Saturday, April 6, 2013

Love Haters : Chapter 5.2

CONTINUATION...



Kyo's Point of View:






"Hoy Kyo," napatingin ako kay Jack na may kasama na namang babae at nakikipaglandi pa habang may sigarilyo pa ito. Napaubo naman ako ng binuga nya sa harap ko ang usok mula sa sigarilyo nya.






"Ano ba?!" pag-reklamo ko. 






"Huwag nga kayong maingay!" napatingin naman ako kay Eung na nagbabasa ng libro.






"Ne, Kyo, Bakit parang lagi kang nas-space out pag nakikita mo si Shiwal? Lagi kong napapansin iyon ah. Tapos---"






"Tapos kung ipagtulakan ka naman niya parang kala mo may nakakahawa kang sakit."






"Oo ganun na nga." sabi ni Jeom na naglalaro pa ng PSP.






"Ano ba kayo?! Lagi nyo nalang binibigyang malisya ang nakikita nyo." sabi ko sabay kuha sa bulsa ko ng isang pakete ng sigarilyo. Kumuha ako ng isa at sinindihan ko iyon.






"Tsk. Sabihan mo lang, naiinlove ka sa kanya.. Ayieehh!! dalaga na siya!!!" pambwisit sa akin ni Jack.







*BOINK*







"Aray ko naman!!! Kung makabatok naman ito oh!" pag reklamo niya sa akin.







Psh. Nandito nga pala kami sa hide out namin nila Eung,Jeom, at Jack. Binuo namin ito para walang makahanap sa amin sa susunod na dagsain kami ng mga adik naming fan.







Sa susunod ko nalang ikekuwento kung paano kami nagkakilala ng tatlong ugok na ito.







"Hoy, Kyo. Parang napansin ko na may tinatago ka sa amin ah.? Lagi kang late sa school. Lagi kang nai-space out. Lagi ka ng hindi ka nakakasama sa amin. Lagi kang nakangisi na parang baliw." sabi sa akin ni Eung. Nabilaukan naman ako sa sinabi nya kahit wala naman akong iniinom.







"Oo nga!" sabay namang sabi ni Jack at Jeom.







"Manahimik nga kayo." wika ko at lumabas. Hindi naman sila na nagtanong. 







Dali-dali akong pumunta sa bahay sa Aunty ni Shiwal. Unang bumungad sa akin si Aunty Seline.







"Oh Kyo, nandito ka na pala. Wala pala si Shiwal dito. Napaaga ka ng uwi? at sino ang mga iyan?" nagtaka naman ako sa sinabi nya dahil may tinuturo pa siya sa likod ko. Lumingon naman ako at kung nakamamatay ang tingin ko, kanina pa namatay ang tatlong ugok sa likod ko.







<(  ^_^)V -  Jack


ʅ( ¬.¬)ʃ - Eung



W( òΔó)W - Jeom







Jeom's Point of View:







Anong ibig sabihin nito????!!!! 







Pumapatol ba si Kyo sa matatanda ngayon!?







Pero infairness, maganda naman yung artista na si Seline Akiyaba.







"Ahh. Aunty Seline, mga kaibigan ko po sila. Siya po si Jeom..." pagturo sa akin ni Kyo,"Si Eung," at tinuro nya si Eung, "At si Jack."  turo naman ni Kyo kay Jack na kanina pa kumikintab ang mata.







"Hello po!!! I'm Jack Kudai!" sabi ni Jack at inabot ang kamay nito sa kanya. 







Tsk.. Tsk... Napakababaero talaga... Porque maganda papatulan niya na?!







Tumango lang si Aunty Seline at ngumiti....







Naiwan namang nakatunganga si Jack-ass. Wahahaha!!! Pahiya ang lahi nya.







"Seline Akiyaba. You can call me aunty Seline like Kyo do.. Nagmeryenda na ba kayo?" 







pagkarinig ko ng meryenda, nagtwinkle na kaagad ang mata ko pero bago ako makasagot,






"Opo." bwiset na Kyo'ng to! napaka-KJ.






"Oh... Ok. Kyo," napatingin naman si Kyo.







"Ano po iyon?" tanong niya rito.







"Yung pangako mo." sabi nya at umalis...















Nang makaalis na siya, agad naming sinugod si Kyo.






"Hoy!!!! Kyo, pumapatol ka ng matanda?!?!?!?" sabi ko sa kanya at sinakal sakal ko siya.







"Ackkkk!!!! H-hindi ak- ma--kahi-nga!!!!" binitawan ko naman siya, "Ano bang pinagsasabi mo?!" sigaw niya







"Kyo,"







"Ano?!"







"Masarap ba siya?" binatukan naman ni Kyo si Jack






"What?! Damn it! Ano bang sinasabi nyo?!"







"Bakit ka ba dito nakatira? Live-in?" napatingin kaming lahat kay Kyo na tumitingin-tingin pa sa mga naka display na  picture.







"What the? Anong live-in? She is---" hindi na natuloy ni Kyo ang sinasabi nya ng biglang nagsalita si Jack.








"Wait, si Shiwal iyon diba?! If I am not mistaken, siya nga ito dahil kamukhang-kamukha nya ito. But, bakit mayroon siyang picture dito?" nagtatakang tanong nito.
















 (Credit goes to the real owner/s / uploader/s of the photo I used)







Tiningnan naman namin ang picture at lahat kami ay napanganga. Ang ganda ni Shiwal dito!






"Sino naman ang lalaking ito?" pagturo ko sa isang lalaking kasama ni Shiwal.






"Aba malay ko diyan? Mukha ba akong tanungan ng mga tao?" 






"Oo." sagot naman ni Jack.






"Tsk."
















BEEP BEEP!






Napalingon kami ng makita namin ang isang porsche. Agad kaming umupo sa sofa at gayon na lamang ang pagkagulat ko este namin ng makita naming si Shiwal ang lumabas at may kasama siyang isa pang babae.






Nang makapasok sila, agad namang binati ni Kyo si Shiwal. "Home sweet home...... Shiwal." at kung titignan mo ang mukha ni Shiwal, mukha siyang nandidiri sa pagkakasabi ni Kyo.






SIGURO karaniwan na talaga kay Jack na kumintab ang mata kapag nakakita siya ng babae.






"HUDAS, BARABAS HESTAS!!!! Kyo! Anong ginagawa ng mga ugok na iyan! AT hoy Jack! Subukan mong galawin ang ate ko IBABAON kita ng buhay!!!!" napatakip ako sa tenga ko sa lakas ng pagkakasigaw ni Shiwal.






"Eh?? Hoy, Shiwal! Bakit mo ako dinadamay! And you..." bigla naman nagsalita yung kasama niyang babae at tinuro nya si Kyo "And you, and you, and YOU!....." at tinuro nya kami nila Jack  "....Sino kayo? Lumayas nga kayo dito bago namin ihambalos yang mga mukha nyo! At ikaw naman Shiwal!" pag turo nya kay Shiwal. "...opeu jinjeonghae! naega malhaessda!"






"Stop talking Korean language! Hindi porque tumira ka sa Korea kakalimutan mo na ang Language natin!" sigaw naman ni Shiwal.







@__@ Hindi ko na alam kung ano ang gagawin  ko.







"Shiwal! Salamat nandito ka na----- Kisha!!! Goodness! Buti nakauwi ka na! And teka, bakit ang iinit ng ulo nyo?!" nagulat kami ng biglang sumulpot si Aunty Seline at may dala pa itong meryenda. Waaahhh!!! Sushi my labs!!!!♥








"A-ahh... E-ehh..."  sabay na sabi ni Shiwal at nung kasama niya.








Pumeywang naman si Aunty and, "Explain!!!" sigaw niya.







Aray ko.. Kung nabingi ako sa sigaw ni Shiwal, mas lalo na sa Aunty nya noh!







Jack's Point of View:







Naturn-off ako sa Aunty at sa kasamang babae ni Shiwal. Tsk. Ang ganda pamo nila kaso mga maton silang kumilos lalo na kung si Shiwal ang pag-uusapan.






"Oba-chan, I hate this boys," at tinuro naman nya kami. Like I care. I also hate her. Tsk. Hindi sya pasa sa ideal girl ko. Mas gusto ko pa siya  kapag picture na lang siya. "And pwede bang duon na lang ako sa bahay KO, tumira?! Nakakairita na yung isa dyan eh!" sabay tingin nya kay Kyo.







"Tsk. Yeah, yeah whatever, my lil sis. Wala akong dapat i-explain sa iyo Aunty. At kayo naman, kung ayaw niyo pang mamatay ng maaga, lumayo na kayo sa KAPATID ko,"  sabay tingin nya kay Aunty Seline at sa amin, "Tara na nga Shiwal! punta tayo sa old dojo ni Lolo at ng matraining ulit kita kun sakaling nakalimutan mo na ang mga tinuro sa iyo ni papa. Ayokong nabubully ka sa school  MO! Maliwanag?!"








Nagulat naman ako sa mga sinabi nya. Weh? Kapatid nya si Shiwal? Di nga? Tsaka teka nga, School ni Shiwal ang pinapasukan namin? At teka   nga ulit? Aunty ni Shiwal si Aunty Seline?







Kasi kung OO, magdadasal na ako na huwag nila akong patayin at tanggalin sa school >.>








Eung's Point of View:







Patago kong pinag-masdan si Shiwal na hila-hila ng ate nya... Napangiti ako ng palihim.






Kita mo nga naman. Siya pala ang may-ari ng school na pinapasukan namin.






Hayy... Bwiset naman na pag-ibig to! Man-hater nga pala si Shiwal, paano ko naman ako magkakaroon ng lakas na loob para lapitan siya?








Shiwal's Point of View:






"Sino yung mga iyon Shiwal? Boyfriend mo? Ang lakas naman ng Karisma mo!!! wahahahah!!" sabay tawa niya na parang baliw.







Nandito kami ni Ate sa old dojo ni Lolo at imbis na itraining ako, nagkuwento lang siya ng kung anu-ano. (=_=)







"Tapos ka ng tumawa? Pagkatapos mo, pakamatay ka na huh?" sabi ko at binatukan siya.






"AROUCH NAMAN!!!" napalakas ata ang batok ko sa kanya. >:P







"Buti nga sa iyo. Bleh. Teka, diba practice ang gagawin? Bakit ka nagkukuwento?" pagtanong ko sa kanya.








Ngumiti lang siya at ito ang sinabi nya, "Come on, Shiwal. After 5 years na umalis ako dito, hindi mo ba ako namimiss? Tsk. Ako nga walang araw na di kita iniisip kahit pagod ako sa mga career ko bilang singer tapos ikaw? Psh. Napaka bait mong kapatid." at nag pout pa siya.







Napangiti na lang rin ako.








"Ate, hindi kita namiss dahil miss na miss kita. Gusto ko na ring makita si Dad at Mom. Hayy..... Yaah!!!" nabigla ako ng may hinagis bigla sa akin si Ate na kahoy.. 








"Porket na emote ako, gagaya ka na rin? Dali na! Practice na tayo!" at ngumiti ulit si Ate.








Kinuha ko ang kahoy at mabilis akong umatake sa kanya. Sinalubong niya lang iyon .








"Game!" sabi ko.


to be continued...





-----------------------------x


3 comments:

  1. ANg cuTe,,, hWaheHe,,, updAte pA pO,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sorry po at di agad ako nag UD ngayon. Bukas po siguro mag U-UD na ako. Thanks po pala sa pagbabasa netong Love Haters kahit medyo magulo ang plot ko :)).

      Delete
    2. Magulo daw =___= ganda kaya ng plot mo! *-*

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^