Saturday, April 6, 2013

KontraBIDA : Prologue - Ang Dakilang Kontrabida



I am Janiyah. 

Janiyah Merzer Alonzo. 
You should pronounce the letter ‘H’ when you say my name. 

I’m the prettiest. 

I’m the hottest. 

I’m the loveliest. 

Kaya nga ako pinagkakaguluhan ng mga guys sa campus namin. 

Duh! Akala naman nila, type ko sila. 

Isa lang naman ang gusto ko. 

At ‘yon ay si… Ayiih! 
Hindi ko masabi ang pangalan niya dahil kinikilig ako maisip ko lang siya. 

Kaya lang. 
Bwisit! 

Grr! 
May epal lang na panggulo sa’ming dalawa. 

Kung bakit naman kasi iyon pa ang nagustuhan niya. 

Dapat ako na lang! 

Alam ninyo kung bakit? 

Dahil maganda ako! 

Ako nga ang Campus Queen, eh! 

At gagawin ko ang lahat makuha ko lang siya. 

What Janiyah wants, will Janiyah gets. 

At dahil maganda ako. 

Ang daming asar sa’kin. 

Syempre sino pa ba? 
Edi yung mga schoolmates kong babae. 

Ang tingin nila sa akin. 

Maarte! 

Mayabang! 

Mataray! 

Maldita! 

So? Ano naman sa’kin?
Bakit hindi sila mag-tumbling? 

They are free to call me whatever they want.  
Huwag na huwag lang nilang ipapadinig sa’kin dahil kuko lang nila ang walang latay. 

Inggit lang kasi sila. 
Dahil nga maganda ako! 

Wahahaha! 

They’re such a losers! 
And I’m the winner! 

Dahil sa kwentong ito.

Ako na nga ang Bida. 

Ako pa ang dakilang Kontrabida! 

Eh, sila? 

Mga dakilang extra! 



Wahahahaha—ay! 

Someone tapped my shoulder. 

Naputol ang moment ko.   

Kumunot ang noo ko. 

Tumaas ang kilay ko.  

“At sino ka namang hambog na lalaki ka?!” 

Mata lang ang nakikita ko dahil sa suot niyang maskara.

He just winked at me and whispered,  

“Ako lang naman ang magiging bida ng love story mo. May reklamo?”

What the—

= = =

2 comments:

  1. mabuhay ang mga kontrabida! wag papaapi sa mga bida! lels~

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^