Saturday, August 31, 2013

Ang Enkantado Sa Buhay Ko: Chapter 6

Ang Enkantado Sa Buhay Ko
Chapter Six


Yamot na nakatanaw lang sa labas ng bentana. Mula ng diniklara ni Alteo na ako daw ang magiging reyna niya ay nag-iba na ang pakikitungo sa akin ng mga tao sa palasiyo. They treat me like a princess-ehem! What I really mean PRINCESS hindi iyong pangalan ko. Nakapatong ang mukha sa kamay at nakatunganga. Hindi ko talaga inaasahan ito dahil hindi pa namin kilala ang isa't isa. Siguro may crush ako pero hindi siguro iyon katindi na magpapakasal na talaga. Baka naman may dahilan? Teka... ipagtagpit ko nga. Una hindi ako tagarito. Pangalawa, wala akong kapangyarihan. Pangatlo ayoko sa walang lasang pagkain. Ayaw kasi nila ng asin eh.

Iyon ang napansin ko sa mga pagkain nila. May masarap naman pagkain pero gusto ko talaga ng may maalat alat na pagkain eh. Napakalaki ng kwartong iyon parang nasa isang arabian room eh iyong parang royalty talaga. Tiningnan ko ang sa baba. Gosh, so taas talaga!

Magaling na din ang mga sugat ko at hindi na sumasakit ang katawan ko. Salamat sa manggagamot nila. My wounds already healed.

"Naiinip ka na ba?"

"Oo, walang magawa dito eh..." Walang ganang sagot ko pero napatuwid ako ng upo at napalingon. Si Alteo iyon. Pano siya nakapasok dito? Sinulyapan ko ang pinto na nilagay ko talaga ang mga upuan cabenit para lang walang makapasok. "Pano-"

"Hindi mo kasi binubuksan ang pinto kahit anong tawag ng mga dama sa'yo."

"Hmp! Ayoko makipag-usap sa mga sinungaling na kagaya mo. At ano nga uli ang sinabi mo kahapon? Nagkita tayo sa isang piging at magiging reyna mo ako? kelan pa iyon? ahh.. wait, sa panaginip ko siguro."

"Wala akong magagawa kundi iyon ang sabihin ko."

"Bakit?"

"Dahil kapag nalaman nila na isa kang taong ibabaw ay baka patayin ka nila. Ang mga tagarito sa mundo namin ay galit sa mga taong tagaibabaw."

Umupo siya sa kama ko. Eh! ang gwapo talaga niya eh! sige na may crush na ako sa enkantado na ito! isang hari pero ang problema ay hindi kami bagay. Langit siya lupa naman ako. Ano ito teleserye?

"So, kailangan ko na ilihim natin ito at walang makakaalam?"

"Tama."

"Ibalik mo na lang kaya ako sa amin para wala ng gulo."

"Hindi maari."

"Grr... anong hindi pwede? Ikaw nga eh nakakapunta doon eh bakit ako hindi pwede?"

"Dahil sa pagkakaalam ng lahat ay ikaw ang magiging reyna ng albanya at magtataka sila kung bakit nawawala ka at hindi na mawawala."

Ginulo ko ang buhok ko sa inis. "Bakit mo naman sinabi sakanila na magiging reyna ako eh! anak ng tokwa!"

"Isa pa. Kahit naman hindi ko iyon sabihin ay hindi ka rin naman makakaalis dito. Dahil ang taong tagaibabaw ay hindi na makakabalik sakanilang mundo. Ah, siyanga pala papano ka nakarating dito sa mundo namin?"

I told him the reason na may isang nagngangalan Yolloh na kapre na kumidnap sa akin. At gusto ko ng umiyak dahil sa sinabi rin niya dahil daw hindi na ako makakaalis dito. Tatanggapin ko na lang ba ang offer niya sa akin na magiging asawa niya? Ayoko parin kasi nababasa ko kasi sa true story na horror na may nagkagustong enkantado sa isang babae din hindi na nakabalik kagaya ng nangyari sa akin pagkapos niyon ay hindi maipaliwanag ay namatay na ito na ewan. Natatakot din ako na baka ganun din ang sapitin ko. Siguro, pinatay iyong babae dahil hindi ito enkantada at pinabalik na sa mundong ibabaw na walang buhay na.

"Pero pano kung malaman nila?"

"Hindi nila malalaman iyon kung walang nakakaalam maliban sa atin."

"Kahit na. Ayoko parin. Dahil madali akong mainip lalo na sa ganitong panahon na walang computers at ano pa na mas convenient sa akin."

Nakakunot ang noo niya. "Hindi ba mapapantayan ang mga kagamitan dito sa mundo niyo?"

"Ewan, Hindi ko alam hindi ko pa kasi nararanasan na wala iyon eh. tsaka hindi naman natin mahal ang isa't isa no."

"Wala akong problema kung tayo ay magpapakasal."

Napaismid ako.

 Wala dahil kung gugustuhin mo naman na maghiwalay tayo ay pwede naman worst ay baka gumawa pa ito ng mistress! Parang wala lang kasi sa kanya ang magpapakasal eh... Waahh! I don't want to! Hindi pa ako ready! Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko eh lalo na kung magiging reyna ako? sa malaking kaharian na ito?

"Bigyan mo muna ako ng panahon para mag-isip. Hindi madaling gawin iyang sinasabi mo."

Narinig ko pa siya bumuntong hininga. "Kung iyan ang gusto mong gawin, princesa."

"Pwede ba princess na lang. Naabalidbaran ako eh." Para naman ako isang princesa niya eh hindi naman. Baka napilitan lang naman ito na magpakasal sa akin dahil ayaw niya na mapatay ako.

"Dito ka lang ba magmukmok?"

"Oo. Ano naman ang gagawin ko sa labas? Eh hindi ko nga kabisado ang lugar na ito eh. Baka sumulpot na naman iyong kapre na iyon."

Lumapit siya sa akin at bigla niya inalis iyong naligaw na buhok ko kagaya ng dati.

"Anong silbi ko rito kung hindi kita ipapasiyal dito?" He gave me a stunning smile. Huwag mo akong ngitian na ganyan, please!

Pagkatapos niyon ay lumabas na kami at kagaya ng inaasahan ko ay maraming mga enkantado dito na nagbigay pugay. Hay, hindi talaga ako sanay na bigyan ng ganitong attention. Nakahanda na pala ang karwahe at ang akala ko pa naman ay mamasiyal na kami lang subalit kabaliktaran pala iyon dahil kasama namin ang mga guard niya at dama. Wew, akala ko pa naman ay isa itong date pero iyon pala hindi.

Nandito na kami sa kanilang sa bayan. Halatang masayang namumuhay sila dito at satisfied sila sa pamamahala ni alteo.

Bago kami bumaba sa karwahe ay doon kami sa walang gaanong tao. Pinasuot nila ako ng balabal at pati na rin sila para daw hindi kami makilala.

"hindi naman nila ako kilala ah." Sabi ko sa isang guwardiya na nagbigay sa akin ng balabal.

"Iyon ang akala mo, mahal na reyna..."

Shet, reyna talaga? hindi naman ako reyna ah! Siguro kahit na inanunsiyo ni Alteo iyong ako ang magiging reyna eh hindi naman kami kasal? Gulay, ano kaya ang mangyayari kung matuloy talaga ang kasal? Waah! Hindi ko kere ito! Somebody please punch me! "Kalat na kalat na ang balita rito na ikakasal na siya at dahil na rin sa tulong ng majika ay malayang makikita nila kung anong hitsura ng babaeng iyon at ikaw iyon."

Waaah! "Hindi pa naman ako pumapayag ah." Masamang tiningnan ko si Alteo. Hindi naman niya napansin iyong masamang tingin na binigay ko sakanya. Ilang Segundo pa ay napansin ata niya ang titig ko kaya naman nag-iwas na lang ako ng tingin.

Ang ginawa namin dito ay namamasiyal. Mas maeenjoy sana ako kung hindi ko lang kasama ang mga gwardiya eh. Napaka-seryoso nila tingnan para bang anumang oras ay may aatake sa amin. Lumayo ako ng kunti sakanila at huminga ng maluwag.

"Mukhang hindi ka masaya dito ah."

Sino ba naman ang magiging Masaya kung kahit saan ka pupunta ay may bantay? Pero hindi ko pinahalata sakanya iyon bagkus na umiling at tumawa ng mahina. "Anong hindi Masaya? Masaya kaya! Ganito lang talaga ang mukha ko."

Parang hindi siya kumbensido sa sinabi ko. Tinitigan niya aketch at ako naman ay parang ice cream na matutunaw sa mga titig niya. Ginantihan ko din siya ng titig at heto na naman iyong puso ko kay bilis ng pagtibok. I gasp when he suddenly hold my hand firmly.

"H-hey..." Aalisin ko sana iyong kamay ko pero mahigpit ang pagkahawak niya. Hinila niya ako paalis sa lugar na iyon at kahit ang mga gwardiya na kasama namin ay hindi kami napansin.

"Sumama ka sa akin. May pupuntahan tayo." Sabi niya sa akin at tumakbo kami ng mabilis.

Hindi parin maalis ang titig ko sa mga kamay namin. Para bang ilang boltahe na dumadaloy sa ugat ko. 

Nakalabas na kami sa bayan at tumigil lang kami doon sa maliblib na lugar.

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^