Saturday, April 6, 2013

Ang Enkantado Sa Buhay Ko: Chapter 2



Ang Enkantado Sa Buhay Ko
Chapter Two


“Wae di nga?” Smiley

“Totoo nga sabi eh! kainis kayo. Akala ko nga kagabi na multo eh! iyon pala isang addict na lalaki pala iyon mabuti na lang at wala siyang masamang balak. Bakit ba hindi ka naniniwala?” Smiley

Nandito kami sa starbucks at nag-uusap ni Regine eh. Isa sa mga kaibigan ko.

“Duh. Hindi naman kasi makapaniwala ang sinabi mo eh! Baka gutom lang iyan kaya nag-e-illusion ka.” Smiley

“Totoo ang sinabi ko. May binigay nga siya sa akin eh heto.”

Pinakita ko sakanya ang box na laman ay candies na ngayon ko lang nakita at masarap iyong candy. Saan kaya niya iyon nabili? Pano niya kaya nalaman na mahilig ako sa candy?

“Hay, biro lang iyong sinabi ko. So iyong lalaki na nagngangalan na Matteo ay gwapo ba?”

“Oo.”  Parang naging hearts iyong mata ko. “Absolutely! Kahawig niya si Imran! Hehehe!” Humagikgik ako.  Marami pa kaming pinag-usapan at pagkatapos niyon ay umalis at bumalik na sa trabaho.

Later: HAPON

Dumaan ako sa eskinita at malapit lang ang bahay ko.

Magkita na lang tayo sa susunod.

Naaalala ko iyong sinabi niya. Magkikita? Mabuti na lang at naalala ko ito magtatanong na lang ako kung sino iyong lalaki. Ilang araw ko kasi hindi siya nakikita. Hindi ko nga rin alam kung dito ba talaga iyon nakatira eh.

Tumigil ako doon sa isang tindahan ng babae. Iyong nakausap ko noon. Nagtanong ako kung may kilala siyang Matteo ang pangalan. Pero wala siyang kakilala na ganun.

“Ganun po ba? Sige. Salamat po.” Smiley

Umalis na ako. Hapon na at dahil tapos naman ako kumain ay lumabas na lang ako sa bahay.  Sabi ng lalaking iyon na magkikita kami uli pero hindi pala. Hay, ano ba ang iniisip ko? Hindi porque binigyan ka ng kung ano ay hindi ibig sabihin na may gusto siya sa`yo and wait? Bakit ko ba iniisip namay gusto siya sa akin? Anak ng tokwa naman oh! Umiral na naman ang ambisyosa kong sarili! Umupo ako at sumandig sa malaking puno. Hay... bakit ko ba siya iniisip? Hindi ko siya lubos na kilala at isang beses lang kami nagkita. Ginayuma ba niya ako o dahil kaya iniisip ko siya dahil kahawig niya si Imran na crush ko? (PS: kung nagbabasa kayo ng SRC siguro naman nakita niyo yung face ni Neiji? Siya iyon)

Gusto ko siyang makita uli...

Nakatulog ako ng ilang oras doon sa ilalim ng puno at nagising lang ako sa kagat ng mga lamok.

“Anak ng tokwa! Pinagpyestahan na naman ako ng lamok!”

“Hindi ka dapat dito natutulog sa labas, Princess.” Pamilyar ang boses na iyon. Lumabas sa likod ng puno si Matteo na nakangiti.

Nakakunot ang noo niya. “Anong ginagawa mo dito?”

“Binibisita ka.”

Sumusulpot na lang siya sa kung saan.

“Bakit?” Smiley

“Masama ba?”

“Oo, dahil hindi kita kilala ng lubusan. Nagtanong ako sa mga nakatira dito pero wala silang kilalang Matteo. Sino ka ba talaga? Siguro may asawa ka na kaya gumagamit ka ng pekeng pangalan.” 

Napakamot siya ng ulo. “Hindi. Binatang binata ako. Ikaw lang ang hinihintay ko.” Smiley

“Ano?”

“Ah wala!”

“Tsk! Ano ba kasi ang ginagawa mo dito? at ano ba talaga ang pangalan mo? saan ka galing?”

“Ang dami mong tanong. Matteo nga ang pangalan ko kaya walang nakakilala sa akin dahil hindi naman ako tagarito.”

“Oh so ibig mong sabihin ay nagbabakasiyon ka lang dito?”

“P-parang ganun nga!”

“Eh bakit mo naman ako binibisita, ha? At sa gabi pa talaga ha?”

Hindi siya sumagot sa tanong ko.

“May trabaho kasi ako sa umaga kaya hindi mo talaga ako makikita.”

Nakasuot lang siya ng polo shirt at jeans. Hindi na kagaya noon na napaka-weird. Akala ko nga eh may dinaluhan siyang costume party. Mas mukhang tao na siya ngayon hehehe! Ano naman kaya ang ginagawa niya na naman rito?

“Binuksan mo na ba iyong regalo ko sa`yo?”

“Oo, candy ang laman di ba? Ang sarap niyon salamat!”

“Walang anuman.”

Ilang minuto ay hindi kami nagsalita. Naku ano naman ang pag-uusapan namin? Tama ba na makipag-usap ako sakanya? Hindi ko nga siya gaanong kilala eh! Sabi nong bata pa ako Don’t talk to stranger pero hindi na siya stranger sa akin hindi naman siya masamang tao o gagawa ng kalokohan.

          “Matutulog ka na ba ngayon?” Tanong niya sa akin.

            “Hindi pa. Bakit?”

          “Gusto sana kitang yayain na mamasiyal eh may perya malapit lang dito kakabukas lang.”

Hindi pa ako nakakapunta sa isang circus. “Talaga? Sige! Sasama ako!” Hindi ko pa siya gaanong kilala pero makikilala ko naman siya di ba habang tumatagal? First time sa akin na may mag-invite sa akin na mamasiyal na isang lalaki! At kami lang— wait! Kami lang? date?! Oh no! hindi dapat ganito ang suot ko! “Teka, lang ha? magbibihis lang ako.”

 “Sige. Hihintayin kita rito.”

Pumasok ako sa loob ng bahay at pumunta sa kwarto para magbihis. Kunti lang ang damit ko. Ano kaya ang damit na bagay sa akin? Ilang minuto ang nakalipas ay nakapili ako. Pinili ko iyong Long sleeve-off shoulder shirt at short shorts.

            Sinusuot ko na iyon ay biglang may narinig akong katok sa labas. Si Matteo ba iyon?
            “Sandali lang!”

          Nagmadaling sinuot ko iyong damit at lumabas na ng kwarto. “Sorry ha? kung natagalan ako sa pagbibihis.” Binuksan ko ang pinto at tumambad doon ang mukha ni Isha.

            “bes!”

          “Isha, Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah.”

            Nakakunot ang noo niya. “Bes, dito muna ako matutulog. Kainis naman kasi iyong mama ko eh. Nag-away na naman kami.”

          “Nag-away? Bakit?”

          “Duh. Ayaw kasi niya sa boyfriend ko. Dahil daw hindi kami bagay. Baka raw lolokohin lang ako. Balak na kasi namin magpakasal kaso nga lang ng ipinaalam na namin ni mama ay naku! Sinermunan ako bakit daw ako magpakasal eh hindi pa daw kami gaanong magkakilala. Hmp, matagal na nga kaming magkasintahan two years na nga eh.” Smiley Best friend ko si Isha mula noong second year college at nalaman ko din na hindi malayo ang kanyang bahay dito. 

            “Ikaw naman kasi eh. Bakit hindi mo pinakilala sakanya na may boyfriend ka na. Pasensiya ka na, Isha, ha? may lakad kasi ako eh.”

          “May lakad ka? sa oras na ganito? Date?”

          Nahihiya na tumango ako. Iyon lang naman kasi ang matatawag ko sa ganun eh.

            “Sino?”

          “Nandiyan siya oh.” Tinuro ko kung saan nakatayo ang binata kanina malapit sa puno.

            “Pinagloloko mo naman ako eh. Wala naman lalaki diyan eh.”

          “Eh? pero nandiyan siya kanina. Sabi pa nga niya pupunta kami doon sa perya malapit lang dito.”

          Tinirik niya ang kanyang mata.

            “ Perya? Wala naman perya dito ah.”

          “Pero sabi ni Matteo na meron eh.”

          “Hay, naku! Walang perya dito at sinong Matteo? Gwapo ba?” Smiley

          Tumango ako. Nasaan kaya siya? Napakasinungaling naman niya. Sabi niya may perya. Ayoko pa naman sa mga sinungaling na mga tao! Naging masama ang mood ko. “kalimutan mo na nga lang ang sinabi ko. Niloloko lang siguro ako niyon.” Smiley

Pinapasok ko siya at doon sa guest room ko siya dinala at doon ko siya pinatulog. At dahil sa masama ang loob ko kay Matteo ay nagpalit na lang ako ng damit at natulog lang. Kinabukasan ay ganon pa din ang dati walang Matteo na nagpakita sa akin. At sa mga pinagtanongan ko ay wala silang kilala talaga na gwapo na kahawig ni Imran na isang bakasiyonista. Hindi na lang ako na umaasa na makikita ko pa siya uli. Wala na din ako balak na makipag-usap sakanya dahil pinagmukha niya akong tanga eh. Bakit niya ako bigla iniwan sa ere? I was looking forward for that date! And here I thought na may magkakaroon ng interest sa akin. Smiley

Kagaya ng sinabi ko noon. Hindi pang-miss universe ang mukha ko. Iyong tipo na hindi gaano papansinin.

Kainis! Siguro, illusion ko lang iyon na may Matteo. Baka hindi siya totoong Matteo.

Bakit ba ako nagpapaaepekto sa lalaking iyon? Hindi siya karapat dapat sa attention ko. Siguro nga gusto ko siya dahil siya ang unang lalaki na nakipaglapit sa akin pwera lang sa isa kong best friend na lalaki.

Pauwi na ako galing sa trabaho nang may nadaanan ako isang manghuhula. Tinawag niya ako.

“Miss, gusto mo bang magpahula?” Smiley

Tinuro ko ang sarili ko. Tumango siya. Hindi ako naniniwala sa hula pero wala naman masama kung magpahula ako.

Umupo ako sa tapat niya. “Ipakita mo sa akin ang palad mo.” Smiley

            Nang ginawa ko ay nagsimula na siya. “Naku...” Pinagpapawisan siya. Nakakawa ang hitsura niya. grabe naman ito.

            “Bakit po?”

          “May isang engkanto ang nagkagusto sa`yo...” 

1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^