Saturday, April 13, 2013

Why Can't You Be Mine? : Chapter Three


Chapter Three



(Still on Key’s POV)

Nagulat ako nung biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko.



“Hoy, Key! Ang lakas ng loob mong umalis na lang bigla ah?!” Singhal ni Rieley sakin.



Bumangon ako.



“Ano bang pinagsasabi mo, Rieley? Anong umalis?” Tanong ko sa kanya.



“Umalis ka na lang bigla kanina sa school! At hindi lang yon ha? Talagang sinama mo pa si Tj!” Bulyaw na sagot niya sakin.



“Eh ano naman sayo kung sinama ko si Tristan?—Teka nga? Hindi ako ang nagsama kay Tristan!” Sagot ko.



“Etong tatandaan mo, Key. Wag na wag mong lalapitan si Tj, kundi, palalayasin kita dito!” Sigaw niya sakin.



“Teka nga muna! Wag mo nga akong sigawan! Atsaka, ano bang pakialam mo kung lapitan ko si Tristan? Atsaka isa pa, hindi naman ako ang lumalapit eh!” Sigaw ko rin sa kanya.



Hinatak niya yung buhok ko at inilapit yung mukha niya sakin.



“Ang bobo mo talaga ‘no? Hindi mo ba maintindihan na gusto ko si Tj at ayokong lumalapit ka sa kanya dahil nandidiri ako sayo?! Atsaka pwede ba?! Wala kang karapatang sigawan ako dahil bahay namin ‘to! Well, kung sisigawan mo ko, pwede ka nang lumayas.” Sigaw na naman ni Rieley sakin.



“Wala akong pakialam kung gusto mo si Tristan! Sa kanya mo sabihin na lumayo siya sakin kung gusto mong di na kami magusap! Ang hirap kasi sayo, lahat ng gusto mo, kelangan nasusunod, pwes utusan mo na ako ng utusan sa ibang bagay, wag lang yung uutusan mo kong lumayo sa kaibigan ko!” Sigaw ko sa kanya.



Tinulak niya ko pabalik sa kama ko. Nagkibit-balikat siya habang nakatayo sa harap ko.



“Kaibigan? HAHAHA! Kelan pa kayo naging magkaibigan? I thought kaninang umaga lang kayo nagkakilala? Alam mo, Dear step sister, wag ka nang mag-assume na magiging magkaibigan kayo or Worse, Don’t assume na magiging kayo. Akin lang siya, Key. Akin lang si Tj. Hindi kayo bagay dahil basahan ka lang.” Sagot ni Rieley habang nakatayo pa rin.



Ang lakas ng loob niyang sabihan ako ng basahan ha! Baka siya yung basahan?!



Tumayo ako at lumapit sa kanya.



Mas matangkad ako sa kanya kaya kung sabunutan lang naman ang hanap niya, baka matalo ko siya. :) Pero joke lang yon.



“Palibhasa plastic mga kaibigan mo kaya di mo maramdaman yun. Or worse, baka you’re one of them. Geez. My Fucking Dear Step sister, hindi ko hinihiling na baguhin mo yung ugali mo. Ano pa bang mababago diyan sa ugali mo? Meron pa ba? Eh lahat na yata nabahiran na ng barnis eh. Di lang barnis, binalutan pa ng plastic na pagkatao. Nahiya naman ako sa ugali mo My Step Sister. Eto ka oh.” Sabi ko sa kanya sabay middle finger ko sa kanya.



If she’s the bitch. I’m the Queen.



Note that, please.



Mas matapang ako sa kanya. Hindi lang halata dahil ako, ginagamit ko yung tapang ko sa tama. Siya kasi, hindi.



Namilog yung mata niya saka ako sinabunutan.



“How dare you talk to me that way! Ang kapal ng mukha mo! Nakikitira ka na lang sa mansion namin, may gana ka pang murahin ako! Ang kapal kapal talaga ng mukha mo! Errr! Kaya ayoko sayo eh! Parehas kayo ng nanay mo! Both of you are a Gold Digger! Ugh!” Sigaw niya habang sinasabunutan ako.



“Key, Rieley? What is happening here?! Rieley stop that!”



Biglang dumating si Mom at pinaghiwalay kami ni Rieley.



“What are you doing to your sister, Rieley?!” Mom asked.



“Sister? Seriously? At sino namang bobo ang nagsabi sayo na kapatid ko yan? She’s not even my Half-sister! At kahit maging Half-sister ko pa siya, hinding-hindi ko siya matatanggap! Pati ikaw! You and your daughter are both a Gold Digger! I hate you!” Sagot ni Rieley.



Nakita kong namula yung buong mukha ni Mom dahil sa galit.



“Wag na wag mong sasagutin ng ganyan ang Mommy ko ah! Oo, nakikitira lang kami sa bahay niyo ng Dad mo. Pero tandaan mo ‘to, kasal pa rin sila kaya dapat ginagalang mo Mommy ko!” Sita ko sa kanya.



“Eh ano naman kung kasal sila? Ni hindi mo nga inako yung apelyido namin diba? Well, mas mabuti na rin yun, kasi ayokong magkaroon ng kapatid na tulad mo! At isa pa, ayoko ring magkaroon ng kapatid kung sa pakawala mong nanay lang naman nanggaling! Eeew!” Sagot ni Rieley sakin.



“Get out, Rieley.” Seryosong sabi ni Mom.



Tumingin lang si Rieley kay Mom at tinaasan ng kilay.



“I said Get out!” Sigaw ni Mom.



Tears started to fall from Rieley’s eyes.



Tumakbo na si Rieley papunta sa kwarto niya, and I guess naglock siya ng pinto.



Tss. Who cares?



(Rieley’s POV)



Get out? Fine! Mas gusto ko pang umalis sa kwarto ng babaeng yun kesa makipagtalo sa kanila. Duh? I realized something. Gagawa na lang ako ng paraan para si Dad mismo magpalayas dyan sa Key na yan. Kahit siya lang. Wag niya na isama yung nanay niya. Mas masisikmura ko pa nanay niya kesa sa kanya. ~.~



Ewan ko ba kung bakit ang init ng dugo ko sa babaeng yan. Well, siguro dahil siya na lang yung palaging napapansin ni Tj. Siya yung parati kong nakikitang tinititigan ni Tj kahit sa malayo. Siya yung parating bida para sa taong gusto ko. Tsaka nagsimula ‘tong paginit ng dugo ko sa kanya nung 3rd year HS kami niyan ni Key. Medyo Close pa kami nun. But this Guy. Carlo Zenneth de Guzman ang buong pangalan niya.

~
3rd year life enters my World.



Si Trishna Key Lopez lang ang pinaka-kaclose ko. She’s always there to protect me. She’s always there kahit minsan tinatarayan ko siya.



But then, dumating yung time na may nanligaw na guy sakin. Gwapo siya. Maputi. Matangkad. One Sided Hair. Cool-Hot Guy. Campus Heartthrob. And Matalino.



And his name is Carlo Zenneth de Guzman. Palaging siya ang laman ng Bahay namin when Mom is still alive. Todo bigay siya ng flowers and chocolates. Tapos every week, may binibigay siya sakin na Love Letter.



Tumagal yung panliligaw niya sakin ng halos 4 months. Alam yun lahat ni Key. Alam ni Key kung gaano ka-sweet sa akin si Zenneth when he was still courting me. Palagi kong kinukwento kay Key kung gaano ka-effort yung ginagawa ni Zenneth sa akin that time. Pero dumating yung time na 1 week hindi nagparamdam si Zenneth sa akin. Kino-comfort ako ni Key. Sabi niya, siguro nagpapamiss lang daw si Zenneth kaya di nagparamdam sakin. Pero after that week, yung kaibigan niya lumapit sakin.



“Rie, Nasa may garden ata si Zenneth ngayon. Nakita namin siya kanina dun eh.” Inform sakin ni Drake.



“Ah. Salamat, Drake. Ngayon ko na rin kasi planong sagutin si Zenneth eh.” Nakangiti kong sagot.



“Talaga? Ayos yun. Sige, bye!” Sabi ni Drake.



Umalis na ako at nagpunta sa may School Garden, pero pagdating ko dun, ako ang nasurpresa.



Nakita kong nagtatawanan si Key at si Zenneth. Parang ang saya-saya ni Zenneth kapag kasama niya si Key.



Pero… Paano ‘to nagawa sakin ni Key? Paano niya ko nagawang traydurin?



Nagsimulang magunahan ang mga luha ko sa pagbagsak. Biglang nagtagpo ang mga mata naming tatlo. Mukhang nagulat silang dalawa. Tumalikod na ako at tumakbo palayo.



Bakit mo ‘to nagawa sa akin, Key? Akala ko ba tunay kitang kaibigan? Matatanggap ko pa sana kung iba gumawa nun sakin eh. Pero yung tinuturing mong Bestfriend ang gumawa sayo nun? Ang sakit-sakit.

~


Fuck, memories. Di ko pa rin malimutan yung ginawa niya sakin. Ngayon, ako naman ang gagawa niyan sa kanya. Sisirain ko buhay niya. Pahihirapan ko siya kahit ilang beses pa siyang nagmaka-awa sakin.



Tandaan niya ‘to. Hnidi na ako ang Rieley na kilala niya.



Kinuha ko yung wallet ko at tinitigan ko yung picture ng dalawang bata. Isang batang babae at isang batang lalaki.



You will live under my rules, Key Lopez.






1 comment:

  1. aw grabe, ang bigat ng mga eksena nito. sampalan at sabunutan :D hahahaha astig e. hahah nice one bebe :)) keep it up :))

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^