CHAPTER SIX
MAAGANG nagising si Mariel at sa kusina agad sya dumiretso, naisip nya kasi na ipag-luto ng agahana ang kaniyang ina. Napag-desisyonan nya kagabi na bumawi sa kaniyang ina simula ng marinig nya ang sinabi ng sinabi nito tungkol sa nakaraan nyang ugali. Simula ngayon ay gusto na nyang iparamdam dito kung gaano nya ito kamahal.
Sakto namang nagising ang kaniyang ina ng matapos syang mag-hain. Halos hindi ito makapaniwala sa ginawa ni Mariel. "A--anak? Ikaw ba ang gumawa ng mga ito?"nauutal na tanong ni Annita sa anak.
Ngumiti si Mariel bago sumagot. "Opo, ako pa ang nag-luto nyan lahat. Hali na po kayo, kumain natayo."nilapitan nya ang ina saka inalalayan ito paupo sa upuan.
"Pe---pero, hindi ka marunong mag-luto. Pano mo nagawa ang mga ito?"
Natigilan naman si Mariel at napaisip. "Ganun po ba? Baka... nag-aral ako nun kaya marunong ako mag-luto ngayon."hula nya. Pero halata parin sa mukha ni Annita ang dis-belief.
"Hay~ma, wag nyo na po isipin kung pano ko naluto ang mga 'to. Kumain na lang po kayo."kinuha ni Mariel ang kanin saka nilagyan nya ang plato ng kaniyang ina. Tapos ay sabay na silang kumaing dalawa. "Uhm ~ mama. Anong oras po ba pumapasok si Arden sa opisina nya?"pag-kuway tanong ni Mariel. Nilingon nga kaniyang ina ang relo nito bago sumagot.
"Nasa office na sya ng mga oras na ito. Bakit?"
"Gusto ko pa kasi syang hatiran ng almusal. Baka kasi hindi pa sya kumakain."saad ni Mariel. Ikinatuwa naman iyon ng kaniyang ina.
"Maganda yang naisip mo. Sigurado akong matutuwa si Arden pag binisita mo sya sa opisina nya."
"Talaga ho? Kung ganon aalis na po ako para maabutan ko syang hindi busy."mabilis na tumayo si Mariel saka kinuha nya ang laucnh bos na pinag-lagyan nya ng pag-kain. Humalik muna sya sa kaniyang ina bago lumabas. Ikinabigla naman ni Annita ang halik na iyon. Hindi nya kasi ito inaasahan, napa-luha na lang sya dahil sa biglaang pag-babago ng kaniyang anak.
+++++
PAG-HUBAD ni Arden ng kaniyang coat ay sakto namang ring ng telephone sa office nya. Isinabit nya muna ang coat bago nya sinagot ang tawag galing sa secretary nya.
"Hello?"
"Sir Yoon, nandito po sa labas si Ms. Choi."
"Si Mariel? Papasukin mo!"mabilis na utos ni Arden kahit na nasa utak nya parin ang pag-tataka. Maya-maya pa ay pumasok na si Mariel. Halos hindi naman makapaniwala si Arden. Ni minsan ay hindi pa sya nagawang bisitahin ni Mariel ng ganoon kaaga.
"Arden!"masayang bati ni Mariel.
"Ma--Mariel. Ano--anong ginagawa mo dito?"masaya man ay hindi parin talaga makapaniwala si Arden.
"Ah ~ gusto ko lang ibigay sayo 'tong almusal na ginawa mo. Naisip ko kasi baka hindi ka pa kumakain. Maaga ka kasi pumapasok eh."naupo si Mariel sa sofa tapos ay inilapag nya ang launch box sa mini table. Naupo rin sa Arden sa sofa.
"Sa--salamat."
Ngumiti si Mariel. "Buksan mo. Kumain ka muna bago ka mag-trabaho."tumango si Arden saka binuksan ang launch box. May laman itong egg roll, mga gulay, kimchi at kanin. Ang isa naman ay may mga iba't ibang klase ng sushi.
Lalo namang ikinagulat ni Arden ang nakita. Ang alam nya kasi ay hindi marunong mag-luto si Mariel. "Gawa mo ba ang lahat ng ito?"
"Oo naman. Pareho kayo ng reaction ni mama. Hindi ka rin makapaniwala nga ako gumawa nyan. Bakit? Alam mo rin ba na hindi ako marunong mag-luto?"inunahan na nya si Arden. Nangi-ngiti namang tumango tango si Arden. natawa na lang tuloy si Mariel. "Sus! Kainin mo na yan."
"sige, salamat."at sinimulan na ngang kumain ni Arden.
+ + + + +
NAALIMPUNGATAN si Angela dahil sa pag-alog ng kama nya. Dahan dahan nyang minulat ang mata nya at ang mukha ni Jiro ang una nyang nakita.
"Jiro. Bakit ka nandito?"kinukusot kusot pa ni Angela ang mga mata nya.
"Ma, kailangan mo na gumising. May pasok ako."saad ni Jiro sa ina.
"Hu?"nilingon ni Angela ang maliit na alarm clock sa side table nila. Pasado alas otso pa lang kaya naman pala inaantok pa sya. "Ganun ba?"nilingon nya ang kanan nya. Nakita nyang wala na doon si Jared. "Nasaan ang papa mo?"
"Pumasok na sya kanina pa."
"Hu?"dahan dahang bumangon si Angela.
"Bumangon ka na. Kailangan natin hatiran ng pag-kain si papa bago ako pumasok sa school."wika ni Jiro habang hinahatak nya ang kamay ng ina. Sa ganung akto naman sila naabutan ni Irene.
"Jiro! Naku naman! Hayaan mo munang mag-pahinga si ate. Ako na muna ang mag-aasikaso sayo."saway ni Irene. "Mag-pahinga ka na muna ate. Ako nang bahala kay Jiro."
"Irene, maaga ba lagi pumapasok Jared?"tanong ni Angela.
"Hindi mo ba talaga matandaan? Maaga pumapasok si kuya Jared. Hindi na sya nakaka-kain kaya parati mo syang dinadalhan ng pag-kain bago mo ihatid si Jiro sa school nya. At mdalas mo rin silang i-bake ng cake tuwing hapon. Dahil pareho lang ng uwi si Jiro at kuya Jared. Chocolate cake nga yung parating nire-request ni Jiro dahil favorite nya yun."kwento ni Irene.
"Ganun ba?"saad ni Angela habang pilit nyang iaalala ang lahat.
"Magaling kang mag-luto ate. Hindi mo ba naalala yun?"
Matagal bago naka-sagot si Angela. "Hindi eh."
"Ganun ba? Hayaan mo na. Wag mo piliting ibalik yung memory mo. Baka makasama lang sayo yun ate. Mag-pahinga ka na lang muna."
"Hindi. Ako na lang ang mag-hahatid kay Jiro pag-katapos ko mag-luto. Pero pwede bang samahan mo ko? Hindi ko rin kasi maalala kung saan pumpasok si Jiro at ang pinag-ta-trabahuan ni Arden."paki-usap ni Angela sa kapatid. Agad namang pumayag si Irene.
"Syempre naman ate. Pero okay na ba ang pakiramdam mo ngayon?"paninigurado ni Irene.
"Oo. Okay lang ako."
"Okay. Bibihisan ko na lang si Jiro habang nag-luluto ka sa baba. Halika na Jiro."lumabas na sila ng kwarto.
MAYA-MAYA pa ay umalis na sina Angela at Irene para ihatid ang inihanda ni Angela para kay Jared at para na rin ihatid si Jiro sa school. Masayang hawak ni Jiro ang kamay ng kaniyang ina habang nag-lalakad sila papasok ng office ni Jared. Habang si Angela naman ay naninibago parin sa mga nang-yayari.
Nang masalubong nila si Jared na palabas ng office nito ay agad namang tumakbo so Jiro para yakapin ang ama. "Papa!"tawag nya.
Ang seryosong mukha ni Jared ay napalitan ng saya ng makita nya ang mag-ina nya. "Jiro anak!"kinarga nya, hinalikan nya ito sa pisngi saka nilingon si Angela na ngayon ay nasa tabi na nya.
"Kuya Jared! Sinamahan ko na muna si Ate hindi nya kasi maalala yung school ni Jiro pati na rin 'tong office mo."paliwanag naman ni Irene.
"Ganun ba? Salamat Irene. Kamusta ang pakiramdam mo? Wala bang masakit sayo?"alalang tanong ni Jared sa asawa.
"Ayos na ko. Wag ka na mag-alala."nang maalala nya ang dalang launch box ay agad nya itong binigay kay Jared. "Oo nga pala dinalhan ka namin ng almusal. Ang sabi kasi ni Irene umaalis ka ng bahay na hindi kumakain. Kaya heto dinalhan kita."
Ibiniba ni Jared si Jiro tapos ay kinuha nya ang launch box na inabot ni Angela. "Salamat."
"Hi---hindi ko alam kung masarap yan."nahihiyang wika ni Angela.
"Syempre masarap 'to. Magaling kaya mag-luto ang asawa ko. Titikman ko na!"pero natigilan si Jared ng buksan nya ang launch box. Dahil ang messy ng pag-kaka-prepare ni Angela. Bukod pa doon ay sunny side up na itlog ang niluto ni Angela. Hindi kumakain ng ganoon si Jared dahil nalalangsahan ito. Wala nang iba pang inihanda si Angela kundi iyon lang.
"Hay! Naku ate! Hi---"pinutol ni Jared na tapusin ni Irene ang sinasabi nya dahil ayaw nyang mapahiya si Angela o kaya naman ay madismaya.
"Titikman ko na."kumuha si Jared ng isang kutsarang kanin na may halos itlog at kinain nya ito. Halos di naman makalunok si Irene sa nakikita. Marahang nginuya ni Jared ang kaning may itlog. Ilang saglit pa ay pakiramdam nya masusuka na sya. Pero tiniis nya parin at nag-patuloy sya sa pag-nguya at nang malunok na nya ay masaya parin syang ngumit. "Masarap naman ang luto mo eh! Ikaw parin ang pinaka-the best sa lahat!"pag-sisinungaling ni Jared kahit alam nyang sobrang alat ng itlog at lasang lasa nya yung langsa. "Sige na, ihatid nyo na si Jiro baka ma-late pa sya sa school."
HABANG nag-lalakad ay napansin ni Irene na malalim ang iniisip ni Angela. Pabalik na sila ng bahay noon matapos nilang ihatid si Jiro.
"Ate, okay ka lang ba? Ano iniisip mo?"kunot nuong tanong ni Irene.
"Hu? Ah---Kanina kasi napansin ko na parang hindi naman yata nagustuhan ni Jared yung luto ko."saad niya.
"Ah~ yun ba? Hindi mo rin yata maalala na hindi kumakain si kuya Jared ng sunny side up na luto ng itlog dahil nalalangsahan sya dun."
Nabigla naman si Angela sa narinig at nakaramdam sya ng guilty. "Ga--ganun ba? Pero kinain nya parin yung binigay ko kanina."
"Alam mo naman ang sawa mo. Di bale nang sya ang masakatan at mag-tiis wag lang kayo ni Jiro. Ganun nya kayo ka-mahal."hindi na lang nakasagot pa si Angela. Bigla tuloy syang nakaramdam ng awa sa asawat at hinihiniling nya na sana bumalik na ang ala-ala nya para mas maalagaan nya ang mag-ama nya.
NANG makarating sila sa bahay ay agad ding umalis si Irene dahil may pasok pa ito sa school. Naiwan namang mag-isa doon si Angela kaya naisipan nya na lang na ipag-luto ng cake sina Jiro at Jared.
Ngunit ng nasa kusina na sya ay hindi sya maka-pag simula dahil hindi nya rin alam kung ano-ano ang mga ingredients ang chocolate cake na ibi-bake sana nya. Nag-palingon lingon sya sa paligid, baka sakaling may mahanap syang cook book. Napangiti sya ng may makita sya. Mablis nyang kinuha ang cook book sa gilid ng counter saka binuklat ito para hanapin ang step by step sa pagbi-bake ng cake.
Habang binabasa nya ang mga ingredients ay isa-isa din nya itong hinahanap sa lagayan. At nang ready na ang lahat ay inumpisahan na nya ang pagbi-bake. Nag-lagay sya ng harina sa isang malaking vowl sunod ay kumuha sya ng itlog at inihalo nya ito doon.
Matapos nyang gawin ang proceedures ay isinalang na nya sa oven ang cake saka inilagay sa 350 degree ang init. Habang nang-hihintay ay hindi nya namalayan na nakatulog sya. At nagising na lang sya ng may bigla syang naamoy na parang nasusunog. Mabilis syang bumangon sa pag-kakayuko at tinakbo nya ang oven. Pag-bukas nya ay sunog na cake ang naabutan nya.
Sa ganong akto na sya naabutan ni Jared. "Honey! Anong ginagawa mo?"gulat nyang tanong dito dahil nakita nya kung gaano kadungis ang mukha nito dahil sa harina at chocolate na hindi alam ni Angela ay napunta na sa mukha nya. Nakita rin ni Jared ang sunog na cake. Maaga itong umuwi dahil inaalala nito ang lagay ni Angela.
"Si---sinubukan ko kasing mag-bake ng cake kaso nakatulog ako at di ko na namalayan na nasusunog na pala sya."nahihiyang saad ni Angela. Hindi agad naka-imik si Jared. Sa halip ay napangiti na lang ito at lumapit sa asawa. Kumuha sya ng table napkin bahagya nya itong binasa saka marahang ipinunas sa mukha ni Angela. Sunod ay kinuha ni Jared ang mga kamay nya para punasan din ito.
Nakatitig lang si Angela sa mukha ng asawa nya habang pinupunsan sya nito. Doon lang nya naisip na napaka-swerte nya dahil nag-karoon sya ng isang asawa na gaya ni Jared.
Nag-papasalamat din sya dahil nag-karoon sya ng pangalawang buhay para makasama ito at ang anak nya.
to be continued . . .
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^