Sunday, March 4, 2012

Dusk Eternity : Chapter 10

The Letter from Death
(Olivia "Olive" Quintin)


Isaan daang beses na yata sa pagkakatok si Nekiesha sa pintuan ng silid niya pero iniiwasan niyang pansinin ito.After those bad scene that pass in her life ay hindi na siya tumangkang lumabas ng silid. Nakalimutan din ang pag-aaral. Isa lang ang iniisip niya ang takot na makita si Ethan dahil ayaw niya muli makaramdam ng hinanakit dito.



Mabuti,pagkatapos ng pangyayaring iyon ay  safe and sound siyang nakauwi sa kanyang bahay.But may pinagtatakahan siya. Ang pagiging kabuti ng dalawa. Nawala kasi bigla ang mga ito sa labas ng masion ni Carmela sa lumitaw sa dulo ng dark forest. Nagdududa siya na may alam din ang mga ito sa mga unbelievable na nag-ooccur sa mansion sa gabing iyon.At pwede ding na involve ang mga ito sa pagtulong kina Ethan at Tasha sa pagsugpo ng mga halimaw na kalahi ng mga ito. Kasi parang may narinig siyang umuungol na mapanganib na hayop.




Napakalmot niya ang batok.Pambihirang konklusyon ito.Masyadong nakakalito at pinaiikot ang paningin niya. Ang tumatakbo ngayon sa isipan niya ay ang tungkol sa pagtatapat ni Ethan ng kanyang tunay na pagkatao.Di madaling paniwalaan ito dahil parang nasa pantasya ang buhay niya. Surrealism ito o realism? Mahirap unawain.Saka yong reponsibilidad niya na sinabi ni Ethan ay sadyang napakabigat. Talaga bang pinakamakapangyarihan siya sa lahat? Mas higit pa sa tinatakotan niya? Kung totoo iyon magawa niya kayang tanggapin? Bakit ganito ang tadhana niya? Kailangan pang manarasan ang ganinto.Nagkasala ba siya sa batas para parusahan ng ganito? May ginawa ba siyang masama sa ibang tao para karmahin ng times seven?




Nakaupo siya sa isang sulok sa tabi ng night table habang yakap ang dalawang tuhod.Di pa rin tumitila sa pagtulo ng luha.Nagyeyelo na ang palad at talampakan pati ang marka sa kamay niya ay umiilaw din.Saka binaon ang mukha sa sariling tuhod.




"Olive....olive...olive...??"katok ulit ni Nekiesha."Please sumagot ka.Hindi ka ba nagugutom o nauuhaw..olive..please..respond me."




inignora niya ito.Saka biglang naisipan na angatin ang mukha at titigan ang pinto. May balak ba siyang buksan iyon?




"Olive??"ulit nito.




na-stuck yata ang mga mata niya doon.Na freeze pa yata ang boung kalamanan.




"Nagaalala na ako sayo,Olive. Kailangan mong lumabas."




"sorry.."anas niya.




tatlong araw na siya sa silid na di lumalabas at nililibanan ang at di naisipan na kumain.




"Kailangan mong kumain ayaw kong mangayayat ka!"




"Leave me alone!!"singhal niya.




Finally narinig din ni Isha ang boses niya.Tumigil ito sa pagkatok.Sa paglipas ng ilang sandali ay di na ito kumakatok at natititiyak niyang nilisan na nito ang pinto.Binalik niya ang mukha sa mga tuhod.Saka nakaramdam ng init. Naisipan niyang buksan ang bintana. Marahan siyang tumindig at mabilis na tumungo sa bintana subalit na gulat siya ng mapansin ang unknown letter na nakaipit dito. Sumagi sa isip niya si Diane.Tatlong araw na rin itong nawawala.Marahil sulat ito ni Diane para sa kanya.Agresibo niyang binognot ang sulat at binuksan na puno ng curiosity. Napangalumata siya ng mabasa ang laman ng sulat.








(Knight Cruz POV)

Kasalanan ito ni Ethan,nagpadalos-dalos siya.”sabi ni Knight.”Siya pa nga ang nangako na di ito ilalahad hangga’t di pa ito ang tamang oras.Pambihira.nakakabuwesit.Paano natin i-aadjust si Olive sa pangyayari ngayon?Huli na ang lahat.Palagi nalang ba ito mangyayari?”
Nekiesha shrugged.Nasa harap niya ito.Seryoso ang mukha na tila may malalim na iniisip.



”Kung nakinig sana si Olive sa babala ni Ethan at nababatid niya ang mga pahiwatig natin sana hindi ito nangyayari ngayon.”usal nito.



Ang bruhang Hylla na iyon.”tumitig siya sa malayo.”Magaling siya gumawa ng tactics mabuti naagapan kaagad ni Ethan.Kung naging huli tayo isang abo na sana ngayon si Olive.”



”At maghahari na si Oreon sa Noewin tribe,ito ang magsisimula na magunaw tayong lahat!”konklusyon nito.”Pero di ako makakapayag doon! Erehe siya.Wala siyang karapatan na agawin ang itakda kay Olive.”



”OO! Pati ang niaids ay nakilahok na rin.Mabuti na patay natin ang dalawa sa kanila.Mababawasan na rin ang mga pasanin natin.Sa ngayon,isa lang ang naiisip kong paraan.kailangan nating humanda sa mga susunod pang mangyayari.Kapag matanggap na ni Olive ang totoo,idedeklara ito ng noewin tribe sa lahat ng imortal.Tiyak na malalaman ito ni Mareo Morio.Siguradong kukontrahin din nito si Olive.Isa pa inaasam din nito na agawin ang posisyon ni Ama.”



”Posible iyon.”second imotion nito.



Sa kasalukuyan nasa veranda sila ng bahay.N aguunwind sa mga suliranin na dinadanas ngayon.Nakaupo siya sa rocking chair at steading nakatayo si Nekiesha na di naman na ngangalay ang binti.Mga pasado alas kwatro ng hapon na iyon di kampanteng binabantayan si Olive.Kasi until now di pa rin ito rume-respond sa kanila pero walang humpay na hinahatiran ni isha ng pagkain ang dalaga.   Ang problema kong kinakain ba nito talaga? Isang daang beses na rin na sumusubok sa pagkatok si isha sa kwarto nito pero ganoon pa rin,nananatiling inignora sila.Subalit di niya iniisip na pwersahang buksan ang kwarto nito.May empathy siya sa binibini.Gusti niya ding bigyan ng space si Olive para i-unwind ang sakit na nararamdaman.


”Si Oreon the bandit,kailangan din natin paghandaan. Tiyak planado na nito ang susunod na mangyayari.”usal ulit ni Isha.


Naisagunita niya ang tungkol sa barrier ni Olive.Ginawa niya iyon para hindi sila madaling matukoy ni Mareo Moroi.Lalo na si Olive.


”How’s the status of barier ni Olive?”tanong niya dito.

Si nekiesha kasi ang gumawa ng barrier kaya siya din nakakaalam ng kondisyon nito.May potensiyal si nekiesha na gumamit ng witch carft dahil ito ang 4th generation sa lahi nila ang may kakayahang gumamit ng magic.
Lumungkot ang mukha ni Nekiesha.Nagsimula siya sa pagtataka.Mukhang may tinatago itong malaking sekreto na ngayon niya lang malalaman.Except sa affection nito sa kanya matagal na niyang alam iyon ng di mapigilan ng babae na ipagtapat sa kanya.Pero ni-refuse niya ang feelings nito dahil friends lang ang turing niya dito.Ayaw niya munang umibig.At saka naniniwala siya sa qoute na ang mahal mo ay pwedeng mawala sayo.Syempre ayaw niyang mangyari iyon.ayaw niyang mawala si Nekiesha.


”Ano na?”


”I’m so sorry Knight.”nakayukong sambit nito.”simula noong nawasak ang spell ni Oreon nadamay din ang barrier na ginawa ko.Pasensiya kung hindi ko kaagad pinaalam sayo inaiwasan kong ika’y magalit sa akin sa kabiguan kong natamo.”



Nayanig siya.Kumaba ang puso sa darating na kapahamakan kay Olive.Siguradong nasinghot na ng mga traidor na taong-lobo si Olive at sa kahit anong oras ay naririto na sila upang i-condemn sila at patayin si Olive.Marahil sa pagkakataong ito umaapaw na si Mareo moroi sa pagtatawa sa natamo ang hinahangad.May paraan na para maging leader ito ng Fausse wolfee tribe.At patatalsikin na ang ama niya bilang pinuno.Pambihira,ang coward niya.Nalimutan niyang may umu-oppose din sa kanyang lahi sa pagiging reyna ni Olive.



As of now,kailangan nila maging alerto sa bawat oras.Silang dalawa lang ni Isha ngayon sa Emma city,wala ang ibang taong-lobo na makakatulong sa kanila.Dapat sa lalong madaling panahon ay ma-contact na nila ang iba sa Catharsis. At dapat ngayon na mismo ang simula ng pagbabantay nila.



”Talagang magagalit ako dahil ngayon mo lang pinaalam.”wika niya na hindi pinahahalata ang pagiging tensiyonado.”Kalimutan mo na iyan at tawagan na ang sina Alexander sa Catharsis.”



”Tinawagan ko si Papa.Baka mamaya narito na sila ni Czarina.”

”Alright.”usal niya.”Tulungan mo akong kumbinsihin si Olive na sumama sa atin.Dapat bago  mag-alas sais nasa Catharsis na tayo.”



”Ipapaalam pa ba natin ito kina Ethan?”



”Mamaya na siguro!”



”Hi,sis! Hi,Knight.”huminto ang dalawa ng sumulpot si Czarina Zaragosa ang younger sister ni Nekiesha.Ang fashionista at sosyal na babae.



Autumatikong umismid ang babae sa di nila pagtugon.Binagsak nito ang maleta sa sahig sabay hubad ng sombrero at shades.Ganoon pa rin ang look,baby face sa palalaging pagfafacial,balingkinitan,at hazel hair ang straight na kulot ang dulo.



Napahalukipkip ang babae.Humaba ang nguso saka proud na inangat ang panga.



”So?”



"Where is dad? Akala ko sabay kayong pupunta dito.”



”My business trip siya.”



”Business trip? Sa ganitong chaos moment? Ganyan na ba siya ka manhid sa paligid ngayon.Pambihira..”sabi ni Isha.


”E si Tiya Marie? Hindi ba siya tutulong ngayon?” he asked.



”hindi ko alam kong saang lupalop na ng mundo si marie..”Czarina sighed.”so tayo nalang ang makakaayos ng gusot na ito.Itakas na natin si baby girl mo as soon as possible.”



”Zari tulungan mo kaming kumbensihin si Olive saka i-pursuade ang ibang taong lobo sa Acronis pact na tulungan tayo ngayon.”



”Kay Olive,deal! But sa acronis pact no way..ayoko.May atraso pa ako sa pinuno nila.Nilayasan ko ang anak niya sa kasal namin.Syempre ayoko kong magpakasal kami na 14 years old pa lamang.”



”Ito lang ang paraan para lumakas ang pwersa natin.May katangian ang acronis na depensahan tayo sa pact ni Mareo.”



”Bwesit na Mareo na iyan,pinapahamak ako.”tinirik ni Czarina ang mga mata.”Okay,fine.Deal! Haharapin ko muli ang mukha ni Leo na mala-herodes.”



”It’s time!”



”Tara na Knight! Itakas na natin si Olive.”yaya ni Isha.”Bago mahuli ang lahat.”



Umakayat na silang lahat sa itaas para magimpake.Walang pakialam naman si Czarina na nakakibit balikat na sumusunod sa kanila.Nagmamadali silang tumungo sa kwarto ni Olive.



Kumatok si Isha ng tatlong beses pero hindi sumagot si Olive. Saka naisipan na buksan ang door lock gamit ang duplicate na susi nito.



Marahang pinihit ang pinto hanggang tuluyang nabuksan ito.



Laglag ang panga nila ng matuklasan na wala sa loob ng silid si Olivia Quintin.


”Hindi maari ito!”



(Olivia Quintin POV)

Papalubog na ang araw sa kanluran bagamat pawisan at pagod ay walang tigil sa paglalakbay si Olive.Hindi alintana ang mala-ipo ipong ihip ng hangin na tinatangay ang tuyong dahon sa mga puno.Alam niyang nasa gubat siya ngayong pero wala siyang ideya kong saan talaga ang tunay na patutunguhan.Sinusunod niya ang sinasaad ng sulat na tumungo sa isang liblib na lugar at sabi pa nito ay hanggang sa gitna ng limang puno na pumapalibot siya hihinto.




Bakit kaya?Hindi rin alintana ang sunrays na nagpapasunog sa balat niya kaya lumilikha ang kulay lila na bruise sa mala-rosas niyang balat.Hindi niya nababatid kong bakit nananarasan niya ito ngayon. Ito ba ang bahagi ng kanyang tunay na pagkatao.Ayon kay Ethan ay isa siyang kalahating bampira. Pwede ba siyang masunog sa araw kahit kalahati siya? Tinapon niya ang alalahaning iyon sapagkat naniniwala siya na ordinaryong tao siya at hindi isang halimaw baka sa global warming kaya nagkakapasa siya sa sikat ng araw.



Bagamat mistulang baliw na sa pagtatanong sa sarili kong paniwalaan ba o hindi ang ipinagtapat ni Ethan sa kanya? Nagugulumihan siya.Gusto niyang sumigaw para pakawalan ang depression sa kalaliman ng puso niya. Ngayon,dumagdag na naman ang pasakit niya.May kinalaman ito sa pagkawala ni Diane na parang bula. Ito nga ang ginagawa niya ngayon matapos mabasa ang sulat na pinadala sa kanya. Tungkol ito kay Diane.Kailangan niyang puntahan ito upang bawiin sa kamay ng kumidnap dito.At dapat siya lamang mag-isa.Kaya walang paalam na nilisan ang bahay kanina.Nagtataka siya,ito lamang ang kidnaper na hindi humihingi ng ranson.Ano kaya ang pankay sa kanya at kay Diane? Naalala niya ang


3*~  isinalaysay ni Ethan sa gabing iyon. Tungkol ito kay Oreon Imperial na hinahangad din ang marka sa kamay niya.Sabi ni Ethan  ang markang ito ay tinatawag na Vampire emblem na hinandog sa kanya bilang susunod na tagapagligtas ng lahat ng imortal sa darating eclipse sa araw mismo ng kaarawan niya.Maaari ba ang halimaw na ito ay ginagawan siya ng trick para ma trap siya at maisakatuparan nito ang paghasik ng lagim? She was a fool kung ganoon. Tama ang sinabi ni Ethan na nasa peligro ang buhay niya ngayon kaya hindi siya pwedeng iwan nito. Bakit ngayon niya lang na realize? Huli na ang lahat narito na siya sa intrapment operation ni Oreon! Nais niyang bumalik pero naiisip niya si Diane.Kailangan din niya itong iligtas.Ayaw niyang madamay ito sa awayan ng mga imortal.Mahal niya ang kaibigan at ayaw niyang mapahamak ito.Bahala na mapahamak siya.Pinatuloy niya ang paglalakad hanggang nadatnan ang sarili sa gitna ng limang puno ng molave na pinaliligiran siya.


Already twilight na,malamig ang simoy ng hangin pero mainit ang nararamdaman niya.Nanlalamig naman ang pawis sa subrang pangangatal. Hindi siya natatakot. Kinakabahan siya sa susunod na mangyayari. Nagsisisi rin siya sa pagtaboy kay Ethan and she wish na mapatawad siya nito at mailigtas sila ngayon ni Diane.


Napapikit niya ang mga mata,narinig ang sweetly creepings of bird,frenzy na pagasapas ng dahon sa sanga ng puno,maingay na daloy ng tubig sa talon,gorwl ng mabangis ng hayop sa dulo ng gubat  at heart beats ng isang kakaibang nilalang na desperado  na makamtan ang isang bagay na kay hirap abutin.


Tinigilan niya iyon at minulat ng dahan-dahan ang mga mata.Isang paniki ang bumungad sa kanya.Makikita ang mapanakot ngiti kahit anyo niya’y isang hayop.At sudden wink,naging tai na ito.Pero mapupula ang mga mata at may mapanirang pangil.Umaapoy ang titig nito sa kanya. Inaasam na tikman ang matamis niyang dugo.Kumibot ang dalawang sulok ng labi nito na may itim na lipstick.



Isa palang bampira ito!!



Hindi siya nakakilos.Nangangalumata sa takot at pagkagulat.
He pulled him abruptly.Natangay siya at nawalan ng malay.


Mistula siyang dahon sa sanga ng puno na walang kakayang pigilan ang pagtangay sa kanyang matakas na hangin.


2 comments:

  1. wow! mei color n ung dialogue! mas mdali q n mdidistinguish kun cno ung nagsslita... mahilig kasi aq s colorful e. hahhaah!

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga..pasensiya ngayon ko lang nilagyan..tinatammad kasi ako..eh..

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^