Friday, April 19, 2013

When Mr. North Pole meets Ms. South Pole : Chapter Fourteen


Chapter 14


Sila Na!!!


(Gina POV)


            After eleven days, we finally graduated college. Syempre super proud sina Tito at Tita dahil naka-graduate si Gio at cum laude pa. Kahit na hindi ko na sya boyfriend, super proud pa rin ako para sa kanya. Hindi ko man sya boyfriend, wala man na kaming relasyon, pero mahal ko talaga sya kaya proud pa rin ako.



            “And because the two of you graduated, we’ll have an out-of-the-country vacation!” super excited na balita ni Tita sa aming lahat. “And we will go to… Thailand!”


            I should be happy, I must make the most out of all the remaining days that I’m with them. After less than a month, uuwi na ako sa England and I’m not sure if I can see them again.


            “Problem?” biglang tanong sa akin ni Ate Billy. “Kanina ko pa napapansin na tuliro ka, may nangyari ba?”


            They already know about the break up, and they respect naman Gio’s decision. Sa totoo lang, wala naman sa akin kung si Gio ang nakipag-hiwalay, hindi yun big deal sa akin kahit na babae ako at sya yung lalake.


            “Ate Billy, I have something to tell you. But please don’t tell it to anyone, even to Kuya Nathan.” Eh syempre, madaldal tong si Ate, kaya malaki yung probability na masabi nya kay Kuya, but I have to do it. “In two weeks time, aalis na ako ng Pilipinas, and I’m not sure if makaka-balik pa ako.”


            “What?” naka-sigaw na tanong ni Ate Billy, tuloy napa-tingin silang lahat sa aming dalawa. “Ay, sorry. Don’t mind us, just a simple girl talk.” And she pulled me away from them. “Nag-break lang kayo ni Gio lalayas ka na agad! Konting problema wala kayong ibang alam gawin ni Gio kundi ang mag-break, ang wag mag-usap ng masinsinan. Sa tingin nyo ba maaayos nyo yung mga problema nyo? Sa tingin nyo ba magkakatuluyan pa rin kayo kahit mag-soulmate kayo kung para kayong grade one kung umasta?!”


            Paaaakkk!!! Sapol na sapol ako sa sinabi ni Ate Billy, pero tama naman sya kaya wala akong masabi. Buti pa sya napansin nya na lagi na lang kaming ganon kapag may problema, pero kami hindi kasi wala kaming ibang alam gawin kundi ang magpataasan ng lipad.


            “Kung balak mo na talagang umalis, mag-paalam ka ng maayos, hindi yung basta ka na lang lalayas. Hindi naman namin hahadlangan yung gusto mo, kasi alam namin na iyon ang kailangan mo.”


            After she said that, bumalik na ulit sya kila Tita na pinag-uusapan pa din kung saan pupunta as celebration. I don’t want to spoil anything, pero ayoko rin naman na pagtagalin pa to.


            “Ahm Tita…” oh gosh, kinakabahan ako “I think hindi na po ako makakasama dun sa bakasyon ninyo.” Kumunot naman agad yung noo ni Tito at Tita, sama mo na yung tatlong magka-kapatid maliban kay Gio.


            “Why?” tanong ni Tita Glenda.


            “My mom called me last last week. She told me na kailangan ko ng bumalik sa amin dahil tapos na yung one-year na hiningi ko sa kanilang freedom.”


            Si Kuya Nathan naman yung nagtanong. “Saan ka ba pupunta, sabay na lang kami sayo para kasama ka pa rin naman sa bakasyon.” Nakakatuwa namang isipin na gusto pa rin nila akong makasama.


            Ayoko pa sanang sabihin, kaya lang dun din naman mapupunta ang lahat, so why prolong the agony?!


            “Babalik na ako ng England, kuya Nathan.”


            Bigla namang nag-walkout si Gio, malay ko kung bakit.


            “Ate Gina, maganda ba sa England?” tanong ni Ran.


            Maganda kung sa maganda, pero how can you appreciate that beauty if your not happy? Masarap mamasyal sa lugar na yon, maglakad-lakad habang hawak mo yung kamay ng mahal mo. The place is so damn romantic, ang lakas maka-moment. It’s the perfect place to think about the future.


            “That’s a very beautiful place Ran, most especially for lovers.”


            Si kuya Nathan naman biglang nagliwanag yung pagmumuka nya, nakarinig lang na perfect yung place para sa lovers eh. “Really Regina? It’s settle then, sa England tayo magbabakasyon.” What? Nababaliw na yata tong si Kuya. “Heard that sweetheart, the place is perfect especiall for lovers. Malay mo sweetheart, dun na tayo makabuo ng little Nathan and Billy.” Seryoso, dun pa sila gagawa? Ako nagluluksa, tapos sila dun pa gagawa! “At kapag naka-buo tayo dun, babalik tayo lagi doon.”


            Si Tito and Tita naman nawindang dun sa suggestion ni Kuya Nathan, for sure malaki na naman ang magagastos nila though kaya naman nila for sure yung mga expenses.


++++++++++++++++++++++++++++


(Gio POV)


“My mom called me last last week. She told me na kailangan ko ng bumalik sa amin dahil tapos na yung one-year na hiningi ko sa kanilang freedom.”


            What a perfect time para pauwin sya ng parents nya, kung kailan meron pa kaming misunderstanding at hindi pa kami nagkakabalikan. Bigla na lang akong umalis, naiinis ako sa kanya.


            Ganon na lang ba yon, basta na lang nya akong lalayasan? Tangna ko naman kasi, ilang linggo yung lumipas pero hindi ko pa rin sya kinausap. Tapos ngayon kung makapag-inarte ako akala mo nagawa ko na ang lahat ng pwede kong gawin para bumalik kami sa dati. Nakaka-inis talaga, ang gago ko!


            “Hey Gio, nasaan sila Tita? Bakit hindi mo sila kasama?” tanong ni Lalaine nung Makita nya ako na naglalakad papunta kung saan. “Teka, saan ka ba pupunta?”


            Saan nga ba ako pupunta? Hindi ko rin alam sa totoo lang, basta gusto ko lang munang mapag-isa.


            “Uuwi na ako Lai, masakit na kasi ulo ko.” The perfect alibi I can give to her.


            Pero syempre, dahil bestfriend ko sya… “FYG, you’re lying. Si Jules na lang, pero wag na wag ako ang lolokohin mo dahil hindi ka uubra.” Kita nyo na, she knows me too well. “So, what’s the latest between you ang Gina, nakapag-usap na ba kayo?”


            Oo nga naman, sa dami ng pwede kong pag-sinungalingan si Lailani pa ba eh bestfriend ko yan. Hindi ko nga alam eh, nasa kanya naman lahat ng gusto ko sa isang babae, pero bakit hindi ko sya magawang mahalin ng mas higit pa sa isang kaibigan.


            “Sa tingin ko Lailani, hindi pa sila nag-uusap na dalawa ni Regina. Wag mo na kasi silang pakelaman, hayaan mo sila na ayusin ang sarili nilang problema.” Biglang sabi ni Jules.


            Himala, hindi yata nagalit si Lai sa sinabi ni Jules. Hindi laya meron ng something sa dalawa na to at hindi lang nagsasabi sa akin?


            “Umamin nga kayong dalawa, kayo na ba?”


            Bigla namang naging Go Diego, Go! ang drama, bigla ba namang naging gala at kung saan-saan pumapasyal ang tingin. Langya, sinasabi ko na nga ba eh.


            “Graduation gift mo ba Lai kay Jules ang pagiging girlfriend mo sa kanya? Anak ng teteng ka Jules, matapos ang apat na taon nagbunga na din ang paghihirap mo!”


            Yung totoo, masaya ako para sa kanilang dalawa. Akala yata nila hindi ko napapansin mula pa noon na gusto nila yung isa’t-isa, pero talagang natutuwa ako dahil alam ko na magtatagal silang dalawa, hindi katulad naming dalawa ni Regina.

















[a/n: pasensya na sa masabaw na update.. babawi na lang ako sa finale... minadali ko kasi yang chapter na yan dahil excited na ako sa naisip kong finale... basta paramis, babawi ako!!!]





4 comments:

  1. Ito na, habang nagsisimula pa lang ako sa pagbabasa ay sinisimulan ko na rin ang chapter review este comment ko para dito.

    Una, awts lang!!! awts lang dahil aalis na ako papuntang England! epal much naman kasi ni mommy ko eh! i swear, kung ganyan ang mom ko in real life, ay nako lang! buti na lang at hindi kasi pinababayaan niya kami when it comes to the person na mamahalin ko. ahihihihi...

    anyway, now that it's settled na sa England, hayop much lang din si Nathan! naisipan pa na dun nila gawin ni Billy ang mga supling nila? ay naku lang ha!!! tama yung part na nabasa kong ako naluluksa samantala siya, ganun pa yung naiisip na gawin! ahaha, adik lang talaga at napaka-hilid ni nathan! lels~

    to be continued...

    ReplyDelete
    Replies
    1. walanjo, ito na ang continuation...


      tama ka nga espren, ubod sa bitin itong ginawa! how dare you do this to me? you don't do that to me espren!!! ahahaha!!!

      pero nagulantang naman ako sa bilis ng pangyayari at si lai at jules na pala!!! bakit parang naalala ko lang sa kanila ay awayan? lels~ tapos naging sila!!! dinaig pa talaga kami ni gio ha!



      at ikaw naman gio ka, oo, tama ka!!! ang gago mo talaga! kaya wag kang mag-inarte jan na lalayasan kita! jusmio kang lalaki ka, ilang linggo mo akong hindi kinausap! how dare you too! you don't do that to me!

      Delete
    2. PS. buti ito hindi ko nakalimutan! nung nabasa ko yung text mo about dun sa finale, ay naku, promise hindi ako mapakali!!! shutang inabex lang, anong ibig sabihin nun? you don't do that to me espren!!!

      gusto ko kaming dalawa pa rin ni gio hanggang sa huli! parang awa mo na kundi, magpapatiwakal talaga ako!

      Delete
    3. Pasensta ka na talaga espren at iyan lang ang laman ng ud ko. Mindali ko yan para magawa ko na yung sa finale, baka mag-disappear na naman mga ideas ko.


      PEro etong tunay espren, nakaka-iyak ang finale ko. Pinaiyak ko ang sarili ko. Nilabasan ng lyha ang mata ko, pati na rin ilong at buong katawan ko dahil sa inyo ni Gio...


      Sisiguraduhin ko na magugustuhan mo ang finale.. dapat ipo-post ko na sya kagabi, kaya lang nagluko yung broadband na gamit ko kaya eto, phone na lang gamit ko.. at ang malupit pa sa lahat, wala kaming kuryente kagabe! Bwisit na ulan yun!!

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^