CHAPTER 17
(Sabina “Saab” Bernardo)
Ryuji: Ano ba kasing ginagawa mo dun sa rooftop ninyo? Saka bakit nandun ka sa may gutter, pano kung nahulog ka don?
Saab: dun ako lagi tumatambay kapag tinatamad akong pumasok o kaya naman kapag inaantok ako, o kaya magre-review. Saka tinitingnan ko lang naman kung gano kataas yung building namin kapag mula sa taas ko sya tiningnan. At kung nahulog man ako that time, kasalanan mo yon!
Ryuji: kasalanan ko??? At pano ko naman magiging kasalanan yon?
Saab: kundi ka ba naman parang tanga, tama bang sigawan ako bigla? “Miss wag kang magpapakamatay! Maraming tao ang gusto pang mabuhay ng matagal, samantalang ikaw magpapakamatay ka!!! Sandali lang, wag kang aalis jan sa kinatatayuan mo!!!”
Ryuji: eh kung nakita mo naman kasi yung itchura mo non, muka ka talagang suicidal. Kukuha kasi ng course yung mahirap, tapos kapag bumagsak sa mga exams magpapakamatay na lang na akala mo yun ang pinaka the best na solusyon!!!
Eto yung talagang na-miss ko dito kay Ryuji, yung makipag-kulitan ang makipag-ubusan ng sasabihin, na madalas ako yung talo. Kung sa tingin ninyo marami na akong alam na mga dahilan, walang-wala yung bilang ng dahilan na alam ko sa alam nya.
Saab: hoy! Excuse me, kaya ko yung kinuha kong course, at FYI lang, mataas lahat ng grades ko! Itulad mo naman ako sayo noh!
Ryuji: Hoy ka rin Sabina, kahit naman naglalaro ako ng basketball mataas pa rin ang grades ko!
Saab: hoy, tama ba talaga tong number ni Tita, baka mamaya sayo lang tong number na to ah!
Ryuji: kay Mommy nga yan, saka bakit ko naman ibibigay ang number ko sayo? Baka mamaya kulitin mo lang ako!
Saab: kapal!!! Asa ka naman!!! Sige na umalis ka na, eto na yung driver namin. Ingat na lang sila sayo.
Ryuji: Kuya, paki-derecho na sa mental ang isang yan ah, malala na eh.
Saab: whatever Ryuji, sige na babay na. Ingat!
Sabi nila Tito dun pa rin daw sila nakatira, so it means magiging neighbors na naman kami. WOW, ang saya nun! Twilight Park , babalik na kami jan, so soooooon. Magkikita na ulit kami ni Amerie, pero bakit kaya sila nagkahiwalay ni Ryuji? Kahit naman ganun ang timang na yon, ok naman syang kausap, hindi kasi nauubusan ng kwento. Hay, itatanong ko na nga lang kay Amerie kapag nagkita ulit kami.
Saab: hello yaya!!!
Yaya: oh Sabina, mukang masaya ka yata. Pauwi na ba kayo?
Saab: Yes Ya, guess who kung sinong nakita ko kanina dito sa mall.
Yaya: malamang yung mga kaibigan mo, sila naman talaga ang ka-tagpo mo diba? Unless nakipag-kita ka sa iba.
Saab: yaya naman eh, seryoso. Ya, nakita ko na ulit si Tita Yukiko at Tito Eugene.
Yaya: talaga? SaTwilight pa rin ba sila nakatira hanggang ngayon?
Saab: yes Yaya, so it means magiging neighbors naman naman natin sila. Ahahaha!
Yaya: at isa lang ang ibig sabihin non, dededmahin mo na naman ang mga ihahanda kong pagkain sayo.
Saab: hindi naman Yaya, just make sure na kakain-kain talaga yung ihahanda mo para naman hindi na ako mangapit-bahay.
Yaya: hoy bata ka, yung pasalubong namin baka kinalumutan mo.
Saab: pwede ba naman yon? Alam ko naman na sasakit ang tenga ko kapag hindi kita ibinili ng pasalubong, kaya lang yaya pati sila Ate Digna nasasanay na may pasalubong din sila, masyadong magastos.
Yaya: oh wag ka ng mag-alala, pababayaran natin yan!
Saab: sige na ya, tatawagan ko lang yung number na binigay ni Ryuji. Titingnan ko kung kay Tita Yukiko nga yung binigay nyang number sa akin.
Yaya: oh sige, ikamusta mo na lang din ako sa kanya.
(Ryuji Francisco)
Maki: Tita, lagi ka na bang dadalawin ni Inah sa atin?
Yukiko: bakit mo naman naitanong Maki?
Maki: para naman naka-porma ako ng maganda sa kanya, saka kapag darating sya sabihan nyo po ako.
Minori: at bakit?
Maki: Para ilo-lock ko si Aki sa room namin para hindi masira yung diskarte ko kay Inah.
Ayos tong kambal na toh ah, hindi talaga nila tinatawag na Ate sina Inah at Amerie.
Amerie: she’s a nice girl Tita Yukiiko, gusto ko syang maging kaibigan habang nandito ako sa Pilipinas.
Yukiko: oo naman, she’s really a nice girl at sigurado ako na magkaka-sundo kayo.
Ryuji: naku Mommy, sigurado talagang magkaka-sundo ang dalawa na yan. Kung araw-araw pupunta si Inah sa atin, araw-araw din nila akong pagtutulungan na inisin.
Aki: wow kuya Yuji, bigatin ka! Dalawa kasi yung babae mo eh.
Ryuji: kukutusan kitang bata ka eh, ang daldal mo. Pati ba naman yung mga pictures namin na nasa kwarto ko balak mo pang sabihin.
Aki: eh totoo naman yun Kuya Yuji eh, ayaw mo ba non, baka ma-inlove pa sayo si Inah.
Maki: mabuti na lang pinigilan mo si Aki, kuya Yuji. Kasi kung hindi mo yun ginawa, baka nga magka-gusto na sayo si Inah, paano na ako, diba?
Takade: ang babata nyo pang dalawa puro ligaw ang inaatupag ninyo, eh kung mag-aral kaya kayong mabuti ng tumaas ang mga grades ninyo.
Amerie: ayan kasi, puro ligaw agad ang nasa isip. Hahaha!
Iyan ang maganda sa kakulitan ng kambal na yan, yung kakulitan nila sa pakikipag-kwentuhan yun ang nakaka-tuwa. Pero kapag yung naglalaro na talaga sila at naghaharutan, gugustuhin mo na igapos ang dalawa na yan patiwarik sa sobrang likot. Sino ba tong tumatawag? Nako, unregistered number, malamang si Inah to, sinusubukan kung kay Mommy nga ba talaga yung binigay kong number sa kanya.
Ryuji: Mommy, sagutin mo nga po, baka si Inah to.
Yukiko: akina.
Ryuji: loudspeaker na lang Ma.
Yukiko: yes hello.
Saab: hello po Tita.
Yukiko: Saab!
Saab: Tita sa inyo po ba talaga tong number na toh?
Ryuji: sabihin mo OO.
Maki: hindi, kay Kuya Yuji yan!!!
Ryuji: sssshhhhhh!!!
Saab: sabi na nga ba eh, sira-ulo ka talagang Ryuji ka, humanda ka talaga sa akin bukas.
Yukiko: hahaha! Sige Inah, parusahan mo yang si Ryuji ko bukas pag nagkita kayo. I’ll text na lang my number to and your Tito to you.
Saab: ok po Tita, thanks po. Hi Amerie, Maki, Aki and Tito Minori, Tito Takade at Tito Eugene.
Ryuji: sa akin, hindi ka maghe-hello!!!
Saab: sira-ulo… humanda ka talaga sa akin bukas!!!
Ryuji: sorry na!!!
Saab: babay po!!!
Langyang buhay to, bakit ba kasi Ryuji saksakan ka ng sutil eh? Sa dami ng pwedeng pag-tripan si Inah pa na pala-patol. Haaay, hindi pa rin pala talaga sya nagbabago. Saan kaya ako magtatago nito bukas?
ahahaha, natawa naman ako dun sa tumawag na si saab! akala mo ryuji makakalusot ka ah! ayiiiehhh!!!
ReplyDeletekulit kasi nung kambal eh, pero feeling ko kahit ibitin sila patiwarik, matutuwa yung mga yun sa kalikutan nila... ahaha!
Saab: Tita sa inyo po ba talaga tong number na toh?
ReplyDeleteRyuji: sabihin mo OO.
pra-paraan mu ryuji, fail! haaahhahahhahha!!! kulit nmn ksi nung kamal e....
at c amerie b tlgang mabait n??????? totoo yan ha????
away p rin ng away 2ng dlwang 'to! hindi n lng mag-aminan na miz nila ang isat isa!
ReplyDelete