Monday, February 25, 2013

Unbreakable Spell: Chapter 18


Unbreakable Spell
Chapter 18 Stolen Stone.
Wistar's POV
Dahil alas dyes na ng gabi ay napag-decision-an namin lahat na dito na lamay sa bahay ni Vester na matulog. Lahat sila ay pumunta na sa kanilang silid.


Impossible naman na guniguni iyon di ba? dahil kaming dalawa pa ang nakakita niyon. Maraming katanongan sa isipan. Huncrox? At tsaka bakit naman napapalibutan ng magic yung silid na yun? bakit yun lang ang naiiba sa lahat? Kung wala lang iyon bakit malamig yung trato niya kanina sa amin? Ah! Sumasakit na ang ulo ko.

“Oi, tabachoy, nakita mo naman yung nakita namin di ba?”

Sinong tabachoy?! Hoy! Hindi ako mataba `no! balahibo ko lang `to! At oo nakita ko din yun sa silid!

Nandito ako ngayon sa labas at naka-upo sa malaking sanga ng puno. Si Farley naman ay nasa ibaba.

“Nee, may alam ka ba doon?” tinutukoy ko yung chamber.

Hindi siya sumagot pero maya’t maya ay nagsalita siya. Matulog ka na lang kaya? May klase ka pa bukas eh baka ma-late ka.

“Grr.. hindi mo talaga ako sinasagot ng maayos!” Tumalon ako pababa.

Oi saan ka pupunta?

“Eh di saan pa? sa dorm! Ayoko dito `no baka kung anong gawin sa akin ng manyak na iyon.”

Ikaw ang bahala basta ako doon ako sa silid ni ganda! Ahahhaha!

“Manyak mo din ano?”

=_= Hay, minsan gusto ko itanong sakanya kung saan siya loyal-ako ba o kay Yvonne.

Nandito na ako sa masukal na daan patungo sa dorm.

Rustle
Rustle!

Kumabog yung dibdib ko. Ano iyon?

Rustle!

“Eck!” TT^TT please lang! takot ako sa mga multo! Napansin ko na may kaluskos palayo sa akin parang papunta doon sa lawa. Kahit takot ako ay sinundan ko yun dahil na din sa kursunidad.

Hindi ako lumikha ng ingay. Tinabing ko ang mga dahil sa harap ko at nakita ko doon ang rebolto ng isang lalaki na familiar sa akin. Si Vester iyon.

Hmph! Tinatakot lang naman niya ako eh!

Malayo-layo din ang lugar na ito sa bahay niya. Ano kaya ang ginagawa niya dito. Gabi na ah! Dapat natutulog na siya.

Dahil sa liwanag ng buwan ay nakita ko siya at ang kanyang expression ng kanyang mukha ay ibang iba na parati ko nakikita sa kanya. Parang sinaniban siya ng multo. Nakakunot ang noo niya at kung ngayon mo lang siya nakita ay iisipin mo na hindi siya ngumingiti sa tanang buhay niya! Parang pasan niya ang problema! ah siguro pagod lang siya agad din naman nawala yun eh.

Takutin ko kaya? Balak ko sana iyon gawin pero napatigil ako at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya na hinubad niya ang T-shirt niya. Malaking katawan niya. Nakita ko na ang iyang katawan na iyan pero yung mga abs, biceps at triceps lang naman `no!

Kung lalabas ako sa pinagtataguan ko baka isipin niya na naninilip ako. Mas mabuti pa na umalis na lang ako at baka mapansin niya ako eh.

 Akmang aalis na ako nang may marinig ko siyang kumanta.

“I hear your voice on the wind
And I hear you call out my name”


Umupo uli ako pero hindi ko na tinabing yung dahon para tingnan siya baka kasi kung anong makita ko eh. Narinig ko ang ‘splash’ siguro lumusong siya sa tubig.

"Listen, my child," you say to me
"I am the voice of your history
Be not afraid, come follow me
Answer my call, and I'll set you free"



Gusto ko matawa pero di ko magawa. Hindi naman dahil sa pangit ang boses. in fact, maganda nga eh. para kasing wala sa character niya na kumanta. Ang character kasi na parati ko iniisip ay gumagawa ng kalokohan at walang talent sa kanta.

I am the voice in the fields when the summer's gone
The dance of the leaves when the autumn winds blow
Ne'er do I sleep thoughout all the cold winter long
I am the force that in springtime will grow

I am the voice of the past that will always be
Filled with my sorrow and blood in my fields
I am the voice of the future, bring me your peace
Bring me your peace, and my wounds, they will heal


Hindi ko matiis na sumilip uli kaya naman hinawi ko yung dahon. Well, naligo siya. basang basa ang kanyang buong katawa na nagpadagdag sa hotness niya! Hindi ko maiwasan na suriin siya except sa ibabang parte.

I am the voice in the wind and the pouring rain
I am the voice of your hunger and pain
I am the voice that always is calling you
I am the voice


Para akong nahipnotismo sa kanta niya. Kya! Snap out of it! Wistar!
am the voice of the past that will always be
I am the voice of your hunger and pain
I am the voice of the future
I am the voice, I am the voice
I am the voice, I am the voice

pero habang kumakanta siya ay nagsimula naman magsilitawan ang tattoo sa kanyang likod. Nakaukit sa likod niya ang nakabaluktot na dragon.

Ooo... kailangan ko na umalis dito. Umahon na kasi siya at patay ako kapag nakita niya ako eh!
Mabagal at maingat na umalis ako doon.

“Naenjoy ka ba sa nakita mo, baby star?”

Naramdaman ko ang malamig at basang kamay sa balikat ko.


“A-anong nakita?” Maang-maangan ko. Ngayon ko lang din napagtanto na ang kulay ng mata niya ay pula. At malamig ang kanyang tingin sa akin hindi yung parating nakangiti. Nabatid ko din na ang boses niya ay nag-iba din. Parang hindi siya si Vester na kilala ko eh!

Pero kahit ganun ay ang wafu niya!

Grr... baliw ata ako ngayon eh! malaki sigurong tumama sa ulo kaya na kung anong ano ang iniisip ko ngayon.

“Wala nga ba?”

“W-wala!” >__< dapat umalis ka na kanina eh! ayan!

Humarap ako sakanya.hinawakan niya ang baba ko tapos tinaas niya ng kunti. At yung mukha niya ay bumaba. Ilang hibla nalang ang layo.

“Talaga?” hindi parin siya naniniwala.

Kailangan ko tapangan ang sarili ko. Tinulas ko siya. “Eh ano naman?! Pshh... Para naman may nakita ako na maganda.” Nakakahiya talaga ang ginawa ko! alam ko na pagtatawanan na niya ako dahil sa ginawa ko paninilip. “Pshh... Kasalanan mo din naman iyon `no! kung hindi ka pumunta dito eh di sana hindi kita makita. Makaalis na nga!” umuusok na ang mukha ko na umalis hindi niya ako hinabol o nagsalita man lang.

-Next Day-
“Para sa akin ba talaga ito? salamat salamat!” natutuwang tinanggap ang tupperware na ang laman ay mga cookies. Si Ianthe ang gumawa niyan.

“Walang anuman.”

“Hindi mo ba kakainin iyang lunch mo?” tanong ko. Dahil hindi kasi niya binubuksan iyon eh at parang walang balak na kainin.

“Ah, hindi.”

“Ooo... siguro ibibigay mo iyan kay Raulin `no?” tukso ko sakanya.

“Hahahah! H-hindi `no! ano ka ba tsaka kahit na ibibigay ko ito sakanya ay itatapon lang niya ito `no.”

“Sus! Susuntukin ko iyon pag hindi niya kinain. Pero di nga? hindi mo iyan ibibigay eh bakit hindi mo pa kinakain iyan?”

“Busog pa kasi ako. Napadami ata ang pag-bake ko ng cookies.”

“Ayie!” tinutukso ko parin siya.

“Wistar! Hindi na nakakatawa iyang panunukso mo!” namumula na ang pisngi niya. Nag-walk out na siya pero tawa parin ako ng tawa.

“Tapos ka na sa kakatawa?” boses iyon ni Vester. Kaya naman halos naman ay napaubo ako. “Kanina pa kita hinahanap.”

“B-bakit?” Iniiwasan ko siya kaninang umaga pa. Lumitaw na naman iyong scene na naliligo siya sa lawa. Ang manyak mo, wistar! Pero kung umasta naman si Vester ay parang wala lang sakanya yung kahapon.

“pinapatawag tayo ni sir knightwalker....Aish... iwas ka naman ng iwas sa akin huwag ka ng mag-aalala dahil hindi kita pipikotin kahit na nakita mo na ang katawan ko.”

Lahat ng mga studyante doon na naglalakad ay napatigil at nagbubulungan.

“Waahh! Sobra ka naman! Abs, triceps at biceps lang naman ang nakita ko ah! Huwag mong lahatin!”

Huli na para bawiin yung sinabi ko. Dahil mas lalong nagbulungan silang lahat.

Yung personality na na naman niya ay iba na kesa kagabi.

“Gusto mo ipakita ko sa`yo?” nakangising sabi niya.

Right, baka mali lang yung iniisip ko kagabi nung nasa dorm na ako. Baka bad mood lang siya dahil sa nangyari kagabi na pumasok kami sa silid.

Hay, naku wistar! Kung anong iniisip mo eh!

“No thanks! Baka bangungutin ako eh!” Baka pikutin pa kita eh dahil yummy ng katawan mo!

Parang gusto ko sampalin ang sarili ko sa iniisip.

“Oy! Cookies ba iyong naamoy ko?”

“Oo, pero hindi kita bibigyan.”

“Tataba ka niyan. Penge!”

“Grr... bumili ka.”

“I don’t have a time to buy a cookies kaya penge.” Binuka niya ang isang kamay niya.

“Eh ano ang ginagawa mo? wala kang oras na bumili pero may oras ka na asarin ako.”

“Iba kaya iyon. Kailangan pumunta na tayo don.”

“Hay, naku! Palusot ka lang eh!” Binigyan ko na lang siya.

Ianthe’s pov
Ooh... nakakainis naman si Wistar. Bakit ba alam niya yung gagawin ko? tsaka hindi lang naman si Raulin ang bibigyan ko eh pati na din sa Onex. Kagaya nga sinabi ko kanina na nasobra-an ako sa pagluto. Hindi naman mauubos ito ng alaga ko kaya bibigyan ko sila. Siguro naman kakainin nila itong gawa ko pinaghirapan ko kaya ito. tsaka gusto ko na magpasalamat sakanya dahil sinamahan niya akong mamasiyal.

Naglalakad ako papunta sa bahay niya. Hindi na ako nakadama ng takot sa bahay na yun dahil nasanay na ata ako sa lugar kahit na madilim dilim na sa gawing ito.

Malapit na ako sa bahay niya ng marinig ko ang pagsabog. Nagmadaling pumunta ako doon at nakita ko sina Raulin at Onex na nakikipaglaban sa isang lalaki na nakaitim balabal at may hood.

Kapareho lang sila ng lakas. Ni isa sakanila ay hindi tumigil hangga’t walang matatalo.

Pinaulanan ng apoy sina Raulin at Onex at kahit na napakabilis nila ay nagalusan silang dalawa.

“Raulin!”

“Dammit! Bakit nandito ka?!”

Narinig ko pa na tumawa yung naka itim na balabal. “Siya ba ang binigyan mo ng bato, Raulin?”

“Umalis ka na dito, babae!”

Napaatras ako at hindi tumitinag.

Sinamantala ng kalaban ni Raulin ang pagkakataon naglikha siya ng itim na pisi at nilatigo niya iyon kay Raulin at kay Onex. May sariling buhay yun dahil umiikot yun sakanilang dalawa at tinali sila.

“tsk tsk tsk... Binigyan ka ng pagkakataon ng panginoon na isuko ang bato pero nagmatigas ka parin kaya ito ang magiging resulta ng katraydoran mo!”

Nag-teleport siya papunta sa akin.

Napaatras uli ako. ang kanyang itim na koko ay biglang tumulis at tumatakbo para atakin ako. Madali na lumikha ako ng shields. Hindi ko kaya ang lakas niya patuloy parin siya sa pag-atake.

“Walang silbi ang pagsangga mo sa akin, binibini. Mas makakabuti na isuko mo sa akin ang asul na bato! Kung ayaw mong mamatay o ang lalaking iyon!”

“Sino ka ba?! bakit mo ba kailangan ang batong ito?!”

Halos maubos na ang lakas ko.

“Naawa ako sayo, babae! Hindi mo alam kung sino ang kinakasama mo! hahahah! Ibigay mo na sa akin ang bato!”

“Ayoko!!!”

Si Raulin naman ay pilit na makawala sa pagkatali.

Mas nadagdagan pa siya ng lakas kesa kanina at yung panangga ko ay nabiyak at dlumagos yung kamay niya. Sakto din na nakawala si Raulin sa pagkakatali at mabilis na sumangga sa akin. Imbes na yung matulis na kuko na dapat tumama sa akin ay kay Raulin yun tumama. At dinadagan pa iyon ng masaman lalaki na dahilan sa pagbagsak niya.

Nagimbal ako sa nakita.Woman! If you want to stay alive then you better hurry and run!”

“Hindi ko magagawa iyon!”

Naiiyak kong sabi. Madaming umaagos na dugo sa kanyang katawan. Dahil sa akin! Dahil sa batong din ito nasaktan si Raulin!

“Hahaha! Ganyan ka na ba talaga ka tanga, Raulin? Sinalo mo ang atake ko na dapat tumama sa babaeng iyan!”

Niyakap ko si raulin. “Hindi mo na dapat ako tinulungan!”

Sino ba ang taong ito? bakit inaatake niya kami?

“Ta-tanga! Iwan mo na ako dito! I can handle him by myself!”

“babae, kung gusto niyo pang mabuhay isuko niyo na lang ang bato sa akin at iiwan ko kayo ng maayos at matutulongan mo pa gamutin ang binatang iyan. Mas kakailanganin ng panginoon ko iyan kesa sa`yo!”

Hindi ko alam kung sino ang panginoon niya pero kung ito lang ang pwede na mailigtas ko siya ay handa ko isuko ang bato.

Hindi ko matatalo ang kagaya niya kahit si Raulin pa nga na isa sa mga pinakamalakas dito sa school ay walang panama sa lakas niya pano pa kaya ako? na isa lamang mahinang babae na walang gaanong alam.

“Pinapangako mo ba kapag ibibigay ko itong bato ay lulubayan mo na si Raulin?”

“Onex!” tawag niya sa familiar niya pero si Onex ay nakatali sa itim na liwanag at sa likod niya ay ang lalaki na nakamaskara. Siya yung lalaki noon na nagpatigil kay Wistar sa pagwawala.

Pumitik pa siya at biglang naramdaman namin dalawa ang hangin na ubod ng lakas sa taas kaya nadapa kami dalawa.

“Drago!” tawag ng naka-itim na balabal.

“bakit ang bagal mo makuha ang bato ha? tsk!” pumitik uli siya at yung kwentas ko ay naputol at ang asul na bato ay lumutang sa ere at isang kisap na mata lang ay nasa kamay na ng lalaking iyon ang bato. “Ang mga kagaya mo na napakabagal na matapos ang mission ay dapat mawala na sa mundong ito!” Nag-ipon ang mga hangin sa kaliwang kamay niya at bumuo na parang sibat at inihagis niya papunta sa kasamahan niya at tumagos iyon.

“P-pero...”

“You’re no longer needed, stupid.”

“Anong ginawa mo?! Hindi ba kasamahan mo siya?!” sigaw ko sakanya.

Ang malamig at pulang mata niya ay nakatitig sa amin at umismid. “Hindi mo ba narinig ako? We don’t need someone like him!”

Ang sama niya. Mas masahol pa siya sa lalaking iyon! Nakita ko na umuusok ang katawan ng nakabalabal na lalaki. At naging abo.

“Raulin, Isa kang traydor. But anyway, I shall spare your life. Pero ito lang ang tandaan niyo! Kahit anong gawin ninyo na pigilan ang balak namin ay hindi kayo magtatagumpay! Gigisingin namin ang babaeng yun!”

Bigla na lang siya nawala at si Onex ay nahulog.

“Shit...”

“Tatawag ako ng tulong!”

Author's Note: Sorry na matagal ang update! sinusubukan ko talaga na mag-update pero busy lang talaga ako sa school >.< lalo na malapit na ako mag-OJT at ang daming pinapagawa kaya hindi ako makapag-update.


6 comments:

  1. Sino kaya yung babae? Hmm..
    Na excite ako sa twist nito

    Update ka po agad

    ReplyDelete
  2. aq din! excited n aq s next... nauna q to nbsa dun sa wattpad nio ate eh..

    ReplyDelete
  3. hALa,,, aNu n kyANg mngYyari nExt,,,

    ReplyDelete
  4. Takte ang gwapo ni Vester! Baby Star daw!!! :">

    ReplyDelete
  5. eeeehh! yummylicious!! hahah.. naku,sayang din yun ha.. muntikan ng mapingasan ang mukha ni raulin! ung other self ni babystar ung gigisingin nila.. i think? hahha..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^