CHAPTER 8
(Sabrina “Rina” Bernardo)
Napaka-sutil pa rin nitong si Sabina hanggang ngayon, lagi pa ring iniinis si Yaya. Pero Saab wag kang mag-alala, malapit na ulit kayong magkita ng kaibigan mong si Ryuji.
Rina: St. Peter, gawan nyo na po kasi ng paraan para magkita ang kapatid ko saka yung kalaro nya nung bata pa sya.
St. Peter: isa ka pang makulit Rina, magkikita rin sila sa tamang panahon.
Rina: Eh kasi naman po, kawawa naman si Saab. Hindi na nga sya naaasikaso ni Mama at Papa, wala pa rin syang nakaka-inisan. Saka kokonti lang po yung kaibigan ni Sabina, St. Pete.
St. Peter: kasi pinili nya na konti lang ang maging kaibigan Rina. Pwede naman na magkaron sya ng madaming kaibigan kung gugustuhin nya, nanjan naman sila Ken, Jodie at Chloe.