Thursday, April 18, 2013

The Casanova Sisters : Chapter 16

CHAPTER 16
Dragona and Mushroom's Date
~ Brianna's POV ~


-- Friday Night

*bzzt
From:  Drea dot.
   Sister~ hindi ako uuwi tonight sa mansion alright? sa condo muna ako.. mwah! :*

Ah. Kambal talaga kami.. I was about to text her din na hindi ako uuwi ng mansion coz I'm here sa condo ko -__-
Oh well.

Kasama ko ngayon si Mimi and we're watching some stupid stuff sa tv. Ang boring =__=
Binuksan ko nalang ang skype ko. Wala pang isang minuto, a name had popped in my screen.

Aaron Hermosa - hey baby ice princess :)

(*.*) si crush-- este si Kuya. Yup may nakakatanda kaming kapatid ni Ondrea. He's 2 years older than us.. at dun sya nag-aaral sa Europe with our parents. Crush ko sya.. eh bakit ba? He's so gwapo, hot and mabait. -__-

Brianna Hermosa - low kuya.
Aaron Hermosa - wassup baby ko? vid call tayo :)

magrereply na sana ako kaso bigla syang nag-call.. Okay.. I clicked the answer button then lumabas ang mukha ng gwapo kong kuya.
He was waving at me so nag-smile nalang ako.

"uy ngumiti sya oh! hahaha. Did you miss your gwapong kuya huh, baby?" he asked; smiling.

bakit ang gwapo nya? (¬///¬)

"Of course Kuya."

"Haha! So kamusta? How's school?"

"Fine. Kaw musta?"

"Ang tipid. hahaha. Eto ayos lang. May girlfri--"

"WHAAAT?! Anong may girlfriend ka na Kuya?! No you can't! I told you, you can't have a girlfriend unless nandyan ako at nakilala ko sya!" I told him indignantly; crossing my arms over my chest.

Bigla naman syang natawa. "Hahaha adik lang baby? Hindi mo kasi ako pinapatapos eh. I mean may girlfriend na si Lance sa wakas." XD

Natahimik naman daw ako. Okay.. pahiya ang beauty ko -___-

"Ah good for him." I said.

Si Lance eh yung best friend ni Kuya na hindi pa nagkaka-love life ever. Nagkagusto sya sa akin pero since I'm not interested of having any commitment, I turned him down.. simula nun hindi na daw sya nagkagusto pa sa iba. And now, ayun nga nagka-girlfriend na nga daw. 

And about my reaction? K. Ayoko kasing magkaroon ng girlfriend si Kuya na hindi ako approve.. I told him na bawal sya magka-gf dun sa Europe hanggat wala ako.

"Haha! Ikaw talaga. Eh ikaw ba wala pang boyfriend huh?" Tanong nya.

"Noooo. Duh Kuya? =__="

"Mukha mo nakakatakot hahaha.. Nakakamiss ka. Eh si baby princess Ondrea kamusta?"

"Ayun as usual maingay pa din.."


Nag-usap lang kami ni Kuya hanggang sa napansin kong 1am na pala dito. wow.. 2 hours kaming nag-skype. Umalis na sya kasi pinapatulog na nya ako.. So after nya mag-out, I already did ready myself for the bed.


***

~ Saturday

*poke*

*poke*

~__~

*poke*

"Fuck! Go away!"

"Wow."

Huh?! ~__~

I opened my eyes and saw the smug freakin' handsome face of the looney brained mushroom. WTF?! He was smirking at me.
Bigla akong napaupo sa kama ko and I violently pointed at him. 

"WHAT ARE YOU DOING HERE IN MY CONDO?! Paano ka nakapasok?!" 

"Diskarte lang yan. Sinusundo ka." He said cooly. Kapal ng mukha neto! (ノಠ益ಠ)ノ

"What are you talking about?" Anong sinusundo ako? Ano na naman pakulo nito? I'll fire the stupid person na nagpapasok sa mushroom na toh..=__=

Nagbago ang mukha nya at naging poker face. "Hindi mo talaga maalala? You're so something 
-__-"

"No. So can you please get out? Do you know na pwede kitang kasuhan ng trespassing? -__-"

"No." He said at umupo sa may sofa. The hell? Since when did I give him permission to make himself feel at home? Ang kapal lang talaga.
He took his phone at may kinalikot.. then a minute later binigay nya ito sa akin.

I hesitated pero kinuha ko din.. binasa ko yung message.

The text was apparently from me saying na we would have a 'date' on Saturday. I looked at the hanging calendar at my right side.. 
Oh. Saturday na pala. -__- But hey what time is it already? It's still fuckin' 12 pm. Talagang iniinit ng lalaking toh ang dugo ko ah..

"12 palang! Diba sabi ko sa text 7:30?!"

"Wala lang. Boring kumain ng lunch mag-isa. Samahan mo ko." He said smiling.


I raised an eyebrow; looking at him intensely.  "Close tayo?"

He smirked. "Aren't we? Niyaya mo pa nga ako makipag-date eh. Uyy ikaw Dragonang Maddison type mo ko noh?"

 Okay Brianna. Remember na magtimpi.. for the sake of this freakin' dare.

"Whatever. Mag-aayos na ako so just wait for me in the lobby."

"Ayoko dun." sabi nya habang hinihimas si Mimi. Aba dont tell me Mimi likes this mushroom? -__-

"Why?" Tanong ko.

"Baka malusaw ako sa tingin ng mga chicks. Hahah."

I rolled my eyes at dumeretso na sa CR.


///

Nandito kami ngayon sa isang.... what do you call this? Isa syang maliit na store sa kalsada. REALLY small na may mga tables and chairs then may counter with the displayed food.. It's so ingay and super crowded.. May street dogs pa na nagtatakbuhan.. ang layo-layo ng looks nila kay baby Mimi.
Gosh.. don't tell me we're going to eat here?
Biglang kong hinawakan yung braso nung mushroom na Jayvee na toh nung papasok na sya..

"What are you doing?!" I hissed.

Ang daming nakatingin sa amin. Halos lahat ng mga kumakain ay nagbubulungan.. mga teenagers kasi karamihan eh.

"edi papasok. Ayaw mo ba kumain? Kanina pa ako gutom." 

Narinig kong mahinang nagtilian ang mga babae sa di kalayuang table.

>> "Ang gwapo talaga ni Jayvee!"
>> "Sino ba yang kasama nya ngayon? Mukhang ang arte ni ate ah."
>> "Oo nga.. akala mo kung sino!"
>> "In fairness halatang mayaman at super gondooo nya *u*"

Sinamaan ko sila ng tingin at tumahimik sila. Tsch.
The heck. So dito nga kami kakain! 

"Are you freakin' sure?" I told him at tumingin sa paligid. "It uhhh..... looks dirty.. How can I eat in this kind of place?"

Magsasalita na sana si Mushroom nung biglang may babaeng lumabas mula sa counter.
She was angrily walking towards me. Nakasalubong ang dalawang eyebrows nya.. Hindi sya ganun katanda. Maybe mga early thirty's na sya.

I was surprised nung bigla nya akong tinuro. "Hoy ikaw babaeng mukhang spoiled! Porket isa kang anak mayaman eh lalait-laitin mo na ang karindirya namin!" She shouted. 

O__O She seemed really angry.
Lahat nakatingin na sa amin.. pati ung mga dumadaan eh napapatigil.
Oh my gosh.. this woman was so loud! Nakakahiya >__<

"Ano huh?! Wala kang masabi noh! Mas masarap pa nga ang mga pagkain dito sa karindirya namin kesa sa mga berdeng pagkain nyong mayayaman!" She continued.

Ano daw?? 
Hindi na ako nakasalita kasi I was actually in shock. How dare her talk to me like this in public?!

Nag-move forward si mushroom. God at last naisipin ding mangialam ng lalaking toh.

"Uy Ate tama na. Baka ma-trauma haha." Sabi nito. Tsk natawa pa =__=+

"Hay nako ka.. girlpen mo ba toh Jayvee? Aba'y ang arte!"

Nahihiya na talaga ko kaya naisipan ko ng magsalita to defend myself. "I-I'm not! I was just concern."

"Wag mo nga akong inglisin dyan. Nako baka magdugo pa ang ilong ko sayong bata ka!"

.
.
.
Sa huli, napilitan akong kumain dito sa karindirya kung tawagin ni Aling Sonia.. yun daw pangalan nya sabi ni Mushroom. Kaya pala sya kakilala dito ay lagi daw sya dito kumakain.. And I was really surprised by that.. kasi ako sabi ni Auntie, Jayvee's family was damn rich. Pero bakit sa mga ganitong place nya gustong kumain? weird looney brained mushroom. =__=

Nandito kami ngayon sa loob at nakaupo. I was staring at the food in front of me in disbelief.

"Ano pa hinihintay mo Maddison? Kain na." 

I glared at him. "Stop calling me Maddison.. and what do you call these food?"

"Yang nasa harap mo, dinuguan. Dugo ng baboy ^_^"

O___O

"What?! I'm not eating that!"

"Shh. Si Ate Sonia ang pumili nyan wag kang maingay."

Biglang nag-shut ang mouth ko nung narinig ko un. I'm not scared of that woman okay? I'm NOT. I'm just tired of talking :|



///

Urrghh I feel sick! 

Pagkalabas namin ng karindirya, I nearly puked everything that I ate. Hindi talaga ako sanay sa mga ganung pagkain. Compared kay Ondrea, mas mahina ang tummy ko sa mga ganun.

"Ayos ka lang?" Tanong nya.
"Ikaw! Kasalanan mo lahat ito eh!"
"Haha. Okay lang yan at least may new experience ka dba?"

aish! That was the first time na kumain ako sa ganung store at ang mushroom na toh ang kasama ko.. he was such a bad luck, really.  =__=

.
.
Naglalakad kami ngayon papunta dun sa pinag-parkingan nya ng sasakyan. I should've just brought my own car. Haays.

I still felt dizzy dahil sa kinain namin kanina.  (-__-||)

Nagulat ako nung bigla nyang hinawakan ang kamay ko. I tried to pull it back pero ang higpit ng hawak nya.

"Nasusuya ka ba?" he asked.

"Huh?"
He smiled at nagsimulang hilain ako palayo dun sa parking lot. "Let's have some dessert ^_^"

Oh gosh.. kung hindi lang talaga masama ang pakiramdam ko, hindi ako magiging sunud-sunuran sa lalaking toh >_<

Nagpunta kami sa isang park at pinaupo ako dun sa may swing. Then, he left saying na hintayin ko daw sya dun. Whatever -_-

Ah. Been a long time since nakatambay ako sa park. Brings back some unwanted memories..
I started to move my feet para gumalaw ang swing.. I did that for a few times. But then may batang babae ang lumapit sakin. She was so greasy at ang damit nya ay may mga butas pa.

"Ate palimos po." sabi nito.

Ako naman, hindi ko alam ang gagawin ko. What? Should I give her money or something? Nakatingin lang sya sakin.. ang payat-payat nya. What's wrong with this society? 

"Sorry I don't have my wallet here." Sabi ko sa kanya.. she didn't respond though.. she was just blankly looking at me.

Inulit ko yung sinabi ko. "Wala kasi akong pera eh."
Naiwan ko dun sa kotse ni Mushroom -__-

Nalungkot naman sya.. at saktong naglakad na sya palayo, dumating si Mushroom may dalang dalawang coned ice cream at isang small paper bag.

"Ano yun?" tanong nya sabay turo sa batang naglalakad na ngayon ay may mga kasama ng mga batang mas bata pa sa kanya. 

"Bata." I replied.

Nagsalubong ang mga kilay nya. What? So ayaw nyang binabara sya ah. Ha.
Binigay nya sakin yung isang ice cream at hinabol ung mga bata. Anong gagawin nun? ~__~

Then binigay nya yung ice cream nya dun sa batang babae at may kinuha dun sa paper bag. It was a couple of bread. Binigay nya ng tig-iisa ung tatlong mga bata.

I admit, I was kinda surprised. 
This mushroom na I thought was a jerk eh may konting kabaitan din pala. He wasn't that bad after all. Look, gwapo sya, habulin ng babae, mabait---

"Huy Maddison." Nakita ko nalang na winawagay nya yung kamay nya sa harap ng mukha ko.

I snapped myself from my thoughts. Hindi ko na napansin na nandito na pala sya sa harap ko.

"Napano ka? Nalulusaw na yang ice cream mo oh." sabi nya at umupo sa katabing swing.

"tss." 

.
.
.

"Hindi ka naman pala ganun kasamang kasama eh." He said, smiling habang ineenjoy yung tinapay na  natitira sa paper bag.

///

~ 4.30 pm

I really hate this guy. Pinilit nya akong pumunta sa kung saan kesa sa Debris. I've never been there for ages na! =__=
Nandito kami sa loob ng sasakyan nya dahil may pupuntahan daw kami.. Ayos din tong lalaking toh eh.. ako ang nagyaya ng date pero sya ang prepared. Kung hindi lang sya ganito ka-prepared, siguradong buong date eh sa Debris lang kami.

Bumaba kami sa isang hill.. Mataas ang hill na toh at nakikita ang ibang parte ng city.

*___* Ang ganda. 

Nagsisimula ng lumubog ang araw.. The sky was so pretty!

Sumandal si Jayvee sa may puno habang nakapamulsa.. pero bigla akong nailang nung nakita kong nakatingin sya sakin. 
I glared at him. "What? I know I'm pretty pero matunaw ako nyan." I smirked.

Bigla syang natawa. "Asa naman dragona. Ang pangit mo kaya."

=___= K. Timpi lang.

Since may bench dun, umupo nalang ako at nagdesisyon na wag pansinin si Jayvee.

Nakatingin lang ako sa sky.. (*.*)

Pero nagulat ako nung biglang tumunog.. Napatingin ako sa gilid at nakitang nagii-strum ng guitar si looney brained mushroom.

Oh? San nanggaling yung guitar na yun? O.o

He was looking afar.. pero ang mas kinagulat ko ay ung bigla syang kumanta

♫ Love leads to laughterLove leads to painWith you by my sideI feel good times again
Never have I feltThese feelings beforeYou showed me the worldHow could I ask for more ♫

━Σ(゚Д゚|||)━

He's really singing!

Oh my God his voice... so manly and deep.

na-speechless ako. 


♫ And although there's confusionWe'll find a solutionTo keep my heart close to you
And I know, yes I knowIf you hold me, believe meI'll never, never ever leave ♫

Ngayon ko lang napansin na ang perfect pala ng tangos ng ilong nya? The rays of light were shining through him. *o*
=__=

I mentally slapped myself.

♫ And I know there is nothingThat I would not do for you forever be trueAnd I know, although times can be hardWe will see it through, I'm forever in love with you ♫
 
Sya na ang may magandang boses!

Tumigil sya sa pagtugtog at biglang napatingin sa akin. He smirked.

o.o

Umiwas ako ng tingin.




"Ang pangit ng boses mo." I cracked. 

(¬///////¬)

1 comment:

  1. aYy,,, naMiss q pO itO,,, bUti nMan at nkpAgupd8 knAh,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^