Chapter Four
Wala na akong magawa kundi
sumama sa kanila. Wala naman akong mapupuntahan eh at sabi nga ni Pipoy na baka
may makatulong sa akin na makauwi doon. Sa paglalakbay namin ay marami akong
nakakasalamuha. Kagaya ng mga fairy at nagsasalitang puno.
Ilang araw na din kami naglalakbay.
“Kelan
ba tayo makakarating sa albanya na iyan ha?”
“Malapit
na tayo, Princess, pagod ka na ba? kung gusto mo ay pwede tayong magpahinga.”
“Mabuti
pa nga, Pipoy, gusto ko na talagang magpahinga at may malapit na batis ba dito?
ang lagkit lagkit na ng katawan ko hindi pa ako naliligo!”
“Teka
lang.” Si Golum
iyon at lumuhod siya at dinikit niya ang kanyang tenga sa lupa. Hindi ko nga
din alam kung bakit eh pero sa tuwing hahanap kami ng tubig ang ginagawa niya
iyon. Sabi niya naririnig niya ang ingay ng tubig daw. “Nandon sa hilaga. Madali mo lang iyon mahahanap kung didiritsuhin mo
ito.” Turo niya. “Maghihintay lang
kami dito. at mangangaso para may makain tayo.”
“Sige.”
Dumiritso
na ako doon. Hapon din naman kaya walang problema na tumigil kami. Malapit na
ako sa albanya sana ay makauwi na ako sa amin.
Habang
naglalakad ay may naririnig akong tawa patungo sa batis. Natatabunan kasi ng
naglalakihan na halaman kaya hindi ko makita kung sino iyon. Naku po! Baka mga
lalaki iyon na naliligo o kapre! Aalis na ako dito! baka kung ano pa ang gawin
nila sa akin eh.
Aalis na
sana siya pero ang boses ng isang lalaki ang nagpatigil sa kanya na umalis sa
lugar na iyon.
“Marami ka pang kakainin na
bigas upang matalo mo ako, Orilio.”
Oh my
god! Hindi ako nagkakamali boses iyon ni Matteo! God, sana nagkamali lang ako
na hindi siya isang kapre! O ano pa sana
hindi siya tagarito!
Humakbang
ako papunta sa batis at hindi lumikha ng ingay. Tinabing ko ang damo pero agad
din ako tumigil at nagtago. May lagnat na ata ako! bakit ko ba siya bubusuhan?
Hihintayin ko na lang na matapos silang maligo. Kailangan ko din na makasigurado
na si Matteo iyon! Kung siya din naman iyon ay baka makatulong siya sa akin na
makabalik sa amin. Pwede din na hindi na
lang...
Come on,
Princess, kahit na hindi ka pa nakakita ng hubad na lalaki ay wala naman
mawawala sa`yo! Titingnan mo lang naman kung si Matteo iyon eh!
Umipon
muna ako ng hangin sa dibdib at bumilang ng ilang segundo bago ako sumilip.
Pagkuway ay tinabing ko uli ang damo then I saw him! Tama ang hinala ko! siya
nga! kaya pala kakaiba ang pananamit niya nong una at walang nakakilala sa
kanya! At ang lintik na tokwa magno-nosebleed ako eh! ang ganda ng
pangangatawan at halatang nag-wowork out siya at may six pack abs siya!
Inalis
ko ang pagkatabing and I let out a heavy sigh. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi
ko maiwasan na manghinayang dahil tagarito siya. Agh! Umalis ka na sa isipan
ko! Manloloko iyan eh! baka may balak talaga siyang masama sa akin. Hay, I
should had known na isa pala siyang enkanto! Agh! Ano ka naman princess
nagpapasok ka ng isang enkanto sa bahay mo!! at ang malala pa niyan eh
nagkakagusto ka na sakanya. Pero infairness... ang ganda ng pangangatawan!
Hehehe! Pansin ko lang iba ata ang kulay ng skin niya ngayon. Hindi siya
moreno!
Huminga
uli ako ng malalim at aalis na ako doon.
“Anong ginagawa mo dito?!”
Nanigas
ako. Patay! Nahuli ako! Isang lalaki na nakabalute na isang sundalo.
“Tumigil ka! babae!” Bigla niya hinablot ang braso ko
at pinaikot ako at inipit niya sa likod ang kamay ko kaya napadaing ako. “Isa kang pangahas! Binubusuhan mo ang
mahal na hari!”
“Anong mahal na hari ka diyan!
Eh kilala ko naman ang lalaking iyan eh!”
“Ano bang ingay iyan, Simon?”
“kya!” Bigla napapikit ako nang umahon
na si Matteo.
Hindi ko
alam kung anong nangyari pero bigla ako nakaramdam ng antok at ang huli kong
narinig ay ang pagtawag sa akin ni Matteo.
>>> CHAPTER 5 HERE
pNgahAs!!! biNobOsohAn dAw aNg hAri,,, hwAhAha,,, taWa muCh,,,
ReplyDelete