Sunday, April 14, 2013

Why Can't You Be MIne? : Chapter Four


Chapter Four


(Key’s POV)


~Kinabukasan~



Nakita kong papalapit sakin si Tristan kaya tumayo ako at naglakad palayo.



Kailangan kong gawin ‘to para hindi ako palayasin ni Rieley sa bahay nila.



“Hey! Trishna! Wait for me!” Tawag ni Tristan.



Lumingon ako sa likod ko at nakita ko siyang hinahabol ako.



Mas binilisan ko ang lakad ko pero nagulat ako nung may biglang humablot ng braso ko.



“Trishna, iniiwasan mo ba ko?” Tanong ni Tristan.



Sasabihin ko ba na inutusan ako ni Rieley na lumayo sa kanya dahil palalayasim ako kapag di ko ginawa, o iiwas na lang ako ng iiwas hanggang sa mapagod siyang habulin ako?



“Tristan, bitiwan mo nga ako!” Saka ako nagpumiglas sa hawak niya.



“Sagutin mo muna yung tanong ko!” Sabi niya sakin.



“Sinabi nang bitiwan mo ako eh!” Sigaw ko.



“Pre, wag mo namang pilitin yung babae. Kung ayaw niyang sumama sayo, wag mong pilitin.”



“Wag kang makialam dito, Pare ha!” Bulyaw ni Tristan.



Lumingon ako sa likod ko at sa di inaasahang oras, biglang nanlaki ang mata ko.



“Zenneth?!” Gulat kong tanong.



Napalingon siya sakin.



“Oyy! Trish ikaw pala yan! Kamusta ka na?” Tanong niya tapos inakbayan ako.



“Uh… Ahehe. A-ayos lang naman ako, Zenneth. I-ikaw?” Tanong ko tapos medyo lumingon kay Tristan.



Naging Cold yung expression niya.



Anyare sa kanya?



“Ayos na ayos, Syempre.” Sagot ni Zenneth.



Zenneth used to Love Rieley even when Rieley tries to ignore him. Kahit ngayon, alam ko mahal pa rin ni Zenneth si Rieley. Paano ko nalaman? Well, may communications pa rin kaming dalawa kahit ngayon lang ulit kami nagkita. Sobra nga siyang nasaktan nung lumayo si Rieley sa kanya eh. That time kasi, nung magkasama kami ni Zenneth sa may Garden nung school namin nung 3rd year kami, may pinaplano kami nun. Pinaplano kasi ni Zenneth na pasagutin si Rieley sa araw ng Family Day namin pero dahil nakita kami ni Rieley na nagtatawanan sa may Garden, simula nun parehas niya na kaming iniwasan.



“Pre, pakitanggal ng kamay mo sa may balikat ng Girlfriend ko ha. Baka masapak kita ng wala sa oras.” Biglang singit ni Tristan.



Ano bang nangyayari dito kay Tristan? Parang kahapon lang hindi naman siya ganyan. Ngayon parang lumalabas yung pagkabayolente niya.



“May boyfriend ka na pala Trish, hindi mo man lang sinasabi sa akin!” Nakangiting sabi ni Zenneth habang nakatingin sa akin.



*Boog*



“Ay puta! Anong problema mo, Pare?” Inis na tanong ni Zenneth habang sapo-sapo ang pisngi na sinuntok ni Tristan.



Napa-upo siya sa semento dahil sa pagsuntok sa kanya ni Tristan.



“Binalaan kita kanina pero hindi mo ko pinakinggan. Ngayon, may angal ka?!” Singhal ni Tristan kay Zenneth.



Lalapit dapat si Tristan kay Zenneth pero hinawakan ko yung braso niya para pigilan siya.



“Tumigil ka na nga, Tristan! Ano bang Problema mo ha?!” Awat ko sa kanya.



“Problema ko?! Ikaw? Anong problema mo, bakit mo ko iniiwasan?!” Pabalik na tanong niya sakin.



“Wala ka nang pakialam don! Atsaka pwede ba, Tristan! Wag kang umasta na nobyo kita! Hindi tayo kaya wala kang pakialam kung may umakbay man sa akin!” Sagot ko sa kanya.



“Okay! Sabihin na nga nating hindi mo ko nobyo, pero masama na bang mag-alala sayo?! Masama na bang protektahan ka dahil kaibigan kita?!” Sigaw niya sakin.



Bigla ko siyang nasampal.



“Wala kang karapatang sigawan ako dahil kahapon lang tayo nagkakilala. Kahapon lang tayo naging close. Pero ngayon? Hindi na ulit kasi ikaw rin mismo ang sumira sa closeness natin!” Sagot ko sa kanya.



BIglang may humawak sa braso ko.



“Tara na, Trish. Pinagtitinginan na tayo dito.” Bulong ni Zenneth saka na ako hinila paalis.



Naiwang nakatayo dun si Tristan.



Dinala ako ni Zenneth sa may Canteen at binilihan ako ng Fruit Soda pati sandwich.



“Salamat dito, Zenneth.”



“Wala yon, Trish. Nga pala, paano kayo naging close nun ni de Castro?” Tanong ni Zenneth.



“Nagkabungguan kami kahapon ng umaga. Then nung class ko kay Prof Carl, nagpunta kami sa Field at dun kami nagpinta. Binaboy pa nga ni Rieley yung gawa ko eh. Tapos si Tristan yung nagsumbong kay Prof Carl dahil yung 2nd year din nasa field and nakita yun ni Tristan.” Sagot ko sa kanya.



“Wow. What a Coincidence.” Nakangisi niyang sabi.



“Sus. Hindi rin.” Sagot ko.



“Rieley!” Tawag ni Zenneth.



Napalingon ako sa tinitignan niya. Nakatingin sa amin si Rieley. Naramdaman kong tumayo si Zenneth. Tumalikod si Rieley at nagsimulang tumakbo. Nakita ko ring hinabol siya ni Zenneth.



That explains it all. Mahal talaga ni Zenneth si Rieley. At sana naman, maramdaman yun ni Rieley. Hindi naman yun basta ganun lang. Haay.



(Zenneth’s POV)



Habang naguusap kami ni Trish, nakaramdam ako ng parang may nanonood sa amin ni Trish. Nagsimula akong magpalinga-linga at duon ko nakita si Rieley na nanonood sa amin.



“Rieley!” Tawag ko sa kanya.



Lumingon si Trish kung saan ako nakatingin. Tumayo ako. Nakita kong tumalikod si Rieley at nagsimulang tumakbo. Tumakbo rin ako para maabutan ko siya. At tama nga ako, naabutan ko siya. Pero bakit umiiyak siya?



“Are you Crying?” Tanong ko habang hawak ko siya sa magkabila niyang balikat.



“No. No… Don’t Touch me, Zen. Please.” Iyak niya habang nakayuko at pinupunasan yung mga luha niya.



Hinawakan ko yung magkabila niyang pisngi at iniangat yung ulo niya para magkatinginan kami sa mata. Pinunasan ko yung mga luhang nasa pisngi niya.



Ayokong Makita siyang nasasaktan. Mahal ko siya. Mahal ko pa rin siya kahit anong mangyari. Hindi naman kasi ako kelanman tumigil na mahalin siya. Kahit gaano man siya kahirap mahalin, susubukan ko pa rin siyang intindihin dahil importante siya sakin.



Tinanggal niya yung dalawa kong kamay sa magkabila niyang pisngi.



“Please, Zen… Just… just get out of my life. Ayaw na kitang Makita. Ayaw na kitang Makita dahil pagod na akong masaktan. Pagod na akong isipin ka. Pagod na rin akong pilitin yung sarili ko na magkagusto sa iba para lang malimutan ka. Please, Zenneth. Please layuan mo na ako.” Pagmamakaawa niya sa akin habang nakayuko.



Mas lumapit ako at niyakap siya.



“Pinipilit ko pero sadyang hindi ko magawa. Hindi ko alam, pero kahit anong gawin mong pagtataboy sa akin, hindi pa rin ako titigil sa pagsuyo sayo. Mahal kita. Yun lang ang alam ko. Mahal kita kahit anong mangyari. At sana, kung galit ka pa sakin, sana mapatawad mo ko. Sana mapatawad mo kami ni Trish. Wala naman kasi talagang kasalanan si Trish eh. Nung Makita mo kami dati, nagpaplano kami nun kung paano kita mapapasagot sa Family Day pero iba kasi yung nakita mo. Akala mo ipinagpalit na kita sa kanya. Well, ganun naman talaga ang iisipin ng mga babae eh. Na pinagpalit na agad sila ng mga lalaki dahil lang may kausap at may katawanan na iba yung lalaki.” Sagot ko sa kanya.



“Pwede ba, Zenneth! Tigilan mo na nga ako! Hindi ka pa ba napapagod na sabihin sa akin yang mga kasinungalingan mo?! Ano pa bang kasinungalingan ang sasabihin mo sa akin?! Sabihin mo na ngayon para hindi na ako paulit-ulit na nasasaktan!” Sigaw ni Rieley sakin.



“Mahal Kita at hindi kasinungalingan yon, Rieley… Hindi ako kelanman nagsinungaling sayo, Rieley. Sana mapatawad mo ko. Sana mapatawad mo kami ni Trish.” Sagot ko sa kanya.



Umirap siya saka tumalikod at naglakad palayo.



Ano na naman bang ginawa ko?! Bakit ba palagi na lang ganito?! Palagi niya na lang akong nilalayuan! Ang sakit-sakit! Ang sakit isiping hindi niya ako kayang patawarin.



(Key’s POV)


Natapos ang araw na ‘to na puro iwas lang ang ginagawa ko kay Tristan. Ayokong palayasin ako ni Rieley dahil lang kay Tristan. Pero syempre, ayoko rin namang sirain yung pagkakaibigan namin ni Tristan dahil lang palalayasin ako ni Rieley.



Ay ewan! Ang gulo-gulo! Alin ba ang pipiliin ko?! Yung friendship namin ni Tristan o yung hindi ako palalayasin ni Rieley?! Aish! Ewan ko!



Biglang bumukas ang pinto ko.



“Hoy babae ka! Anong ginawa mo kay Tj kaninang umaga?!” Bulyaw ni Rieley sakin.



“Ano na naman bang problema mo, ha Rieley?!” Tanong ko.



Lumapit siya at hinila yung buhok ko.



“Anong karapatan mo para sampalin si Tj?!” Galit na sabi sa akin ni Rieley.



Tinanggal ko yung kamay niya sa buhok ko at tinulak ko siya.



“At ikaw? Anong karapatan mong pahirapan ng ganun si Zenneth?” Malamig kong tanong sa kanya.



“What?! At talaga namang pilit mong ibinibida yung lalaking inagaw mo sa akin ‘no?! Wow, Step Sister! You’re such a bitch talaga ‘no?! I can’t believe na-pikot mo ng ganun si Zenneth! Haay. Iba talaga karisma ng Malandi.” Sagot niya sakin.



“Bakit ka nagagalit nung tinanong kita kung bakit mo pinapahirapan si Zenneth? Step Sister, anong totoo? Bitter ka o nagi-guilty ka dahil iniwan mo na lang siya basta?” Taas kilay kong tanong sa kanya.



“Halika dito!” Sabay hila niya sa buhok ko at kinaladkad ako papunta sa likuran ng mansion.



“Rieley! Ano na namang gagawin mo sa kapatid mo?!” Habol ni Mommy.



Kinaladkad ako ni Rieley papasok sa Bodega. Pagkatulak niya sakin papasok sa loob, sinara niya agad yung pinto. Pumunta agad ako sa may pinto pero hindi ko mabuksan. Ni-lock niya ako sa loob! Bwiset!



“Ikaw babae ka, ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko kapatid yang malandi at walang kwenta mong anak?! Alam mo, mag-ina nga kayo eh! Parehas kayong malandi at walang kwenta!” Sigaw ni Rieley mula sa labas.



Kinalabog ko yung pinto.



“Rieley! Rieley sasabunutan talaga kita kapag nalaman kong sinaktan mo ang Mommy ko!” Sigaw ko.



“Duh! As if magagawa mo yon, Bitch! Pwedeng-pwede kong saktan ‘tong nanay mo kung gugustuhin ko!” Sigaw ni Rieley.



“Walanghiya ka talaga! Napaka-sama ng ugali mo Rieley!” Sigaw ko.



“Ows?! Sino kaya mas masama ang ugali sa ating dalawa? Eh kita mo na nga lang eh. Inagaw mo sakin dati si Zenneth, ngayon si Tj! Ang kapal kapal kasi ng mukha mo! Hoy Key, hinding-hindi ka papatulan nung dalawang yon! Akin lang si Tj!” Pabalik na sigaw ni Rieley.

2 comments:

  1. makitid utak ni Rieley badtrip ee. HAHHAAHA pinaliwanag na nga diba??? saktan ko kaya siya?? Lol.. ok to nice nice :)))) heheh naaliw ako e :)

    ReplyDelete
  2. makitid utak ni Rieley badtrip ee. HAHHAAHA pinaliwanag na nga diba??? saktan ko kaya siya?? Lol.. ok to nice nice :)))) heheh naaliw ako e :)

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^