CHAPTER 1
(
Janiyah Merzer Alonzo’s POV )
Tumaas
ang kilay ko nang makita kong nag-park ang bukbuking kotseng nasa unahan ko sa
favorite spot ko sa parking lot ng campus namin. Ibinaba
ko ang bintana ng kotse ko nang makita kong umibis ang driver ng bukbuking
kotseng ‘yon na nalaman kong lalaki pala. Isang matabang lalaki. Sunod-sunod ko
siyang binusinahan. Napalingon siya sakin.
“Can you?”
malakas kong sabi nang ilabas ko ang ulo ko sa bintana ng kotse ko.
Napakamot
siya ng ulo bago uli pumasok ng bukbuking kotse niya. Matapos niyang ialis ‘yon
ay ipinarada ko na ang kotse ko sa favorite spot ko.
“Alam naman kasing dito
ako nagpaparada, dito pa nagparada. Christmas vacation lang ang dumaan at hindi
buong taon, naging ulayanin na agad.”
First day of class ngayon after Christmas vacation.
Sinilip
ko ang mukha ko sa compact mirror ko. “Perfect.” Kinuha ko ang bag ko sa passenger
seat. I flipped my hair as I get out of my porche.
With
poise na naglakad ako nang mapahinto ako sa tapat ng isang kotse. Yun ang
bukbuking kotse kanina. Lumabas doon ang matabang lalaki. At dahil ilang
hakbang lang ang pagitan namin, nabistahan ko ang mukha niya.
All
in all, mukha siyang nerd. Ang kapal siguro ng salamin niya sa mata. Hindi lang
nerd. Matakaw na nerd dahil may bitbit siyang plastic na may tatak ng isang
fastfood chain.
“Miss Janiyah.”
Inayos pa niya ang salamin niya sa mata habang nakangiti. “Long time no see.”
Humalukipkip
ako at tinaasan siya ng kilay. “What are you talking about?” Parang feeling close agad sakin.
“Hindi mo ba ko
natatandaan? Schoolmates tayo nung highschool. This second sem lang ako
nag-transfer dito.”
Ano
bang paki ko kung kailan siya nagtransfer dito? Pero ang ikinainis ko, bakit
dito pa siya nagtransfer sa school ko? Kung ang ibang tao, highschool days nila
ang pinakagusto nila, kabaligtaran nila ako. I hate my highschool days so much!
“Hindi kita kilala.”
“I’m Bruce.”
“Hindi pa rin kita
kilala. And you know what? Hindi mo na dapat dinadala ang kotse mo dito sa
campus. Health hazard ‘yan at ayokong mamatay ng dahil sa tetano.” Iyon
lang at tinalikuran ko na siya.
While
walking, the students around were all eyes on me. A smile curved on my lips. I’m such a beauty.
“Hi Janiyah!”
bati ng mga lalaking nasalubong ko.
Good
mood ako ngayong umaga dahil makikita ko na ‘siya’ kaya binate ko din sila. “Hello, boys!”
“Ihatid ka na namin sa room mo.” Nag-unahan
pa silang lumapit sakin.
I
rolled my eyes. Eto na naman ang mga pa-cute na ‘to. Hindi porke’t pinansin ko
sila, pwede na silang makipag-close sakin.
I
looked at them seriously. “I can manage. Hindi naman ako pilay para ihatid niyo pa.
Mas lalong hindi ako bulag para hindi makita ang daan papunta ng classroom ko.”
Tinalikuran ko na sila.
Nadinig
ko pa silang nagsalita. “Ikaw
kasi…natarayan tuloy tayo.”
Huh!
Ano sila? Bodyguard ko? Duh! I don’t need anybody’s help. Tumanggi nga ako kay
Daddy na magka-bodyguard ako, tapos bubuntot-buntot sila sakin? No way!
Nawala
din agad ang atensyon ko sa mga asungot na ‘yon ng may mahagip ang mga mata ko.
Bumalik agad ang ngiti ko. “Warren!” Pero hindi naman niya ko nadinig
dahil sa iba nakatutok ang atensyon niya. Sinundan ko ang tinitingnan niya para
lang mapasimangot.
“Siya na naman? First
day na first day at mukhang sisirain niya pa ang bagong taon ko. Huh! As if
naman na papayagan kong mangyari ‘yon.”
Lumapit
agad ako Warren. Inunahan ko na ang epal na babaeng ‘yon na palapit sa kaniya. “Hi, Warren!”
Kumapit ako sa braso niya.
“Janiyah…”
I
smiled at him. “Long
time no see, huh. Namiss kita. Sabay na tayo.” Sabay tingin kay
Janine. Ang babaeng epal saming dalawa ng Warren ko. Tinaasan ko siya ng kilay.
Ano
ka ngayon? Ang bagal mo kasi!
“Goodmorning, Janiyah.
Ahm, mauuna na ako, Warren.” sabi ni Janine.
Nginitian
ko siya ng pagkatamis-tamis. “Goodmorning, too, Janine. Sige, mauna ka na. Mukhang
nagmamadali ka ata. Marami pa kaming pag-uusapan ni Warren. It’s been weeks
since the last time we saw each other. We have a lot of catching up to do.” Tiningala ko si Warren na nakatingin kay Janine. “Right,
Warren? Bakit kasi hindi ka na lang sumama sakin nung nag-Hongkong ako?”
Nilingon
niya ko. “I’m
sorry. Nakapangako na kasi ako sa iba.”
“Sino ba kasing iba
‘yan? Next time, sumama ka na, hah?”
“I’ll try.”
“Mauuna na ko sa inyo,
Janiyah.”
Napalingon
ako kay Janine. “Go
ahead, Janine. No one’s stopping you.”
Tumalikod
na siya. Napangiti naman ako habang nakasunod ang tingin sa kaniya. Hanggang sa
maramdaman kong dahan-dahang tinanggal ni Warren ang kamay kong nakakapit sa
braso niya.
“Janiyah…”
Tiningnan
ko siya. Yung itsura niyang parang may ginawa akong mali. “What? Did I say something bad? Wala naman
‘di ba?” painosente kong tanong. Alam ko namang hindi niya ko
pagagalitan. Ang Warren ko pa.
Napailing
na lang siya. “Mauna
ka na, hah. May sasabihin lang ako kay Janine.” Nginitian muna niya
ako bago sundan si Janine. Napangisi ako.
Buti
nga sa’yo, Janine! Hahaha!
Hmm..
Sino si Warren sa buhay ko?
-
F L A S H B A C K -
August, last year.
Pauwi
na ko nang maisipan kong dumaan sa isang coffee shop malapit sa school namin.
Thirty minutes lang ako ng nag-stay sa shop bago ako umuwi. Nasa talyer ang
kotse ko kaya magta-taxi na lang ako. Patawid na ko ng kalsada ng may madinig
akong sigaw.
“Miss! Yung kotse!”
Napalingon
ako sa kaliwa ko. May paparating na sasakyan! Hindi na ko nakakilos sa
kinatatayuan ko at napapikit na lang nang may biglang humila sakin.
“Okay ka lang ba?”
tanong ng taong ‘yon.
Buhay
pa ko!
“Bakit hindi ka tumitingin sa kalsada?
Muntik ka na tuloy mabangga.”
Boses
‘yon ng isang lalaki. I opened my eyes and I realized that he was hugging me.
Umangat ang tingin ko sa kaniya. Sinalubong ako ng isang gwapong mukha. Sanay
naman akong makakita ng gwapo pero...
Humiwalay siya sakin.
“Miss?”
Napangiti
ako. “You
saved me. Thank you.”
“Your welcome.”
Ngumiti pa siya. Oh my! Mas lalo siyang gwumapo ngayong nakangiti siya.
“I’m—”
“I know your name.
Janiyah, right?”
Nagulat
ako. “You
know me?”
“Of course. The only daughter of Mr.
Alonzo, the owner of Alonzo University kung sa’n ako nag-aaral. Sino bang hindi
makakakilala sa’yo?”
“Schoolmates tayo?”
Bakit hindi ko siya nakikita? Sabagay sa dami ng estudyante sa school namin,
paano ko siya makikita kung wala naman akong paki sa paligid ko?
“Yap. By the way, I’m
Warren Fernandez. Third year HRM student.”
“I’m Janiyah. Sec—”
“Second year Business Ad
student.”
Napangiti
ako. “Gano’n
na ba ako kasikat sa school? Siguro nabalitaan mo na din na masama ang ugali
ko, na kesyo maarte daw ako.”
“Maldita at mataray.” dagdag niya.
“Kulang pa ‘yan. Idagdag
mo na ang mayabang.”
“Hindi naman ako
naniniwala sa tsismis. At saka wala namang taong perpekto ‘di ba? Lahat may
tinatagong hindi magandang ugali. Exagge lang siguro sila. Hindi ka naman nila
kilala para husgahan ka nila.”
Lumapad
ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. “You know what, I like you already.”
“Hah?”
Natawa
ako sa reaction niya. “I’m just kidding.”
“Warren.”
Napalingon
ako sa nagsalitang ‘yon na nasa likuran ko. Nakita ko ang isang babae. “Sino naman siya?”
tanong ko kay Warren.
“She is my...” Ni hindi madugtungan ni Warren ang sagot niya.
“His friend. I’m
Janine.” sagot ng babae.
“Akala ko naman,
girlfriend mo siya.” sabi
ko.
Nagkatinginan
ang dalawa. Unang umiwas ng tingin si Janine.
Kumunot
tuloy ang noo ko. “May problema ba kayong dalawa?” Para kasing
may something sa kanila.
“Wala.”
sagot ni Warren.
“Sige, mauuna na ako sa
inyo. May dadaanan pa ko. Bye, Janiyah.” Tumalikod
na si Janine at naglakad.
Napasunod
na lang ako ng tingin sa kaniya. Schoolmate ko din siguro siya. “Mukhang
nagselos sa’kin ang kaibigan mo.” baling
ko kay Warren.
“Hindi marunong magselos
‘yon.” sabi
niya habang nakatingin sa papalayong si Janine.
“May gusto ka ba sa
kaniya?”
Saka lang siya napatingin sakin. “Hah?”
“Bingi ka ba?”
Napakamot
siya ng ulo at napangiti. “I’ll go ahead, Janiyah. Nice meeting you. Mag-iingat ka
na sa susunod, okay. See you at school.” Tinapik pa niya ang ulo ko
ng marahan bago tumalikod.
Napahawak
ako sa ulo ko. “I
like him already.” Napangiti ako. “See you at school, My Warren.”
-
E N D O F F L A S H B A C K -
At
do’n na nagsimula ang lahat. Naging kaibigan ko si Warren. Siya nga lang ang
kaibigan ko sa school. As in yung matatawag na kaibigan.
Dahil
yung mga lumalapit sakin, laging my HD. Not just Hidden Desire, but also Hidden
Agenda.
Kaya
sa bawat pagdaan ng araw, mas lalo akong nahulog kay Warren. He’s a perfect
gentleman. Siya lang ang nakakatiyaga sa ugali ko.
He
never did take advantage of me. Hindi katulad ng mga lalaki sa school namin. Mga
manyak! Kaya nga mas lalo kong minahal si Warren.
Oo.
Minahal. I fell in love with him. And I’m falling for him each day.
There
is only one problem. Si Janine. Ang epal ng love story ko.
Ang
mabait na si Janine.
Ang
iyakin na si Janine.
Ang
paawang si Janine.
In
short, isa siyang damsel in distress.
Argh!
Ano siya prinsesa? Mas mukha pa nga akong prinsesa sa kaniya. At mas lalong
nadagdagan ang inis ko sa kaniya ng malaman ko mula kay Warren na gusto niya si
Janine. Pero hindi naman alam ni Janine. Hah! Buti nga! Dahil gagawa ako ng
paraan para hindi na niya malaman pa ang bagay na ‘yon.
Pero
my God! Bakit siya pa?! Mas sikat naman ako. Mas maganda. Bakit siya pa? I hate
her!
Okay
lang. Hindi pa naman sila. At hindi magiging sila.
Dahil
kami ang magkakatuluyan ng Warren ko. Kami lang.
At
‘yang Janine na ‘yan. Ihahagis ko siya sa Nepal. Bagay siya do’n dahil isa
siyang dakilang epal.
= = = = = = = =
Nasa
classroom na ko at hinihintay ang prof namin. I was playing games at my tablet
nang may tumabi na lang bigla sa upuang nasa kanan ko.
“Excuse me. Ayoko nang
may katabi. Lumipat ka ng ibang upuan.” hindi
lumilingong sita ko sa kaniya.
“Gusto ko ng may katabi.”
Dahil
sa sinabi niyang ‘yon ay napalingon ako sa kaniya. Nalaman kong lalaki pala
siya. “Are
you deaf? I said ayoko ng may katabi.” may diing sabi ko.
“I said gusto ko ng may katabi.”
Aba’t!
Walang sinumang lalaki ang kumakalaban sakin dito sa campus namin. Wala! At ang
nakakainis, ni hindi man lang ako nilingon ng unggoy habang ang atensyon niya
ay nasa phone niya.
“Don’t you know who are
you talking to?!”
Hindi
niya pa rin ako pinansin! Pinasak lang niya ang earphone sa tenga niya.
“Aba’t!” Naningkit
ang mga mata ko. Agad akong tumayo, nagpameywang at hinarap siya. Hinablot ko ang
earphone sa tenga niya. “Ayoko ng katabi!” malakas na sabi ko.
Napalingon na samin ang mga classmate ko. As if I care!
Saka
lang ako tiningnan ng lalaki. Kumunot ang noo niya. “Pagmamay-ari mo ba ang mga upuan dito?”
“Yes! At hindi lang ‘yan.
Pati ang buong school na ‘to. So, when I said ayoko ng katabi, umalis ka sa
tabi ko.”
Tumayo
na din ang lalaki at nagpameywang sa harap ko. “Pag-aari mo nga ang school na ‘to pero nagbabayad ako dito.” madiing
sabi niya
Nilapit
pa niya ang mukha niya sakin. Malapit na malapit. Napasandal tuloy ako sa upuang
nasa likuran ko. Isa pa ‘tong manyak!
“So when I said, gusto ko ng katabi.
Tatabi ako sa gusto kong tabihan. Kahit sa mismong anak pa ng may-ari ng school
na ‘to.” matapang na dugtong
pa niya.
“Aba’t!”
Bago ko pa siya maitulak nang malakas ay nakaatras na siya. Kinuha niya ang bag
niya at umupo sa upuang nasa likuran ko. Humalukipkip ako. “Susunod ka din pala. Ang dami mo pang
satsat.”
“Hindi kasi ako pumapatol sa babae.”
“Pero pumapatol ako sa
lalaki.”
“Halata naman.” Tiningnan
pa niya ko mula ulo hanggang paa nang nakakaasar. Napabungisngis ang mga
classmate ko. Aba’t!
“Shut up!”
bulyaw ko sa kanila. “Walang nakakatawa!” Tumahimik naman agad
sila. Dinuro
ko ang lalaki. “At
ikaw! Ang kapal ng mukha mo! You’ll gonna pay for this!” Kinuha ko
ang bag ko at nagmartsa palabas.
“Miss! May klase pa tayo, ah. First
day na first day, aabsent ka?”
nadinig ko pang sabi ng lalaki bago ako tuluyang makalabas ng classroom namin.
“The hell I care! Mag-klase
ka buong araw kung gusto mo!” Nagmartsa
ako papunta sa… saan nga ba? Hmp! Kahit saan basta malayo sa unggoy na ‘yon!
= = =
wew. amh bigat ng mga lines di ko nadala :D ahahahaha ganda nito :) go lang g go sa UD nito wew. hahahah
ReplyDeletentAwa aq kAy jAninE n ePaL at pAawa,,, xAh b aNg bidA,,, pEro dHiL aNg kontRabidA dtO ang bidA, kEi jAniyAh aq,,, hwAhehE,,,
ReplyDelete