Thursday, April 4, 2013

Fantasy Online Game: Chapter 3


Fantasy Online Game
Her First Adventure!
‘Misha Ricamora’



“Miss!”

Nakaramdam ako nang may tumatapik sa pisngi ko kaya minulat ko dahan dahan ang mata ko. Ah! Nakakasilaw ang liwanag na tumama sa mukha ko may nakita akong rebulto ng isang tao.

“H-ha??” Bigla akong napabalikwas at sapo ang aking noo dahil para akong nahihilo. Ang naalala ko lang ay nahuhulog na ako sa kalangitan at bigla akong bumagsak sa lupa. Damn this game! Ang sakit talaga nang pagkabagsak ko! Ang sakit ng pwet ko!

“Okay ka lang ba miss?”

“Ah Oo. Salamat ha?”

“Your welcome!” She smiled and leave.

Napakamot na lang ako sa ulo. Bigla ko napansin na napakahaba na pala ng buhok ko. Toink! I forgot, nasa loob pala ako ng avatar at ang stupid GM na yun ay hindi man lang ako binigyan ng parachute!

Tumayo na ako. Saan na ba ako? Maraming mga tao nandito at lahat sila ay nakatingin. God, nahihiya po ako! kasi sabi ng babae kanina kanina pa raw ako nakahiga at natutulog dito! Ibig sabihin niyon maraming nakakita sa akin!

Hmm... pano ba laruin ito?

Patuloy lang ako sa paglakad hanggang sa nakalabas na ako sa village. Hindi ako nagulat nang makita ko na walang gaanong kahoy dito. In fact, sunog pa nga eh! Marami bang illegal loggers dito?

“Hay, Anong gagawin ko? Hindi ko alam kung pano ko laruin ito! at itong damit na suot ko? Napakakilabot! Akala ko ba demon race ang pinili ko? eh bakit parang angel?” Nakasuot kasi ako ng white dress na hindi lalampas sa tuhod ko at ang gloves ko naman ay hangang braso ang haba pati na ang white socks ko na nasa thigh ko na. May collar pa ako sa leeg.

Mabuti na lang at walang nakakilala sa akin.

“Grr...”

May narinig ako. Ano kaya iyon?

Napatili ako ng may kumagat sa akin.

“Ahhh!!!” Nakita ko na may kakaibang monster na kumagat sa akin halos bumaon iyong kanyang ngipin sa akin binti. Kaya naman ay pinagsuntok ko siya. “HINDI AKO FRIED CHICKEN!!!”

Sa tuwing sinuntok ko siya ay may lumalabas na 10 damages. Hangang sa namatay iyong parang jelly na kulay pula.

(System: Demoness killed the Firejel. Looted sword, 5 cookies and gained 100 percent experience she is now leveled 2!)

“Whoa! Ang galing ah! Level up na agad?”

Hindi rin naman pala gaanong boring ito ah. Parang mas maeenjoy pa ako nito subalit hindi ibig sabihin niyon na addict na ako sa paglalaro ng game na`to.
Bumalik muna ako sa village at naghanap ng mapagtanongan pero mukhang nagsialisan na ang mga tao dito ang tanging natitira lang ay ang babaeng npc.

“Hey you!” Biglang may nagsalitang maliit na boses.

“What the f? A frog!”

“How rude of you! I’m a toad! Iyan ba ang tratu mo sa guide mo?”

“Haaa? Guide?”

“Oo! Guide dash pet mo dahil isa kang hidden GM ay kailangan mo ako.”

“May nag-ooperate ba sa`yo?”

“Wala.”

Para kasing hindi siya npc eh! Oh well, ganito siguro katalino si sir kaya nagagawa niya ang mga ganito na parang totoo silang mga tao.

“Eh bakit ngayon ka lang nagpakita?”

“Aba, ewan ko itanong mo iyan sa mga kasamahan mo kung bakit.”
Bahala na nga. “Since sinabi mo naman na pet din kita eh ano ang special powers mo at ano din ang powers ko hindi naman siguro lakas ko lang `no?”

“Wala pa akong powers sa ngayon kasi weak pa ang master ko.”
Aba, tingnan mo? pinapatamaan pa talaga ako!

“Sagutin mo nga ako ng maayos.”

“Oo na! ikaw ang pipili kung anong gusto mong powers kagaya nang kung gusto mo ba maging magecian, necromancer, mercenary and etc pero bago ka pumili ang kailangan mo maging level 15 sa ngayon ay level 2 ka pa kaya magsimula na tayong mag-hunt ng mga monster at para ma-level ka na.”

Tumalon siya at sinalo ko naman at nilagay ko siya sa balikat.

Wala na akong magawa kundi sumunod sakanya lumabas na uli ako sa village

Naghanap kami ng mga monster may mga bear, wolf at iba pa mahigit tatlong oras din ako natapos at naging level 15 na ako kaya ibig sabihin niyon ay pwede na ako makahap ng job! Ano kaya ang pipiliin ko?

Ayoko ng magecian kasi sa tingin ko ay umaasa din ang mage sa tank nila para makatira or whatever. Malaki din ang gamit na mana nila kaya ayoko niyon.

(System: you already reach at level 15 you can choose a job.)

“Ayan! Level 15 ka na ka—“

“Oi, Toad mamaya ko muna ako pipili ng job kasi ilang oras na ako dito sa games kaya kailangan ko na mag-log out at magpahinga.”
“Ohh okay! Pero humanap ka muna ng campsite dahil baka sa susunod mong mag-log in dito ay deads ka na.”

“Eh ano naman?”

“Hindi ka ba nagbabasa ng instruction?”

“Hindi eh!” Hindi pa naman ako namamatay dito sa games.

“Makinig ka mabuti kapag kasi mamatay ka dito—“

“Mamatay ako habang buhay o magiging comatose na ako?”

“Psh. Makinig sabi eh! I ain’t finish yet! Mababawasan ang experience mo tsaka walang papatay sa`yo doon.”

“Ahhh... Okay. Tara!”

Naglakad kami nadadaanan pa namin ang mga naglalakihan puno na wala naman mga dahon at itim pa ang kulay. Sabi ni Toad ay natural lang daw `yon. Tumulay pa kami sa tulay.

“Nga pala pagkatapos nito saan na tayo pupunta? Di ba sabi mo kanina dito na lugar ito ng mga demon race.”

“Mamaya na.” Tinatamad na sabi niya.

Pagdating namin sa campsight ay malayo sa aking imahinasiyon iyon akala ko hihiga ako sa lupa iyon pala may tent naman pala dito. Ayos!

Pumasok ako sa tent at sumunod naman si Toad.

“Oi, Bantayan mo itong avatar ha? baka may dumating na masamang tao tas samantalahin ang avatar ko.”

“Oo na!”

“SYTEM!”

Lumitaw s harap ko ang hologram. Makikita mo doon ang 2x2 picture sa taas sa kanan bahagi at sa kaliwa naman ang personal data ko at pet data at sa pinaka button na options pinindut ko iyon at nag-iba naman ang hologram may mga list doon like inventory and etc. Pinindot ko yung log out. At nag-appear ang confirmation button.

[Do you really want to log out? Yes or No]

 Pinindut ko ang yes pagkuway ay may narinig akong boses na babae.

“You are logging out... 10..5...4..2..1..0”

Bigla na lang dumilim ang panging ko.

“Bwah!” napabalikwas ako. At nilibot ang paningin sa kapaligiran. Nandito na ako sa sariling kwarto.

Sinulyapan ko ang wall clock. Ang tagal ko din palang nag-log out. Mga 5:45 nang umaga na pala ako tumigil.

Tinanggal ko ang earrings. Hindi man lang ako nakaramdam ng antok. Nag-inat inat at umalis na sa pagkahiga. Kailangan ko ng maligo at magbihis dahil maaga pa ang klase ko. Pagkatapos ng lahat ng iyon ay lumabas na ako sa kwarto. Wala na doon si Agatha siguro napag-isip isip niya na mas makakabuti na umuwi na lang siya sa bahay.

Hindi na ako nag-abala na mag-almusal doon na lang ako sa canteen kakain. Pagdating ko sa skwelahan ay as usual ako talaga ang pagtitingnan dahil sikat ako sikat sa walang hilig sa mga computers.

Habang naglalakad sa corridor ay napansin ko na ngumiti ang mga tao ng kakaiba. Let me guess, kapag bubuksan ko iyong pintuan ng classroom ay mabubuhusan na naman ako ng mabahong tubig? Nang nasa tapat na ako ay pinihit ko yun ng mahina din ay kick to open It and tama ako.

“Aww...” Narinig ko pa sila sa loon na nanghihinayang.

“Sabi ko naman sa inyo na hindi na tatalab ang ganyan sakanya. Mga bobo!” Pagpasok ko ay nakita ko si Jake. Sad to say ay classmate ko siya.

Pagkatapos ng klase ay nagmadali na ako sa pag-alis sa classroom dahil kung hindi ay baka guluhin na naman ako ni Jake at tsaka gutom na ako! Wala akong gaanong kinain kagabi at hindi rin ako kumain ng almusal.

“Hay, salamat makakain na rin ako!”  Nagmamadaling pumunta doon pero humarang sa akin si Agatha. I’m so hungry na!

Growl~

“Bes! Kain tayo! Madaming niluto si mommy eh kaya sabay na tayo.”

 “Hay, salamat! Hulog ka talaga ng langit, Bes! Tamang tama ang dating mo dahil nagugutom na ako!”

“Ako pa! Sa rooftop tayo mas tahimik kasi at gusto ko din maglaro ng FOG.”
I paused. Bigla kasing nag-vibrate ang phone ko. May nag-text.

[094xxxxxxx: May vacant ka na 4 hours di ba? Magsimula ka ng mag-level up para magawa mo na ang trabaho mo.]

Aba!  Sino itong nag-text? Inuutusan ako pero teka level up? I reply this person.

ME: hu u?

Wrong number: Suzette.

Aish! I should had known! Makapag-utos naman ang bruhang ito parang kung sino ay secretary pala siya ni sir eh kahit na!

Me: Mamaya na kakain pa ako.

Hindi na nag-reply.

“Sino iyon?”

“Ah, Wala iyon. Wrong number.” Sagot ko sakanya. Kailangan e-save ko yung number para kung mag-text `yon ay hindi na ako magtatanong kung sino. Ako pa naman `yong hindi nakikipag-usap sa mga stranger.

Umakyat na kami sa hagdan papunta sa rooftop. Doon kami nananghalian.

“Uy! May ibabalita ako sa`yo good news!”

Napapailing na naman ako. “Ano na naman iyon?” Kinagat ko `yong hot dog at nginunguya.

“Yiee! Magpapakasal na ako!”

Napaubo ako. “Cough! Cough!—Your getting a what?!”

“I am getting married!”

“No way! bata mo pa ah! Letche! Bakit ngayon ko lang alam iyan ha? bakit naunahan mo akong mag-boyfriend?!”

She roll her eye. “Tange! Hindi sa totoong buhay. Doon sa FOG.”  Ayan! Tingnan niya nag-blush pa. “Prince Earl asked me.Kinikilig pa siya ah.

“Nge!”

Magpapakasal na nga doon pa sa game. What if that asshole want something from her. Parang psychic ang bes ko dahil nabasa niya iyong iniisip ko.

“Oi! huwag kang bastos mag-isip! Napaka-dirty mo talaga hindi porque na nagpakasal ka na ay pwede na ganun doon sa FOG duh baka madumihan ang isip ko kahit na gwapo siya heheh! Pero sana magkita kami sa totoong buhay~ parang in love na din kasi ako eh!”

“Psh! Love? Pano mo matatawag na love iyan eh nasa laro lang kayo. Hindi mo siya gaanong kilala, Agatha!”

“Heh! Walang pinipili ang love dae!”

“Ewan ko sa`yo.  Eh bakit mo naman iyan sinabi sa akin? Alam mo naman na wala akong interest sa laro.”

“Yeah I know! but I still want to share it.”

“hee~” Na touch naman ako sa kaibigan ko. hahaha! “Eh saan naman iyan gaganapin?” In case lang naman. Baka pwede din ako um-attend.

Later

Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na ako kay Agatha. Dahil vacant ko naman ngayon ay mag-o-online ako dahil alam niyo naman utos eh wala akong magagawa.
Nandito na ako sa Nurse Office para ‘matulog’ dash ‘laro’

Sinuot ko uli iyong earrings ko at in-on then after five seconds ay automatic na ako na nakarating sa Fantasy World. Pagmulat ko ng mata ay bumungad sa akin ang mukha ni Toad.

“Yey! Online ka na!”

“Yeah!”

“Tara na para kumuha ka na ng job.”

“Ayoko.  Mamaya na, Toad.”

“Hindi pwede! Kailangan mo na gawin iyon.”




Tumihaya ako at naka-face ako sa labas ng tent at inipit ng mahina ang katawan ni Toad.

“Mamaya na. Meron tayong pupuntahan. May alam ka bang malapit na church dito?”

“Bakit?”

“Ikakasal kasi ang friend ko dito. -_- at gusto ko makita kung sino iyong malas na lalaki.”


LATER

Nandito na kami sa church. Wow! Ang laki at ang ganda!
Nasabi kasi sa akin ni Agatha na ngayon na iyong ceremony. Ahahah! Lol! May pakasal effect pa rito. Para talagang totoong ikakasal sila.

Pinakawalan ng isang wolfman ang mga dove sa cage. At may mga petals ang nahuhulog sa kalangitan. At sa tapat ng malaking pintuan ay nakatayo ang bride. Walang iba kundi ang bessy ko!

Ang loka! Feeling talaga niya na totoong ikakasal siya!

Siguro nagtataka kayo `no kung saan ako ngayon nandito ako sa central ng Sunny kung saan ang lahat ng mga players ay nandito para magbenta ng mga weapons, pvp and etc. in short ay parang marketing na lamang.

Hayyy~ sana ganyan din ako kapag ikakasal ako sa lalaking mahal ko. Toinkz~
Nakatanaw lang ako sa malayo.

“Dito ka lang?” Tanong sa akin ni Toad.

“Oo.”

“Lumapit ka na doon. Hindi ka naman siguro makikilala niya tsaka pwede ka naman pumasok at manood sa seremonya ng kasal eh.”

“Sige na nga!”

2 comments:

  1. Nice story.... I hope you continue updating ^_^ I really like it :)

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^