Saturday, May 4, 2013

Wonderful Dream [Short-Story] - A trip to Sorceress Louhi

Wonderful Dream
 ( A Short-Story for Ate Aegyo/Ruijin )




Ruijin


(Pinalitan ko na lang ulit ng font. Ang panget kasi eh)








Nandito kami sa loob ng bahay este mansyon ni Lolo Lorcan. Kasalukuyan kaming nagkakape. Akalain mo, may kape pala dito?







"Ang ibig niyong sabihin, nagising nalang kayong nandito?"  paninigurado ni Lolo. Baka daw kasi niloloko lang namin siya. Bakit ko naman lolokohin ang character na ginawa ko?







"Opo." sagot ni Ren. Ampupu. 







Hello, nandito pa ako!! Yoohooo!! Bakit na oop ako sa inyo??






Kanina pa kasi sila ng sila ang nagk-kuwento, habang ako, nakaupo lang dito. Ano ako? Display lang? Ganun?







"Saglit lang po. Pwede po bang magtanong?? Alam niyo po ba kung saan ang daan paalis sa mundong ito??" atlast, nakapagsalita rin ako.







"Oo." sabi niya at may kinuha siya sa bulsa o ewan niya.  Inabot niya sa amin ang isang kapirasong balahibo.. Teka, parang alam ko na kung ano ang gusto ni Lolo na ipagawa sa amin ah.






Obviously, balahibo ng Yosuzume o Night Sparrow ang binigay sa amin ni Lolo Lorcan. Anong gagawin namin dito??







Tsk. Tsk. Bakit ba nandito kami sa Wizard's Tale??? Alam ko isang lugar lang 'to eh...







"Ibibigay niyo 'yan para kay Sorceress Louhi. Sabihin niyo lang ang problema niyo at siya na ang bahala..."   may kung ano-ano namang ginawa si Lolo Lorcan and then poof! may parang karwahe na lumitaw sa harapan namin. 






"Pero, Lolo. Diba class S ka naman? Hindi ba puwedeng sa 'yo na lang kami humingi ng tulong?"  alanganin kong tanong. 






"Tinatamad ako eh. Siya na lang"  tooiinnnkkkzzz... Ganun?! May tamad na palang Wizard?? Ngek!






"Sumakay na nga lang kayo. Ihahatid kayo ng karwaheng 'yan kay Sorceress Louhi. Mga 3 araw bago kayo makapunta duon." 







Wala naman kaming magawa kaya pumasok na lang kami.







"Bye!! Sa muling pagkikita natin!!" sabi ni Lolo.







And bigla na lang siyang nawala. Apupu. 3 ARAW?? Hayy... Ano kayang mangyayari pagpunta namin duon???






--------------------------------x

4 comments:

  1. ahaha, natawa ako dun ng bongga! ang tamad ni lolo lorcan!!! talagang pinapunta pa kami kay louhi! baliw talaga 'tong matandang 'to! >___<

    ReplyDelete
    Replies
    1. Niyahaha.... Ok lang po ba sa 'yo na ginamit ko sila dito sa kuwento?? May naiisip na po kasi akong ending neto.. 3 or 4 more chapters to go, matatapos na po to. ^^

      Delete
  2. bitin .. sana mas mahaba ang next part .. Like ko po ito !! =D

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^