Saturday, May 4, 2013

Love Haters : Chapter 6.2

CONTINUATION...


Third Person's POV:







"Shiwal.......Shiwal........Nakirara Shiwal.....Shiwal Felice Nakirara."  inulit-ulit ni Tyler ang pangalan ni Shiwal.. Pilit niyang inaalala kung saan niya narinig ang pangalan na 'yon hanggang sa maalala niya ito.







"Patawad, Shiwal."  bulong niya at yumuko. Tumulo ang luha sa kanyang pisngi ngunit hinayaan niya lang 'yon.








FLASH  BACK:






Third year higschool na silang dalawa ni Shiwal. Limang taon na ang nakakalipas ng magkakakilala si Shiwal at Tyler. Limang taon na rin silang magkaibigan.







Inaamin ni Shiwal, nagsisimula na siyang magkagusto kay Tyler at ayaw niya ng nararamdaman niya.







Isang part time model si Shiwal. Maganda siya kaya maraming humahanga sa kanya. Kasama rin niya si Tyler sa pagiging part time model niya. Magkapartner sila at laging nakikita sa harapan ng magazine kaya sikat na sikat sila.







Fourth year. Isang taon na ang nakalipas. Ang dating pagkagusto ni Shiwal ay nauwi sa pagmamahal kay Tyler. Hindi na madalas magkasama si Shiwal at Tyler dahil lumipat ng paaralan si Tyler. Nagkikita rin sila minsan kapag hindi sila busy...







Hindi na napigilan ni Shiwal ang nararamdaman niya, hanggang sa.....







"T-tyler, m-may aaminin ako sa 'yo."  napa angat ng tingin si Tyler sa kanya at ngumiti. Mahal niya rin si Shiwal kaya lang, hindi niya rin ito masabi. Torpe kasi.







"Tyler, MAHAL KITA."  nabigla si Tyler. Hindi niya alam ang sasabihin niya. Tila napipe siya. 







"Shiwal..." yun lang ang nasabi niya.







Ngumiti lang si Shiwal. Ngiting pang malungkot. "Ok lang kahit huwag ka nang sumagot, Tyler. Hindi ko naman hinihingi na ibalik mo ang pagmamahal mo sa akin. Ang mahalaga, nasabi ko na sa 'yo ang nararamdaman ko." 







Tumalikod si Shiwal at pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi niya at naglakad palayo. Pero,  napatigil siya ng magsalita si Tyler.







"The thing is.. Shiwal, I don't like ugly girls like you." nagulat si Shiwal. Gulat din si Tyler sa nasabi niya.  Hindi niya sinasadya. Marahil, dahil wala siyang masabi, yun ang lumabas sa bibig ni Tyler.







Napaharap si Shiwal. Tuloy-tuloy na ang pag-agos ng luha ni Shiwal ng sinabi iyon ni Tyler.








"P-please....Huwag mo namang sabihin 'yan..."  nagmamakaawa na si Shiwal. Ito ang unang beses na umiyak si Shiwal. At hindi niya akalaing siya pa ang dahilan kung bakit ito umiyak.







"There's no turning back, Tyler. Nasabi mo na. Kaya panindigan  mo."  sabi ni Tyler sa sarili niya.







"Huwag kong sabihin ang alin? Na PANGET ka? Totoo lahat ng sinabi ko, WALA AKONG INTENSIYON SA PANGET NA KATULAD MO!"  hindi na alam ni Tyler kung saan niya pinaghuhugutan ang mga sinasabi niya. Parang may kung sino ang sumapi sa kaniya dahil sa mga sinabi niya sa babaeng mahal niya.








Nanigas siya nang nag-salita si Shiwal. Walang kasing lamig ang boses nito. Ang mata niya ang naging malamig na rin. Tumigil sa pag-agos ang luha ni Shiwal. Para siyang sinaksak ng ilang beses sa sunod na sinabi ni Shiwal.







"OO! ALAM KONG PANGET AKO!! O AYAN, INAAMIN KO! KAILANGAN MO PA BANG IPAMUKHA SA AKIN? PUTRAGIS NA PAG-IBIG 'TO! MAGMULA NGAYON, ISIPIN MONG PATAY NA AKO! AT HINDING HINDI NA AKO MAGPAPAKITA SA 'YO KAHIT KAILAN! MASAYA KA NA?!" sigaw neto sa kaniya. Napa-atras siya sa sigaw neto pero tumalikod lang ulit si Shiwal at naglakad palayo.








"Hayaan mo, hindi na ako magpapakita sa 'yo. Mali pala, pati nararamdaman ko, kakalimutan ko na." yun lang ang narinig niya hanggang sa unti-unting nawala sa paningin ni Tyler si Shiwal.







Napaupo siya. Naagsimula na ring umulan. Nakisabay pa ang panahon sa nararamdaman niya.









"Patawad, Shiwal. Patawad."  paulit-ulit niyang bigkas.








Simula noon, hindi na sila nagkita. Nabalitaan niya raw na pumunta ng Japan si Shiwal.








Si Shiwal naman, nag quit na siya sa pagmomodel. Lagi niya ng inisip na panget siya. Sumali na rin siya sa mga gang at nakilala niya rin duon si Megan. Ang Gangster Queen na naging kaibigan niya.







END OF FLASHBACK







---------------------------x





No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^