First Love vs. Last Love
(John
and Ching)
A/N : This is another fan-fiction of After All...at hindi ulit ako ang nagsulat nito..hehe.. this was written by my friend...Super Fan yata siya ng After All eh.. at naiinis siya dahil hindi ko daw ginawan ng kwento yung ibang characters like Ching and Rhapsody...kaya siya na lang ang gumawa ng story nila..hehe.. share ko lang sa inyo :)
This
story begun when he met the love of her life, si Ching. Nagkayayaan ang barkada
ko nun sa Tagaytay at isinabit ko ang dalawa kong kapatid na si Kuya John at
Jigger. Isinama naman ni Vince si Ching. Siya ang taong nag-alaga kay Vince
nung naaksidente sila ni Lieu on the way to Baguio. Matagal na nawala ang memorya ni
Vince during that time at si Ching kasama ng pamilya nito ang umalalay sa kanya
hanggang sa tuluyan na siyang gumaling at bumalik ang ala-ala niya. Here the story goes…
---- Intro by JM : )
--------------------------------------------------
( An excerpt from the Novel, After All by Shinaya
Waara : )
“Bakit
mag-isa ka na lang?” nagulat pa ako ng may magsalita sa tabi ko.
Isang
lalaki ang nakita ko. Sa pagkakatanda ko eh kuya siya ni JM.
Hindi
ko man lang naramdaman ang paglapit niya. Ganon ba kalalim ang iniisip
ko
para di siya mapansin?
“Ikaw
si???” kunot-noong tanong ko.
Di
ko kasi matandaan ang pangalan niya.
“John”
sagot nito at inilahad ang kamay.
“Just
call me Ching” pakilala ko din at tinanggap ang pakikipag-kamay niya.
“Bakit
mag-isa ka nalang? Nasaan yung kasama mo?”
Nagtatakang
napatingin ako sa kanya.
“How
did you know na may kasama ako kanina? Don’t tell me pinagmamasdan
mo
ako?”
Kibit-balikat
lang ang isinagot nito sakin. So basically I was right.
“Bakit
mo ako tinitignan?” tanong ko.
“kailangan
bang laging may dahilan? Hindi ba pwedeng gusto ko lang?”
“Pwede
naman”
Mula
sa kinauupuan nila ay dinig nila ang tawanan ng mgakakaibigan.
“Ang
saya nila noh?” sabi ko kay John.
Napatingin
naman si John sa mga ito.
“Yeah…mga
bata palang sila ganyan na kagugulo ang mga iyan. Thankful nga
ako
at nagkaroon si JM ng mga tunay na kaibigan eh.”
“Matagal
mo na ba silang kilala?”
“Medyo…mula
ng maging kaibigan sila ni JM”
“Eh
si Aya? Anong klaseng tao ba siya?” curious na tanong ko.
“Si
Aya? Hmmmm…ang masasabi ko lang eh napakabait niyan. Siya yung
bestfriend
ni JM kaya mas nakilala ko siya kasi madalas din tumambay iyan sa
bahay
namin noon. Matalino saka maaasahan. True friend talaga”
Napatango
nalang ako. Mukhang nasa mabuting kamay naman pala si Vince eh.
“bakit
interesado ka kay Aya? Don’t tell me lesbian ka?”
“of
course not!!” mariing tanggi ko. Todo iling pa talaga.
“Mabuti
kung ganun. Sayang ka kung magiging lesbian ka”
“Curious
lang ako..saka ang ganda niya noh? Nakakainggit siya.. I’m sure
maraming
girls na naghahangad na maging katulad ni Aya” (Isa na ako dun)
Napailing
si John.
“Aya
maybe famous and pretty but she’s just also a normal girl. Nasasaktan at
umiiyak.
Hindi naman siya bato. May mga pagkakamali din siya. Hindi siya
perpekto.
Pero sa lahat ng iyon nagagawa niya pa din maging matatag. Dun ako
bilib
sa kanya.”
Natahimik
ako.
“hindi
mo naman kailangang gayahin ang ibang tao eh..you just have to be
yourself…oo
nga at may mga bagay sila na wala ka pero may katangian ka
naman
na wala sila.”
Napatingin
ako sa kanya. Ang galing niya naman mag-advice.
Nakakahanga.
“Teka..may
asawa ka naba?” biglang tanong ko dahilan para mapatawa siya.
“Akala
ko naman seryoso na pinag-uusapan natin. Kung may asawa ako
malamang
wala ako dito”
Medyo
nakahinga naman ako ng maluwag. Atleast walang mang-aaway sakin na
bigla
nalang akong susugurin at sasabunutan.
“Eh
girlfriend?” napapangiting tanong ko.
Umiling
siya. “Wala din eh”
“Bakit
naman?” interesadong tanong ko.
“Walang
nagkakamali eh” sagot niya pero alam ko namang biro lang iyon.
“Asus!!!
Pahumble!! Sa hitsura mong iyan? Naku!! Wag naman sanang ikalalaki
ng
ulo mo pero gwapo ka naman eh. Matikas..kaya imposibleng wala kang
girlfriend”
Natawa
nalang siya sakin.
“Dati
meron. Pero ngayon wala na”
“bakit
naman?” (ayan masyado na akong intregera)
“Pinagpalit
ako sa matandang mayaman”
“Owww…ouch”
Nagkibit-balikat
lang ito.
“Okay
lang. matagal na yun. After nun wala na ulit akong naging girlfriend.
Nawalan
kasi ako ng time para maghanap pa. busy sa work eh. Saka naniniwala
ako
na hindi dapat hinahanap ang love. Kusa iyong darating sa takdang
panahon.”
She
could not help but agree.
“Tama
ka dyan…kasi minsan natatrapik lang kaya dapat lang maging matyagang
maghintay.
Makakasakay ka din sa byaheng pag-ibig.”
Pareho
kaming natawa sa sinabi ko.
“Ang
corny noh?”
“Yeah..pero
totoo”
“Ikaw
may boyfriend ka na?”
Napangiti
ako.
“Bakit
interesado kang malaman?”
“Masama
ba magtanong?”
“Hindi
naman…wala akong boyfriend”
“ahhh…ahmm..Ching..after
natin dito pwede ba kitang ayain lumabas?”
“like
a date? Bakit naman?”
“Coz
I like to know you better…okay lang ba?”
OMG!!!
Mukhang magkakalove-life na din ako sa wakas.
“Sure!!!
Ikaw ang bahala.” I couldn’t hide my smile.
----------------------------
Nasundan
pa ng maraming dates ang una nilang paglabas and eventually niligawan na rin ni
John si Ching.
Minsan
siyang isinama ni John sa reunion ng mga college classmates nito.
“John,
nahihiya ako. Ikaw nalang kaya pumunta doon, wag mo na akong isama,” tanggi ni
Ching.
“
Kinakahiya mo bang kasama ako?”
“Hindi
sa ganon, ikaw nga ang inaalala ko eh.
Kasi may kasama kang promdi,”
“So
what kung promdi ka? Eh, ikaw naman ang mahal ko. I want to be proud na ikaw
ang babaeng napili kong mahalin,”
“Napili
kasi no choice ka lang ata eh,” halos pabulong niyang sabi sa sarili.
“Ano
yun?” tanong nito.
“Ah-
eh, wala..”
“So,
sasama ka na ha?”
“Sige
na nga. Kulit mo eh.”
-00-
“Hi
John!” bati sa kanya ng isang dating kaklase. Maganda ito at sopistikada.
Hapit
sa katawan ang suot na damit at mukhang mamahalin ang mga gamit nito.
“Oh,
hi din Liza!” sagot naman ni John.
Nagulat
si Ching ng bigla itong humalik sa pisngi ng binata.
Mabilis
na umiwas si John, “Liza, I’m with Ching,” pakilala ni John sa kasama.
“Ching,
this is Liza.”
“Hi,”
matipid na bati ni Ching sa kaharap. But deep inside, sobrang kumukulo ang dugo
niya rito.
“So,
how’s your life since I’m gone with it?” parang nang-aasar pa nitong tanong kay
John.
“Really
great..” sagot naman ng binata.
“I don’t think so..”
“You
don’t have to rather. Please excuse us..” iginiya na ni John si Ching papasok
sa loob.
“Okay
ka lang ba?” tanong nito kay Ching, “pasensiya ka na kay Liza ha.”
“O-oo.
Okay lang ako,” sagot niya rito kahit na hindi naman talaga siya okay. Sa totoo
lang, kanina niya pa gustong umuwi.
Pakiramdam
niya mas bagay ang mga katulad ni Liza kay John. Hindi siya na isang
probinsiyana lang at simple lang ang pamumuhay. Sino ba siya para pumasok sa
mundo ng mga mayayaman. Sana
pala hindi nalang siya sumama kay Vince pagpunta dito sa Maynila. Masaya naman
siyang namumuhay sa probinsiya kapiling ang mga alaga nilang baboy, mga
pananim, kalabaw at syempre ng kanyang mga magulang. Ayaw niya ng ganito,
masyadong kumplikado. Puro sosyalan.
---------------------------------------
Gustong
gusto na niyang sagutin si John pero may bahagi ng puso niya ang pumipigil sa
kanya. Maybe the idea that John is too good for her, in many ways.
She
finally made up her mind.
Minsan
silang nag-dinner sa isang restaurant ni John. Medyo nailang siya sa kanyang
suot. Imagine, fine dine-in restaurant pero eto siya’t naka simpleng blouse, maong
pants with matching sandals worth sixty
pesos ang get-up. Parang mamamalengke lang. Akala niya kasi sa park lang siya
dadalhin ng binata tulad nung isang araw.
I don’t belong here. Naisatinig lang ito ni Ching sa kanyang sarili.
“Pwede
bang huwag nalang tayo dito?” tanong niya kay John Nag-aalangan talaga siya sa
suot niya. Hindi naman kasi nito sinabi sa kanya na sa isang mamahaling
restaurant pala siya nito dadalhin. Sana
pala hindi nalang siya pumayag na makipagdate dito ngayon at sa halip ay
pumasok nalang sa boutique ng auntie niya para magtrabaho.
“You
don’t have to wear elegant clothes para lang bumagay sa lugar na ito. Mukha mo
palang, may ilalaban ka na,” sabi ni John sa kanya.
“Kahit
na. Sana sinabi
mo nalang sa akin na dito pala tayo pupunta,”
“Edi,
hindi na surprise yon kapag sinabi ko,”
“Pero kasi…”
“No
buts!” pigil ni John sa mga sasabihin pa sana
ni Ching. Na alam naman niyang puro pagtutol lang, “order na tayo..”
Sorry John, pero hindi yata talaga ako bagay sa
mundong ginagalawan mo. Simpleng buhay lang ang gusto ko. Kahit mahal kita,
hindi ako nababagay sa’yo.
Narealize
ito ni Ching. Simula kasi ng lumabas labas sila ni John, nagbago na ang takbo
ng buhay niya. Wala na ang dating simpleng siya. Namimiss niya ang buhay
probinsiya.
Dapat
talaga, after ng outing na iyon sa Tagaytay ay uuwi na siya sa probinsiya at
babalik na sa normal niyang buhay pero nabago ang lahat ng makilala niya si
John. Ipinakilala siya nito sa mundong ginagalawan nito at sobra siyang
nanibago. Hindi ito ang gusto niya. Ayaw niya ng corporate world na
kinabibilangan ni John.
Ayaw
rin niya ng polusyon ng Maynila, maingay na mga kalsada, gabi na ginagawang
araw at maraming krimen. All she wanted is a peaceful life at gusto niya ring
maging isang plain housewife, a perfect
home maker indeed. Makaluma na kung makaluma pero iba talaga ang gusto niyo.
Malayo sa mga pangarap o future plans ni John.
Pero
aaminin niya sa sarili niya na naging masaya siya sa piling ng lalaki kaya nga
mas pinili niya ang mag stay sa Manila para makasama ito. But then again,
something is wrong. Parang hungkag ang pagkatao niya. Habang hindi pa uli ang
lahat, kailangan na niyang tapusin ang kanyang ilusyon.
----------------------------------------------
“Thanks
for the night, Ching,” hinalikan pa ni John sa pisngi ang dalagang iniibig.
Nasa tapat na sila ng apartment ni Ching.
“Sa-salamat
din sa paghatid,” Hindi niya alam kung papaano magsisimula..
“Sige,una
na ko. Goodnight,” paalam na ni John.
“John,
sa-sandali,” pigil ni Ching dito.
“Ano
yun?”
“Uuwi
na ako sa amin..Paalam..”
“What
do you mean?”naguguluhang tanong nito.
“Babalik
na ako sa probinsiya. Hindi ako nababagay rito. Lalo na sa’yo.” Ang sakit sa
puso niya habang binibitawan ang mga salitang ito.
“Sino
ang may sabi niyan?”
“Na
realize ko lang..”
“Hindi
mo ba talaga ako mahal?”
Mahal na mahal John! Sobra! Ito ang isinisigaw ng puso niya but she decided to
lie. “Hindi kita mahal John. Si Vince pa rin. Siya ang first love ko kaya
mahirap para sa akin ang kalimutan siya,” pagsisinungaling niya.
“You’re
lying..”
“Hindi…”
Hindi ka nagkakamali…
“Pero
masaya na sila ni Aya,”
“Alam
ko at wala naman akong balak na guluhin sila. Kaya nga ako uuwi ng probinsiya
eh para tuluyan ng makalimot at makalayo sa kahit sinong may koneksiyon kay
Vince. Kasama ka dun John.” Hindi alam ni Ching kung saan siya kumukuha ng
lakas para magsinungaling at magbuhol buhol ng kuwento sa harap ng lalaking
pinakamamahal na niya ngayon. Matagal na niyang nakalimutan si Vince. Si John
na ngayon ang buhay niya. That’s the truth.
“Bye,
John. Ito na ang huli nating pagkikita. Salamat sa lahat at sorry kung matagal
kitang pinaasa…” tumalikod na siya rito kasabay ng pagpatak ng mga luha niya.
----------------------------------------
“Hindi
ko alam, ang lakas mo palang uminom Kuya John!” puna ni Jake sa kanyang future
brother-in-law.
Nandito
siya ngayon sa bar ni Jake and it’s been a month simula ng umalis si Ching pauwi
ng probinsiya nito. Gusto sana
niyang sundan ito pero para saan pa eh hindi naman siya mahal ng dalaga. Pwede
niyang alamin kung saan ito nakatira pero he thinks that he don’t have to.
Hindi niya kailangangang ipagpilitan ang sarili niya sa taong ayaw naman sa
kanya.
“Ngayon
lang…” maiksi niyang sagot.
“Idaan
natin sa mabuting usapan hindi sa mabote,” suhestiyon ni Jake.
“Huwag
na! Ikuwento mo pa kay JM,”
“Lalaki
ako at hindi natin nature ang pagiging tsismoso,” depensa nito.
He
decided to confessed, “Ramdam kong mahal niya ako pero bakit ipinamukha niya sa
akin na si Vince pa rin and she decided to stay away from me….”
“Give
her some time, baka nalilito pa siya sa feelings niya ngayon.”
“What
about my feelings? Sobra ko siyang mahal,”
“Don’t
lose hope, Kuya. There’s always a reason behind that struggling,” payo ni Jake
kay John.
“Thanks
for listening bro! And don’t you dare share it to JM,”
Tawa
lang ang isinagot nito. Mukhang somehow, malalaman pa rin ng kapatid niya ang
totoo niyang pinagdadaanan.
--------------------------------------------
Tanghaling
tapat na ay nakahiga pa rin si John. Marahil sa dami ng ininom niya kagabi,
kahit buong araw pa siyang matulog ngayon ay okay lang. Weekend naman.
“Kuya!!!!”
halos gibain na ni JM ang pinto ng kuwarto niya.
“Ano
ba?! Get out!” sigaw niya rito.
“Get
out ka diyan eh hindi mo pa nga ako pinapasok. Open the door!” utos naman ni JM
sa nakatatandang kapatid.
“Edi,
get lost! Leave me alone! Magsama kayo ni Jake!” May hinuha siyang naikuwento
na rito ni Jake ang dilemma niya kagabi.
Katahimikan.
Siguro, umalis na ito. Salamat naman.
“It’s
about Ching! Emergency!” tili ni JM mula sa labas ng kuwarto.
Napabalikwas
siya ng bangon, hindi ininda ang sakit ng ulo at binuksan ang pinto ng kuwarto
niya.
“Anong
nangyari?!” nagpapanic niyang tanong sa kapatid. Bakas sa mukha nito ang
sobrang pag-aalala.
Tinitigan
siya ni JM, mga sampung segundo pagkatapos ay bumunghalit ng tawa.
“What
now?!” naiinis na siya sa kapatid, pinagti-tripan na naman siya nito.
“In
love ka nga! Truly, madly, deeply.”
Bago
pa siya muling masaraduhan ng pinto ay dali dali ng pumasok si JM sa loob ng
kuwarto ni John at prenteng umupo sa kama nito.
“Ano ba yan!? Ang baho! Amoy alak na naman
itong kuwarto mo!” sermon niya sa kanyang kuya.
“Lumayas
ka rito, para wala kang maamoy,” pagtataboy namang muli ni John sa kapatid.
“Nope!
Hanggat hindi ko pa nasasabi ang gusto kong sabihin,”
“Spill
it! Pakibilisan, inaantok pa ako,”pero parang hindi naman siya interesadong
makinig dito. Mas interesado siyang matulog ulit.
“Vince
may be her first love, but it is not meant to last because she’s already in love
with someone else. You heard me right me
right, Kuya, may iba ng laman ang puso
ni Ching,”pahayag ni JM.
“I
don’t care,” Kung ibang lalaki man ang gusto nito maliban kay Vince ay wala
naman na siyang magagawa roon. Basted na siya. More than a month now at unti
unti na niyang tinatanggap iyon.
“Ikaw
yun, tange!” sigaw sa kanya ng nakakabatang kapatid na sobra talaga ang kulit.
“Hindi
daw..” of course, he won’t believe it. Sinabi na nga sa kanya ng harap harapan
eh.
“Naniwala
ka naman? Na stress lang yun si Ching kasi ibang iba ang buhay rito sa Maynila
kumpara sa buhay niya sa probinsiya,” paliwanag ni JM sa kapatid.
“Paano
mo naman nalaman iyan? Konsensiya ka ba niya?”
“I
have my ways!” kinindatan pa nito ang kapatid. At may dinukot mula sa bulsa ng kanyang short na kapirasong
papel. Inabot niya ito sa kapatid, “Address niya yan. Puntahan mo na and try to
live on her way of life para maintindihan mo siya,” masaya nitong payo sa
kapatid.
Tila
nabuhayan si John ng pag-asa sa mga sinabi ng kapatid. He doesn’t have the
right to give-up now, there’s still hope his love.
“Minsan
pala nagiging anghel din ang isang katulad mo,” komento ni John. He didn’t
think na ang sariling kapatid pala ang makakatulong sa problemang pang puso
niya.
“Naman!
Magkapatid tayo eh!” Lumabas na ito ng kuwarto, “Ang baho mo! Maligo ka na!
Alas- sais ang
last trip ng bus!”
-------------------------------------------
After four years…..
“Babe!
I’m home!” tawag ni John sa maybahay na niyang si Ching.
Lumabas
siya ng kusina at masayang sinalubong ang asawa, “Ang aga mo ngayon ah.
Nag-half day ka?” tanong nito sa mahal na esposo.
“Oo.
“Di ba, it’s our wedding anniversary? I won’t miss a chance para mas mahaba ang
oras na ma-celebrate natin ‘to. May mahalaga lang akong tinapos sa opisina,”
sabay abot ng isang bouquet sa asawa.
Na-touch
naman si Ching sa gesture ng asawa. Kahit eto siya ngayon at malaki na ang
tiyan, hindi nagbabago ang pagtrato nito sa kanya, she’s still the most
beautiful girl in his eyes, his princess and the love of his life. And as every
days are passing by, mas minamahal siya ng asawa at ganun din naman siya dito.
“Naalala
ko pa yung araw na kumatok ka sa pintuan ng bahay namin, Babe. Ang sabi ko sa
sarili ko nun, makita lang kitang nakatayo doon, pakakasalan na kita. Na handa
akong harapin ang klase ng buhay na meron ka basta magkasama lang tayo,”
naluluhang pag-alala ni Ching sa nakaraan.
“And
I also promised to myself, makasama lang kita uli, hinding hindi na kita
pakakawalan. I may not be your first love but I will assure you that I’m going
to be the last.”
Pinanindigan
naman nila pareho ang kani-kanilang mga pangako sa isa’t isa kaya eto, simple
ngunit masaya silang namumuhay kapiling ang isa’t isa.
Thanks
to JM and that is yours truly.
Thanks
for reading the love story of my big brother John and sister-in-law Ching!
I
just love sharing it with you. Til next time! : )
WiiiEee aNg gAnda,,,
ReplyDelete