Tuesday, April 9, 2013

Love Haters : Chapter 6.1

ABOUT HER PAST



Shiwal's Point of View: 



Naglalakad ako sa isang mall dahil naisipan ng kapatid kong may tama sa utak na mag shopping.




Actually, mall NAMIN ito. Hindi nga lang alam ng mga bully kong classmates.





"Pare, sinasabi ko na sa iyo! Oras na makita kong lumapit ka sa kapatid ko, papaduguin ko ang bibig mo..!" napalingon ako bigla sa isang pamilyar na boses. Siya. 





"Ano namang pakialam mo? Tsk. Uto-uto naman yan eh.." sabi ng isang lalakeng mukhang gangster at may   sigarilyo pa siyang nakalagay sa bibig niya. Loko pala siya eh. Alam ng mall KO to, naninigarilyo pa siya?!





"Ano ba ang problema mo!? Akala ko mahal mo ako yun pala niloko mo lang ako?! How dare you? Ibinigay ko na ang lahat! I even gave my virginity to you!" sabi ng isang babae.






 Napa 'oooohh' naman ang mga nanonood sa kanila.





Tsk. Gumagawa pa sila ng eksena sa mall NAMIN ni ate. Kaya ayaw ko sa mga lalake eh. Mga wala silang kuwenta.





Lumapit ako sa kanila at napansin ko rin na mga kaklase ko ang nanonood. Nandito rin yung mga nang bu-bully sa akin.





"Anong problema?"




Nabigla ang ilan kong mga kaklase ng makita nila ako. Psh.





"Well,well, well. Look who's here? Nag m-mall na pala ang isang panget ngayon." sabi ni POKWANG #1





"Hindi ko akalain na may nags-shopping palang panget. Isa itong milagro. Hahaha!!" at akma akong sasabunutan ni POKWANG #2 pero nakailag lang ako.





Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan si Lee, ang aking body guard.





"Lee, mayroong nag aaway dito sa 2nd floor malapit sa  Time Zone. Kung pwede huwag nyo munang pipigilan ang gulo. AKO na ang mag-aayos." sabi ko at inend iyon. Tinignan ko sila na mga nakataas ang kilay.





Binulsa ko lang ang kamay ko sa Jacket na suot ko at bigla kong sinipa si POKWANG #1. Nanginig naman siya sa takot ng lumapit ako sa kanya.





"Bitch, kung maka arte ka wagas at kala mo kung sino kang mayor-doma. Sipa ko pa lang takot ka na, ano pa kaya ang bugbog?" sabi ko. 





Agad naman siyang napatakbo ng wala sa oras. Tsk. Serves her right.





"At kayo.." turo ko dun sa dalawang nagbabangayan. "Lumayas kayo sa harapan ko at baka mabigwas ko kayo." 





"Bakit? May problema ka miss?" sabi nung maangas kanina.





"Ako? Wala. Pero ikaw, MERON. Umalis ka na sabi dito."





"Aba't! Alam mo Miss, ikaw nalang kaya ang umalis. Hindi ako pumapatol sa babae pero baka mawala ka ngayon ng wala sa oras. Masama akong magalit..." - sabi nung lalakeng GUWAPO na MAANGAS. Sinabi ko bang guwapo? Huwag niyong pansinin iyon.





Napangiti ako ng lihim. Tagal ko na ring hindi ginagamit ang gangster skills na tinuro sa akin ng kaibigan ko na si Megan. (The COLD and HEARTLESS Gangster QUEEN by: Hannah Jewel. Read it [HERE] ^_^ Lakas maka plug ah.)





"Ayaw mo talagang umalis?"  tanong ko at ngumiti. Ngiting pang-demonyo.



"Bakit naman? Pagmamay-ari mo ba ang lugar na ito ha? Ikaw lang ba ang pwede dito?" hindi ko siya pinansin subalit tumingin ako sakanya. Mukhang hindi na nya ata ako kilala.






"Dare to speak up, dude. Kayo ang maglalaban at hindi ako. At ikaw na babae ka, pumili ka rin ng mahal mo. Alam mo bang sa isang tingin, alam mo na kung sino ang seryoso at hindi seryoso sa pag-ibig." sabi ko at sinuot ko ang hood  ng jacket ko. Lalakad na sana ako paalis ng may humawak sa braso ko.




Lumingon ako at handa na akong bigwasin ang walang hiyang ito.




"Gusto mo talagng masaktan huh?"









"Anata wa watashi no zutsū no otoko o ataete iru! (You're giving me headache man!)" at sinikmuraan ko siya. Ayoko sa lahat ng makulit eh. Napahiga siya sa sahig. Marami pa rin ang nanunuod.





"At ikaw? tutunganga ka nalang diyan?! Punyemas, ikaw ang nakikipag-away, sa akin mo ibibigay ang pagbugbog?!" sabi ko .






"A-ah. O-oo! Saglit lang." pinagtulungan namin yung lalake hanggang sa nakahiga na lang ang lalake habang namimilipit pa sa sakit.






"Lee. Pumunta ka na dito."  tawag ko sa body guard ko. Tinignan ko yung lalake at huminga ng malalim.






"Game Over. You lose. Huwag na huwag mo akong ip-provoke dahil MAS nakakatakot akong magalit. Nga pala, tungkol sa tanong mo kanina. Oo ako ang may-ari ng mall na ito. Base na rin sa uniporme mo, sa KiWal University ka nag-aaral diba?  Ako rin ang may-ari ng school na iyon. HAPPY?" 




Mukhang natakot siya dahil kahit masakit ang katawan niya sa pagbugbog ko sa kanya, nakatakbo pa siya kahit paika-ika pa. Weak.






Aalis na sana ako ng biglang may tumawag sa akin. "Hoy!!! Yung babaeng naka hood!!" lumingon naman ako.






Nakangiti syang lumapit sa akin, "Ano iyon?" emotionless kong tanong.






"Salamat nga pala. Ako nga pala si--"






"John Tyler Crowford. Alam ko kung sino ka. May sasabihin ka pa ba? Aalis na  ako." pagputol ko sa sinabi nya.





"A-ah. Oo. Ano pala ang pangalan mo?" 







Natahimik ako sa tanong niya. Hindi nya ba ako nakikilala?







"Shiwal. Nakirara Shiwal ang pangalan ko. Nasagot ko na ang katanungan mo. Pwede na ba akong umalis?" hindi ko na siya hinintay na sumagot at umalis na ako. 








Imposible. Napaka-imposible na makalimutan niya ako.















Fast Forward:





Matamlay akong umuwi sa bahay ni Aunty. Bakit? Kahit nasaktan niya ako, basta huwag lang niyang kalimutan ang pinagsamahan namin, Masaya na ako.






Pinigilan kong tumulo ang luha ko. Hindi. Kailangan kong maging matatag. Bakit naman ako iiyak?






"Shiwal.... Huwag mong pigilin ang luha mo.... Nakita ko.... Nakita ko ang lahat. Hindi masamang umiyak." napatingin ako kay ate na nagsalita.






"Ate, ayos lang sa akin na sinaktan niya ako. Pero bakit nakalimutan niya na ako? Kung hindi ko lang kasi sinabi sa kanya ang nararamdaman ko eh." sabi ko at tumulo na ang luha ko.





"Hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan, Shiwal." pag comfort sa akin ni ate. 






Flashback:





Nobody's POV:






"La la la la la~♫" isang batang babae ang kumakanta habang patalon-talon pa. 






"Aray!" napatingin sya sa sugat nyang dumudugo. Masakit iyon pero kinuha nya lang ang panyo sa bulsa niya. Mayroong bubog na nasa tuhod nya. Imbis na umiyak, tumingin lang siya ng blanko rito.






"Ayos ka lang ba?" napatingin  sya sa isang batang lalake na lumapit sa kanya.









Umirap lang siya at dahan-dahan niyang hinila ang bubog rito. Napa sigaw siya sa sakit ngunit wala man lang bakas ng luha na tumulo sa kaniya.





"Kung ikaw kaya ang mabubog, at tanungin kitang ayos ka lang ba? Hindi ba't maiisip mong tanga ako?"






Tumayo na ito tsaka kinuha sa kanyang bag ang jacket nya. Napalunok naman ang lalake dito.






"S-sorry. A-ahm, sige mauna na ako." at naglakad na ito palayo sa kanya. Napangiti na lamang ang babae dahil gumana na naman ang kaniyang katarayan.






Hindi pa nakakalayo ang lalake sa kanya kaya tinawag niya ito.





"Saglit!" pag sigaw niya. Napalingon naman ito sa kanya. Tinuro nya pa ang sarili nya para makasigurado. Napa ikot na lamang ang mata neto tsaka tumango.





"Ako si Shiwal. Nakirara Shiwal. Ikaw? Patawarin mo sana ang nagawa ko kanina. Ganyan talaga ako sa lahat ng tao." sabi ni Shiwal.






Ngumiti ang lalake at tumango. "Nice meeting you, Shiwal. Ok lang. Ako nga pala si John Tyler Crowford." sabi naman ni Tyler.





Agad namang ngumiti si Shiwal. "Sige mauuna na ako. Babye!" at kumaway pa ito sa kanya.






to be continued.....


--------------------------x


Author's Note: Yeah, chapter 6 na lang po siya kesyo mag part 3. Tinamad na po ako mag isip eh XD. Hehe Joke lang po. Sa sumusubaybay po sa Royalty Battles (Kung meron man po.) Salamat po sa paghihintay at pagbabasa nun. Bukas na po ako mag U-UD nun.


1 comment:

  1. aq pO atEy aY nagHihintAy at nAgaabAng ng uodAtes,,, hwAhehE,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^