Chapter
20 Full moon I
Damn! Ito pala ang ibig niyang sabihin sa akin! Akala ko pa naman kung anong
babayaran iyon pala ako ang maghahanap ng clue kung saan ang bato.
Saan bang
lumapalop ko iyon mahahanap? Hapon na din at impossible na makikita ko iyon!
Tingnan mo
siya! nandiyan lang siya sa café at nag-rerelax!
Pano ko kaya
mahahanap iyon? Hayy~
“Sonya! Bilisan
mo nga ang paglalakad kailangan ko pa pumunta sa isa pang tindahan para bumili
ng bagong damit! Ayokong maging mukhang katatawanan sa piging!” Sigaw ng babae
sa maid niya. Ang una ko napansin sakanya ay ang orange stone ring niya at
mukhang mamahalin. Kuminang iyon bigla at parang may nararamdaman akong kakaiba
doon.
Hindi kaya...
siguro iyon na `no! Pero pano ko makukuha ang singsing na iyon? hindi ko naman
pwedeng nakawin baka makulong ako niyan `no!
Ha! wala akong
balak na ipaalam kay vester ang tungkol dito. Tsaka wala na din akong oras para bumalik sa
café `no at gusto ko din na subukan itong wand ko na binili niya. Hindi porque
binilhan niya ako ay pwede niya ako ganunin ay ewan! Kakalimutan ko na lang `to
atleast binilhan niya ako hindi ko pa nasusubukan ang wand pero sana gumana at
magamit ko na talaga ang magic ko.
Sinundan ko
sila at nakita ko sila na pumasok sa isang shop naghitay ako ng isang oras.
What the hell? Ang tagal ah! Pero hindi na din iyon nagtagal at lumabas na sila
at naglakad palabas ng bayan siguro malapit lang ang bahay nila. Naawa ako sa
katulong niya dahil halos hindi na makita ang mukha dahil sa dami ng mga binili
niya.
“Kailangan ko
talagang kunin iyon.”
“Anong
kukunin?”
Naramdaman ko
na may kamay pumatong sa ulo ko.
“Ang bato.”
“Ahh... so alam
mo na kung sino ang hawak but you never inform me?”
“Ay butiki ka
vester!”
“Iyon bang
babaeng iyon?” Tukoy niya sa babaeng nakasuot na blue dress.
“OO.”
“Sundan mo.”
Toinkz akala ko
siya na ang bahala pero mali ako ng akala. Dahil ako ang gagawa ng paraan!
“Anong gagawin
ko?”
Wala ata sa
mood siya. “Kausapin mo at hingin ko o kundi kaya bilhin mo.”
Nasa labas na
kami at naglalakad sa forest trail at nakabuntot sa babae. Si Vester naman ay
lumilipad lang at nagbibigay sa akin ng senyas na gawin ko.
Tinawag ko siya
at swerteng lumingon naman siya at nang maid niya.
“Ako ba ang
tinatawag mo?”
“Oo.”
“Anong
kailangan?” nakataas ang kilay niya.
“am...er...
alam ko na... eerr...”
“Teka, tinawag
mo lang ba ako para diyan sa err..amm.. al... ?” pangsusuplada niya sa akin.
“At teka, pamilyar ang mukha mo sa akin.”
Nabigla naman
ako sa sinabi niya. Familyar daw ako sakanya? Eh ngayon lang kami nagkita.
“Princesa
Oriyah, iyan po ata ang kaibigan ni Ianthe.” Bulong ng katulong niya pero dinig
ko parin iyon.
“Ahh... at ano
naman ang kailangan sa akin ng kaibigan ni Ianthe?”
Wala na akong
panahon para magtanong sakanya. Gusto ko na umuwi dahil baka kasi iyong sinabi
sa akin ng originator na siya daw ang kokontrol sa akin mamaya kapag full moon
na.
“Gusto ko
sanang bilhin iyang singsing mo.” Diriktang sabi ko sakanya at maya’t maya ay
bigla siyang tumawa.
“Ano?! Bibilhin
mo itong singsing? Nagpapatawa ka ba? regalo ito ng lola ko at hindi ko ito
pinagbibili.”
>///<
waahh! Ito na nga ang ayaw ko eh! leche! Nahihiya na ako! bwisit ka talaga
vester!
“P-ero
kailangan ko kasi iyan at baka manganib
iyong buhay mo.”
Tinitigan niya
ako ng mabuti at hindi ata na-convince sa sinabi ko.
Gumuhit sa mga
labi niya ang kakaibang ngiti.
“Sige. Ibibigay
ko ito sa`yo kahit na walang bayad.”
“Talaga?”
“Oo, iyon ay
kung matatalo mo ako sa laban.”
Lumayo iyong
maid.
Tinuro ko ang
sarili ko. “Ako? Makikipaglaban sa`yo? No way!”
“Sure you can.
Why don’t you use your new wand, baby star.” Biglang lumapag siya sa lupa. At
heto na naman iyong nakakasilaw na ngiti niya.
“P-pero—“
“Ooohh...
gumagamit ka pala ng wand? Hahaha! Para sa mga beginner lang iyan ah o kundi
kaya ay kinukontrol iyong sariling lakas. Hmm... saan ka doon sa sinabi ko?
Mahina o nilimit mo ang kapangyarihan mo? Simulan na! ngayon nasa mood talaga
ako makipaglaban.” She raised her two hands and moving it in circular motion.
Habang ginagawa niya iyon ay unting unti may bumubuong bilog na tubig sa
kanyang kamay at lumalaki iyon.
“T-teka hindi
pa ako ready! Oi Vester tulungan mo ako dito. Baliw na ata ang babaeng ito!”
“Hindi pwede.
Kailangan mong matuto gumamit. Huwag kang mag-alala gagamutin na lang kita
gamit ang halik ko.” Nag-flying kiss pa siya sa akin at naglakad papunta sa
puno at sumandal doon.
Hindi pa ako
ready. Uwah! Pano ko ba magagamit ito? Okay, isip isip...
Nag-concentrate
ako at nakapukos lamang ang buong enerhiya sa wand. Habang ginagawa ko iyon ay
dalawang segundol lang ay may namumuo na liwanag sa wand.
Atake lang ba
ang pwede niyon? Pwede ko bang gawin latigo ang liwanag? XD joke!
Pero di ko
inaasahan na mangyayari iyong nasa isipan ko. Ang liwanag ay naging latigo. At
iyong babae ay bigla na lang niya inahagis ang malaking ernerhiya niya sa akin
kaya naman ay pinapaikot ko sa harap ko iyong latigo at nagbabakasali na
mapigilan ko iyon.
Napigilan ko
nga iyon pero hirap na hirap ako kasi napakalakas niya eh.
Bumaon na iyong
paa ko sa lupa dahil sa pagpigil ko doon. Ang mahaba kong buhok ay nililipad na
ng malakas na hangin. Pinaghahampas na ng malakas na hangin ang katawan ko.
Iyan lang talaga ang alam mo `no? psh... ang tagal naman mag-full moon—ayoko pang
mamatay! Grr...
Kung pwede lang
sana masakal ko ang sarili ko ay ginawa ko na eh!
Hayy... mabuti na lang at binilhan ka ng lalaking
iyon ng wand. Just chant na el diablo
entro je
Nakakainis din
si Vester hindi man lang niya ako tinulungan alam namna niya na mamatay ako
dito eh! Wala tuloy akong ibang option kundi sundin itong bruhang sarili ko.
Pagkatapos ko mag-chant ay nakaramdam ng pananakit sa kaliwang kamay at mata
ko.
“Agh!” Bigla ko
nabitiwan ang wand at tinabunan ang kaliwang mata ko dahil sa kirot na
naramdaman ko. Wala na akong panangga at natamaan ako.
Vester’s POV
Pinapanood ko
lang ang nangyayari sa paligid. Hindi ko siya tinulungan dahil isa iyon sa mga
training niya kailangan niya maipalabas iyong powers niya. Sabi nina Genro na
may powers siya na kakaiba nagiging pale white ang skin tone niya at parang may
mga parang ugat at ang mga niya ay naging itim at topaz na tanging mga
sinumpang bata ang ganun. Well, most people call them like that.
Gusto ko lang
makita iyon.
Kaya naman pala
ni baby star eh. Maganda talagang idea na binilhan ko siya ng wand. Dahil
malakas ang pandinig ko ay narinig ko na may binigkas siya na hindi pamilyar na
spell.
Pagkatapos
niyon ay bigla na lang siya dumaing at parang nasasaktan nangingitim na din ang
kanyang kaliwang kamay na nakatakip sakanyang kaliwang mata.
“Agh! Aray!”
Uh-oh! mukhang
mali ang kalkyulasiyon ko. Balak ko lang kasi ay ipalaban na lang siya kay
Oriyah kung kaya ba niya ang babaeng iyon. Don’t get me wrong I know that girl
but only dahil lang sa isang piging na pinuntahan ko. Pero hindi ko pa siya
nakakausap ng harapan since wala namana akong interest sakagaya niya na gahaman
sa pera.
Lalapitan ko
sana siya nang biglang may naramdaman akong masamang enerhiya sa likod ko.
“Hayaan mo siya...”
Malamig na sabi ng babae na nasa likod ng puno. Nakasuot sia na parang nurse
uniform at ang kulay ng skin niya ay pale white. “Hayaan mo siya, panginoon.
Ang kagaya niya ay hindi nararapat na mabuhay dito sa mundo.”
Biglang tumubo
ang halaman sa paanan ko at bigla na lang ito gumapang sa paanan ko at isang
iglap ay tumali iyon kaya hindi ako makalakad.
“Ngayon lang
kita nakita pero kung makatawag sa sa akin ay parang kilala mo ako.” Tiningnan
ko lang ang halaman na nasa paa ko ay nasunog iyon.
“Hindi. Hindi ito ang unang pagkikita natin, panginoon.”
“Siguro isa ka
na sa mga stalker ko.” I shoot her with my fire ball ngunit nakaiwas siya.
Napakabilis niya dahil sa isang iglap ay nasa harap ko na siya.
“Magkikita pa
tayo uli, panginoon, Kung sakali na mabuhay pa siya ay mas makakabuti na
pigilan mo siya sa kung anong plano niya.” At laking gulat ko na bigla niya akong siniil
ng halik at naghalo na parang bula.
Napamura ako.
Shet! Lumingon ako kay Wistar tuluyan na siyang nilamon ng nagliliwanag na
tubig. Double damn! I need to save her! I run towards her direction but
suddenly a red-black light burst out.
Wistar’s POV
Nang mawala na
ang sakit ay idinilat ko ang mata ko. Weird, Instead of feeling pain and my
body tore I could feel the energy flowing inside me. A red-black light burst
out my body at ang kamay ko ay parang naging itim at matulis ang itim na kuko
that could tore someones body.
Ang sarap ng
pakiramdam!
Kinuyom ko iyom
kamao ko at nawala iyong kapangyarihan ni Oriyah.
“Anong?”
Nagulat siya sa nangyari.
Ganito ba ang
pakiramdam ng isang malakas? Hahaha! Ang sarap ng pakiramdam!
Subukan ko kaya sakanya? Hindi ba’t sinabi
niya sa akin na kapag matalo ko siya ay makukuha ko ang singsing na iyon? Anong
gagawin ko dito sa kamay ko? Teka teka! Baka kagaya ito sa isang anime na
napanood ko! susuntokin ko ang lupa din viola!
Ginawa ko naman
iyon. Sinuntok ko ang lupa at nag-crack iyon patungo sakanya.
Lumipad siya
para hindi mahulog sa napakailalim na butas. Mabuti na rin at alam ko na kung
pano ako lumipad and thanks to vester. Ang bilis ko ay hindi na kagaya noon mas
mabilis pa ako ngayon at tinuhod ko ang kanyang tiyan at tinapat ang kamay sa
likod niya at naglabas ng enerhiya kaya naman ay bumagsak ito `nong susugurin
ko na siya ay bigla siyang sinalo ni Vester at nagbigkas ng spell at bumuo ang
apoy na shields kaya napatigil ako.
“Tama na iyan,
Wistar.”
Hindi ko gusto
ang ginagawa niya ngayon. Bakit niya ako pinapatigil? Matatalo ko na siya eh!
“Bakit? Laban
namin ito at kapag manalo ako ay makukuha ko na iyong singsing! Hindi ba
mahalaga sa`yo ang singsing na iyan?”
Bakit niya ba
tinutulungan ang babaeng iyan?
“Mahalaga. Alam
ko na hindi rin tama ang ginawa niya pero kung hindi kita pipigilan ang baka
mapatay mo na siya. Pwede na natin makuha ngayon ang singsing.” Kinuha niya ang
singsing sa daliri ni Oriyah na tulala na nakatitig kay Vester.
“PERO—!”
tututol pa sana ako pero natahimik ako ng biglang naging violet iyong left eye
niya kagaya noon una pa namin magkita. I could sense a dangerous aura coming
from him.
Ngayon
matingnan ko siya ay parang may nakikita akong itim na anino sa likod niya.
Pinilig ko ang ulo ko at nang tingnan ko uli ay wala na iyon.
“Fine!”
Pinagkrus ko ang braso ko at umirap sa kanya. Pinulot ko ang wand na nabitiwan
ko... pshh... gabi na pala! Uh-oh... gabi? Tumingala ako sa kalangitan.
Natatabunan ng ulap ang buwan.
Napakasinungaling
naman ng babaeng iyon. Sabi niya kapag full moon ay siya ang may control sa
katawan ko haayy... ewan!
“Salamat.”
Narinig ko pa si Oriyah na nagsalita. Nagningning ang mga mata niya. “Kung
hindi mo ako niligtas sa babaeng iyan ay baka kung anong na ang nangyari sa
akin.”
“Your welcome.
Pero sa susunod huwag kang maghamon ng laban kung hindi mo pala kaya.” Nakangiti
na siya. Tingnan mo! napaka-playboy niya!
“Sige, hindi ko
na gagawin iyon sa susunod. Bruha ka iyan eh.” Ako ata ang tinutukoy niya. “At
dahil naman niligtas mo ako ay bibigyan kita ng gantimpala.” Bago pa magsalita
si Vester ay biglang hinalikan ni Oriyah sa pisngi si Vester.
Napaawang ang
bibig ko.
“Gusto ko din
na imbitahan kita sa nalalapit kong kaarawan. Kunin mo ito.” May binigay siyang
bato kay vester. “siguro naman alam mo na kung pano gamitin iya. Dadalhin ka ng
bato na iyan sa kastilyo kung saan idadaraos ang piging. Kung gugustuhin mo pwede
ka magdala ng kaibigan mo.”
“Oh sige.
Maasahan mo na darating ako sa kaarawan mo.”
Umalis na siya.
“Oi, baby star,
baka pasukan ka ng langaw kung hindi mo isasara iyang bibig mo.” Nilapitan niya
ako. Bumalik na iyong dating Vester. “Sorry, kanina ha? wala kasi ako sa mood
eh.”
Wala sa mood
daw! Ngayon maganda ang mood mo dahil hinalikan ka ng babae?! Babaero!Gusto ko
isinghal iyon sakanya pero hindi ko na magawa.
“Hmp!” Bumalik
na sa dati iyong kulay ng kamay ko.
“Galit ka ba?
Sorry na nga eh!”
Tinitigan ko
muna siya at dumako iyong tingin ko sa pisngi niya kung saan hinalikan ni
Oriyah. May lipstick pa! Kinuha ko sa bulsa ang panyo at binigay sakanya.
“Ano ito?”
“Marumi ang
pisngi mo. Linisin mo.”
“Talaga? saan?”
Tinuro ko
sakanya. “iyan oh! may germs!”
Narinig ko ang
mahina niyang tawa. Nag-iinit na iyong pisngi sa ginawa ko.
“Okay, huwag ka
ng maging magalit wala na ang germs. Kung gusto mo lagyan mo ng germs itong
pisngi ko para mawala na ng tuluyan.”
“A-a-ano?! Wala
akong germs `no! ang babaeng lang iyon! at wala akong balak.” >//<
“`kaw talaga,
baby star, nagseselos ka naman. Oh heto may reward din ako sa`yo dahil
napakahard working mo.”
Reward? “Huwag
na. Tama na itong binili mong wand sa akin.”
Hindi ko
inaasahan na hahalikan niya ako sa noo. Naramdaman ko ang mainit sa noo ko at
biglang umihip ng malakas na hangin. Nasinagan ako ng ilaw ng buwan. Ang mga talulot ng mga bulaklak ay pumapaikot
sa amin. Parang nagsasayawan.
Ilang minuto pa
ay dumilim iyong paningin ko.
oy natakot ako dun sa picture ni vester! goodness gracious! XD
ReplyDeletethis is getting more exciting! hoping for another UD soon. hehe..
ReplyDeletewAaaH veSter guSto mO aQ mAgLgaY ng gerMs sYo, nde LNg s pisNgi, s Lips mO pA,,, hwAhehE,,, wiEee,,, sLamAt updAte,,,
ReplyDelete