Chapter
Two
(Still
on Key’s POV)
“Wait!”
Nagulat
ako nung bigla siyang humarap sakin.
Nabunggo
tuloy ako sa dibdib niya.
Hinawakan
niya yung magkabila kong braso at medyo inilayo ako sa kanya. Sapat lang para
hindi magkadikit yung katawan namin.
“Uy.
Sorry, nagulat ka yata, Princess.” Paumanhin niya.
“Hindi,
ayos lang. Bakit ka tumigil bigla?” Tanong ko.
“Ah.
Yun ba? Tara, bibili tayo ng pamalit sa nadumihan mong damit.”
Sagot niya saka hinawakan kamay ko at naglakad na kami.
Habang
papunta kami sa may Parking Lot, andaming nakatingin sa amin. Yung iba nagbubulungan
pa nga.
“Sino
yang girl na yan? Siya ba yung bagong girlfriend ni Tj? Tsaka tignan mo oh,
magka-holdng hands sila.”
“Oo
nga eh. Ano ba yan. Hindi naman sila bagay eh.”
“Shunga!
Ang cute kaya nila tignan. Pero teka, saan sila pupunta?”
“Wag
mo na lang silang pansinin.” Bulong sakin ni Tristan.
Nung
makarating kami sa Parking Lot, pinuntahan namin yung kotse niya. Binuksan niya
yung backseat at inilagay yung gamit ko.
Nagulat
ako nung isara niya yung pinto. Tsk. Papasok sana ako eh. -__-
Binuksan
niya yung front seat saka siya tumingin sakin.
“Sakay
ka na, Princess.” Nakangiti niyang sabi.
Nag-alangan
pa ko. Teka? Saan ba kami pupunta?
“Don’t
Worry, wala naman akong gagawing masama sayo eh. Pupunta lang tayo sa mall at
bibili ng damit mo.” Sabi niya.
Wala
akong nagawa. Pumasok na lang ako.
Sinara
niya yung pinto saka siya pumunta sa Driver’s Seat.
Nagmaneho
na siya hanggang sa makarating kami sa harap nung Guard House.
“Saan
po kayo pupunta, Sir?” Tanong ni Kuya guard.
“Pupunta
lang sa mall, Manong. Break Time naman eh. Kapag nakita ni Dad na wala sa
Carpark yung kotse ko, sabihin mo may pinuntahan lang.”
Sagot ni Tristan.
“Sige
po, Sir.” Sang-ayon ni Kuya guard.
Sinara
na ni Tristan yung bintana saka na siya nagmaneho ulit.
Haay.
Teka, ano ba pwedeng gawin?
Hinubad
ko yung maliit kong backpack at kinuha sa loob nun yung phone ko.
Naglaro
lang ako pero dahil na-bore ako, ibinalik ko sa backpack ko yung phone ko.
Antahimik
:(
Sorry,
di kasi ako sanay na tahimik paligid ko eh.
Maingay
kasi kami nung Mom ko lalo kapag kami magkasama.
*Riiiing.
Riiing *
Kinuha
ni Tristan mula sa bulsa niya yung phone niya.
May
pinindot-pindot lang siya tapos nilapag niya sa may gilid yung phone niya.
[Heyyyy
Dude!]
“Yow.
Wazzup?”
[Gimik
tayo, Dude. Mamaya sa Live&Love.]
“Gimik?
Some other time na lang, Dude.”
[Pass
ka na naman, Dude? Anyare na sayo?]
“Wala
lang. Di ko trip gumimik eh. Osha, Dude. Bye.”
[Ge
na nga, Dude. Bye. Oyy ha. Di na pwede sa susunod na yayain kita!]
“Oo
na.”
~End
Call~
“Hey.
Ayos ka lang ba, Princess?” Tanong ni Tristan saka lumingon
sakin.
“Ha?
Oo naman.” Saka ako ngumiti ng bahagya.
Boredom
Strikes! Anubey! Di ko naman ka-close ‘tong si Tristan ah?
“Sorry,
na-bored ka ata.” Paumanhin ni Tristan.
“Hindi
naman. Ayos lang naman sakin eh.” Sagot ko.
“Alam
mo, nung bata ako, I met this girl named Tris. Ako nagpangalan sa kanya nun eh.
Nagandahan kasi ako sa pangalan niya na Trish. Then yung pangalan ko naman,
Tristan, kaya Tris pinangalan ko sa kanya. She’s so cute. Mapula yung pisngi
niya tapos bagay sa kanya yung brown niyang buhok. Sabi ko sa sarili ko,
Someday, I promise, Makikita ko ulit siya. At pagdumating yung araw na yun,
pakakasalan ko siya.” Pagkukwento niya sakin.
“So,
gagawin mo talaga yun? I mean, paano pa eh hindi mo na alam kung anong itsura
niya ngayon.” Tanong ko sa kanya.
“Well,
If it’s meant to be, It will be.” Sagot niya.
“You
mean, destiny?” Tanong ko ulit.
“Not
really. Destiny only exist in fairytales, but yeah, maybe it’s Destiny.”
Sagot niya.
“Edi
hahanapin mo pa rin siya?” Tanong ko.
“Nope.
Pero alam ko, someday makikita ko ulit siya.” Sagot
ni Tristan.
Maya-maya,
nagpark na siya at pumasok na kami sa mall.
Hinawakan
niya yung kamay ko at nagpunta kami sa isang shop.
“Good
Morning, Sir! Good Morning Ma’am! Ano po sa inyo?”
Tanong nung Cute na saleslady.
“Uhm…
Ikaw na bahalang humanap ng gusto mo, Trishna. Wala naman kasi akong alam sa
taste ng mga babae eh.” Sabi ni Tristan sakin.
“Uhm..
Okay.” Sagot ko.
Pagkalingon
ko sa Right ko…
Wow!
Simple lang yung design niya pero sobrang na-cute-an ako sa kanya.
Kinuha
ko ‘to tapos tinignan ko yung presyo.
Muntik
ko nang mabitawan dahil sa sobrang mahal.
1,500
pesos
lang naman! Ohmy! Wala akong pambayad dyan!
“Yan
na ba napili mo? Tara bilihin na natin.” Sabi ni Tristan tapos
kinuha sakin yung damit.
“Uy!
Wag yan! Masyadong mahal!” Bulong ko.
“Ayos
lang kung mahal. Tara na sa Cashier.” Yaya niya sakin.
Anubayun?
Sumunod
na lang ako dahil wala rin naman akong choice.
“Sir,
may promo po kami. Kapag po kasi saktong 1,500 ang binili ninyo, may libre po
kayong couple shirt.” Sabi nung Cashier lady nung Makita niya
yung price nung binili ni Tristan.
Napatingin
siya sakin.
“Ayos
lang ba?” Tanong niya.
“Huh?
Osige. Ayos lang naman sakin.” Sagot ko.
Binigay
sa amin yung Couple shirt saka pinasukat sa amin.
Paglabas
ko ng pinto ng fitting room nila…
“Wow!
Ma’am, Sir, bagay na bagay po talaga kayo! OMG!”
Tili nung isang saleslady.
“Thank
you.” Nagkasabay pa naming sabi.
~
Naglalakad
kami ngayon ni Tristan papunta sa 2nd floor ng mall.
Niyaya
akong magsine eh. Sabi ko nga wag na, kaso mapilit siya eh.
Pagdating
naman sa Bilihan ng ticket, pumila na siya habang magka-kwentuhan pa rin kami.
“Tara,
kain muna tayo sa Mcdo.” Yaya niya sakin pagkatapos niyang
bumili ng ticket.
Hinawakan
niya ulit yung kamay ko at naglakad na kami.
May
napapansin lang ako ha? Bakit panay ang hawak niya sa kamay ko?
Pagkarating
namin sa Mcdo, umupo lang ako sa 4 seats na table.
Eh
sa wala nang bakanteng 2 seats table eh. Anong magagawa ko diba?
Pumila
na si Tristan habang ako nakapalumbaba lang.
“Hi
Miss, may kasama ka?” Saka umupo sa dalawang upuan yung dalawang
lalaking gwapo.
Gwapo,
pero di kasing gwapo ni Tristan.
Ooops.
Nasabi ko bang Gwapo si Tristan? Sorry naman. :)
“Actually,
may kasama ako eh.” Sagot ko.
“Kasama?
Ah, ayos lang naman. Aalis na lang kami kapag dumating na yung kasama mo. So,
ngayon, can we get your number first?” Tuloy-tuloy na sabi nung
kaharap ko.
Di
agad ako nakasagot. Anubayan?!
Tristan!
I need help here, please!
Biglang
may humalik sa pisngi ko kaya nagulat ako.
“I’m
back, Princess. I’m sorry natagalan ako.” Sabi ni Tristan
saka umupo sa tabi ko.
May
kasunod siyang waiter. Nilagay sa table yung tray tapos nagpaalam na sa amin na
aalis na siya.
“Uhm…
Princess, sino sila?” Pa-inosenteng tanong ni Tristan.
“Uhm…
Di ko rin alam eh.” Sagot ko.
Bumaling
si Tristan sa dalawang nasa harap namin.
“Lumalapit
ba kayo sa girlfriend ko?” Tanong ni Tristan.
“Uy,
gagu, pre! May boyfriend nga! Sabi sayo eh. Halika na nga.”
Sabi nung kaharap ni Tristan saka na hinila yung nasa harap ko.
“Haha.
Tara, kain na nga tayo.” Nakangiting sabi ni Tristan tapos
inabot sakin yung dalawang double cheese burger tapos coke then French fries.
“Uyy!
Andami mo namang binili para sakin.” Sabi ko nung mapansin
kong ang dami masyado nung nasa harap ko.
“Para
busog ka. :) “ Sagot niya.
Kumain
na lang kami hanggang sa matapos kami.
Habang
naglalakad-lakad kami sa mall, nagpaalam ako kay Tristan na magc-CR lang ako.
“Sure.
Tara sa rest room.” Sagot niya.
Nandun
lang siya sa may labas ng dalawang CR. Naglakad na ko papunta sa CR ng Girls.
(Tj’s
POV)
Pagkapasok
ni Trishna sa Girl’s Room, biglang kumirot yung ulo ko.
Ahhh!
Shit. Ansakit.
Maya-maya,
nakita kong lumabas na si Trishna sa CR.
Nakasandal
lang ako sa pader habang naka-hipo yung kamay ko sa ulo ko.
“Uyy!
Okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ni Trishna sakin.
I
love it when she cares.
Medyo
nawala na yung sakit ng ulo ko kaya tumango ako.
“Oo,
okay lang ako, Princess.” Sagot ko.
“Sigurado
ka? Gusto mo saka na lang tayo manuod ng sine?”
Tanong niya habang naka-alalay sakin habang naglalakad kami.
“Ayos
lang ako, Princess. Tsaka ngayon na tayo manood. Sulitin na natin ‘tong
pagpunta natin dito.” Sagot ko.
“Sige.
Sabi mo eh.”
Naglakad-lakad
muna ulit kami bago namin mapag-pasyahang pumunta na sa sinehan.
Pag-dating
namin sa may harap nung babae, binigay na namin yung ticket saka kami pumasok
at umupo sa may gitnang likuran.
Anong
papanuorin namin? Warm Bodies. :)
Nung
magsimula na yung movie, dun na rin kami nagsimulang tumawa.
Nakakatawa
yung movie. ;) And sa tingin ko naman nag-eenjoy si Trishna.
~
“Hi Bata! Anong pangalan
mo?”
Tanong ng isang batang lalaki sa kaharap niyang batang babae.
Maganda
ang batang babae. Maputi at mapupula ang pisngi nito. Medyo mapula rin ang
medyo basang labi nito.
Nakabistidang
puti ang batang babae habang nakatitig sa batang lalaki.
“Ako si Trish. Ikaw?” Sagot nang batang babae sa batang
babae.
“Tristan. Hi Trish!” Bati ng batang lalaki.
Naglaro
ng habulan ang dalawang bata hanggang sa makakita ng saranggola ang batang
babae. Pinulot niya ito at pinakita sa batang lalaki.
“Tignan mo ‘to oh. Ang
ganda. Marunong ka ba nito?”
Tanong ng batang babae sa batang lalaki.
Kinuha
ng batang lalaki ang saranggola mula sa kamay ng batang babae.
“Oo. Gusto mo ba paliparin
natin ‘to?”
Tanong ng batang lalaki.
“Osige! Osige!” Tuwang-tuwang sabi ng batang babae.
Pinahawak
ng batang lalaki ang saranggola sa batang babae saka lumayo habang hawak ang
sinulid na mahaba.
“Tris, ibato mo pataas
yung saranggola!”
Utos niya sa batang babae.
Sinunod
ito ng batang babae habang siya naman ay tumakbo ng mabilis.
Maya-maya
pa eh bigla siyang may nabunggong matabang lalaki kasama ang dalawa pang batang
lalaki rin.
“Saranggola ko yan ah?
Bakit mo yan hinahawakan?!”
Sigang tanong ng matabang lalaki sa batang lalaking may hawak ng sinulid ng
saranggola.
Tinulak
ng matabang lalaki ang batang lalaki.
Tumakbo
papalapit ang batang babae.
“Hoy tabachoy! Bakit mo tinulak si Tris?!”
Galit na tanong ng batang babae habang tinutulungan tumayo ang batang lalaki.
“Eh sa akin yang
saranggolang ginagamit niya eh!”
Sagot ng matabang lalaki.
Kinuha
ng batang babae ang sinulid mula sa kalaro niya saka ito pinagtulakan sa dibdib
ng matabang lalaki.
“Oh ayan! Sayo na yan! Ang
damot mo eh! Bleh!”
Asal ng batang babae.
~
TSK!
Naalala ko na naman yung mga panahon na yun. Haay.
Natapos
na yung pinapanuod namin kaya lumabas na kami ng sinehan.
“Ang
ganda nung Warm Bodies ‘no?” Nakangiting tanong ni
Trishna sakin.
“Onga
eh. Nakakadiri nga lang dun yung part na kinakain nung mga zombies yung sarili
nilang laman dahil nawawalan na sila ng pag-asang mawala yung infection nay un
eh.”
Sagot ko.
“Eeew!
Wag mo na nga yun ipaalala. Nandidiri ako dun eh.”
Sabi ni Trishna habang naglalakad kami.
“Uy,
hala! 1:30 na pala!” Gulat na sabi ni Trishna.
“Bakit?”
Tanong ko.
“Hala!
Lagot! Late na ako kay Prof Dianne!” Alalang sabi ni Trishna.
“Don’t
Worry, Absent si Prof Dianne.” Sagot ko.
“Pano
mo naman nalaman?” Tanong ko.
“Kami
may-ari ng school. Pero wag kang maingay ha?” Sagot ko sa kanya.
“Sigee.
Whooo. Mabuti na lang mahaba yung Vacant ko habang nasa galaan tayo. Actually
subject lang naman ni Prof Carl ang subject ko bukod pa sa subject ni Prof
Dianne eh.” Sabi ni Trishna.
“Osha,
ihahatid na lang kita sa bahay niyo.” Yaya ko.
“Uh…
Osige.” Sagot niya.
Nagpunta
na kami sa Carpark at pinuntahan na namin yung kotse ko.
Pinasakay
ko muna si Trishna saka ako pumasok.
(Key’s
POV)
“Salamat
sa pag-hatid, Tristan. :)” Sabi ko habang nakatayo ako sa may
harap ng gate namin at hawak yung mga gamit ko pati yung paper bag na galing
dun sa boutique.
“Sure.
Salamat din sa time na kasama kita. Bye!” Sagot niya saka na
umandar yung kotse niya paalis.
Pumasok
na ako sa loob ng mansion nila Rieley at naglakad papunta sa kwarto ko.
Pagkasara
ko ng pinto ng kwarto ko, inilagay ko sa tabi yung mga gamit ko pati yung
maliit kong backpack.
Ibinagsak
ko ang sarili ko sa kama.
Haay.
Ang saya-saya ng araw na ‘to.
Naging
close na agad kami ni Tristan.
:)
Infairness, masarap kasama si Tristan. At ang bait pa niya ha? :) Salamat sa
kanya.
first comment :)) HAHAHAA <3 Nice one bebe.. ang bilis ng facing pero sulit. hahaha :)) Si trishna ay si trish?? HAHAHHA hula ko lang naman :) AHAHA .. update soon :)
ReplyDeleteayiiEee,,, c triStaN,,,
ReplyDeletenaksss...ganda ng story...
ReplyDelete