of Technology to get a full scholarship so ibig
sabihin ay wala na siyang problema sa tuition maliban na lang sa mga project
kaya kailangan niyang mag-ipon ng pera.
To Misha, money was the most important
thing in her life.
Dumiretso si Misha sa locker upang
kunin ang iba pa niyang libro na kinakailangan.
Habang naglalakad sa pasilyo ay
mangilan-ngilan mga tao na palihim na sumulyap sa kanya dahil sa suot niyang
napakaluma na binili pa niya last year sa ukay-ukay sa higit 40 pesos.
She was
wearing worn out shirt at lagpas tuhod na palda. Idagdag pa ang suot niyang malaki
at bilog na salamin dahil malabo ang kanyang paningin at naka-braids pa ang
buhok. Sa madaling salita ay si Misha ang tipong tinatawag na Ms. Tapia dahil
sa sobrang makaluma niya.
Hindi na makapagtaka iyon lalo na at
dito pa sa University of Technology na puro anak mayaman ang mga estudyante.
Pumasok siya sa bakanteng classroom saka sinimulan ang assignment.
“Aria! Anong level mo sa Diablo
Online? Ako, level 120 na ang Elementalist ko.”
“Haha! Mas lamang pala ako sa`yo ng
tatlong beses! Tinulongan kasi ako ng boyfriend kong lumevel up ng limang
beses!”
“Ang daya!”
Misha’s ears perk up when she heard
the two girls, few meters away from her. Dahil sa sobrang lakas ng boses nila
ay narinig niya iyon.
Diablo Online, iyon ang pinakasikat
na laro sa buong mundo. For the first time in history, someone (A Genius
Scientist) successfully develop a Virtual Reality Game. Pag-aari ito ng Phoenix
Company, isa sa kilalang kompanya sa game industry.
Isa sa stakeholder ng
school na ito ang may-ari ng Phoenix Company na si Mr. Ethelbert.
Anyway itong
Diablo Online ay Isang laro na dadalhin ka sa ibang mundo na hindi na kailangan
nakaupo sa harap ng computer, ikaw pa mismo ang maglalaro. Ayon sa balita ay
99% reality daw iyon, kaya kapag nagalusan o mamatay kay ay masasaktan ka
talaga.
Napapailing na lamang siya sa mga
usapan ng dalawang babae bago umalis sa classroom dahil natapos na niya ang
assignment. Ano ba ang maganda sa larong iyan? Aside from you can feel the 99%
pain when a monster attack you ay sayang ang pera na binabayad nila sa Game capsule
na mahigit 50,000 pesos! Hindi pa kasama ang subcription ng laro na ten
thousand sa isang buwan!
Boo! Ang
mahal!
Noong magkasama pa ang kanyang
magulan ay addict din siya sa mga laro kagaya ng super mario, hospital space at
iba pa ngunit tumigil lang siya n’ong naghiwalay ang mga ito. Nagkasiya na
lamang siya sa mga sport festival, oo, kahit na ganito ang kanyang ayos at
hitsura ay sumasali siya dahil mahusay siya sa larangan ng mga sport.
Aba, malaki kaya ang premyo kapag
nanalo ka.
Malapit na siya sa classroom ay may
isang babae na humarang sa nilalakaran niya. Hindi nito tinago ang disgusto na
tiningnan siya.
“Bakit ba mukha kang si Miss Tapia?”
That was one stupidiest question she
ever heard!
“Itanong mo sa nanay mo kung bakit
ako tinawag na Miss Tapia.” Misha retorted at her bago nilagpasan.
Pagdating niya sa classroom ay
huminga siya ng malalim, saka binuksan ang pintuan. Kasabay niyon ay pagbuhos
ng malansang tubig at bucket, hindi man direktang bumuhos sa kanya ay tumalsik
naman iyong tubig sa palda niya. Narinig niya na nagsitawanan ang mga kaklase
niya sa subject ngayon.
Daig pa nila ang mga bata, walang
magawa sa buhay!
“Haha! Ang baho mo! Hindi ka siguro
naligo kahapon `no? Yuck! Maligo ka nga!”
Siyempre, kagaya ng nasa telenovela,
kapag may nerd may bully. Kagaya ng babaeng ito. Siya si Kristah, ang barbie ng
buong campus.
“Miss Ricamora! Anong nangyari sa`yo?
Ba’t basa ang palda at amoy kang isda?” Tanong ng kararating na professor.
Napayuko siya at hindi magawang
sagutin. She was not a meek girl, ang totoo niyan ay palaban siya ngunit dahil
ayaw niya ng gulo ay pinipinilit niyang maging invisible sa lahat ng mga tao
dito. Ito ang unang beses na binully siya ni Kristah dahil siguro nangunguna sa
klase si Misha at pangalawa lang ito.
Phew. Buti na lang at sa psychology
lang niya ito naging classmate. Iba kasi ang kursong kinuha niya, fine art siya
habang ito naman ay I.T.
“Er…Ano po kasi…” Hindi natapos ang
sasabihin niya nang magsalita ulit si Prof.
“Ang mabuti pa ay umuwi ka na muna at
magpalit ng damit.” The professor show sympathy on her.
“Hahaha! Ang baho kasi!” Malakas na
tawa ng iba. Hinarap naman ng guro ang mga ito at nameywang.
“At anong nakakatawa, ha?! Kapag
hindi kayo huminto sa kalokohan ninyo ay ibabagsak ko kayo! Aba, parang wala
kayong pinag-aralan ha!” Sita ng guro.
Sumunod naman ang mga estudyante at
umayos ng upo.
Lumabas na lamang ako sa classroom.
Isa lang ang magandang nangyari sa kanya ngayon—hindi niya kailangan manatili
ng dalawalang oras sa psychology dahil excempted siya!
Although, she doesn’t have any plan
going back home dahil sayang ang pamasahe.
Eh parang ganun na din naman ang ibig
sabihin ng guro niya dahil alam naman nito na malayo ang bahay niya dito sa
eskwelahan.
Nang makalabas na siya sa building,
patungo sa locker room para magbihis nang biglang may tumawag sa kanya.
“Oiiiii!!! Tapppiaaa!!!!”
Nang lumingon siya sa kaliwang bahagi
ay nakita niya ang isang lalaki na kasing edad lang niya kasama ang mga
kaibigan nito. A smirk plastered on his face.
“Ano na naman, Jake?” She asked,
supressing herself to roll her eyes. She knows him since they were a kid. Didn’t
you know na sobrang mahal siya nito?
Sa sobrang mahal ay maiiyak ka!
Sino naman hindi? Siya ang paborito
nitong guluhin, isn’t it ironic? Ganyan na siya noong nasa elementarya pa
silang dalawa. Pero sanay na siya rito.
“Wala lang.
Nagustuhan mo ba ang sopresa ko sa`yo?”
So ito pala ang may pakana!
I should have known! Kung inaakala niya na iiyak ako pwes hindi!
“Oh, how thoughtful of you, Jake Sta.
Marana Jr.”
Namula ang mukha nito nang bangitin
niya ang buong pangalan nito.
Ang mga kaibigan nito ay napatingin
kay Jake sa pagkabigla. Iyon kasi ang weakness niya. Ayaw nitong matawag na ‘Junior’
dahil baduy!
“Pre, Junior ka pala?!”
“Dude, bakit ngayon ko lang nalaman
iyon?”
Pigil ang tawa ng dalawa.
“Shut up!” Akmang hahablutin nito ang
kwelyo niya, mabuti na lamang at mabilis siyang nakaiwas.
Uh-oh! patay
ako nito!
Dahil sa kaba ay tumakbo siya palayo.
“ANONG
TINUTUNGANGA NINYO DIYAN!? HABULIN NIYO SIYA!”
Doon lang kumilos ang dalawang
kaibigan nito at hinabol siya.
Syeeetteee!
Should I not call him like that in front of his friends? Aba, hindi ko
kasalanan iyon ha! Akala ko alam na nang mga ito ang tungkol doon!
She was twice faster than them kaya
para hindi siya mahabol ng mga ito ay tumakbo siya patungo sa lumang building. Sa
pinakadulo ng hallway ay may malaking pintuan kaya doon siya pumunta at
nagtago. Pero mali `ata ang ginawa niya dahil ngayon lang niya na realize na
ang room pala ito ay restricted na tanging personel lang ang makakapasok!
kinawawa naman nila si misha! paghahampasin ko sila ng tilapia eh! >____<
ReplyDeleteXD hahaha amoy isda na sila hahah!
Deleteyung mga frozen meat na lang para mabukulan ko rin sila. lels~ XD
Delete((Oo nga ate))
Delete((Pakibugbog nga ang mga yun))
mgA unGentLemAn nmAn niLa,,, pnAgtiTripAn aNg bBae,,, kwAwa nMan tuLoy c miSha,,,
ReplyDeleteNaalala ko tuloy ang SAO (Sword Art Online) dito..... At tsaka ALO (Alfheim's Online)
ReplyDeleteXD inspired story ito ng 1/2 prince. if you have read this manhwa ^_^
Delete