Thursday, April 18, 2013

Ang Enkantado Sa Buhay Ko: Chapter 5


Chapter Five
“Pakawalan ninyo ako! Wala akong ginawang masama! Kahit na sabihin niyo pa iyan kay Matteo!”


Hindi ako nakapagpigil at sumigaw. Pagkagising ko kanina ay nandito na ako sa loob. Hindi ko alam kung anong ginawa ng sundalong iyon sa akin.

“Tumahimik ka, babae! At sinong tinutukoy mong Matteo? Walang matteo na lalaki dito!” Hinampas niya ang kanyang kamay sa bakal.

“Waaaaah! Wala naman po akong masamang ginawa eh! I do not deserve this! Tama na iyong nakidnap ako ng isang kapre!”

“Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo pero ito lang ang sasabihin ko sa`yo mamatay ka na dito sa kulungan o kung hindi naman ay ipatapon sa mainit na bulkan!”

“No! you can’t do that! I will sue you for this!” Hindi na niya ako pinansin. Letse! Hindi ko pala sila makulong dahil wala naman ako sa mundo ko! Walang wala ako dito sa mundo! Tanging ang makakatulong lang sa akin ay si Matteo. “Tama! Mama pwede niyo po ba tawagin si Matteo iyong naliligo sa batis?”

Bigla siyang humarap sa akin and he pointed his spears at me kaya naman napaalis ako sa mga bars.

“Isa kang lapastangan sa hari! Huwag mo matawag-tawag na Matteo ang hari dahil hindi iyon ang kanyang pangalan. Siya ay si Haring Alteo!”

“Hindi po! Kahit na sabihin niyo pa sa hari niyo na kilala niya ako. Narinig mo naman siya kahapon na tinawag niya ako sa pangalan ko!”

Hindi parin niya ako pinagbigyan. Bumalik na ito sa pwesto niya nang dumating ang isa pang sandalo. Mukhang mas mataas ang antas niya kesa sa matandang sundalo na kausap ko kanina. Inutasan niya ito na buksan ang pintuan at ako naman ay tumayo. Siguro ay inutusan siya ni Matteo na pakawalan ako!
“Sabi ko sa inyo eh! kilala ako ng hari ninyo.”

“Huwag kang humabi ng iyong kasinungalingan. Ang hari ay nasa pagtitipon at kinakausap niya ang mga ministro huwag ka matuwa dahil dadalhin kita sa tuktok ng bulkan. Sinisintisiyaan ka na ng kamatayan.”

“Ano?!” Lumapit siya sa akin at tinalian niya ang kamay ko na isang lubid. Maluwag iyon pero ilang sandali ay humigpit iyon. Hindi pwede ito! hindi man lang nila ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag kung bakit ako nandon. Totoo na sumilip ako na naliligo si Matteo pero gusto ko lang na makomperma na totoo ang hinala ko na siya iyon eh!

Pumalag na ako. Pilit na matanggal ang tali pero mas lalo iyon humigpit. “Mas makakabuti na hindi ka na lang magtangka na matanggal iyang tali dahil kung ipagpipilitan mo ang sarili mo ay mapuputol iyang kamay mo. Hindi iyan ordinaryong lubid lamang dahil ginamitan iyan ng salamangka na mas lalong humigpit kapag iyong tao na iyon ay magtangka na makawala.”

 Tumigil naman ako sa ginagawa ko. Ayoko pang maputulan ng kamay na wala sa oras. May kunting panahon na lang ako.

“Heneral!” Tawag ng isa sa mga kasamahan nya.

“Bakit?”

“Hindi ba natin hihintayin ang hari na siya ang hahatol sakanya?”

“Hindi na kailangan. Ang kagayang babaeng ito ay kailangan mamatay.”

“Pe-pero...”

“Tumahimik ka na lamang! Gusto mo ba mamatay din kagaya ng babaeng ito?” Umiling ang kawawang lalaki. “Halika na! bilisan mo!”

Hinablot niya ang braso ko at marahas na pinalabas sa kulungan. At habang naglalakad ay nadadaanan ko ang mga walang buhay na statwa sa pasilyo. Dumaan kami sa likod nito at kami lang tatlo ang lumabas. Paglabas namin ay nagulat ako sa nakita ko dahil nakaabang ang isang griffin! Kasing laki niya ang elepante.

Doon kami sumakay at dinala nila ako sa tuktok ng bulkan. Naku po! Hindi ko pa kayang mamatay! Alam ko na parati ko sinasabi sa sarili ko na sana mamatay na ako kapag depress ako pero... hindi sa ganito ako mamatay! Waah!

Kung mamatay naman ako gusto ko rin naman nasa kabaon ako at maraming tao na nagdadasal saakin! Hindi sa ganito na magiging abo na ako at hindi ko man lang malalaman ng ina ko na patay na ako!

“Ano pa ang hinihintay mo?! Tumalon ka na!”  

I look down at napakainit niyon ah! Magiging abo na ako nito kapag nahulog na ako dyan! Kailangan mong mag-isip princess!

“Hindi ko kaya!” Tinutok ng heneral na ito ang kanyang espada sa likod ko.

“kayanin mo! kailangan ka ng mamatay!”

Kung siya kaya ang nasa kinatatayuan ko? gusto niya bang mamatay! “Sige. T-talon na ako pero pwede ba ibaba mo iyang espada mo?” Inilayo lang niya ang espada.

“Tumalon ka na.” 

GOOD LUCK! Sana maging success itong plano ko. Imbes na tumalon sa bibig ng bulkan ay tumalon ako patalikod sakanya kaya naman natumba ito at ako naman ay gumulong-gulong pababa! Waaaaaah! Ang sakit ng katawan ko. dahil sa mga bato!

“Lintik naman! Naungasan ka, Heneral Arabon!”

“Anong tinitingin mo diyan?! Sundan mo!” narinig ko sakanila. Ako naman ay patuloy lang sa paggulong at naku po! Palapit na ako sa malaking bato! Napapikit ako at hinintay na lang ang pagtama ko sa bato pero hindi ako tumama sa bato. Naramdaman ko na lang na tumigil ako sa paggulong at naramdaman ko din na lumulutang ako sa ere. Nalula ako sa taas na iyon dahil pataas na pataas kasi eh! 

Pinikit ko uli ang mata ko kasi nalula na talaga ako. Hindi ko kere ito! naiiyak na talaga ako dahil naawa na ako sa sarili ko. I don’t deserve this...

Naramdaman ko nalang na may kamay sa na para bang sumalo sa akin. Nang idinilat ko ang mata ko ay nakita ko ang mukha ni Matteo. Nakikita ko sa mukha niya ang pag-alala sa akin.

Kinarga niya ako na pinabridal style. Hindi ko alam kung bakit pero dahil sa napakalapit niya—suddenly my heart twitch and started to beat fast. Inalis niya ang naligaw na buhok ko sa mukha. “Magiging maayos na ang lahat. Pasensiya ka na at huli na ako dumating. Sana ay mapapatawad mo ako, princesa.”

Napamaang na lang ako sakanya hindi ko kasi inaasahan na darating siya. Bumaba na kami. Nang lumapag na kami sa lupa ay naglakad siya patungo kay Heneral—whatever his name is! Nagulat pa siya nang makita niya ito.

“Mahal na hari!”

Nakakahiya. Hindi parin kasi niya ako binababa eh! Magsasalita na sana ako pero nagsalita na si Matteo este Alteo pala. 

“Anong ginagawa niyo sakanya? Bakit niyo siya sinintensiyaan ng kamatayan na walang pahintulot ko? magpaliwanag ka sa akin, Arabon.”

Nagbaba ito ng tingin. Dahil ginamitan ng ma-autoridad na boses ni Alteo si Arabon.

“Ginawa ko lamang ito dahil sa kapakanan mo, mahal na hari. Dahil ang babaeng iyan binusuhan ka habang naliligo sa batis at hindi lang iyon ay napakasinungaling niya kilala mo daw siya at hindi tinatawag ka niya sa ibang pangalan ng lalaki.”

“Ang lahat ng sinasabi ng babaeng ito ay totoo. Pumunta ako sa isang piging at nakilala ko siya doon at nagpapakilala ako sakanya sa ibang kataohan, Arabon. Hindi niya alam na isa akong hari.”

“Kami’y humihingi ng tawad sa inyo, mahal na hari, hindi na namin ito uulitin.”

“Hindi ako dapat ang hingan mo ng tawad kundi kay princess.”

“Princesssss?”

kahit na makirot na ang katawan ko ay sumingit ako sa usapan nila. “Kung hindi mo nababatid, ginoo, ako po iyong tinutukoy niya. Princess ang pangalan ko.” Lihim na tiningnan niya ako ng masama. Kaya naman napakapit ako sa leeg ni Alteo. “Kung inaakala mo na papatawarin kita ng ganon kadali pwes hindi `no.”

“Ano naman ang gusto mo ibigay na parusa sa dalawang ito?” tanong sa akin ni Alteo.  Nahihiya na bumitiw ako sa leeg niya.

“Kung gusto mo, binibini, na ipakain mo kami sa dragon ay gagawin namin.” Sabi ng dalawa. Sobra naman sila. Ipakain talaga sa dragon?

“Pag-iisipan ko pa.”

“Kung iyan ang gusto mo. Halika na at dadalhin na kita sa palasiyo at gamutin na rin iyang mga sugat mo at makapagpahinga ka na rin. Kaya mo na bang tumayo?”

“Siguro? Ibaba mo na lang ako heheh! Nahihiya naman sa`yo.” Ngayon ko lang naalala na hindi naman ito mangyayari sa akin kung hindi sakanya at sa kapre eh. Pero tinatago ko na lang ang inis na naramdaman ko dahil isa siyang hari at baka kung anong gawin sa akin. Speaking of hari... may asawa na ba siya? dahil kasi sa mga nababasa ko na walang magiging hari kung walang reyna. Pakshet, bakit ba ako naghihinayang?

Tsaka, hindi kami bagay dahil enkantado at ako naman ay mortal na tao? Teka ano ba ang difference sa enkantado  sa mga tao? Ewan! Ano ba ang dapat kong sabihin? Taong ibabaw at lamang lupa ito? lol! Hindi bagay!

Imbes na ibaba niya ako ay nagpatuloy lang siya sa paglalakad karga ako.

“Mahal na hari, bakit mo ba pinoprotektahan ang babaeng iyan?” Tanong ni Arabon sakanya. Oo nga naman bakit ba niya ako tinutulungan at pinoprotektahan? Ano ba ako sakanya? Eh dalawang beses lang naman kami nagkikita.

“Siya ang magiging reyna ng kaharian ko.”  Nabigla ako sa sagot niya. Ano daw?! Magiging reyna?! Who?! Sino?! Ako?! Baka bingi lang ako!





3 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^