Friday, August 30, 2013

Blangkong Tseke [One Shot]

Blankong Tseke 
by:g'lon,gerald

Sobrang natuwa ako dito :) From are school paper nung highschool, just sharing



Hindi ko lubos maisip na aabot ang lahat sa ganito : Ngayon ako’y nag iisa nalilito tila wala ng direksyon sa buhay.Ngayong wala na siya ..

Wala na….

 ***

Nagkakilala kami sa isang tanyag na Unibersidad  sa Maynila kung saan siya nag-aaral  noon. Siya  ay tubong probinsya at anak ng isang prominente at mayamang mag-asawa sa kanilang  lugar. Tulad  niya  laking probinsiya ngunit ang  malaking pinagkaiba ay  hndi ako  lumaki sa karangyaan at nakukuha ang naisin kong bagay.

 Kung tutuusin, ang buhay   ko ay parang isang kwentong puwede nang gawing  teleserye.


Iniwan kami  ng tatay ko noong limang taong gulang palamang ako. Teka, apat pa nga lang ata, hindi ko na talaga matandaan. Malamang pinilit ko na din na kalimutan ang araw nayun at mas tandaan ang mga pangyayari sa aking buhay na Masaya.

OO, Masaya ang buhay, ewan ko ba sa mga tao kung bakit minsan mas pinipili nila ang kalungkutan.Ang  pinakamalaking dagok sa buhay ko na sumunod sa naglayas ng tatay ko  ay ang pagpanaw ng nanay  ko,anim na taon na ang nakakalipas.   3rd year high school ako noon.

Kinailangan kong mamasukan sa tahanan ng principal ng paaralan upang makapagtapos.iyon ang pinakamalaking pangarap para saakin ng nanay, ang matapos sa pag-aaral kahit highschool lang.

 Pero teka wag kayong maawa sa akin,dahil yan ang hindi ko naramdaman para sa sarili ko. Nakuha kong mapadpad kung nasaan ako ngayon dahil  kakangiti at pagiging msayahinkahit maraming pasakit sa buhay. At sa tulong ng mabait naming principal, nakakuha ako ng iskolarship sa isa sa pinakakilalang Unibersidad sa Pilipinas.

Balik istorya ,magkaiba kami ng paaralan ni  Cairhene. (Oo nga pala yun ang pangalan niya:Pasensiyahan kung hindi ko agad nasabi

Nagkataon lang na napadpad ako dun dahil may kinailangan akong gawing  research sa library nila, kinulang kasi ng impormasyon libro sa paaralan.

Pauwi na dapat  ako sa aking tinutuluyang masikip na dorm, naglalakad patungo sa MRT station. Napansin ko na may nakatigil na sasakyan sa may gilid ng daan at ewan ko kung anong elemento ang humatak sa akin papalapit . Tulad ng gagawin ng kahit sinong nilalang na matapat sa salamin, kahit sa kotse pa, lalo na’y kotse pa -ako ay nag-ayos .Mistulang nag-enjoy ako na todo ang pagtingin sa sarili na hindi ko napansin ang unti unting pagbaba ng bintana.At tulad din ng gagawin ng kahit sinong nilalam,binalak kong maglakad palayo at magtago kung kakayanin.Pero hindi :pagbaba ng bintana  bumungad sa akin ang nakangiti at tila tumatawang Prinsesa.hindi lang pala sa pelikula  nangyayari na biglang mag-iislow motion ang mundo dahil yun mismo ang naramdaman ko  ng mga panahong yun. Ang unang pagkikita namin ni Cairhene.

Ang pangyayaring yun ay napakalaking pag-ikot  ng tadhana  dahil yun ata ang ngbigay  ngsaysay sa halos apat na taon ko nang pag-aaral sa maynila. Habang nakatulala ako sa napakaamo niyang mukhan malamang napansin niya ang lace na nakasabit sa aking leeg kung saan ay nakasulat ang pangalan ng unibersidad na pinapasukan  ko.

Nabigla ako ng magtanong siya  “ Are you going to your school ? I can give you a ride if you want to.“ 

Natameme ako, hindi ako sanay na kinakausap ng  Ingles ng kahit na sino,maliban na lang siguro ng English professor ko na masasabi kong paborito akong estudyante.Hindi naman sa pagmamayabang, pero medyo magaling ako sa nasabing lengwahe. Matapos ang ilang segundong nagmistulang habang buhay, sumagot ako siyempre ang ingles din. Eh ganun ako tinanong eh.”That would be most appreciated .”Oh di ba ,palaban?

Maiksi lang yung byahe, pero napakasarap ng pakiramdam ng nasa loob ng kotse, na-enjoy ko ang lahat ng kakulitan at kulay ng kalye, tulad mga naghahabulang bata ,mga sari-saring tinda sa gilid ng kalsada at ang napakaraming mga tao na naguunahan at tulakan na masakay ng jip at bus. Nagawa ko silang tawanan noon dahil sa araw na yun, Hari ako. Sa araw na yun, nakasakay ako sa kotse at may sarili pang driver.

Hindi ko napansin na andun na pala kami sa Morayta. Halos hindi man kami nagkausap. Kung tutuusin, ang natatandaan ko lang na sinabi niya ay “Ayos ka lang diyan?”  Nagulat ako, marunong pala siyang mag-Filipino. Napatango ako dahil sobrang weird na nakikisakay sa kotse ng taong hindi mo kakilala.  Bumaba na ako pero hindi ko nakalimutang magpasalamat sa kanya. Malamang dun nagsimula ang lovestory namin .Ayiihh. Nakuha ako ang number niya ng araw din na iyon.

Pareho kaming graduating students ng magkakilala kami at ngayon ay pareho ng nakapagtapos. Subalit napakalayo na niya, dahil sabihin nalang natin na pilit  kaming pinaglayo ng kanyang mga magulang. Hindi lang sa pelikula nangyayari na tatawagan ka ng tatay o nanay ng karelasyon mo, yan ay napatunayan ko. Nakakatakot, lalo na’t babalaan ka nila na lumayo kung hindi, sus! Yung ang nakakatakot doon eh yung “sus!”. Nakakatakot talaga kapag hindi mo alam ang mangyayari at mas masakit dahil alam mo din na wala kang magagawa.


Ginawa naming ang lahat upang magtagal at lalong maging matatag subalit mahirap kalaban ang pera at impluwensya. Siguro ika-26 na tawag na sa akin ang Nanay niya nung sinabi sa akin na pagkatapos ng graduation ay pupunta na si Cairhene sa Italy, at ako daw ang dahilan kung bakit.

 Marso na noon at malamang ay napuno na sa akin ang tatay ni Cairhene, kaya siya na mismo ang lumuwas ng Maynila at naghanap sa akin. Grabe sa laki ng lungsod, ewan ko kung paano niya ako nahagilap. Kalmadong nakikipag-usap sa akin ang tatay niya, malayo sa inaasahan ko, dahil nadin sa lupit ng boses niya sa telepono.  Matapos ang pagkatameme ko na naman sa loob ng limang minuto, tinapik niya ako sa balikat at may inabot sa akin. Sabi niya “ Alam mo na ang gusto ko.”  At ng sumakay na sa kanyang Mercedez benz at ayun, tuluyan ng nawala. Hindi ko man lang siya nakawayan.

 Hindi ko sinabi ang pangyayaring yun kay Cassie, pero palagay ko nalaman niya din kahit papaano.

 Graduation Day, pumunta ako sa eskewela niya at hindi ko na inaasahang makikita  o makakausap ko siya: Nagbakasakali na lang din ako na kahit isang beses pa ay masulyapan ko siya. Nawalan kami ng komunikasyon simula ng “Binisita” ako ng tatay niya Walang text, walang tawag,wala, kahit ako. Ewan ko ba, kahit schedule ni Cairhene ay napalitan din ni daddy dear. Ilang araw matapos ang aking graduation, napagdesisyunan kong buksan na at malaman ang laman  ng sobre na inabot sa akin ni Daddy Dear. Grabe, isang blangkong tseke. Sabi ko sa inyo eh pang-teleserye ang buhay ko. Hindi rin ako nagulat dahil alam kong peperahan niya ako. Natawa nalang ako dail ipaglalandakan niya sa akin, na may presyo ang anak niya, at ako pa ang magsasabi kung magkano.

Sa mga panahon din nayon,alam ko nasa Italy na sila at wala akong nagawa para pigilan yun.
Lagi niyang sinasabi noon sa akin na ngumiti, gaano man kasakit ang mga nangyayari. Kaya ayun hawak hawak ko ang tseke,mag-isa, at nakangiti. Para bang tanggap ko na din kahit papaano na ang bagay na nasa aking kamay ang pumalit sa kanya.  


Sinulatan ko na din ang tseke, labag man sa puso ko. At pagkatapos ang ilang papilla-pila sa bangko, nagkapera na ako.

 Una kong bibilihin ang PSP. Tagal ko ng pangarap yun eh. Medyo malaki din ang nakuha.
“Make the most out of everything,” ika nga nila. Napag-isip- isip ko narin kung ano ang aking pagkakagastusan.Sawa na kasi ako sa kalungkutan at pag-iisa

Next on the wishlist-----

 “A first class ticket to Rome, Italy.”

1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^