Tuesday, February 7, 2012

Dusk Eternity : Chapter 4



Sweet Enigma


(Ethan POV)


Halos isang linggo bago makaunawaan  si Olive sapagkat sadyang mahiyaan ito. Pero pagkatapos niyon ay close friend niya na ito pati ang bestfriend nito na si Diane Ojara.Subalit he still hide his true identity.Ito ang unang hakbang para maprotektahan si Olive.Kailangan mapalapit si Olive sa kanya para maalagan at maprotektahan kay Oreon.Dahil sinasaad sa propesiya na siya yong imortal na maging protector nito. Siya ang tulay para mailigtas ni Olive ang lahat ng imortal sa pagsapit ng pulang buwan.


Pero may nagbabagabag sa kanya. Paano kung yong taong lobo ang sinasaad ng proposiya? Dahil simula noong nilason siya sa sumpa ni Hylla ay biglang sumulpot ang anak ni Liam-ang pinuno ng mga taong lobo-nagpanggap ito para protektahan si Olive pero nabigo ito noong hindi nagawang iligtas si Olive laban kay Oreon.


Pero sa tulong ng vampire emblem ay nabigyan ito ng second chance. Para protektahan muli si Olive dinala nito sa ibang bansa at iminulat si Olive na isang mortal,may tahimik na buhay na walang haharaping pagsubok sa hinaharap.Nabubuhay si Olive gaya ng mortal,nag-aaral,kumakain ng pagkain ng mortal,at tanging inisip sa hinaharap ay magkaroon ng trabaho,mag-aasawa at magkaroon ng anak.But somehow,may iba siyang napapansin kay Olive.Sa tuwing lumalapit siya dito ay kagyat namang namumula ang pisngi nito at nagsisimula sa pagbayo ang dibdib nito.Kaya minsan nakaramdam din siya ng hiya sa paglapit dito.Bakit ganoon si Olive? Ito ba'y umiibig sa kanya?


Napapilig ng ulo si Ethan sa ginawang konklusyon.Sa kasalukuyan ay nasa people's park siya ng Emma City. Malalim na ang gabi.Wala ng mortal na tumatangkang mamasyal sa park.Kaya ngayon malaya siyang makapag-isip ng malalim.Until now,nababahala pa rin siya sa motibo ng mag taong-lobo kay Olive.Naiinis na siya.Naiirita.Ano ba ang tamang hakbang para alamin ang pakay ng mga ito kay Olive.Sumadal siya sa kanyang motorbike.Hininto niya ito sa gilid ng street light na pumapatay-sindi ang ilaw.Mapanglaw ang gabi dahil newmoon.Pero pinuno ang langit ng kumikislapang tala.


"Hindi maaring umibig si Olive sa akin maaari itong gamitin ni Oreon laban sa proposiya. Maliban kung...kung iibig din ako sa kanya...Ahh..Ewan..Kung mangyayari iyon....magkakaroon kami ng...ng...infinity link." sabi sa sarili.


"Why not? Infinity Link ba ika mo? Yong mga bampirang umibig sa isa't isa ay magkokonekta na ang buhay.Diba mangyayari iyon kapag hinawakan mo siya ng buong pagmamahal.Wow! kung mangyayari sa inyo iyon ni Olivia tiyak dispair na si Oroen but kailangan muna natin patayin si Hylla para hindi niya kontrahin ang pag-iibigan niyo." Agaw ni Selene-ang madaldal na vampire assistant ni Yvette the enchantress,ang bampirang may kakayahang tawagan ang kapwa bampira milya-milya man ang layo nito gamit ang isipan.


He grimaced then shrugged.


"Bakit ka napatawag? May problema ba?" pa-angil niyang tanong.


"Napag-utusan po akong alamin kong kamusta na si Olive.May nakita ka na bang sinyales sa paghina ng spell ni Hylla at nakita mo na ba ang senyales sa-"


"Enough." pigil niya. "Sa ngayon,wala pa."


"Ah..iyon po ba.Si Olive kamusta?"


"She's alright. Nasa piling siya ng mga taong lobo."


"Huh? Maasahan ba sila?"


"Ewan,iyon ang bumabagabag sa akin.Wala pa akong clue kong mabubuti sila o masasama."


"Di ba,opposed din ang mga taong lobo sa powers ni Olive."


"Oo.kaya humahanap ako ng tyempo sa pagkonpronta sa umaalaga kay Olive." he paused. "Selene,sabihin mo kay Anastasha na alamin kaagad ang susunod na binabalak ni Oreon para maunahan natin siya."


"Your wish is my command. Yong tungkol sa infinity link,may balak ka yatang gamitin iyon? Bakit umiibig ka na ba kay Olive?"


"Kalimutan mo na iyon."


"Ayiee..Aminin..inlove ka na."


"Shut up.I said nevermind!"


"Sus..suplado..nagbibiro lang po."


"Ok..ok..ok..pwede bang lumayas ka na sa isip ko!" taboy niya.


"Ouch..okaay..babush!!"


Nawala ng parang bula si Selene sa isipan niya.Napabuntong hininga si Ethan.Tinuwid ang tindig at sumakay sa motorbike.Sa isang iglap,hinarurot niya ng takbo ang motor.Tanging usok ng tambotso ang naiwan.Ang nagpapatay-sindi na street light ay tuluyang nawalan ng liwanag.


Bukangliway-way nang makarating si Ethan sa bahay ni Olive.Ito lang ang tanging paraan na naiisip niya.Kailangan niyang alamin ang pakay ng mga taong lobo sa lalong madaling panahon.Wala nang atrasan ito.Narito na siya. Tahimik ang buong bahay maliban sa ingay ng kuliglig at ibang nocturnal insects sa kagubatan.


Huminto siya sa tapat ng silid ni Olive sa second floor. 100 meters ang layo non sa kanya.Bumaba siya at kumibit balikat.Ilang sandali ding na-stuck ang paningin niya sa bintana ng kwarto ni Olive.Nagbabakasakaling dudungaw ito sa bintana.Saka namalayan na bumubukas ang main door ng bahay.Matulin pa sa ipo-ipo na pumaroon si Ethan.Ang babaing may jet black hair ang kanyang nasalubong.


"Bampira!!" bulalas nito in moderate voice. "Sino ka? Anong kailangan mo?"


"Nasaan si Olive? Kailangan ko siyang makausap!" he struggle to enter pero dagli siyang pinigilan nito.


"Halt!!" she shriek. "Wala kang karapatan! Harapin mo muna ako! Patayin mo muna ako bago siya makaharap!!"


"Aba..sino ba kayo? Bakit niyo siya kailangang protektahan? Ano ba ang motibo niyo sa kanya?" padalos-dalos niyang saad.


Napasingkit ng mata ang babae.


"Pangahas ka! Wala kang karapatan para tumanong  ng ganyan.Sino ka ba bampira?" singhal nito. "Marahil isa ka sa tumatangkang pumatay sa kanya."


"Nagkakamali ka!" pagtatama niya. "Isa din ako sa pumoprotekta sa kanya kaya may karapatan din akong malaman kung sino kayo."


"Kasinungalingan" hindi pa rin ito naniniwala. "Pinaiikot mo ako para maniwala siya.Mamatay muna ako bago ako mawala sayo!"


"Bakit kailangan niyong ibuwis ang buhay niyo para sa kanya? Bakit? Hindi ba banta sa inyo ang pagkaroon niya ng kapangyarihan." prankang tanong niya.


"Sa paniniwala ng ibang taong lobo. Oo.Banta  si Olive sa kanila." sabat ng isang lalaki na sumulpot mula sa kusina.May tuwalya ang balikat nito at tila kakatapos lang sa kakasipilyo. Automatikong bumaling siya dito. "Pero para sa amin ng ama ko at naniniwala kay Olive ay Hindi! sapagkat siya ang daan upang mailigtas kami sa pagsapit ng eclipse at magbibigay ng katahimikan sa pagitan ng mga lahi natin."


"Paano ka nakakasiguro na si Olive nga iyon?"


"sa pamamagitan ng vampire emblem.Iyon diba ang tawag sa nilikha niyong kapangyarihan mula pa mismo sa ninunong bayani niyo." lumapit ito sa kanya.


"Oo..pa-"


"bago ka magtanong,may ilalahad ako sayo." the guy paused.


"Knight tama ba na-" kontra ng babae.


"Nekiesha..dont worry.." sansala nito.


tumahimik ang babae.


"Ano iyon?" sabat niya.


"May isang bampira na nakiusap kay Ama na tulungan itong sa digmaan nila.Sympre hindi pumayag si Ama dahil galit siya sa inyo.Sinabi nito ang tungkol kay Olive. Noong una di naniwala si Ama. Hanggang narinig niya ang palaboy-laboy na proposiya tungkol kay Olive. Naniwala siya doon.Tinulungan niya ang bampirang iyon.Namatay ang bampira,pero bago tuluyang maging abo ay may ibinilin  siya kay Ama para mabibigyang katiwasayan ang lahat ay  kailangan  protektahan at alagaan namin ang batang nakatakdang magbibigay katiwasyan para mawala ang sumpa ng diyosa." the guy name knight sighed. "Iyon ay si Olive,ang daan para mapagkaisa ang itim at puting lobo.Kailangan namin si Olive sa pagsapit ng Eclispe."


"Paano mo nalaman na si Olive ay nasa pangalaga ni Maura? Nalaman din ba ng taong lobo ang pagdating ni Olive?"


"Oo, syempre. Pero nagpanggap ako na walang alam tungkol kay Olive. Pagkatapos ng digmaan niyo ay sinundan ko kaagad si Maura at nagpanggap na palaboy at pinakilala ko rin na half-brother ko siya para hindi siya malito. At sa pagkakataong iyon ay ginawan ko rin ng barrier si Olive para hindi siya ma-recognized ng mga taong lobo na opposed kay Ama.Dahil nagkakaroon na sila ng pagduda sa akin."


"E siya?" turo niya sa babae. "Paano niya nalaman ang tungkol kay Olive?"


Nairita ang babae.


"Excuse me, my name is Nekeisha." sumbat nito.


"Ahem..Nagkaroon ng kaunting conflict noon sa pagpunta namin sa Belgium.Naamoyan kaagad nila si Olive.Pero naniwala naman sila na hindi salot si Olive at nagsimula siyang maniwala ng kapatid niyang si Czarina na mabuti si Olive at iyon tinutulungan niya kaming protektahan siya." dugtong ni Knight.


"Sino ka ba bampira? Bakit kailangan mo kaming i-intorrogate tungkol sa mga secreto namin? Nagdududa ako isa ka sa bumubalak paslangin si Olive." sadad ni Neikisha.


"Isha!?"


"Kailangan ko gawin ito para malaman ang motibo niyo. Hindi niyo man nauunwaan ang magulong mundo ko pero tandaan niyo isa ako sa itinakdang maging protector ni Olive sa mga gustong kumitil ng buhay niya."paliwanag niya. "Pinaabot ko lang na may mabubuti ding bampira at iyon ang Noewin tribe an ancient tribe of vampire na ang intensyon ay maging tahimik ang pamumuhay ng bawat imortal."


"Sabi nila may trumaidor sa tribu niyo." ani Knight.


"Yung Da Rebellious?" hula ni Isha.


Tumango siya. "Si Oreon Imperial ang kanilang pinuno,ang pangunahing imortal na humahangad sa pagpatay kay Olive."


"Siya yong nagtangkang pumatay kay Olive noong 7 years old ito." hula pa ni Knight.


Tumango muli siya. 


"Siya ang pangunahing suspek.Paghahandaan natin ito Isha." sabi ni Knight kay Isha.


"Pwede din akong tumulong sa inyo.Marami akong nalalaman kay Oreon." suggest ni ethan. Nilalahad nito ang tungkol sa spell ni Hylla,At nagplano sila kung paano kalalabanin ang mga nagbabadyang karahasan na gagawin ni Oreon kay Olive.


"As of now,pagkakatiwalaan na kita bampira."ani Isha."Magtulungan tayo sa pagprotekta kay Olive."


Ethan grinned.


"Ethan!?" naputol iyon nang sumulpot si Olive. Nananaog ito sa hagdan.Nakasuot pa ng pajama at may hawak na hair brush. Awtomatikong tumahimik ang lahat.Sa pagbaba ni Olive ay dagli nitong tinago sa likod ang hawak na hair brush. Naramdaman niyang umiinit muli ang pisngi nito.Tila na embarass sa suot at ayos ng mukha.


"Kailangan ko nang umalis" abiso niya.


"Teka bakit ka naparito?" pigil ni Olive.


"Inaalam kong kamusta ka na.Nag-aalala kasi siya kahapon sa paghimatay mo." sabad ni Isha.


Naniwala naman si Olive.


"Ah..yon ba."


"Salamat sa pagaalala.Dont worry matapang at malakas pa ito sa kalabaw." sakay ni Knight saka inakbayan si Olive.Pilipit itong ngumiti. Pilit din siyang ngumiti.Tila na iirita siya sa pag-akabay ni Knight kay Olive.But somehow,as if he felt slightly jealous. Iyon ba iyon? Hummp..Ewan.


"Pardon me for barging in.Sige,I have to go." aniya na humakbang na papuntang pintuan.


"Teka,hindi ko pa napapakilala ang Family ko." habol niya. "Si Kuya Knight pala at Ate Nekiesha." Turo ni Olive sa dalawa.


Tumango lamang siya at ngumiti.


"Salamat sa pagbisita." parang batang tugon ni Olive.


Nilapad niya lalo ang pagngiti.At saka tuluyan ng nilisan si Olive.


Tahimik na nakaupo si Ethan sa kanyang arm chair.Nag-iisa sa kanyang silid-alaran.Mataas na ang sikat ng ara subalit wala pang estyudanteng dumadating.Naiibahan siya sa araw na ito. Wari'y nagkakaroon naman ng mist ang spell ni Hylla. As if pilit siyang pinalalayas sa Emma City. Napasulyap siya sa kanyang balat.


It started to shime his glory.As if binubuhusan ng dust of gold mula sa itaas. He was amazed.Napakutod siyang nagsisismula na si Yvette the Enchantress na labanan ang spell ni Hylla.tila gumagawa ito ng butas para ma-activate ang vampire emblem.Napatid iyon ng bumukas ang pintuan. Niluwal ni Olive. Malapad ang ngiti nito.Tumungo ito sa kinauupuan niya.


"Hi!" bati nito.


'Olive.' bulong niya sa sarili. 'pwede bang lumayo ka muna sa akin'




"Huh? may sinabi ka ba?" usal nito.




"Ah..wala..wala" refused niya.




"Ang aga mo namang napadalaw sa bahay.Ang sama ni kuya Knight di niya kaagad pinaalam sa akin na naroon ka pala." Olive start to mumbling "Thank you pala sa pag-aalala sa akin.Dont worry sa susunod magiingat na ako."




Napasulyap siya sa pulso nito.He was shock abruptly.Nagsisimula sa pag ilaw ang vampire emblem sa pulso nito.At malapit ng magiging visible ang marka na N.W. sa kamay nito.Ang kinababahala niya ay ang pag-aactivate nito,Mamumula iyon at maglilikha ng hapdi pagkahilo kay Olive.




"Bakit Ethan?" namamanghang tanong nito.




"W-wala." he lied.




Napayuko si OLive.Kapagsaka'y natigilan ito. As if niyanig ang buong katawan nito sa hapdi na nilkha ng vampire emblem. Binalot siya ng takot ng makitang namumula na ang emblem.




"Olive..A-are you Okay?" natataranta niyang tanong.




"A..o-ookay lang ako." She managed. "aaaaaaaaaaargh....."




Sinipo ni Olive ang pulso at sinubukang tumayo. Sumunod siyang tumayo. Napatili ito bigla. Tama ang hinala niya. Nag-aactivate na ang emblem tagumpay ang plano ni Yvette. Pero delikado iyon sa kanya. Dagli siyang lumayo kay OLive.




Bagmat ninanais niya ring saklolohan ito subalit ay mamatay naman siya kung lalapit siya dito. Malakas ang kapangyarihan ng vampire emblem lalo na ang watse nito na tumitipon sa katawan ni Olive. Napigilan iyon sa paglabas dahil sa spell ni Hylla.






Pero dapat siyang humanda sa impact nito.Bagamat ni nanais tulungan si Olive ay nararapat niyang layuan ito para di madamay sa malaking pagsabog ng waste material ng emblem.






Sumigaw si Olive.






May namuong bilog na transparent na bagay.Parang rainbow.Iyon ay ang enerhiyang naipon sa katawan ni Olive matapos mapasa-ilalim sa spell ni Hylla.Gusto na itong kumiwala kay Olive.Sa pagbutas ni Yvette sa mist ay na activate iyon.As if active volcano na magbubuga na ng lava.Tumipon ito hanggang kumapal.It pressed in the body of Olive.parang soft drink can na kinumot at humiwalay ito. Nagkaroon ng buntot na parang comets.







Then sumabog ito.. Ba-boom..Nasilaw si Ethan sa liwanag na iyon. Tinamaan siya kaya sumalampak siya sa dingding.Ang bawat gamit sa loob ng silid ay nagkagutay-gutay,nawasak,at halos guguho ang building na kinatitirikan nito.Ang bintana at pintuan ay wasak na wasak.Subalit walang sinuman ang nakakapunang mortal sa kanila.Marahil sa mist iyon ng spell ni Hylla. Sa shield na ginamit ni Ethan ay hindi siya na pinsala.






Samantala si Olive ay naubusan na ng enerhiya. Sa ilang segundo ay mabubuwal na ito. Animo'y lantang gulay ang anyo nito. At hindi nga ito nagsisinungaling. Mabubuwal na si Olive. Sa isang pitik ay kaagad niyang na nasaklolohan si Olive.Bahala na kung magkakaroon man ng infitinity link nang mahawakan niya ito. Bahala na.Inaamin niya,lihim siyang umiibig kay Olive simula nang matagpo ang mga mata nito.






At kung magkakaroon man sila ng infinity link pinapangako niya na iingat ang sarili para kay Olive.Tunay niyang mamahalin ito.Aalagan,ipagtatangol at ililigtas sa kahit anong masasamang elemento. As they become one,he pour his passionate love with Olive at habambuhay na iyon.Everlasting. and the dusk eternity should begun. 




End of Chapter 4
















1 comment:

  1. Ay..shunga ka Olive,hahaha! Ang ganda ng personality mo..inosente!! hahaha! nice.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^