Sunday, April 7, 2013

Unbreakable Spell: Chapter 20


Chapter 20 Full moon I
Damn! Ito pala ang ibig niyang sabihin sa akin! Akala ko pa naman kung anong babayaran iyon pala ako ang maghahanap ng clue kung saan ang bato.


Saan bang lumapalop ko iyon mahahanap? Hapon na din at impossible na makikita ko iyon!
Tingnan mo siya! nandiyan lang siya sa café at nag-rerelax!
Pano ko kaya mahahanap iyon? Hayy~
“Sonya! Bilisan mo nga ang paglalakad kailangan ko pa pumunta sa isa pang tindahan para bumili ng bagong damit! Ayokong maging mukhang katatawanan sa piging!” Sigaw ng babae sa maid niya. Ang una ko napansin sakanya ay ang orange stone ring niya at mukhang mamahalin. Kuminang iyon bigla at parang may nararamdaman akong kakaiba doon.
Hindi kaya... siguro iyon na `no! Pero pano ko makukuha ang singsing na iyon? hindi ko naman pwedeng nakawin baka makulong ako niyan `no!
Ha! wala akong balak na ipaalam kay vester ang tungkol dito.  Tsaka wala na din akong oras para bumalik sa café `no at gusto ko din na subukan itong wand ko na binili niya. Hindi porque binilhan niya ako ay pwede niya ako ganunin ay ewan! Kakalimutan ko na lang `to atleast binilhan niya ako hindi ko pa nasusubukan ang wand pero sana gumana at magamit ko na talaga ang magic ko.
Sinundan ko sila at nakita ko sila na pumasok sa isang shop naghitay ako ng isang oras. What the hell? Ang tagal ah! Pero hindi na din iyon nagtagal at lumabas na sila at naglakad palabas ng bayan siguro malapit lang ang bahay nila. Naawa ako sa katulong niya dahil halos hindi na makita ang mukha dahil sa dami ng mga binili niya.
“Kailangan ko talagang kunin iyon.”
“Anong kukunin?”
Naramdaman ko na may kamay pumatong sa ulo ko.
“Ang bato.”
“Ahh... so alam mo na kung sino ang hawak but you never inform me?”
“Ay butiki ka vester!”
“Iyon bang babaeng iyon?” Tukoy niya sa babaeng nakasuot na blue dress.
“OO.”
“Sundan mo.”
Toinkz akala ko siya na ang bahala pero mali ako ng akala. Dahil ako ang gagawa ng paraan!
“Anong gagawin ko?”
Wala ata sa mood siya. “Kausapin mo at hingin ko o kundi kaya bilhin mo.”
Nasa labas na kami at naglalakad sa forest trail at nakabuntot sa babae. Si Vester naman ay lumilipad lang at nagbibigay sa akin ng senyas na gawin ko.
Tinawag ko siya at swerteng lumingon naman siya at nang maid niya.
“Ako ba ang tinatawag mo?”
“Oo.”
“Anong kailangan?” nakataas ang kilay niya.
“am...er... alam ko na... eerr...”
“Teka, tinawag mo lang ba ako para diyan sa err..amm.. al... ?” pangsusuplada niya sa akin. “At teka, pamilyar ang mukha mo sa akin.”
Nabigla naman ako sa sinabi niya. Familyar daw ako sakanya? Eh ngayon lang kami nagkita.
“Princesa Oriyah, iyan po ata ang kaibigan ni Ianthe.” Bulong ng katulong niya pero dinig ko parin iyon.

“Ahh... at ano naman ang kailangan sa akin ng kaibigan ni Ianthe?”
Wala na akong panahon para magtanong sakanya. Gusto ko na umuwi dahil baka kasi iyong sinabi sa akin ng originator na siya daw ang kokontrol sa akin mamaya kapag full moon na.
“Gusto ko sanang bilhin iyang singsing mo.” Diriktang sabi ko sakanya at maya’t maya ay bigla siyang tumawa.
“Ano?! Bibilhin mo itong singsing? Nagpapatawa ka ba? regalo ito ng lola ko at hindi ko ito pinagbibili.”
>///< waahh! Ito na nga ang ayaw ko eh! leche! Nahihiya na ako! bwisit ka talaga vester!
“P-ero kailangan  ko kasi iyan at baka manganib iyong buhay mo.”
Tinitigan niya ako ng mabuti at hindi ata na-convince sa sinabi ko.
Gumuhit sa mga labi niya ang kakaibang ngiti.
“Sige. Ibibigay ko ito sa`yo kahit na walang bayad.”
“Talaga?”
“Oo, iyon ay kung matatalo mo ako sa laban.”
Lumayo iyong maid.
Tinuro ko ang sarili ko. “Ako? Makikipaglaban sa`yo? No way!”
“Sure you can. Why don’t you use your new wand, baby star.” Biglang lumapag siya sa lupa. At heto na naman iyong nakakasilaw na ngiti niya.
“P-pero—“
“Ooohh... gumagamit ka pala ng wand? Hahaha! Para sa mga beginner lang iyan ah o kundi kaya ay kinukontrol iyong sariling lakas. Hmm... saan ka doon sa sinabi ko? Mahina o nilimit mo ang kapangyarihan mo? Simulan na! ngayon nasa mood talaga ako makipaglaban.” She raised her two hands and moving it in circular motion. Habang ginagawa niya iyon ay unting unti may bumubuong bilog na tubig sa kanyang kamay at lumalaki iyon.
“T-teka hindi pa ako ready! Oi Vester tulungan mo ako dito. Baliw na ata ang babaeng ito!”
“Hindi pwede. Kailangan mong matuto gumamit. Huwag kang mag-alala gagamutin na lang kita gamit ang halik ko.” Nag-flying kiss pa siya sa akin at naglakad papunta sa puno at sumandal doon.
Hindi pa ako ready. Uwah! Pano ko ba magagamit ito? Okay, isip isip...
Nag-concentrate ako at nakapukos lamang ang buong enerhiya sa wand. Habang ginagawa ko iyon ay dalawang segundol lang ay may namumuo na liwanag sa wand.
Atake lang ba ang pwede niyon? Pwede ko bang gawin latigo ang liwanag? XD joke!
Pero di ko inaasahan na mangyayari iyong nasa isipan ko. Ang liwanag ay naging latigo. At iyong babae ay bigla na lang niya inahagis ang malaking ernerhiya niya sa akin kaya naman ay pinapaikot ko sa harap ko iyong latigo at nagbabakasali na mapigilan ko iyon.
Napigilan ko nga iyon pero hirap na hirap ako kasi napakalakas niya eh.
Bumaon na iyong paa ko sa lupa dahil sa pagpigil ko doon. Ang mahaba kong buhok ay nililipad na ng malakas na hangin. Pinaghahampas na ng malakas na hangin ang katawan ko.
Iyan lang talaga ang alam mo `no? psh...  ang tagal naman mag-full moon—ayoko pang mamatay! Grr...
Kung pwede lang sana masakal ko ang sarili ko ay ginawa ko na eh!
Hayy... mabuti na lang at binilhan ka ng lalaking iyon ng wand. Just chant na el diablo entro je
Nakakainis din si Vester hindi man lang niya ako tinulungan alam namna niya na mamatay ako dito eh! Wala tuloy akong ibang option kundi sundin itong bruhang sarili ko. Pagkatapos ko mag-chant ay nakaramdam ng pananakit sa kaliwang kamay at mata ko.
“Agh!” Bigla ko nabitiwan ang wand at tinabunan ang kaliwang mata ko dahil sa kirot na naramdaman ko. Wala na akong panangga at natamaan ako.
Vester’s POV

Pinapanood ko lang ang nangyayari sa paligid. Hindi ko siya tinulungan dahil isa iyon sa mga training niya kailangan niya maipalabas iyong powers niya. Sabi nina Genro na may powers siya na kakaiba nagiging pale white ang skin tone niya at parang may mga parang ugat at ang mga niya ay naging itim at topaz na tanging mga sinumpang bata ang ganun. Well, most people call them like that.
Gusto ko lang makita iyon.
Kaya naman pala ni baby star eh. Maganda talagang idea na binilhan ko siya ng wand. Dahil malakas ang pandinig ko ay narinig ko na may binigkas siya na hindi pamilyar na spell.
Pagkatapos niyon ay bigla na lang siya dumaing at parang nasasaktan nangingitim na din ang kanyang kaliwang kamay na nakatakip sakanyang kaliwang mata.
“Agh! Aray!”
Uh-oh! mukhang mali ang kalkyulasiyon ko. Balak ko lang kasi ay ipalaban na lang siya kay Oriyah kung kaya ba niya ang babaeng iyon. Don’t get me wrong I know that girl but only dahil lang sa isang piging na pinuntahan ko. Pero hindi ko pa siya nakakausap ng harapan since wala namana akong interest sakagaya niya na gahaman sa pera.
Lalapitan ko sana siya nang biglang may naramdaman akong masamang enerhiya sa likod ko.
“Hayaan mo siya...” Malamig na sabi ng babae na nasa likod ng puno. Nakasuot sia na parang nurse uniform at ang kulay ng skin niya ay pale white. “Hayaan mo siya, panginoon. Ang kagaya niya ay hindi nararapat na mabuhay dito sa mundo.”
Biglang tumubo ang halaman sa paanan ko at bigla na lang ito gumapang sa paanan ko at isang iglap ay tumali iyon kaya hindi ako makalakad.
“Ngayon lang kita nakita pero kung makatawag sa sa akin ay parang kilala mo ako.” Tiningnan ko lang ang halaman na nasa paa ko ay nasunog iyon.
“Hindi. Hindi ito ang unang pagkikita natin, panginoon.”
“Siguro isa ka na sa mga stalker ko.” I shoot her with my fire ball ngunit nakaiwas siya. Napakabilis niya dahil sa isang iglap ay nasa harap ko na siya.
“Magkikita pa tayo uli, panginoon, Kung sakali na mabuhay pa siya ay mas makakabuti na pigilan mo siya sa kung anong plano niya.”  At laking gulat ko na bigla niya akong siniil ng halik at naghalo na parang bula.
Napamura ako. Shet! Lumingon ako kay Wistar tuluyan na siyang nilamon ng nagliliwanag na tubig. Double damn! I need to save her! I run towards her direction but suddenly a red-black light burst out.

Wistar’s POV
Nang mawala na ang sakit ay idinilat ko ang mata ko. Weird, Instead of feeling pain and my body tore I could feel the energy flowing inside me. A red-black light burst out my body at ang kamay ko ay parang naging itim at matulis ang itim na kuko that could tore someones body.
Ang sarap ng pakiramdam!
Kinuyom ko iyom kamao ko at nawala iyong kapangyarihan ni Oriyah.
“Anong?” Nagulat siya sa nangyari.
Ganito ba ang pakiramdam ng isang malakas? Hahaha! Ang sarap ng pakiramdam!
 Subukan ko kaya sakanya? Hindi ba’t sinabi niya sa akin na kapag matalo ko siya ay makukuha ko ang singsing na iyon? Anong gagawin ko dito sa kamay ko? Teka teka! Baka kagaya ito sa isang anime na napanood ko! susuntokin ko ang lupa din viola!
Ginawa ko naman iyon. Sinuntok ko ang lupa at nag-crack iyon patungo sakanya.
Lumipad siya para hindi mahulog sa napakailalim na butas. Mabuti na rin at alam ko na kung pano ako lumipad and thanks to vester. Ang bilis ko ay hindi na kagaya noon mas mabilis pa ako ngayon at tinuhod ko ang kanyang tiyan at tinapat ang kamay sa likod niya at naglabas ng enerhiya kaya naman ay bumagsak ito `nong susugurin ko na siya ay bigla siyang sinalo ni Vester at nagbigkas ng spell at bumuo ang apoy na shields kaya napatigil ako.
“Tama na iyan, Wistar.”
Hindi ko gusto ang ginagawa niya ngayon. Bakit niya ako pinapatigil? Matatalo ko na siya eh!
“Bakit? Laban namin ito at kapag manalo ako ay makukuha ko na iyong singsing! Hindi ba mahalaga sa`yo ang singsing na iyan?”
Bakit niya ba tinutulungan ang babaeng iyan?
“Mahalaga. Alam ko na hindi rin tama ang ginawa niya pero kung hindi kita pipigilan ang baka mapatay mo na siya. Pwede na natin makuha ngayon ang singsing.” Kinuha niya ang singsing sa daliri ni Oriyah na tulala na nakatitig kay Vester.
“PERO—!” tututol pa sana ako pero natahimik ako ng biglang naging violet iyong left eye niya kagaya noon una pa namin magkita. I could sense a dangerous aura coming from him.
Ngayon matingnan ko siya ay parang may nakikita akong itim na anino sa likod niya. Pinilig ko ang ulo ko at nang tingnan ko uli ay wala na iyon.
“Fine!” Pinagkrus ko ang braso ko at umirap sa kanya. Pinulot ko ang wand na nabitiwan ko... pshh... gabi na pala! Uh-oh... gabi? Tumingala ako sa kalangitan. Natatabunan ng ulap ang buwan.
Napakasinungaling naman ng babaeng iyon. Sabi niya kapag full moon ay siya ang may control sa katawan ko haayy... ewan!
“Salamat.” Narinig ko pa si Oriyah na nagsalita. Nagningning ang mga mata niya. “Kung hindi mo ako niligtas sa babaeng iyan ay baka kung anong na ang nangyari sa akin.”
“Your welcome. Pero sa susunod huwag kang maghamon ng laban kung hindi mo pala kaya.” Nakangiti na siya. Tingnan mo! napaka-playboy niya!
“Sige, hindi ko na gagawin iyon sa susunod. Bruha ka iyan eh.” Ako ata ang tinutukoy niya. “At dahil naman niligtas mo ako ay bibigyan kita ng gantimpala.” Bago pa magsalita si Vester ay biglang hinalikan ni Oriyah sa pisngi si Vester.
Napaawang ang bibig ko.
“Gusto ko din na imbitahan kita sa nalalapit kong kaarawan. Kunin mo ito.” May binigay siyang bato kay vester. “siguro naman alam mo na kung pano gamitin iya. Dadalhin ka ng bato na iyan sa kastilyo kung saan idadaraos ang piging. Kung gugustuhin mo pwede ka magdala ng kaibigan mo.”
“Oh sige. Maasahan mo na darating ako sa kaarawan mo.”
Umalis na siya.
“Oi, baby star, baka pasukan ka ng langaw kung hindi mo isasara iyang bibig mo.” Nilapitan niya ako. Bumalik na iyong dating Vester. “Sorry, kanina ha? wala kasi ako sa mood eh.”
Wala sa mood daw! Ngayon maganda ang mood mo dahil hinalikan ka ng babae?! Babaero!Gusto ko isinghal iyon sakanya pero hindi ko na magawa.
“Hmp!” Bumalik na sa dati iyong kulay ng kamay ko.
“Galit ka ba? Sorry na nga eh!”
Tinitigan ko muna siya at dumako iyong tingin ko sa pisngi niya kung saan hinalikan ni Oriyah. May lipstick pa! Kinuha ko sa bulsa ang panyo at binigay sakanya.
“Ano ito?”
“Marumi ang pisngi mo. Linisin mo.”
“Talaga? saan?”
Tinuro ko sakanya. “iyan oh! may germs!”
Narinig ko ang mahina niyang tawa. Nag-iinit na iyong pisngi sa ginawa ko.
“Okay, huwag ka ng maging magalit wala na ang germs. Kung gusto mo lagyan mo ng germs itong pisngi ko para mawala na ng tuluyan.”
“A-a-ano?! Wala akong germs `no! ang babaeng lang iyon! at wala akong balak.” >//<
“`kaw talaga, baby star, nagseselos ka naman. Oh heto may reward din ako sa`yo dahil napakahard working mo.”
Reward? “Huwag na. Tama na itong binili mong wand sa akin.”
Hindi ko inaasahan na hahalikan niya ako sa noo. Naramdaman ko ang mainit sa noo ko at biglang umihip ng malakas na hangin. Nasinagan ako ng ilaw ng buwan.  Ang mga talulot ng mga bulaklak ay pumapaikot sa amin. Parang nagsasayawan.
Ilang minuto pa ay dumilim iyong paningin ko.

3 comments:

  1. oy natakot ako dun sa picture ni vester! goodness gracious! XD

    ReplyDelete
  2. this is getting more exciting! hoping for another UD soon. hehe..

    ReplyDelete
  3. wAaaH veSter guSto mO aQ mAgLgaY ng gerMs sYo, nde LNg s pisNgi, s Lips mO pA,,, hwAhehE,,, wiEee,,, sLamAt updAte,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^