Saturday, April 6, 2013

Unbreakable Spell: Chapter 19


Chapter 19 Wistar’s dark side.
Wistar’s POV
“ha! Ang lakas niyang mang-asar tapos sasabihin niya na tamad ako at ano pa! tapos yun pala ay siya pala ang tatakas!” Nag-aalburoto na ako sa inis kay Vester! Kasi naman pagkatapos kami Tinawag ni Mr. Knightwalker ay umalis na siya. Inutusan pa naman kami ni Sir na hanapin ang isa pang peontar dahil meron na kaming isa na nasa pangalaga kay Ianthe. Mas makakabuti na maunahan namin ang kalaban na makuha iyon upang hindi matuloy ang kanilang binabalak. At ngayon! Hayun! Tingnan mo! umalis! Hindi ko na siya nakita!


“Tindi din ng apog ng lalaking iyon! aba! Hindi porque na kaya ko makikita kung saan ang bato ay pwede na niya ako iwan at magtrabahong mag-isa!”
Actually, In-assume na ni Sir Knightwalker na kaya ko masagap kung saan ang bato(Mag komportable ako na itawag iyon eh kesa sa peontar) dahil =_= noon. Yung isang katauhan ko lang ang may alam kung pano gawin yun at gagawin ko ang lahat upang makatulong kahit pano. Ayoko naman isipin ng iba na wala akong silbi na member eh.
 “Lagot ka talaga sa akin lalaki ka! naku patay ka sa akin!” Hapon na at hindi ko parin siya makita saan na ba yung g@go? Wala?! Naku naman!
Magsisimula na nga lang ako sa paghahanap. Pero saan? Zephian? Siguro, doon muna ako magsisimula mas maraming tao doon kesa dito tsaka baka si Vester ay dito siya sa school maghahanap.
“Oi, Girlfriend ni Vester!!!!!” nakita ko si Genro na kumakaway sa akin.
Tumitingin ako sa paligid kung sino ang tinatawag niyang girlfriend ni Vester. Nilapitan ko siya.
“Saan ang girlfriend niya?” Curious ko.
“Ikaw.”
“Ako?” Nanlaki ang mga mata na tiningnan siya. “Kelan?”
“Aba malay ko sainyo.” Pinapat niyang sabi at isang iglap ay naging kamukha ko siya. “Pahiram muna sa mukha ha?” Naiinis na hinablot ko ang likod ng damit niya ng tinangka niya na umalis.
“Hindi pwede! Baka kung anong gawin mo kapag wala ako dito eh!”
“Aalis ka?”
“OO.”
“Saan ka naman pupunta?”
“Bakit ko naman sasabihin sa`yo?” nakataas ang isang kilay.
“Kung sasabihin mo sa akin ay baka babalik ako sa dati kong anyo.”
Pambihira talaga ang lalaking ito `no? kainis!
“Sa zephian!”
“Woa! Pupunta ka doon?” Bigla bumalik yung totoo niyang hitsura sighhhhhh salamat!
“Oo sabi eh!”
“Sasama ako.”
“Ayoko nga.”
“Tch... Bahala ka. May pera ka ba doon para magamit mo?”
Umiling ako. Tinawanan lang niya ako ng ubod ng lakas!
“Bwahahahah! Wala kang pera? Lol! Pano ka makakapunta doon aber?”
“Duh. Anong gamit ng bus?”
Libre lang kasi eh kapag gagamitin ko ang bus ng school.
“Pano kung bumalik yung viol-“
“Hindi mangyayari iyon! At ikaw ha! kapag gumawa ka ng kalokohan ay bugbugin talaga kita.”
Iniwan ko na siya at hinanap si Farley siya lang kasi ang pag-asa ko na makapunta doon sa zephian eh may powers naman siya.
Nakita ko siya na natutulog doon sa ilalim ng malaking puno at napansin ko lang ha na wala na naman si Fameh. Saan na kaya yun? TT__TT naglalayas na ata eh!
Lumapit ako sakanya. Tsk! Natutulog talaga at walang balak sa kwarto ko na lang matulog.
“M-master... ermm...” Binabangungot ata siya teka sinong master? Ako ba ang tinutukoy niya?
Tinapik-tapik ko ang pisngi niya. “Farley.” Tawag ko. Napakahimbing talaga nyang matulog eh kaya napagdecision ko na lang na hindi ko na lang siya gisingin.
“Baby star, nandito ka lang pala!”
“Ikaw!” Hinarap ko siya at nameywang. “Bakit ba bigla ka na lang nawala, Vachel?”
“Ohh... Vachel?” parang hindi ko gusto yung pagtawag ko sa last name niya. 
“Saan na yung pagtawag mo sa akin na Vester?”
“Well, hello? We’re not close `no!” Sorry kung may nosebleed na naman hindi talaga ako sanay sa english. “Simula ngayon yun na ang tawag ko sakanya.”
“Kung tatawagin mo naman ako niyan para din na tinatawag mo ang ama ko kaya....” Bigla lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Ilang hibla na lang ang layo ang mukha namin. “Kaya kung tatawagin mo naman ako niyan ay baka halikan kita.”
“Ha! hindi na ako naniniwala diyan, bro! hindi tayo talo!” pinapat-pat ko ang balikat niya. Tsaka wala ka naman sigurong balak halikan ako dahil sa paningin ng iba ay lalaki ako kaya ako sa`yo pare! Magsimula na tayo sa paghahanap sa bato, okay?”
“Hee.... kaya pala ang taas ng confidence mo, ha? sorry to tell you, baby stay, but all people in this academy’s already know that you are girl in a male disguise.”
>.> Kainis! “Hindi ako nagdi-disguise! Mas komfortable lang talaga ako sa suot ko ngayon.”
Nilapit niya pa ang mukha niya. Yikes! Ang lapit ng mukha niya. “Wala akong pakialam. Kung tatawagin mo ako sa huli kong pangalan ay hahalikan talaga kita.” Halatang seryoso siya.
“Tch. Sige na! Hindi na kita tatawagin niyon, Double V”
“Double V?”
“OO, Double V! Wag ka ng mag-reklamo! Halika na nga. Saan nga uli ang daan patungo sa zephian?”
“Tsk tsk tsk!” Napapailing siya. Wala ka talagang alam `no? Nakalimutan mo na ba ang sinabi ni Mr. Knightwalker na nakuha na ng mga kalaban natin yung dalawang bato.”
Ah, oo nga pala. Marami talagang imformation si sir. Pero dalawa? So, ibig sabihin niyon isa na lang! nasa amin na yung isa at na kay Ianthe iyon asul.
“Whoever holds the stone will be stronger than the normal person at kaya kinokolekta ng mga tauhan niya iyon ay para mapakawalan siya. It was also the one who sealed this wicked witch.” Explain pa niya sa akin. Lol! I don’t give a damn care about that.
“Wh-“ May sasabihin sana ako pero bigla pumitik ang sintido ko. Isang iglap ay nasa isang madilim na silid ako at isang babae na kamukha ko ang nakatayo sa harap ko. Subalit ang kaibahan lang namin ay puti ang kanyang kulay ng balat at topaz niyang mata ay nakatingin sa akin na para bang minamaliit niya ako.
‘When it comes to this matter ay ako na ang bahala, ha? dear, baby wistar. Hindi naman talaga sa`yo ito binigay ang mission eh kundi sa akin hahaha!’
Natameme ako sa sinabi niya. Pero ilang segundo ay nagsalita din. “Teka! Lang ha? una sa lahat. TAYO dahil sinabi mo na din na ikaw ay ako at ako ay ikaw kaya pantay lang tayo at teka pano ako nakarating dito? don’t tell na aagawin mo na naman ang katawan ko?”
‘Hindi ko ninanakaw tanga! Originally sa akin talaga ang katawan ito! hindi sa`yo! Grr... at kaya nandito ka ay dahil malapit na ang full moon.’
“Sinungaling! Full moon ka diyan! Pano nangyari iyon? bakit noon may full moon ay hindi ako nagagawi dito at hindi ako werewolf!”
‘Duh. I was sealed, you know? Kung hindi lang talaga sa bal—kung nasa akin lang talaga yung lahat ng bato ay BAKA makaalis din ako dito sa kulungan. Tsk! Sino ba iyang juvani na iyan? Ako lang ang pwedeng gumamit niyon.’
“Grr...wala akong pakialam sa himutok mo pero gusto ko ng bumalik! Waaahhh!” Tumayo ako at lumapit sa kanya pero tinulak lang niya ako.
huwag ka ngang selfish!12 years akong hindi nakakalabas sa lungga ko tapos ito ang gagawin mo? No way! bleh! Manatili ka muna dito mamaya.’
12 Years? -_- ibig sabihin niyon ay tatlong taon palang ako niyon? LOL Bahala na nga si batman. Suddenly, lumiwanag ang kapaligiran. Hay sa wakas nagbalik na ako. Pero ang pinagtaka ko ay bakit hindi pa siya ang kumuntrol sa katawan ko?
Bahala na nga.
“Baby, Come back to earth.”           
Pinitikan ko ang noo niya. “Tumahimik ka. Nakikita mo na nag-iisip ako.”
“Tch. Nag-iisip!” He murmured. “Halika na nga at pumunta na tayo sa Zephian para mahanap na iyong bato. Mahirap na at maunahan tayo sa mga taong naghahanap ng bato.”
Pinitik niya ang dalawang daliri at bigla na lang nagbago ang kapaligiran.he transport us sa loob ng isang magic store dito sa zephian! Sa lahat ba naman lugar bakit dito?

“Siguro nagtaka ka kaya kita dinala dito.  Since, alam naman natin na hindi mo pa kaya gumamit ng magic kaya kailangan mo ng weapon para mailabas mo talaga ang magic mo. E-enhance ang skills mo kaya pumili ka dito kung anong gusto mong klaseng wand.”

Ang daming mga wand na nasa harap ko. At lahat nang iyon ay maganda pwera na lang sa parang butong wand.  Pero iyong wand na kulay green ang holder niyon at kakaiba ang design ng tip niyon na gawang silver.

Kinuha ko iyon.

“You like that one?”

“ha?” Napatingin ako sakanya tas binalik ko ang tingin sa wand at ang presiyo ay 500k penya. Aruy~ wala akong ganun pera! “A-ay h-hindi!”

Binalik ko na iyon ngunit bigla niya iyon inagaw sa akin at naglakad papunta sa counter para bilhin sinundan ko naman siya. “Oi! hindi nga sabi eh! ang mahal niyan.”

“Parang centimo lang lang ang presyong iyan kaya `wag kang mag-alala.”

He’s lying! “Hindi pwede! Ayoko na may utang na loob ako sa`yo.”

Pagkatapos niyang bayaran iyon ay humarap siya sa akin. “Then why don’t you pay it with your body.”
“Ehhh?!”
Author's Note: heto na iyong update ko sa ngayon bukas na lang iyong isa pang chap. At mamaya ko na lang e update sa story lisy to a?  Pinapatulog na aketch ng momma ko hzhhaha


2 comments:

  1. Thanks sa update :)))))))

    ReplyDelete
  2. hahaha.. ang kulit talaga! i cant wait for the time that the two wistar would fight against each other!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^