Tuesday, November 27, 2012

You Got Me : Chapter Ten

Chapter Ten


Jan nagsisimula yan!!!



            “Tara na kasi Shenelin, miming na tayo.” Yaya sa akin ni Mina. “Sayang naman ang outfit namin ng mga lola mo kung hindi ito maibibilad na parang tinapa!” ahahaha, talagang sa tinapa inihambing ang ganda nila.



            “Ang bantot mo namang pumili Mina, baka ikaw lang ang muka at amoy tinapa.” Singit naman ni Milka. Tara ba Demi-licious babe, naghihintay na ang magandang dagat sa ating lahat.”


            Ayoko lang na matawag na KJ kaya naman eto ako ngayon at patayo na sa kama, hindi na ako magpapalit ng damit. “Sandali lang, eto na lalabas na nga eh.” at di nga nagtagal ay lumabas na ako ng kwarto ko. “Puchaness kayong mga bakla kayo, bakit naka-ganyan kayo? Akala ko ba sa beach tayo pupunta, eh bakit naka-sleeves kayo na outfit?” alam nyo yung sinusuot nung mga divers, yung yung lykra na long-sleeves, basta ganon ang suot nila.


            Si Miley naman ang sumagot sa akin na halatang feel na feel nya ang suot nya. “Kasi Demi-licious mag i-snorkeling tayo at scuba-diving.” So kailangan ganon talaga ang suot?


            “Ahhh, kaya pala ganyan ang outfit nyo, ang jologs.” Ako kasi naka pang-summer lang na short at saka racer-back na sando, mas jologs pa sa kanila kasi para lang akong magjo-jogging sa kanto. Tara na nga!”


            “Hep, hep, hep, my little devil friend Demilicious, you have to change that monster outfit of yours to this!” at talagang pinakita pa nya sa akin ang isang black na long-sleeve na katulad nung suot nila at isang black na bikini. “Go, mag-change outfit ka na!”


            Fuck, hindi ko isusuot ang bikini na yon, ayoko. “Eto, isusuot ko to!” I’m referring dun sa long-sleeve. “Pero etong isang to, no way!” at yung bikini naman ang tinutukoy ko. Pumasok na ako sa kwarto ko para magpalit nung damit.





            Grabe, sobrang ganda talaga dun sa ilalim, ang daming magagandang isda, si Nemo nga nakita ko din eh. Wala akong masabi sa ganda, paano pa kaya kung sa Palawan kami nag-snorkeling at scuba diving?!


            “Nag-enjoy ka ba?” tanong sa akin ni Wacky pagka-baba namin sa bangka.


            Tiningnan ko naman sya at saka sumagot. “Grabe, sobrang enjoy ako. I admit hindi ako ganong kagaling lumangoy kaya di ko talaga feel ang mga ganyang klaseng activity, pero grabe lang talaga, sobrang enjoy talaga!” mahaba kong sagot sa kanya.


            Dahil sa mahabang sagot ko na yon at over sa laki ng smile ko, nangiti rin ang lolo na ubod ng tamis at ganda. Paker ka Demi, wag mong masyadong titigan ang isang yan at baka mahulog ka jan! Sa naisip ko na yon, lalo ko syang pinagmasdan na naka-ngiti, pakelam ko ba sa sinasabi ng isang bahagi ng utak ko.


            “You know what Demi, akala ko talaga hindi ka mag e-enjoy eh. Nasabi kasi sa akin ni Milo na hindi ka naman talaga mahilig sa mga ganitong activities, hindi ka rin daw ganong kagaling lumangoy. But I’m really glad na nagustuhan mo at nag-enjoy ka sa ginawa natin ngayon.” Mahabang sabi nya habang naka-ngiti sa akin.


            Yung apat na bading ba hinahanap nyo, andun pa sa dagat at kasalukuyang nagfi-feeling sirena. Ako at si Wacky naman nandito na sa nipa hut at kasalukuyang nagpapahinga.


            “Zipline tayo Shen, gusto mo?” biglang tanong sa akin ni Wacky.


            Ayoko ng zipline, takot ako sa heights eh, and kawawa naman yung makakasabay ko kasi paniguradong basag ang eardrums nya kapag tumili ako. “Ayoko, natatakot ako, ayoko sa matataas na lugar.” Sagot ko na lang sa kanya, sana lang hindi nya ako kulitin diba?!


            “You should try zipline Shen, you’ll enjoy promise.” Business ba nila yung zipline na yon at kung makapa-pilit tong si Wacky ay ganon na lang? “Wala namang mawawala kung susubukan mo diba, who knows baka mawala na yung fear of heights mo kapag nag-zipline ka!” konti na lang Wacky, konti na lang at malapit na akong pumayag. Konting smile na lang at OO na ang sagot ko. “Come on Shen, zipline na tayo. Kapag hindi ka nag-enjoy hindi na ulit kita kukulitin.” Ok, payag ka na Deminyita, nag-smile na ulit sya oh!


            “Ok, ok! Pero kapag may nangyaring masama sa akin hinding-hindi talaga kita patatahimikin.”


            Bigla na lang syang tumayo ay hinila ako palabas ng kubo, muntik pa nga akong masubsob sa pagmamadali nya eh. Jusme naman, parang gusto ko ng magbago ng isip ah, parang ayoko ng mag-zipline. Bakit hindi man lang nya sinabi na napakahaba naman pala ng zipline na sinasabi nya?


            “Tara na!” aya nya sa akin nung kami na pala yung susunod na itatapon dun sa kabilang dulo. “Relax, you’re with me.” Kinilig naman pwet mo Demi sa sinabi nya.


            “Teka Kuya, parang hindi ko yata talaga kaya eh!” pinigil ko na naman kasi si Kuya for the fifth times. “Sigurado ka Kuya safe to, mabubuhay pa ba ako after nito?” pasensya naman, kasi first time ko ma-experience to eh. Eto namang si Wacky super supportive, sa pabigay ng moral support todo-effort.


            Hinawakan nya yung magkabila kong pisngi “You can do this Shen, kung yun ngang binalibag mo ng malaking bato yung windshield ng kotse ko kinaya mo, eto pa kaya.” Napasimangot naman ako sa sinabi nya na yon, ano naman connect nun diba? “Come on Shen, matapang ka diba?!” sa totoo lang hindi ko na alam kung matapang ba talaga ako.


            After nung mga pamimilit na yon ni Wacky, inayos na naman ni Kuya yung mga dapat ayusin para matapos na ang kaartehan ko sa lintik na zipline na to. “Lord, kayo na po bahala sa pamilya ko sa Japan kapag hindi na po ako naka-uwi ng buhay!” yun yung huli kong nasabi bago pa kami pakawalan ni Kuya papunta sa kabilang dulo.


            Puro sigaw ko lang ang maririnig mo, kulang na nga lang isumpa ko si Wacky dahil pinilit nya akong gawin ang bagay na to! Pero nung umpisa ko lang naman naramdaman yon, dahil after ilang seconds mula nung ini-released kami ni Kuya, naramdaman ko na agad yung adrenaline, ang sarap pala sa pakiramdam.


            “Tama ako diba, masarap mag-zipline!” mejo pasigaw na sabi ni Wacky sa akin. “Ayos ba?!”


            Hindi naman na ako nag-abala na sumagot ng oo, in fact sumigaw na lang ako at nag-thumbs up sa kanya. Grabe, sobrang saya pala talagang mag-zipline, bakit kaya hindi ko to naisipang gawin before?!





            “You two are oh so unfairness, bakit hindi nyo kami sinama sa zipline adventure nyo?” ang nagtatampong sabi ni Milo ng dumating kami sa kubo. “Kaya pala bigla na lang kayong na out-of-sight lalu, yun pala nag-moment kayo!” at umirap pa ang bruha.


            Natatawa naman si Wacky sa reaksyon ng mga sang-kabadingan ng malaman nila na nag-zipline kami. “Kasi naman busy kayong apat sa kakahanap ng ka-loveteam nyo na syokoy jan sa dagat. Sino ba naman ako para sirain ang pantasya at kaligayahan nyo diba?” sagot ko naman sa kanila.


            “Don’t worry, zipline na lang ulit tayo bukas.” Bigla namang singit ni Wacky. “Oo nga pala, Mom will prepare dinner for us later.”


            “Wowness mga sisters, ang bonggacious naman natin, si Madam President pa talaga ang magluluto ng dinner para sa atin.” Ang bonggang reaksyon ni Miley.


            “Award ka girl, pero parang nakakahiya naman yata yon diba? Isipin nyo na lang si Madam ang kaharap nating kumain mamaya.” Reaksyon naman yan ni Mina.


            Si Milo naman ang nagsalita habang inaayos ang buhok nya. “Ok lang yan mga sisters, wala naman tayong gagawing kagagahan sa harap ni Madam no, so why worryness!” sya nga naman.


            “Basta ako, chichikahin ko si Madam at aalamin ko ang beauty secrets nya.” sagot naman ni Milka.


            Nag-aayos na kasi ang mga bakla at tapos na daw silang mag-swimming, nakapagbanlaw na kasi sila. Ako naman hindi pa nakakapag-banlaw at nakakapag-bihis, kaya pala kinakati na ako eh. Madaya sila, hindi man lang nila sinabi sa akin na nagdala sila ng pamalit.


            “Bilisan nyo na nga jan, nangangati na ako eh, hindi pa ako nakakapag-banlaw.” Reklamo ko sa kanila para naman bilisan na nila ang kilos nila. “Sa resthouse na lang ako magbabanlaw.”


            “You’re so yuck to death talaga Demi, nasaan ang hygiene mo gilrlalu?” makapag-react naman tong si Milo, ang sarap lang pukpukin ng bote sa ulo. “Magbanlaw ka na dito, nakakahiya kang kasabay eh, nakakasira ka ng ganda.”


            Hay naku naman oh, saksakan din ng aarte tong mga bakla na to eh. Pwede naman na sa kwarto ko na lang, bakit kailangang dito pa magbanlaw eh ganon din naman yon.


            “Magbabanlaw ako dito, tapos hindi rin naman ako makakapagpalit kasi hindi nyo man lang ako sinabihan na nagdala kayo ng pampalit ninyo.” Naka-nguso ko namang reklamo sa kanila.


            Hindi naman na sila umepal pa na magbanlaw na ako, hinayaan na lang nila ako na hindi nagbabanlaw, hahaha! “Shen, nagtext nga pala si Mommy kanina. If it’s ok to you, she wants you to help her at the kitchen later.” What, ano daw?


            Teka nga Demi, bakit naman kung maka-what ka jan eh akala mo wala kang kahit na anong alam sa kitchen, diba HRM ang course mo? Packing tape naman oh, hindi naman sa wala akong alam sa kitchen, aba eh nakakatakot kaya dahil si Madam President ang kasama ko, saka sya yung may-ari nung school na pinapasukan ko. Paano na lang kung hindi magustuhan ni Madam yung performance ko sa pagtulong ko sa kanya?


            “Naku, ok lang yan kay Demilicious dahil wala namang gagawin ang bruhaness na yan.” biglang sagot ni Milo.


            Tiningnan ko naman ng masama si Milo pero dedma lang ang lola mo. “S-sige, pakisabi na mag-aayos lang ako tapos pupuntahan ko na lang sya sa kitchen.” Pumayag na ako, eh kasi wala naman akong makitang dahilan para humindi sa gusto ni Madam.





            “Alam mo ba na hilig ko talaga ang pagluluto? There is this time nga that I really want to have a daugther na makakasama sa pagluluto, but sad to say si Wacky lang ang nag-iisa kong anak and he’s a guy.” Kwento sa akin ni Madam habang busy kami sa pagbe-bake ng chocolate cake at ng pecan tart.


            Mayaman naman sila, pero bakit isa lang ang anak nila? “Madam, bakit po nag-iisa lang si Wacky; hindi nyo po ba naisipan na gawin dalawa ang anak ninyo or much more?” kadalasan hindi ko talaga mapigilan ang bibig ko sa kakatanong ko eh.


            “Actually naisip din namin yan, but it’s too late for that. We’ve been so busy to our different businesses that we forgot to have a big happy family.” Sagot naman ni Madam sa akin. “When Wacky was about four years old, he often asked us why he didn’t have a brother or a sister to call on. Hindi naman yon pinansin na mag-asawa, so here we are, iisa lang ang anak.”


            Hindi ko ma-imagine ang buhay ko ng walang kapatid, sa totoo lang. Oo malayo ako kay Kuya Kyohei ngayon pero alam nyo yun, alam ko na isang text o tawag ko lang sa kanya eh nandyan na sya.


            “Parang ang lungkot naman yata ng buhay ni Wacky nun, kasi po lagi kayong busy tapos wala pa syang kapatid.” Kamusta naman kaya ang childhood ni Wacky nun, kaya siguro ngayon sya nangungulit kasi hindi nya yun nagawa nung bata pa sya. “Sino po ang mag nakaka-laro po nya that time?”


            Teka nga ulit Demi Shen, bakit ba masyado ka na namang interesado sa kwento ng buhay ni Wacky? Magtapat ka ngang babae ka, nahuhulog ka na ba sa kanya? Paker naman oh, pag ba nagtatanong ako ng tungkol kay Wacky interesado na agad? Hindi ba pwedeng wala lang kasi kaming ibang mapag-usapan ni Madam maliban sa anak nya kaya tanong ako ng tanong ng tungkol sa kanya?




5 comments:

  1. next na po ! ang ganda ng story tsaka ung mga bakla , grabeee .. haha !!

    ReplyDelete
  2. next na po ! ang ganda ng story tsaka ung mga bakla , grabeee .. haha !!

    ReplyDelete
  3. kaingGit ang bAkasyOn nLa,,, zipLine guSto q diN mtRy!!!!!

    ReplyDelete
  4. naging busy po kasi ako sa OJT kaya late ang comment ko.. hehe.. pero babawi ako.. ahemm.. sisimulan ko nah.. baka nxt week lang kasi ako ulit mka pg internet eh.. kaya susulitin nah..

    bongga!! gusto ko rin magscuba diving and snorkeling!! inggit nman ako.. sayang,hndi nakita ni wacky ang beautiful sizzling hot and sexy body ko.. hahaha.. minsan lang ako mangarap kaya pgbigyan nyo nah..

    ui!! pumaparaan si wacky!! stop smiling!! you're stealing my heart! naks..hahah.. masubukan nga ang zipline.. parang ang saya eh.. baka mei magcheer din sa akin na fafables.. well,i hope so..

    s0rry na lang kayo mga sisters,ng moment kasi kami ni wacky.. unahan lang yan.. nasa harapan nyo na ang HOTness,sa dagat pa kayo nghanap ng monster,haha..

    naku!! yari tayo jan!! hrm nga ako pero hndi ko hilig ang pagluluto.. hahaha..

    ReplyDelete
  5. hahaha ang bait talaga ni madama :) super love ko na siya :) hahaha

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^