Friday, August 30, 2013

Friends Zone : Chapter 32


[Pagbabalik tanaw sa nakaraan]



[Earl's POV]


=flashback=


Four years ago...


Tumatak sa isip ko ang sinabi ni Laxus.


"problema ba yun? Eh di sundan mo sa Japan"

Kaya naman agad akong nagbook ng flight papuntang Japan. Luckily meron naman akong nakuha. Salamat sa connection na dala ng apelyido ko. Iba na talaga ang sikat at mayaman.


Bukod tanging si Jeirick lang ang sinabihan ko ng planong pagsunod kay Jhonah. Ayoko din naman kasing asarin ng barkada. Atleast si Jeirick maiintindihan ako.


"Anong ginagawa mo dito?"


Iyon ang salitang ibinungad sakin ni Jhonah nung makita niya akong naghihintay sa sala ng bahay nila.


"Nilayasan mo nalang ako bigla. Hindi ka man lang nagsabi" di mapigilang sumbat ko "Tapos ganyan pa ang sasabihin mo sakin? Para namang kapitbahay lang ng Pilipinas ang Japan diba?"


"Eh sino ba naman kasing tanga ang nagsabi sayong pumunta ka dito?"


"Pumunta ako dito kasi nandito ka"


Saglit na natigilan si Jhonah sa sinabi ko.


"Bakit ang unfair mo? Nung sinabi kong liligawan kita bigla ka nalang umalis..tapos you’re expecting na okay lang sakin yun? You just walk away out of my life"


" Wag mo nga akong patawanin Earl. So you expect na paniniwalaan kita?"


"Because its true...its true when I said I Love You. Ano bang mahirap intindihin dun?"


"Iyon. Iyon ang mahirap intindihin. Hindi ko maintindihan kung bakit mahal mo ako. Ako na boyish. Ako na na hindi marunong mag ayos. Ako na hindi uso ang suklay at make up. Ako na kabaligtaran ng mga babaeng nagkakagusto sayo. Now tell me Earl sa tingin mo ba ganun kadaling tanggapin yun? Bakit ako?"


" Ikaw ang mahal ko. Ikaw kung sino ka. Iyon ang intindihin mo at di kung ano ano"


"Sorry Earl...pero hindi ko talaga kayang intindihin at tanggapin na mahal mo ako. Pwede ka ng umalis. Busy ako"


Iyon lang at walang sabi sabing iniwanan na niya ako. Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko.


Nabasted na ako.


Iyon ang malinaw.


***


Pero hindi pa rin ako tumigil sa panunuyo kay Jhonah. Isang linggo akong nagstay sa Japan for her. Pero nanatili siyang matigas. Pinapahiya at tinataboy niya ako.


" I think you should give up now" sabi sakin ni Quincy. Kaskype ko kasi siya ngayon at di ko mapigilang ishare sa kanya ang pinagdadaanan ko.


" Pero ayokong tumigil. I love her Quin"


" Pero ikaw ba mahal niya? Youre just wasting your time. Lagi ka naman niyang tinataboy diba? Besides magstart na ang class next week. Bumalik ka na dito"


"Ewan ko. Pag-iisipan ko"


"Hay naku. Earl you should clear your mind"


"Dito nalang din kaya ako mag-aral?"


"Earl!"


"Okay..okay..sige na bye na"


"Bye"


Pagkaclose ko ng skype ay ipinasya ko na patayin na ang laptop ko.


Susubukan ko siya ulit kausapin bukas.


***


But all of my effort was wasted. Hindi pa rin talaga ako kinakausap ng maayos ni Jhonah. Kaya naman ipinasya ko ng bumalik sa Pilipinas.


Leaving my heart broken.


***


Magmula ng bumalik ako ng Pilipinas nagmistula akong zombie..sobrang sakit naman kasi eh...nung una palang minahal ko na si Jhonah. Kaya ang ipagtabuyan niya ng ganun eh hindi ko matanggap. Hindi rin ako makausap ng matino ng barkada.


Matagal din akong naging ganun. Hanggang sa grumaduate na kami. Ni minsan hindi man lang umuwi ng Pilipinas si Jhonah. Kahit nung graduation namin ng kuya niya. Wala na din kaming naging balita sa kanya. Bin-lock niya kami sa lahat ng social networking sites.


Hanggang ganun nalang siguro talaga. Nagsimula na din akong hawakan ang business na ipinagkatiwala sakin ng parents ko. Nung una mahirap dahil wala naman akong alam sa nature ng business namin. Pero katagalan ay natutunan ko na din naman.


Then one year ago...sa isang party nakilala ko si Aiesha. We started dating. She's fun to be with kaya naman nagustuhan ko na din naman siya...


Although paminsan minsan naaalala ko pa din si Jhonah.


***


<Jhonah's POV>


Four years ago ginulat ako ni Earl ng bigla nalang siyang sumulpot sa bahay namin at awayin ako sa bigla kong pag-alis. He said na gusto niya ako...na mahal niya ako. Pero hindi ko siya pinaniwalaan. Hindi dahil sa nagsisinungaling siya..kundi dahil alam kong hindi ako nababagay sa isang tulad ni Earl.


Maraming babaeng mas nararapat sa isang Earl Francisco.


At hindi ako yun.


***


"Alam mo ikaw siraulo ka talaga"  sermon sa akin ni Regine minsan.


Sa mga kaibigan ko tanging si Regine lang ang kinokontak ko. Maski si Richelle hindi ko kinakausap.


“Ako pa talaga ngayon ang siraulo” nagtatampong sabi ko sa kanya.


“Anong gusto mong gawin ko? Kampihan ka? Jusko Jonalyn magtino ka nga. Sobrang effort na nga yung ginawa ni Earl para sayo pero anong ginawa mo? Trinato mong parang aso yung tao” sermon sakin ni Regine.


“Grabe ka naman. Hindi naman sa ganun”


“Anong hindi sa ganun. Ganun na din yun noh! Alam mo ba kung gaano nagdusa at nalungkot si Earl sa ginawa mo? Sarap mong untugin sa pader para matauhan ka eh”


“Hindi mo kasi ako naiintindihan”


“Naiintindihan kita. Ikaw ang ayaw umintindi sa sarili mo. Mahal ka nung tao. Pero anong ginawa mo?”


“Hindi ako bagay para sa kanya. Pagtatawanan lang siya ng mga tao”


“Sino ba ang masusunod ah? Ibang tao ba? Hay naku! Ewan ko sayong babae ka. Tama nga sila. Kung anong talino mo sa ibang bagay. Siyang Bobo mo pagdating sa pag-ibig”


“Bobo talaga?”


“Oo. Hay naku. Bahala ka nga. Kapag si Earl nakamove on sayo. Kawawa ka”


Iyon lang at binabaan na ako ng telepono ni Regine.


***


Then three years has passed. Nabalitaan ko nalang from Regine na may girlfriend na daw si Earl.


Aaminin ko masakit. Masakit nung nalaman ko na may girlfriend na siya.


Eh kasi naman eh.


Ang tanga tanga ko kasi.


Mahal ko naman siya eh. Natatakot lang talaga ako.


Pero wala na. nawala na siya sakin.


***

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^