Thursday, April 18, 2013

Ang Enkantado Sa Buhay Ko: Chapter 3


Chapter Three
          “Wae?” Tiningnan ko siya ng hindi naniniwala. Engkanto daw?! Hahah! “Sige nga. Anong hitsura niya?” Kung totoo ang sinabi eh di sana may nagparamdam na sa akin! Ha!


            “Nagsasabi ako ng totoo, Miss. At ang lalaking iyon ay nagkita na kayo. Basta nababalutan siya ng kakaibang aura. Huwag kang tatanggap ng regalo sakanya kung hindi ay dadalhin ka sa kanyang kaharian.”

            Napapailing na lang ako na naglabas ng isang daan sa pitaka at binigay sakanya. “Salamat po sa panghuhula. Pero hindi po ako naniniwala sa mga ganyan.”
          “Hindi ko kailangan ng pera mo. Meron pa akong sa-”

            Hindi ko na siya pinakinggan uli. Wala akong plano na

            Nang makaalis ako doon. Nakakatwa naman iyong sinabi ng manghuhula. May nagkagusto daw na engkanto sa akin at nakita ko na siya? Don’t tell me si Matteo iyong tinutukoy niya? Siya lang kasi ang bagong nakilala ko eh. Hahaha! Engkanto daw?! Bwaahahah! I can’t wait na ekwento ko ito kina regine at isha!

            Subalit agad din nawala iyon sa isipan ko. Engkanto? Hay, impossible naman na engkanto si Matteo di ba? kung engkanto siya eh di dapat hindi mukhang tao si Matteo. Hay, alisin mo na nga siya sa isipan Princess! Manloloko iyon eh! Makapangyaya ay napakawagas talaga!

Kinagabihan niyan ay mahimbing na natutulog ako at naalimupungatan lang sa isang mahinang katok. Bigla na naman akong napabalikwas.  Naku! Sino kaya iyon?  Takot pa naman ako sa multo! Pero baka si Matteo iyon? Hindi dapat ako ma-excite kung magpapakita siya sa akin. Siya lang naman kasi ang mahilig na bumisita sa akin sa gabi eh!

            Humanda ka sa akin, Matteo!  Susuntukin ko iyang mukha mo! kahit na kahawig mo si Imran.

Binuksan ko iyong bentana. “Bwisit ka lalaki ka! Napakasinungaling mo! ba’t ngayon ka lang nagpakita ah? Ayan tuloy hindi ko masuntok iyang gwapo mong mukha!”

Pagbukas ko ay wala siya! Nilabas ko ang ulo ko at bigla na lang bumagta sa paningin ko ang nakakatakot na mukha ng lalaki! Hindi si Matteo iyon! kundi kapre! Itim siya at ang buhok niya na hindi pa nasusuklayan at ang ngipin niya ay kulay dilaw dahil sa paninigarelyo ng tabako!

“Ahhhhhhh!!!!!!!!!!”  Bigla ako napaupo sa sahig. “Kapre! Kapre!!!!!!!!”

Nakakatakot tingnan lalo na ang mga mata niya ay pula na parang dugo. God, t’s sooo creepy! Bigla siyang pumasok sa  loob. Mas malaki ito kesa sa akin dahil sa takot ay kung anong gamit na mahawakan ko ay inihagis sakanya para lang hindi makapasok!

“Waaaaaahhhh!!!!! Huwag kang lalapit!!!”

Diyos ko! tulungan ninyo ako! Ayoko pa pong mamatay! Gumapang ako ng mabilis palayo sakanya nong tangkain niyang sumugod sa akin at kinuha ko iyong picture frame and throw it directly to his face kaya naman sinamantala ko iyon at binuksan ang pinto at tumakbo pero agad din naman nakabawi sa pagkahilo ang kapre kaya naman hinabol niya ako.

“Bumaliiikkk kaa ditooo!”

            Nahintakutan na binilisan ko ang takbo at bumaba ngunit dahil sa pagmamadali ko ay nadulas ako at nahulog sa hagnda. At nawalan na ako ng malay.

            Naalimpungatan ako sa ingay kaya naman ay iminulat ko ang mga mata ko.

“Ayan tuloy nagigising na siya at kasalanan mo ito, golum!” Galit na maliit na boses. Sino iyon?

Patay na ba ako? Please lang sana sa langit ako mapadpad! Ayoko makakita ng demonyo sana sa pagising ko ay nasa langit na ako. Mabait po ako lord. Siguro ay matigas lang ang ulo ko pero never pa po ako nakagawa ng masama. Sige na po...

Pagmulat ko ay nakita ko ay isang kisame na gawa sa dahon.

Dahon? Bumalikwas ako.  Nasa loob ako ng kubo! Bakit napadpad ako dito?

“Hala ka! Golum! Ang ingay mo kasi kanina ayan tuloy nagising na talaga siya patay tayo ni panginoon, Yolloh.”

Nagbaba ako ng tingin at nakita ko ang mga maliit na duwende na nakatayo sa hita ko.

Nanlaki ang mga mata ko. “Ahh!!!! Duwende!” Bigla akong napaiyak.  Una ay iyong kapre ngayon naman duwende?  “Waaaahhhhh!!!!”

“Naku! Huwag kang umiyak, binibini! Hindi ka namin sasaktan!” parang maiiyak na iyong isang duwende na cute. “Hindi ka naman namin sasaktan ni, pipoy eh!”

“Oo nga! huwag kang umiyak dahil k-kung hi-hindi ay...waaaaahhhh!!!!!” Umiyak din iyong isa at kaming tatlo ang umiyak na at ako naman ay napatigil. Halos hindi na ako makahinga sa takot. “Hindi ka naman namin s-sasaktan eh!”

“T-talaga?”

“Oo.”

Kahit pano ay nabawasan na ang takot ko sakanila. “Sorry, natakot kasi ako dahil ngayon lang ako nakakita ng duwende. P-pero anong ginagawa ko dito? Sinong nagdala sa akin dito?”

Nagkatinginan silang dalawa.

“Dinala ka dito ni Yolloh.” Sagot sa akin ni Pipoy.

“S-sinong Yolloh?” Mangingiyak na tanong ko.

“Isa siyang kapre na nakatira sa malaking puno malapit sa bahay mo. Siya ay nabighani sa`yo kaya dinala ka niya rito.”

“Waahhh! Noooo!!! Ayoko! Ibalik niyo na ako dito!”

“Hindi ka na makakabalik sa inyo, binibini. Dahil hindi ka na makakawala kay Yolloh.” Sabi ni Golum.  “Babalik na siya dito mamaya.”

“Hindi ko siya kilala! I need to get out of here! Tulungan ninyo ako.”

Nagtinginan na naman ang dalawa. “P-pero hindi namin magagawa iyan, binibini, kapag gagawin namin iyan ay papatayin niya kami.”

Tama nga ang manghuhula. Sana isa lang itong panaginip!

“P-pero pipoy... gusto ko din makaalis na rin dito sa bahay niya. Kung tatakas naman tayo ay ito na ang mas magandang panahon.”

“Anong ibig mong sabihin?” Naguguluhan tanong ko.

“K-kasi ganito kasi iyon. Ginawa kasi kami ni Yolloh na isang alipin dito. Maliit kami sa ngayon pero pwede namin palakihin ang sarili namin. Sige na pipoy! Ayoko na dito! nagsasawa na din ako sa amoy tabakong bahay na ito!”

Nagdadalawang isip si Pipoy sa plano ni Golum pero pumayag din naman siya sa huli. Lumabas kami sa malaking kubo. Nasopresa ako sa nakita ko sa labas. Nasa isang gubat kami! At may mga ibon na kakaiba ang anyo ang lumilipad sa kalangitan.

Bago kami makaalis dito ay pinalaki nila ang kanilang sarili at kumuha ng mga tinapay at tubig. Pagkuway ay dumaan kami sa likod ng bahay. Ilang sandali palang ay may narinig kaming yabag kaya nagtago kami sa malaking puno nang sumilip ako ay iyong kapre ang nagmamay-ari ng yabag na iyon. Marami siyang dalang gamit. Tumigil siya at parang may inaamoy.

Napasinghap ako. Mas nakakatakot kasi ang kapre kesa sa duwende eh!

Tinakpan ni Golum iyong bibig ko.

“Huwag kang lumikha ng ingay baka marinig ka niya.” Bulong niya sa akin at tumango naman ako.

Nang makaalis na siya at nakasigurado na wala na siya ay ilang minuto pa ay may narinig kaming sigaw. Siguro ay siya iyon!

“Saan na tayo nito?” Tanong ko.

“Pupunta tayo sa kaharian ng albanya. Gustong gusto namin ni Golum na pumunta doon eh kung hindi lang kami ginawang alipin ni Yolloh.”

“Ligtas tayo sa lugar na iyon, binibini, dahil sa pagkakaalam namin ay lugar na iyon ay isang mayamang kaharian. Mabait pa ang hari doon.” Anang ni Golum.

“Pero... kailangan ko ng umuwi sa amin eh.”

“ikinalulungkot namin pero wala kaming maitutulong sa ganyan dahil wala kaming kapangyarihan na makapunta sa mundo ninyo ngunit sumama ka na lang sa amin sa paglalakbay papunta sa Albanya baka may isang tao ang engkantadong makakatulong sa`yo. ”

“Oh sige. Wala rin naman akong magagawa di ba?”

“Oo.” Sagot ni Pipoy.

“Dahil magkakasama naman tayong tatlo sa paglalakbay ay mas makakabuti na magpakilala kami sa`yo. Ako nga pala si Golum at ito naman si Pipoy.” Nakingiti na nagpakilala siya.

“Ako naman si Princess.”

“Katunog niya ang princesa.”

Tumawa ako. “Ang ibig sabihin ng pangalan ko ay princesa. Isa kasi iyon ingles na ginamit namin sa aming mundo.”

“Sadyang kakaiba ang mundo ninyo at ang iyong pananamit ay nakakawa.”

Tinaasan ko sila ng kilay. Nakapajama pa kasi ako.


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^