Monday, February 25, 2013

Fantasy Online Game: Chapter 2

CHAPTER 2
The Birth of Demoness
Madilim ang buong lugar kaya hinanap niya ang switch, matapos mahanap niya iyon—then she switch it on.
Mabilis na ni lock niya ang pintuan upang hindi makapasok ang kaibigan ni Jake.
Syet! Ayaw talaga siya nito tantanan! Kahit dito sa skwelahan ay sinundan pa siya hangang dito para guluhin ang buhay niya. Napaigtad siya nang biglang kumalabog ang pintuan.
“Hoy! Lumabas ka diyan! Alam namin na nandiyan ka! Coward!”
Coward? Mas okay na ang duwag kesa kung anong gawin nito sa kanya `no!
Nanatili na lamang siyang tahimik. Bahala ito sa kung anong iisipin sa kanya. Basta, hindi siya lalabas. Kung hand to hand naman ay kaya niyang lumaban kahit na babae siya pero three versus one? Sorry but no can do!
Hindi siya nito nilubayan na mahigit twenty one minutes, dahil wala talaga itong mahita sa kanya ay nilubayan na siya nito. Whew!
Nakahinga ako nang maluwag ngunit bumalik uli ang kaba dahil nasa restricted room pala siya! 
Nasa room siya na puno ng mga documents kagaya ng mga student info at iba pa. Oh Great! Just Great!
Makaluma ang mga kagamitan dito kesa sa iba pang facilities. Sa isang mesa ay may napansin siyang box kaya lumapit siya, dahil sa kuryusidad ni Misha ay binuksan niya iyon at nakita ay isang USB. May nakasulat doon na Phoenix Company.
Ano ba iyan. Ang tanga naman nag-iwan nito, take note, hindi pa ni-lock iyong pintuan!
Aba, paano na lang kung iba ang pumasok at pag-interesan na nakawan ito?
Nagkibit balikat na lamang siya saka binalik ang USB sa box at lumabas na sa silid. Misha pause for a sec, napansin niya kasing may maliit na flyers tungkol sa Diablo Online. Pinulot niya iyon, itatapon na lang niya iyon sa basurahan. Mukhang hindi kasi ito kailangan eh. 
Tahimik na binuksan ni Misha ang pintuan saka nagmadali umalis doon. Nasa kalagitnaan na siyang hallway nang makasalubong ko ang president ng unibesidad na ito na si Mr. Leonardo Park.
“Good morning, sir.” Bati niya rito. Tumango lang ang matanda pero napadako ang mata nito sa hawak niyang flyer.
“Interesado ka din pala sa larong D.O, Ms. Ricamora.” Anang nito. Siyempre kilala siya nito dahil ito pa mismo ang nag-interview sa kanya noong natanggap siya sa paaralan na ito.
“Ah, ito po ba? Hindi po! Nakita ko lang ito eh...” Nasamid ang kanyang dila dahil muntik na niyang ibuking ang sarili na pumasok siya sa restricted room! “Nakita ko lang po ito ibabalik ko naman po eh. Ah, sige po alis na ako hehehe!”
Hindi pa nakatatlo hakbang si Misha ay bigla siyang tinawag ni Mr. Park.
“Misha Ricamora.”
“B-bakit p-po?”
“Pumasok ka ba doon?” He was referring the room. Hala! Paano nito alam? Maliban sa restricted room ay may laboratory din dito. Hindi bang pwede doon siya sa lab pumunta?
Daig pa niya ang magnanakaw na nahuli eh!
Nagsimulang hindi siya mapakali. Dahil sa pananahimik niya ay na kompirma na ni Mr. Park na pumasok talaga siya doon.
“Sir! Sorry po talaga, wala na po kasi akong choice kundi pumasok doon dahil hinahabol ako. Please lang po, alam ko mali iyong pumasok sa room na walang paalam. Sorry po talaga as in! Hindi na mauulit basta huwag mo lang ako tangalan ng scholarship! Wah!”
Imbes na pagalitan siya nito ay narinig niya itong tumawa ng mahina at tinatapik ang likod niya.
“Bakit ko naman gagawin iyon?”
Nag-angat siya ng ulo at tiningnan si Mr. Park.
“Eh di ba, bawal pumasok doon?”
“I know.” Natatawang sabi niya. 
“Pero pano niyo po nalaman na pumasok ako doon?”
“Dahil sa flyer na iyan.” Sagot nito.
“Huh?”
“Hindi pa iyan nai-distribute ng kompanyang Phoenix Company kaya sigurado ako na sa restricted mo iyan nakuha.”
“Ahhh…” Nahihiyang napakamot siya sa batok.
“Ganun po ba? Salamat naman. Makakahinga ako nang maluwag. Oh siya, alis na po ako, Sir.”
“Teka.”
“Hm?”
“Are you perhaps interested in work?”
Kumunot ang noo niya. “Anong klaseng trabaho?”
“Mayroon kasing urgent hiring ngayon ang Phoenix Company.” Best friend kasi nito ang may-ari nang Phoenix Company. Ilang saglit ay pinitik niya ang kanyang daliri. “Ah, tama! As a punishment since you’d been a bad girl dahil pumasok sa restricted room ay ikaw na lang ang i-recommend ko sa kaibigan ko sa isang trabaho.”
Hala! Para naman bata itong matanda kung makapagsalita!
“Since qualified ka naman ay sigurado akong tanggap ka naman because they need someone who’s hard working, efficient in her work and can also sove quickly on a problem. Hindi naman kailangan full time, I think you can also enjoy your work—it’s a win-win, y’know. Isa pa, isa ako sa may malaking shareholde doon kaya walang problema.”
Wow, grabe naman kung purihin siya nito! Pero hindi niya ito maintindihan, as in.
“Ano naman po iyon?”
“What do you say, working as a hidden game manager?”
“What?!” Bulalas niya.
“Ayaw mo? So, Okay lang sa`yo na mawalan ka ng scholarship.”
Bina-blackmail siya nito! Akala ba niya ay wala na siyang problema tungkol doon pero meron pala!
“Huwag niyo po akong tangalan ng scholarship!”
“So ibig sabihin niyan ay pumapayag ka sa trabaho?”
Tumango ako bilang pagpayag. “Pero bakit kailangan niyo po akong pilitin diyan? Di ba madami naman nag-apply diyan?”
“Dahil alam ko na mas mahalaga sa`yo ang makapagtapos sa pag-aaral, well, siyempre pera din. Sa pagkakaalam ko ay fifteen or sixteen thousand iyong sahud eh at may benefit pa. ”
Sa narinig ni Misha ay biglang kuminang ang kanyang mata. Aba, malaki na iyon `no kesa sa part-time job niya na hindi umabot sa ten thousand ang sahod! To think, hidden GM lang pala.
Ngumiti siya ng kay lapad. Hinawakan niya ang kamay nito ng mahigpit bilang assurance. “Fine. I’ll do it!”
“Good. Follow me. Let’s talk to my office ayoko naman na may makarinig sa usapan natin.”
Tumango siya at sumunod dito patungo sa opisina ay nakita ko sa loob ang secretary nito na mabilis na kumilos, hinandaan pa sila ng juice at cookies. Hindi na nahiya si Misha na tinikman iyon.
“Shir, may probleemmaa…nom..po tayo tungol…sa…” Nilunok niya iyong kinakain saka nagpatuloy uli ang pagsasalita. “Mahal po iyong Game Capsul at Subscription niyon kaya hindi ko po afford na maglaro.”
“Ang kompanya na ang bahala niyon.”
“Ah okay. Eh ano naman po ang GM?”
“Hindi ka mabibigyan ng special privilege na gumamit ng skills sa isang laro. Parang normal ka lang na player na nakihalubilo sa iba at kapag may napansin kang bugs, player’s complaint at iba pa ay kailangan mo iyon i-report sa management.”
“Iyon lang?! Ang dali lang naman eh ang boring namin niyon.”
“Yes, pero ang problema lang ay kailangan mo din i-level iyong avatar mo dahil kung mananatili kang low level ay hindi ka makapaglakbay sa iba pang lugar sa Diablo Online.”
“Ganun?” Her lips twitch from disappointment. “Bahala na nga, oh sige, go na. Trabaho eh.”
Nang magkasundo na silang dalawa ay tinawag nito ang secretary na si Suzette. Lumapit sa kanila ang secretary, may bitbit na isang box at inilapag sa mesa. “Buksan mo.” Utos ni Mr. Park sa kanya.
Sumunod naman siya. Nakita niya sa loob ang isang violet diamond dangling earings.
“Earing?”
“Iyan ang panibagong inbention ni George, tinatawag iyang Dream Earing Devices, you can automatically access the game anytime as long you press the diamond-like button. Pero kailangan mo pa din iyan recharge, nasa box iyong charge para sa earing na iyan.”
“Pero akala ko Game Capsul?”
“Gusto kasi niya na subukan ko iyan inbention niya but i don’t have a time to play a game dahil sa trabaho ko kaya ipagkakatiwala ko iyan sa`yo. Isa lang sana ang hihilingin ko na huwag mong ipagsabi ang tungkol sa DED.”
“Bakit?”
“Ang totoo niyan, testing pa kasi iyan. And beside, sinong gustong magsuot ng hikaw ng pambabae?” Oo nga naman, sino naman lalaki gustong magsuot ng hikaw?
“…”
Syet! Anak ng tokwa! Ibig sabihin nito ay tester siya?!
“Pero…huwag kang mag-alala…haha! Ipapadala ko next week iyong Game Capsul, kasabay niyon ay i-install din ang game.”
Pigil na umismid siya rito. Kung free naman ay sino naman siya para mag-reklamo?
~*~
Pagkatapos ng lahat ng subject niya ay umuwi na siya sa bahay.
“I’m home!” She said even though there’s no one home. Pero ilang saglit ay natigilan si Misha dahil may narinig siya kakaibang tunog sa kusina.
What the hell!
May magnanakaw sa bahay niya?
Paano ito nakapasok eh sinigurado ko na lock itong bahay?
“Sino iyan?!” Kinuha niya ang baseball bat na malapit sa shoe rack. Mahigpit na hiwakan niya iyon bat.
Misha was so ready to hit this bat on the intruder when she was finally inside the kitchen and only to find out na ang intruder ay walang iba kundi ang kanyang best friend na si Agatha.
“Agatha!” She exclaimed.
“Hayooh! Misha!” Agatha greet her while there still a food in her mouth.
“Anong ginagawa mo sa bahay ko?! Lock ang pinto ah.”
“Dear, Dumaan ako sa likod ng bahay mo hindi iyon naka-lock . Nagugutom din ako kaya naghanap ako ng makakain sa ref pero puro tubig at fresh milk lang ang laman! Tas instant noodle ang nasa cabenit.” Mahabang wika nito sa kanya.
“Eh anong ginagawa mo dito? Bakit dito ka pa kakain?”
“Eh, Naiinis kasi ako kay Kuya Jake eh! Ang ingay-ingay niya! at ayoko naman na maglaro ng Diablo Online na may bisita siya. Ang ingay! Ayoko naman na maglarong gising ang diwa ko `no!”
Ayon sa impormasyon nalaman niya rito ay kapag daw nasa Virtual Game ka ay tulog ang katawan mo habang ang diwa mo naman ay nasa loob ng Virtual World kaya mas convenient iyon sa mga tao na maglaro kapag gabi.
“Ba’t hindi mo isumbong sa magulang mo si Jake Jr.?” Tama, kapatid nito ang impaktong lalaking iyon. Hindi halata `no? Bully kasi iyon kapatid ni Agatha habang ito naman ay kabaliktaran ng kapatid.
“Hindi ko sila makontak dahil sa business trip nila. Ay nga pala, since nandito naman ako at maaga pa naman. Punta tayo sa Game Room!” Suggest nito.
Game Room, most of the people lalo na iyong hindi kaya sa bulsa na bumili ng Game Capsul ay pumunta doon para maglaro. Maihalintulad din ito sa Internet Café.
“Ayoko.” Nagpapatawa ba itong si Agatha?
300 pesos per hour taga-gamit ng Game Capsul kaya iyon ang dahilan kaya hindi gustong sumama ni Misha.
Por que mayaman ito kaya wala lang ni Agatha ang 300 pesos.
At kaya din malakas itong magyaya dahil malapit lang din naman ang Game Room dito sa bahay niya. Ilang blocks lang ang layo.
“Why?!”
“Sayang ang pera. Ah, nga pala, bayarin mo din iyong mga pagkain na kinain mo dito sa bahay ko.” Gusto niyang sabihin rito na hindi na kailangan dahil pwede naman siya maglaro pero hindi na lang niya ginawa. Mamaya na lang siguro kapag naipadala na ni Mr. Park ang Game Capsul. Afterall, sinabi ng matanda na sekreto lang muna iong earing dahil testing pa.
“Kuripot! Mukhang pera!”
“Basta makaipon ako ng maraming pera para maging mayaman ako.”
“Ewan ko sa`yo. Libre ko pa sana pero dahil ayaw mo eh di fine.” Sabi nito habang inabot sa kanya ang two hundred bago iniwan nito iniwan ang dalaga.
Nang iniwan na siya nito ay kumain na din siya nang noodles at saka umakyat sa kanyang kwarto para magbihis ng pajama.
Naalala niya na kailangan pala i-install iyong Game sa Visual Dream Device o Dream Earing Device kaya naman in-on niya iyong luma kong computer. Ginagamit lang niya iyon kapag may research project na binigay ang professor niya.
Kinuha niya sa bag iyong box na naglalaman ng D.E.D at iba pang kagamitan na kailangan niya. Kinabit niya sa earing ang USB connector saka sinalang iyong CD Game para i-install sa earing ang Diablo Online. Pagkatapos niyang install ay in-off na niya ang computer. Binasa muna niya ang maliit na manual, kapag daw umilaw na pula ang earing ay ibig sabihin niyon ay low bat na at iba pang instruction.
She was ready to use it, however there was one tiny problem. Walang butas iyong tainga niya!
“Anak ng tokwa talaga oh! Sa lahat ba naman ibigay ay ito pang earing!” Yamot ni Misha. Bago pa siya mag-isip ng kung ano ay napansin niya bumukas ang pintuan at niluwa si Agatha.
“Oh bumalik ka?”
“Wala pang bakante eh but I already ask the attendant to reserve one Game Capsul for me—ay! Kanino iyan?”
Na alarma siya dahil nakita nito iyong hawak niyang hikaw. “A-ah, ito? Sa akin, padala ni Mama.”
“Ahh... ang cute ah! Suotin mo na! Dali!”
“Tsk. Paano ko magagawa iyon eh walang butas ang tainga ko.”
“Eh di tutulungan kita. Akin na.” Kinuha ni Agatha ang hikaw saka walang alinlangan na tinusok nito sa kanan tainga niya.
“ARAYYY! HUHU! ANG SAKIT!” Daing niya. Mas lalo pang dumaing sa sakit si Misha nang tinusok pa nito sa kaliwa ang isa pang pares.
“Ayan!”
Ang sakit! Syet! Sadista ata itong si Agatha eh! Nakita na nito na nasasaktan siya ay hindi man lang nito dahan-dahanin ang pagtusok.
“Iyan, bagay sa`yo. Kailangan mo na lang tangalin iyang salamin mo… hehe!”
Misha click her tongue. “Tsk. Thanks.”
“No problem! Anytime, basta ikaw.” Then she give her a wink. Argh.
~*~
Nang tuluyan na umalis si Agatha ay bumalik na siya sa kwarto, gabi na din kasi umalis ito dahil iyon lang nagkaroon ng bakante ang Game Room.
Misha close her eyes as she press the diamod-like button and before she knew it ay parang hinihila ang ang buong isipan niya sa isang warp hole. Isang kisap mata ay nahulog siya sa sahig.
“Argh. Aray.” She groan as she rubbing her back. Tumayo siya at nilibot ang tingin, medyo madilim ang kwarto. Ang mga kagamitan dito ay puro vintage kagaya ng radio. Ang sahig naman ay gawa sa marble na blank and red. It givings her bad vibes though, parang nasa horror movie siya and she’s stuck inside the hunted mansion! 
“Welcome to Diablo Online.”
“Ay anak ka ng kamatis!” Napatalon siya at marahas na lumingon sa nagsalita. Nanindig ang kanyang balahibo sa nakita. Sinong hindi matatakot rito?
Isang red goblin!
Nasa tatlo o tatlong kalahating talampakan lang ito, napakahaba at matulis tainga. Ang mas nakakatakot ay iyong mata nito na kasing laki ng kamao ni Misha. Matulis din ang ilong at ang mga labi na parang nakangisi na aabot sa tainga.
“Ahhh!!!! Multttttoo!!!!! Ayy hindi pala, maliiigggnnooo!!!!!” Tumilapon ang mga lahat ng kagamitan na makita niya patungo rito subalit tumagos lang iyon sa katawan.
“Ay potek! Jusko! Papatayin mo ba ako?!” Asik ng Red Goblin. “Anong ginawa kong masama para ranasin ito?” 
Then, she realize, it was an NPC, isang non-player character.
Sapo ang noo, nakalimutan ko na naglalaro na pala siya ng Diablo Online!
Syet. Parang hindi NPC dahil sa kilos nito! Huhu! Baka naman maligno siya?
“Nagsisimula na ba akong maglaro? Akala ko ba gagawa pa ako ng avatar?” She muttered but the red goblin heard it perfectly. Alangan naman hindi, ang laki kaya ng tainga!
Tumikhim ito para kunin ang atensyon niya. Nang magawa na nito ay naging stiff na naman ito saka nagsalita.
“Indeed, but in order for you to create an avatar. We still need to scan your body and your frequency vocal cord…” And so on and so fort. Ano ba naman itong developer na ito! Hindi pa nga siya nagsisimulang maglaro ay maiihi na siya sa takot!
Matapos ang ilang minuto pag-scan nito ay bigla na lamang itong naglaho.
Handa na sana siyang magmura ngunit may lumitaw sa harap niya na isang tranlucent window.
 Please select what race would you to become:
Ø Human
Ø Angel
Ø Elf
Ø Dwarf
Ø Demon/Demoness


Medyo nahihirapan siya pumili. “Hm…Elf? Ah hindi. Hindi ko makita ang sarili ko na isang elf. Angel? Hindi rin, dahil hindi iyon bagay sa akin. Pero kung human naman…hmm…ayoko din baka makilala ko ng mga classmate ko. As much as possible ay iyong hindi ako makilala.” Napakamot siya sa batok. “Ayoko din ng Dwarf…er…Okay nakapag-decide na ako. Demoness!”
Are you sure you want to become a Demoness?
CONFIRM
CANCEL

“Confirm!” Ilang segundo nakalipas ay nakaramdam siya nang kakaiba sa katawan.
Napansin niya na naging matulis ang kanyang kuko at parang may kung ano sa likod na gumagalaw, nang sipatin niya ang likod ay may buntot siya!
Hindi ba pwedeng itago ito? Inisip niya palang ay biglang naglaho iyong buntot. Phew! Pwede naman pala. Lumabi siya dahil ito ang unang beses na nakaramdam siya ng excitement. 
What will be the name of your Avatar?
Tanong ng system sa kanya. “Hien. Confirm!”

 Which kingdom do you want to be born?
Ø Fajro Kingdom
Ø Ruzaville Kingdom
Ø Phoenicia Kingdom
Ø Scythia Kingdom
Ø ….

There are ten kingdom of Macedonian Continent. Pinili na lamang niya ay ang Scythia Kingdom dahil ito lang ang pinakamababang tax kesa sa iba pang kingdom. Matapos niyang kumpirmahin ay isang sumabog ang nakakasilaw na liwanag. Saka naramdaman niya na wala na siyang naapakan na sahig, sa bilis na nangyari ay napatili na lamang siya na mahulog.
“WALA BANG PARACHUTE DITO?! O TUTULONG SA AKIN?!!! WAAAAH!” Tili niya, hindi magawa ni Misha na imulat ang mata sa takot.
Jusko! Bibigyan ata ako ng heart attack nito eh!

3 comments:

  1. grAbe pRa aqNg naNonoOd ng fiNaL fAntasY moVie,,, uNg maY mgA deVices p,,, guSto q diN mAgLArO niAn,,,

    ReplyDelete
  2. ((Excited na ako for the next part))

    ((Kailan ka ulit magupdate Miss Author))

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa ngayon ay once a week lang ako pwede makapag-update sa mga story ko dahil busy sa school ^______^ pero makakasingit pa naman ako sa pagsusulat di nga lang ako makapag-update :)

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^