Ang Enkantado Sa Buhay Ko
Chapter One
“Sigurado ka na ba na doon ka na
titira?”
Napapailing
na lamang ako sa ina ko. Lilipat na kasi ako ng tirahan dahil sa bago kong
trabaho. Tapos na ako sa kolihiyo at ngayon ay natanggap na ako sa isang sikat
na hotel at doon ako magtatrabaho as a receptionist. Kailangan ko na lumipat
dahil sa kadahilanan na napakalayo niyon at baka may possibilidad na ma-late
ako.
“Ma, sigurado na ako tsaka I
need to grab this opportunities para gumanda ang career ko. Malaki ang sweldo
at tsaka bibisitahin ko naman kayo eh tuwing day off ko.”
“Oh siya. Mag-iingat ka sa
biyahe mo. Nilagay ko na ang baon mo sa bag.”
Nagpaalam
na ako sa kapatid ko at umalis na mahaba haba rin kasi ang biyahe ko at kailangan
ko din ayusin ang mga gamit ko sa bago kong bahay. Malapit lang kasi iyon sa
pinagtatrabahuan ko eh.
Pagdating
ko sa two storey house at malapit sa bentana ng magiging kwarto ko ay may
malaki at matandang puno. Okay lang din sa akin na meron ang ganun para hindi
naman kung gusto ko mag-relax sa labas at diyan na ako tatambay.
Wala pa
gaanong kagamitan doon sa loob ng bahay dahil hindi pa ako nakabili. Siguro
makakabili na ako niyon pag may sweldo na ako.
“Miss.”
Isang
matandang babae ang lumapit sa akin.
“Yes?”
“Ikaw ba ang bagong lipat
diyan?”
“Opo.”
“Ganoon? Naku, kung ako pa sayo
ay hindi ako diyan titira at doon na lang ako sa mas maganda pa na lumipat ka
na.”
Parang
may bumundol na kaba sa dibdib ko.
“B-bakit naman po?”
“Hindi ba sinabi ng may-ari
niyan? Sabagay disperado na silang umalis diyan eh. Kaya nila beninta iyang
bahay na iyan ay dahil may nakatira daw sa punong iyan na isang kapre!”
Pilit
na tumawa ako pero sa totoo lang ay ang bilis na ng tibok ng puso ko na parang
sasabog na sa takot. “Sus, naniniwala
naman kayo diyan. Sa panahong ito ay ang dapat na kinakatakutan ninyo ay iyong
mga tao na kesa sa mga multo o kapre hindi naman iyan totoo eh.”
Pagkatapos
namin mag-usap ay pumasok na ako sa loob bitbit ang mga gamit ko. Hay, kailangan
ko ng alisin sa isipan iyon. Tsaka darating mamaya ang mga kaibigan ko para
e-celebrate daw ang independent ko.
Nilinis
ko muna ang lugar at nilagay sa tamang lugar ang mga kagamitan. Ang laman ng
box ko ay mga damit at mga pocketbooks. Wala ng iba pa.
Umakyat
na ako para dalhin ang damit at mabuti na lang at may cabenit na doon. Habang
pinapasok sa loob ang damit ay biglang tumunog iyong cellphone ko.
Alipin ako~
Ella:
Friend! Sorry but we need to cancel our celebration
today because we have an important things to do and it is very urgent. Hope
you’ll understand. >.< May be some other time, princess?
Princess (me):
Okay lang sa akin, bes! *^_^*
Pagsapit
ng gabi ay bumili na lang ako ng pag-kain at pumasok na sa loob ng computer.
Magsusulat na lang siguro ako para may update na ako sa stories ko. Habang
nagsusulat ay ngayon ko lang namalayan na alas dose na pala.
“uh-oh! alas dose na pala!
Kailangan ko ng matulog may pasok pa ako!” In-off ko ang laptop at humiga na sa kama. Pero
hindi parin ako dinadalaw ng antok at mas lalong hindi talaga ako makakatulog
dahil naalala ko ang kwento ng babae! May momo daw dito! agh! Kailangan ko na
magdasal.
Oh panginoon tulungan mo ako at
alisin ang mga masasamang
Espiritu at sana makatulog na
ako ng mahimbing na walang
Alalahanin. Panginoon bigyan
niyo ako ng sign na
Magbibigay sa akin ng
kasigaruduhan na walang kapre o multo.
Sukat
ng dinasal ko iyon ay may narinig akong katok na nanggaling sa bentana.
“Diyos ko! ito na po ba ang sign
na hinihingi ko?!” Nasundan
pa ang katok ng iyon. Kaya naman ay bumalikwas ako at pinagpapawisan na
bumangon. “Sino iyan?”
Nanunuot
ang kalamnan ko. at nanginginig na binuksan ang bentana. Biglang bumulagta doon
ang isang lalaki! Kaya napatili ako at parang gusto ko maihi sa short ko!
“Ahggggg!!!!!!! Multo! Multo!
Inaaayyy!!!! Waaaaaah!” Umiyak
ako ng iyak sa takot. “Waahh! Ayoko na!
ayoko na! wala akong pakialam kung nabayaran ko itong bahay! Aalis na ako dito!
waaaaaah huwag mo akong patayin.”
“Hindi ako multo, Miss, kaya
huwag kang ng umiyak wala naman akong masamang gagawin sa`yo.” Narinig ko ang kanyang
baritonong boses.
“T-talaga?” Dahan dahan ako na nag-angat ng ulo at nakita
ko siya. Hindi naman siya mukhang multo o kapre na kagaya ng sinasabi nila.
Kakaiba ang kanyang pananamit pero hindi iyon ang nakaagaw ng pansin ko kundi
ang mukha niya. Moreno ang kulay ng balat niya at kamukha niya si Imran Abbas.
Maganda ang pangangatawan.
“Mukha ba akong nagsisinungaling
sa`yo?”
Tiningnan
ko siya ng maigi. Mukhang hindi naman pero bakit nandito siya? Hindi kaya
magnanakaw siya o rapist? Pero sa gwapo niyang iyon ay magnanakaw at kung
rapist naman ay hindi naman ako maganda.
Diyos ko! mabuti na lang at hindi siya multo!
“Eh anong ginagawa mo dito?
Trespassing ito ah! Magnanakaw ka ba? sorry ha? wala kang mapapala sa akin
dahil wala akong pera at kung rapist ka naman ay huwag mo ng tangkain dahil
hindi ako maganda! nakikita mo naman sa mukha ko di ba? kaya umalis ka na dito
dahil kung hindi tatawag ako ng police!” Naglabas ako ng cellphone.
“Hindi ako ganoon. Gusto ko lang
kasi bigyan ng regalo ang bagong lipat dito eh. Dapat sana ibibigay ko ito
sa`yo kanina ngunit mukhang busy ka kaya humanap ako ng tyempo.”
“Hell! You can give it to me
tomorrow. Hindi ka ba makapaghintay?”
“Hindi.”
Naiinis
na tinanggap ko iyong maliit na kahon. Hindi ko tiningnan ang laman.
“Oh iyan. Thank you at nag-abala
ka pa. Binigyan mo pa ako ng atake sa puso sa ginawa mo. pero pwede ba sa
susunod kumatok ka doon sa pintuan at hindi sa bentana. Gusto mo ba ng kape?
Pwede kitang ipagtimpla.”
“Naku, huwag na. aalis na ako
hinahanap na kasi ako sa amin eh. Ah nga pala ako nga pala si Matteo.”
Weirdo
naman ng lalaking ito. Nag-abala pa siya na ibigay sa akin `to eh ngayon lang
naman kami nagkita.
“Okay. Salamat sa regalo mo ah
ako nga pala si Princess.”
“Alam ko.”
“Alam mo?” Nakataas ang kilay ko.
“Ah... eh.. ibig kong sabihin ay
walang anuman. Heheh! Sige alis na ako at matulog ka na. Magkita na lang tayo
uli.”
“Okayy...Pero pwede ba bumaba ka
diyan sa bentana at gamitin mo iyong pintuan sa baba.”
“A-ah... sige.”
Likey!!!!!
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteSi Zare po ito.
ReplyDeleteNatutuwa ako sa emoticon..paano yun?? hahahah
ReplyDeleteuU, muKhaNg naUusO ang sMiLeys s mgA kweNto,,, meRon diN duN s eLLaine @aegYoworLd,,, aNg cuTe cuTe LaLo bsAhiN pAg mei gNitO,,, hwAhiHi,,,
Delete