Chapter
Four
(Key’s
POV)
~Kinabukasan~
Nakita
kong papalapit sakin si Tristan kaya tumayo ako at naglakad palayo.
Kailangan
kong gawin ‘to para hindi ako palayasin ni Rieley sa bahay nila.
“Hey!
Trishna! Wait for me!” Tawag ni Tristan.
Lumingon
ako sa likod ko at nakita ko siyang hinahabol ako.
Mas
binilisan ko ang lakad ko pero nagulat ako nung may biglang humablot ng braso
ko.
“Trishna,
iniiwasan mo ba ko?” Tanong ni Tristan.
Sasabihin
ko ba na inutusan ako ni Rieley na lumayo sa kanya dahil palalayasim ako kapag
di ko ginawa, o iiwas na lang ako ng iiwas hanggang sa mapagod siyang habulin
ako?
“Tristan,
bitiwan mo nga ako!” Saka ako nagpumiglas sa hawak niya.
“Sagutin
mo muna yung tanong ko!” Sabi niya sakin.
“Sinabi
nang bitiwan mo ako eh!” Sigaw ko.
“Pre,
wag mo namang pilitin yung babae. Kung ayaw niyang sumama sayo, wag mong
pilitin.”
“Wag
kang makialam dito, Pare ha!” Bulyaw ni Tristan.
Lumingon
ako sa likod ko at sa di inaasahang oras, biglang nanlaki ang mata ko.
“Zenneth?!”
Gulat kong tanong.
Napalingon
siya sakin.
“Oyy!
Trish ikaw pala yan! Kamusta ka na?” Tanong niya tapos
inakbayan ako.
“Uh…
Ahehe. A-ayos lang naman ako, Zenneth. I-ikaw?”
Tanong ko tapos medyo lumingon kay Tristan.
Naging
Cold yung expression niya.
Anyare
sa kanya?
“Ayos
na ayos, Syempre.” Sagot ni Zenneth.
Zenneth
used to Love Rieley even when Rieley tries to ignore him. Kahit ngayon, alam ko
mahal pa rin ni Zenneth si Rieley. Paano ko nalaman? Well, may communications
pa rin kaming dalawa kahit ngayon lang ulit kami nagkita. Sobra nga siyang
nasaktan nung lumayo si Rieley sa kanya eh. That time kasi, nung magkasama kami
ni Zenneth sa may Garden nung school namin nung 3rd year kami, may
pinaplano kami nun. Pinaplano kasi ni Zenneth na pasagutin si Rieley sa araw ng
Family Day namin pero dahil nakita kami ni Rieley na nagtatawanan sa may
Garden, simula nun parehas niya na kaming iniwasan.
“Pre,
pakitanggal ng kamay mo sa may balikat ng Girlfriend ko ha. Baka masapak kita
ng wala sa oras.” Biglang singit ni Tristan.
Ano
bang nangyayari dito kay Tristan? Parang kahapon lang hindi naman siya ganyan.
Ngayon parang lumalabas yung pagkabayolente niya.
“May
boyfriend ka na pala Trish, hindi mo man lang sinasabi sa akin!”
Nakangiting sabi ni Zenneth habang nakatingin sa akin.
*Boog*
“Ay
puta! Anong problema mo, Pare?” Inis na tanong ni Zenneth
habang sapo-sapo ang pisngi na sinuntok ni Tristan.
Napa-upo
siya sa semento dahil sa pagsuntok sa kanya ni Tristan.
“Binalaan
kita kanina pero hindi mo ko pinakinggan. Ngayon, may angal ka?!”
Singhal ni Tristan kay Zenneth.
Lalapit
dapat si Tristan kay Zenneth pero hinawakan ko yung braso niya para pigilan
siya.
“Tumigil
ka na nga, Tristan! Ano bang Problema mo ha?!”
Awat ko sa kanya.
“Problema
ko?! Ikaw? Anong problema mo, bakit mo ko iniiwasan?!”
Pabalik na tanong niya sakin.
“Wala
ka nang pakialam don! Atsaka pwede ba, Tristan! Wag kang umasta na nobyo kita!
Hindi tayo kaya wala kang pakialam kung may umakbay man sa akin!”
Sagot ko sa kanya.
“Okay!
Sabihin na nga nating hindi mo ko nobyo, pero masama na bang mag-alala sayo?!
Masama na bang protektahan ka dahil kaibigan kita?!” Sigaw
niya sakin.
Bigla
ko siyang nasampal.
“Wala
kang karapatang sigawan ako dahil kahapon lang tayo nagkakilala. Kahapon lang
tayo naging close. Pero ngayon? Hindi na ulit kasi ikaw rin mismo ang sumira sa
closeness natin!” Sagot ko sa kanya.
BIglang
may humawak sa braso ko.
“Tara
na, Trish. Pinagtitinginan na tayo dito.” Bulong ni Zenneth
saka na ako hinila paalis.
Naiwang
nakatayo dun si Tristan.
Dinala
ako ni Zenneth sa may Canteen at binilihan ako ng Fruit Soda pati sandwich.
“Salamat
dito, Zenneth.”
“Wala
yon, Trish. Nga pala, paano kayo naging close nun ni de Castro?”
Tanong ni Zenneth.
“Nagkabungguan
kami kahapon ng umaga. Then nung class ko kay Prof Carl, nagpunta kami sa Field
at dun kami nagpinta. Binaboy pa nga ni Rieley yung gawa ko eh. Tapos si
Tristan yung nagsumbong kay Prof Carl dahil yung 2nd year din nasa
field and nakita yun ni Tristan.” Sagot ko sa kanya.
“Wow.
What a Coincidence.” Nakangisi niyang sabi.
“Sus.
Hindi rin.” Sagot ko.
“Rieley!”
Tawag ni Zenneth.
Napalingon
ako sa tinitignan niya. Nakatingin sa amin si Rieley. Naramdaman kong tumayo si
Zenneth. Tumalikod si Rieley at nagsimulang tumakbo. Nakita ko ring hinabol
siya ni Zenneth.
That
explains it all. Mahal talaga ni Zenneth si Rieley. At sana naman, maramdaman
yun ni Rieley. Hindi naman yun basta ganun lang. Haay.
(Zenneth’s
POV)
Habang
naguusap kami ni Trish, nakaramdam ako ng parang may nanonood sa amin ni Trish.
Nagsimula akong magpalinga-linga at duon ko nakita si Rieley na nanonood sa
amin.
“Rieley!”
Tawag ko sa kanya.
Lumingon
si Trish kung saan ako nakatingin. Tumayo ako. Nakita kong tumalikod si Rieley
at nagsimulang tumakbo. Tumakbo rin ako para maabutan ko siya. At tama nga ako,
naabutan ko siya. Pero bakit umiiyak siya?
“Are
you Crying?” Tanong ko habang hawak ko siya sa
magkabila niyang balikat.
“No.
No… Don’t Touch me, Zen. Please.” Iyak niya habang nakayuko
at pinupunasan yung mga luha niya.
Hinawakan
ko yung magkabila niyang pisngi at iniangat yung ulo niya para magkatinginan
kami sa mata. Pinunasan ko yung mga luhang nasa pisngi niya.
Ayokong
Makita siyang nasasaktan. Mahal ko siya. Mahal ko pa rin siya kahit anong
mangyari. Hindi naman kasi ako kelanman tumigil na mahalin siya. Kahit gaano
man siya kahirap mahalin, susubukan ko pa rin siyang intindihin dahil
importante siya sakin.
Tinanggal
niya yung dalawa kong kamay sa magkabila niyang pisngi.
“Please,
Zen… Just… just get out of my life. Ayaw na kitang Makita. Ayaw na kitang Makita
dahil pagod na akong masaktan. Pagod na akong isipin ka. Pagod na rin akong
pilitin yung sarili ko na magkagusto sa iba para lang malimutan ka. Please,
Zenneth. Please layuan mo na ako.” Pagmamakaawa niya sa akin
habang nakayuko.
Mas
lumapit ako at niyakap siya.
“Pinipilit
ko pero sadyang hindi ko magawa. Hindi ko alam, pero kahit anong gawin mong
pagtataboy sa akin, hindi pa rin ako titigil sa pagsuyo sayo. Mahal kita. Yun
lang ang alam ko. Mahal kita kahit anong mangyari. At sana, kung galit ka pa
sakin, sana mapatawad mo ko. Sana mapatawad mo kami ni Trish. Wala naman kasi
talagang kasalanan si Trish eh. Nung Makita mo kami dati, nagpaplano kami nun
kung paano kita mapapasagot sa Family Day pero iba kasi yung nakita mo. Akala
mo ipinagpalit na kita sa kanya. Well, ganun naman talaga ang iisipin ng mga
babae eh. Na pinagpalit na agad sila ng mga lalaki dahil lang may kausap at may
katawanan na iba yung lalaki.” Sagot ko sa kanya.
“Pwede
ba, Zenneth! Tigilan mo na nga ako! Hindi ka pa ba napapagod na sabihin sa akin
yang mga kasinungalingan mo?! Ano pa bang kasinungalingan ang sasabihin mo sa
akin?! Sabihin mo na ngayon para hindi na ako paulit-ulit na nasasaktan!”
Sigaw ni Rieley sakin.
“Mahal
Kita at hindi kasinungalingan yon, Rieley… Hindi ako kelanman nagsinungaling
sayo, Rieley. Sana mapatawad mo ko. Sana mapatawad mo kami ni Trish.”
Sagot ko sa kanya.
Umirap
siya saka tumalikod at naglakad palayo.
Ano
na naman bang ginawa ko?! Bakit ba palagi na lang ganito?! Palagi niya na lang
akong nilalayuan! Ang sakit-sakit! Ang sakit isiping hindi niya ako kayang
patawarin.
(Key’s
POV)
Natapos
ang araw na ‘to na puro iwas lang ang ginagawa ko kay Tristan. Ayokong
palayasin ako ni Rieley dahil lang kay Tristan. Pero syempre, ayoko rin namang
sirain yung pagkakaibigan namin ni Tristan dahil lang palalayasin ako ni
Rieley.
Ay
ewan! Ang gulo-gulo! Alin ba ang pipiliin ko?! Yung friendship namin ni Tristan
o yung hindi ako palalayasin ni Rieley?! Aish! Ewan ko!
Biglang
bumukas ang pinto ko.
“Hoy
babae ka! Anong ginawa mo kay Tj kaninang umaga?!”
Bulyaw ni Rieley sakin.
“Ano
na naman bang problema mo, ha Rieley?!” Tanong ko.
Lumapit
siya at hinila yung buhok ko.
“Anong
karapatan mo para sampalin si Tj?!” Galit na sabi sa akin ni
Rieley.
Tinanggal
ko yung kamay niya sa buhok ko at tinulak ko siya.
“At
ikaw? Anong karapatan mong pahirapan ng ganun si Zenneth?”
Malamig kong tanong sa kanya.
“What?!
At talaga namang pilit mong ibinibida yung lalaking inagaw mo sa akin ‘no?!
Wow, Step Sister! You’re such a bitch talaga ‘no?! I can’t believe na-pikot mo
ng ganun si Zenneth! Haay. Iba talaga karisma ng Malandi.”
Sagot niya sakin.
“Bakit
ka nagagalit nung tinanong kita kung bakit mo pinapahirapan si Zenneth? Step
Sister, anong totoo? Bitter ka o nagi-guilty ka dahil iniwan mo na lang siya
basta?” Taas kilay kong tanong sa kanya.
“Halika
dito!” Sabay hila niya sa buhok ko at kinaladkad ako papunta
sa likuran ng mansion.
“Rieley!
Ano na namang gagawin mo sa kapatid mo?!” Habol ni Mommy.
Kinaladkad
ako ni Rieley papasok sa Bodega. Pagkatulak niya sakin papasok sa loob, sinara
niya agad yung pinto. Pumunta agad ako sa may pinto pero hindi ko mabuksan.
Ni-lock niya ako sa loob! Bwiset!
“Ikaw
babae ka, ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko kapatid yang malandi
at walang kwenta mong anak?! Alam mo, mag-ina nga kayo eh! Parehas kayong
malandi at walang kwenta!” Sigaw ni Rieley mula sa labas.
Kinalabog
ko yung pinto.
“Rieley!
Rieley sasabunutan talaga kita kapag nalaman kong sinaktan mo ang Mommy ko!”
Sigaw ko.
“Duh!
As if magagawa mo yon, Bitch! Pwedeng-pwede kong saktan ‘tong nanay mo kung
gugustuhin ko!” Sigaw ni Rieley.
“Walanghiya
ka talaga! Napaka-sama ng ugali mo Rieley!” Sigaw ko.
“Ows?!
Sino kaya mas masama ang ugali sa ating dalawa? Eh kita mo na nga lang eh.
Inagaw mo sakin dati si Zenneth, ngayon si Tj! Ang kapal kapal kasi ng mukha
mo! Hoy Key, hinding-hindi ka papatulan nung dalawang yon! Akin lang si Tj!”
Pabalik na sigaw ni Rieley.
makitid utak ni Rieley badtrip ee. HAHHAAHA pinaliwanag na nga diba??? saktan ko kaya siya?? Lol.. ok to nice nice :)))) heheh naaliw ako e :)
ReplyDeletemakitid utak ni Rieley badtrip ee. HAHHAAHA pinaliwanag na nga diba??? saktan ko kaya siya?? Lol.. ok to nice nice :)))) heheh naaliw ako e :)
ReplyDelete