Friday, February 24, 2012

My First Love, True Love and Forever Love: Chapter 14

CHAPTER 14
(Ryuji Francisco)


Since its Sunday, we decided na mag-malling ng family kasama sila Tito, Tita, Amerie at yung kambal. Papunta na kami ng Itallanis when I saw this girl na parang yung babae na nakita ko sa rooftop ng Architecture Building.

Ryuji: Mom susunod na lang po ako, may titingnan lang ako.

Yukiko: bilisan mo anak ha, baka magutom tong mga pamangkin mo.

Maki: kuya sama ako sayo!

Ryuji: wag na Maki, sandali lang si Kuya Yuji.
May tinawagan yung kamuka ni Inah, nakita ko na may nalaglag sa bag nya nung kuhanin nya yung phone nya. Kaya naman bilang gusto ko syang makita ng malapitan, ako na ang pumulot noon at magbibigay sa kanya.

Ryuji: Miss nahulog from your bag!

Saab: huh?!

Ryuji: nahulog to from your bag, here.

Saab: thank you! Diba ikaw yung lalake dun sa rooftop, sa Engineering building? Yung timang na inakala na magpapakamatay ako?

So sya nga talaga yung babae dun sa rooftop, yung mukang suicidal. Pero ako, tinawag nyang timang? Mas muka pa nga syang timang kesa sa akin eh.

Ryuji: timang? Ako timang? Ayos ka ah, kung nakita mo lang sana yung itchura mo nun, muka ka talagang suicidal.

Saab: ah ganun ba. Anyway, thanks!

Ryuji: may I know your name miss?

Saab: bakit, ipapakulam mo ako? Ikaw muna ang magsabi kung anong pangalan mo.

Ryuji: I’m Ryuji Francisco, it’s your turn!

Saab: Ryuji Francisco ba yung sinabi mong pangalan mo? Kaano-ano mo si Yukiko Francisco at Eugene Francisco?

Ryuji: bakit alam mo ang pangalan ng parents ko? Isa ka sa mga stalkers ko noh!

Mukang sya na nga talaga yung matagal ko ng hinahanap, sya na nga yata si Inah! For sure matutuwa sila Mommy kapag nakita ulit nila ang pasaway na babae na toh!

Saab: ang kapal ng apog mo ha! Ako, stalker mo? In your dreams!!!

Ryuji: hindi ka pa rin nagbabago Inah, asar talo ka pa rin sa akin hanggang ngayon!

Saab: a-anong sabi mo?

Ryuji: akala mo ba hindi kita nakilala nung isang araw sa rooftop ng building nyo? Hinayaan lang kita na maka-alis dahil may exam pa tayo pareho. Akalain mo nga naman oh, pareho lang pala tayo ng university na pinapasukan!

Hula lang!!! Pero malakas talaga yung pakiramdam ko na sya nga si Sabina Bernardo, si Inah namin.

Ryuji: anong tinitingnan mo jan sa langit, si Rina ba? Nagpapasalamat ka malamang kasi nakita mo na naman ang favorite playmate mo mula nung bata ka pa!

Saab: ang kapal mo talaga!!! Hindi ako nagpapasalamat dahil nakita kita, nagpapasalamat ako kasi sigurado ako na matitikman ko na naman yung cookies ni Tita Yukiko!

Ryuji: ang dali mo pa ring paaminin Inah, hindi ko naman talaga alam kung ikaw nga ba si Inah, yung pasaway at matakaw na kalaro ko dati.

Saab: ewan ko sayo, jan ka na nga! Ay teka wait lang, anong address ni Tita?

Ryuji: bakit, si Mommy lang ba talaga ang balak mong puntahan?

Saab: Si Tito at Tita lang, kaya sana lang kapag pumunta ako doon, wala ka. But on second thought, ibigay mo na lang sa akin yung number ni Tita Yukiko.

Ryuji: at bakit ko naman gagawin yon?

Saab: dahil sinabi ko!

Wala pa rin syang kakupas-kupas, hindi pa rin nawawala yung pagiging stubborn, maldita at pasaway na ugali nya! Pero kahit naman ganyan pa rin sya, I still find her cute because of that!

Ryuji: Oh, ayan ang number ni Mommy.

Saab: siguraduhin mo lang na tama ang ibinigay mo sa akin, dahil kung hindi hahanapin kita sa buong university at saka kita babangasan! Jan ka na nga!!!




(Sabrina “Rina” Bernardo)


Rina: St. Pete, super mega thank you po talaga at nagkita na sila!!!

St. Peter: natuwa ka pa eh tingnan mo nga, hindi pa rin sila nagbabago, lagi pa rin silang nagtatalo.

Rina: Brother Pete naman, natural lang naman po siguro yung ganyan, pero deep inside namiss lang nila yung ganyang moment nila!

St. Peter: eh bakit kinikilig ka jan?

Rina: syempre naman Brother Pete, tingnan mo oh, nagniningning ang kanilang mga mata. Saka masaya ako para kay Saab dahil makaka-kain na naman sya ng home-made cookies saka ng cakes.

St. Peter: tigilan mo lang ako Rina sa kaka-Brother Pete mo jan. Pumayag na nga ako na Pete sa halip na Peter, tapos ngayon from Saint to Brother na lang, ipapatapon kita sa lupa eh. Baka kapag nandito na sa langit ang pasaway mong kakambal eh magretiro na ako!

Rina: Brother Pete naman oh, ayaw nyo po ba nun, araw-araw kayong masaya dahil sa amin ni Saab?!

St. Peter: saka na lang Rina, kapag nakapag-pagawa na ako ng bartolina para sa inyong dalawa. Oh ano, masaya ka na ba at nagkita na sila?

Rina: opo naman Brother Pete, sobrang saya!

St. Peter: iyang kakambal mo, hindi ko sigurado kung babae ba talaga yan eh, narinig mo ba yung sinabi nya? Babangasan daw nya ang lalake na kausap nya!

Rina: Hayaan na lang po natin Brother Pete, kaya po siguro ganyan sya ay para walang umapi sa kanya. Wala kasi ako sa tabi nya kaya walang magtatanggol sa kanya.

St. Peter: kung nasa lupa ka pa rin hanggang ngayon sa tingin mo ba kaya mong ipagtanggol ang kakambal mo? Maawa ka naman sa sarili mo, ang payat mo oh. Baka isang pitik lang nung makaka-away ng pasaway mong kakambal eh umicha ka na agad papunta dito sa langit.

Rina: grabe ka naman Brother Pete, kung nasa lupa pa rin po ako hanggang ngayon syempre tataba po ako kasi makaka-kain din ako ng madaming cookies.

St. Peter: ipapasipa na talaga kita pababa sa lupa kapag hindi mo pa ako tinigilan jan sa kaka-Brother Pete mo na yan!

Rina: Brother Pete, easy ka lang, dadami agad ang uban nyo nyan. Dapat po ngiti lang para young-looking pa rin kayo!

St. Peter: Sabrina Bernardo!!!

Rina: St. Peter naman eh…kailangan po ba talaga kasama yung last name?

St. Peter: dapat nga mag-pasalamat ka pa dahil may apelido ka, ako wala!

Rina: sabagay! Pero ayaw mo po ba nun Brother Pete, mag-igsi lang ang isusulat nyo kapag may exam.

St. Peter: exam, walang written exam dito sa langit Rina. Ang tagal-tagal mo na dito hindi mo pa rin yan alam.

Rina: Brother Pete, ilang taon lang po kayo nung mapunta kayo dito?

St. Peter: nung namatay si Hitler, ako ang nagsintensya sa kanya. Nung mamatay si Magellan at Lapu-Lapu, ako din ang humatol sa kanila. Nung mamatay si Marcos ako pa rin ang naghatol. Nang mamatay si JFK, sus nagpa-authograph pa ako sa kanya bago ko ibaba ang hatol ko!

Rina: nyeeeee!!! Ang corny mo Brother Pete, jan na nga po kayo!!!







3 comments:

  1. uwaaah sis! heto na nmn tayo kay rina at brother pete! lol! nttwa tlga aq s scene in heaven mo eh!

    ReplyDelete
  2. ang lndi n2ng dlwang 2! ngaun n nga lng ult nagkita, ngtalo agd! nde b pdeng hug muna o kya kiss? hahhhhahaaaahahhha!

    ReplyDelete
  3. ang kyoot naman ni Brother Pete :) hahahahaha

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^