Monday, January 30, 2012

Dusk Eternity : Chapter 1

The Return

(Olivia's POV)



     Takipsilim na nang makauwi si Olivia Quintin sa kanilang bahay.Namangha siya nang mapuna ang kawalan ng kuryente. Sigurado siyang nakauwi na si Mama Maura at kuya Knight niya dahil nasa shoe rack na ang ginamit nilang sapin sa paa.


Nabagabag si Olive kung bakit nakapatay ang ilaw at napakatahimik ng bahay. Dagli niyang hinubad ang sapatos kasunod ang sling bag.Tumungo siya sa likod ng pintuan upang kapkapin ang switch ng ilaw.Ngunit bigla siyang ginambala ng mga mixing bowl na lumagpak sa sahig.Nagmumula mismo iyon sa kusina. Napa-panic si Olive. Kumaripas siya ng takbo patungo doon.

"Ma?!" tawag niya sa ina."Nasaan kayo?!"


"Olive! Tumakas ka na!!" sagot nito.


Ginala niya ang paningin upang hagilapin ito. Nakita niyang nakahandusay sa sahig ang ina. Duguan. Ngunit pilit na nilalakasan ang sarili para sa kanya.Papatakbo siyang nilapitan ito.


"Ma, anong nangyari? Nasaan si kuya?" nanginginig niyang sambit.


"Tumakas ka na..." bulong nito. Sa huling pagbigkas ay tuluyang nawalayan ng malay si Maura.


"Ma!!" umiyak si Olive.Niyakap niya ito. "hindi ka pwedeng mamatay..ma.."


Napatigil siya ng mapuna ang aninong humihiwalay sa kadiliman. Nagkaroon ito ng anyo. Isang malaking tao.Awtomatikong binalotan ng takot si Olive.


"S-sino ka?" she managed.


hindi ito sumagot. Sa isang iglap ay pinaskil nito ang mapupulang mata at pangil. Kinapus sa hininga si Olive.Nagmistulang estatwa siya. Nangingig ang mga bente.Pero may biglang bumulong sa kanya. 'lumakas ka' Napakislot si Olive. Sa tulong niyon ay nagawa niyang tumakas.Tumakbo siya papalabas ng kusina.Walang lingon si Olive na umakyat sa itaas. Nararamdaman niya ang humahabol sa kanya. Ang nilalang na may mapupulang mata at pangil. Ang nilalang na tinatawag nilang bampira. Nang makarating siya sa corridor ay nakita niya ang isang malaking jar na nakapwesto sa may pintuan ng silid ni Knight.Dagli siyang tumago doon. Mabuti may katangahan din ang bampirang humahabol sa kanya. Hindi siya nito nararamdaman. Sa nalaman na wala ng panganib ay lumabas si Olive mula sa jar. Ngunit may biglang tumakip sa bibig niya. Nanlaki ang kanyang mga mata. Dinala siya nito sa kanyang silid at pareho silang pumasok sa wardrobe.


"Kuya?" nakahinga siya ng maluwag ng matukoy si Knight.


"Sssssshh.." tugon nito. "Ito ang paraan para makaligtas tayo."


"Si mama..."


"Sorry..olive.Nagsakripisyo siya para sa atin.Kung makakayahan sana ako.Makakaya ko siyang iligtas."


Tumahimik na ito pagkatapos magsalita.


Umagos ang malamig na mga luha ni olive.Niyapos siya ni Knight.Wala na si Maura.Pumanaw ito sa pagliligtas sa kanila.At ngayon sila na ang isusunod.


Bumukas ang pintuan.Nasira ito ng tinulak ng malakas na pwersa.Niluwa ang lalaking humahabol sa kanya. Nandiyan na siya. Ang bampira. Halos mapuputol ang hininga niya sa sobrang pagbayo ng dibdib.Nakita niya sa mula butas ng wardrobe ang umaagos na dugo sa gilid ng labi nito sa pamamagitan ng liwanag ng buwan na tumatagos sa bintana.


"Olivia..magpakita ka na! Alam kong nandidito ka lang.." narinig niyang sambit ng bampira na tila hinihypnotize siya ng boses nito. "Olivia..."


Hapong-hapo siya na pinipigalan ang pangingingig.


Hinigpitan pa lalo ni Knight ang pagyapos sa kanya.


"A..gusto mo pala ng hide and seek huh."sabi nito ulit."Sige,maglaro tayo."


Nagsimula na ito sa paghahanap sa kanila.Hanggang mamataan niya ang mapupulang mata nito. Papalapit na ito sa wardrobe na tinataguan nila.


"pagbilang ko ng tatlo..nakatago na kayo..isa....dalawa.......tatlo........"


 Habol ang hiningang nagising si Olivia.Nalaman niyang nasa eroplano siya.


She sighed.


Isang bangongot na naman mula sa nakaraan. Sampung taon na ang nakakalipas pero pilit itong bumabalik sa kanya. Posible bang may pinahihiwatig ito sa muling pagbabalik sa bayang sinilangan? Ang bayan na saksi sa pagbabago ng buhay niya simula noong pitong taong gulang siya. Ang pangyayaring animo'y mantsa na di  kayang mabura ng kahit anong bleach sa isipan niya. Ang gabing iyon na pinaslang si Maura at ang pagtangkang pagpatay sa kanya ng bampira. Ngunit may isang pangyayari doon na hindi niya nauunawaan hanggang ngayon. Ang pagkapaso ng bampira sa kanya,noong hinawakan siya nito para kagatin sa leeg. Ang dahilan kaya nanatili siyang buhay hanggang ngayon.  


Iyon nga nasa eroplano siya ngayon upang umuwi sa Pilipinas. Para harapin at bigyang kasagutan ang mga mahihiwagang nangyari sa kanya. Sampung taon din siya sa Belgium,doon na siya ng elementarya at  nagtatlong taon sa high school. Tumulak sila doon upang gamutin siya sa truamang na natamo.


Kagyat niyang iniwaksi ang alalahaning iyon. Bumaling siya kay Knight. Mahimbing ito na umiidlip. Nakatakip ang mga mata at tinatakpan ng headset ang magkabilang tenga nito. Saka napuna niya ang anyo nito. Matangkad,malaki na ang katawan,makinis ang morenong balat at baby face pa rin ang mukha. Animo'y kahawig nito ang gwapong lead actor sa pelikulang abduction. Si taylor Lautner. Ngunit sa edad nitong bente ay wala pa ring nobya. Napansin niya din na walang babae sa belguim na nagkakaroon ng interest kay Knight.'Gwapo naman siya,Bakit kaya?' -namuong katanungan sa gunita niya. Gumalaw si Knight. Nalaglag ang blanket nito. Gumuhit ang ngiti sa labi niya ng pinulot iyon. Saka marahan na binalik sa dibdib nito.Sumandal siya. At sinulyapan ang wrist watch. Half hour to go,nasa Pilipinas na sila.




 Napahugot ng hininga sa Olive nang makababa sa Taxi. Natanaw niya muli ang dating tahanan. Ito'y luma't marupok subalit nananatiling matatag na nakatayo sa gilid ng bundok. Ito'y yari sa puno ng molave at tesa kaya nage-exist pa rin hanggang ngayon. Ito'y pinaliligiran ng puno kaya madilim at malamig. Malayo sa maingay na syudad ng Emma. Ang syudad sa Cordillera na pinaliligiran ng bundok. Sinasabing pangalawa sa may pinakamalamig na klima sa Pilipinas sapagkat minsan sisikatan ng araw sa isang taon. Palaging  umuulan o di kaya'y makulilim ang panahon.Kaya tinawag na Wet city ng mga dayuhang napapadpad dito.




Nadatnan niya ang sarili na kumakain. Kapwa sila tahimik ni Knight. Dumaan ang ilang sandali ay uminum ng tubig ito at napa-irap sa kanya.




"Sa monday,i-enroll kita sa Emma University. Doon mo itutuloy ang pag aaral mo sa fourth year sayang kung hihinto ka." pahayag nito.




Tumigil siya sa kakasubo para tanguan ito.




  Nakayuko siyang lumalakad patungo sa main building ng universidad para hanapin ang class room ng fourth year high school. Na out of place siya sa mga estudyanteng masasalubong dahil tila natatakot ito sa kanya. Umiiwas o aatras ang mga ito tuwing lalapitan niya. Bakit ganoon? weird ba siya? 
She gazed to herself, like the other typical student. She wear plain white t-shirt and black long skirt.ang buhok niyang hanggang balikat ay maayos na nakasuklay. Makinis naman ang rosy paled-skinned niya,may magandang hubog ng katawan,cute ang matangos na ilong,mapupungay ang mata at mamula-mula ang manipis na labi. Pero ganoon pa rin, mukha siyang monster sa perception ng iba.




After 30 minutes,sa wakas natagpuan niya ang classroom na hinahanap.Mahinay siyang pumasok at umupo sa binakanteng upuan sa  likuran ng kanang bahagi ng classroom.liningon siya ng mga babaing kaklase. She flash a smile but i-nisnab siya ng mag ito. She embarrassed. then grimaced. Napuna niyang may umupo sa katabi.Ang bilingkinitan na may pale skin atmay aub brown hair na naka-braid.




"You are the transferee student, right?" kaswal nitong tanong.




Tumango siya. The girl grinned. 




"I'm Diane Ojara,the class president and you are?" pakilala nito.




"I'm Olivia Quintin." she paused "Olive for short."




"im glad to meet you Olive." Diane reply grinning.




"Ganoon din ako." tugon niya.




"Welcome sa Emma City University"




  Tumunog ang buzzer. Hudyat ng lunch break. Nagsilabasan na ang mag estudyante. Tumayo na sila ni Diane. Ngunit bago tuluyang lumabas si Diane ay dagli niyang napigilan sa paghawak ng braso nito. Namamangahang bumaling si Diane.




"Hindi ka ba nawe-weird sa akin?" pranka niyang tanong. Na-confuse si Diane. Napakunot noo na iniisip ang sinabi niya. Saka kumibot ang labi nito bago sumagot.




"Hindi." diane paused."bakit ako matatakot,Hindi ka naman nangangagat."




Napahiya si Olive sa tinanong.




"Hmm..kasi tila na tatakot sila sa akin. Kasi tuwing nilalapitan ko sila.Nilalayuan nila ako." siwalat niya.




"Ayon ba.Pabayaan mo na sila. Mga ingitera iyon. Na iinsecure sa beauty mo.Ang mahalaga may new friend ka ngayon. At ako mismo iyon." may pagka-jolly nitong sambit.




Napangiti si Olive.




"Halika na,lunch break muna tayo.Im so starving." yaya nito.




  Giniya siya nito sa Quartet ang pangalan sa canteen ng Emma University. Malawak ito.Pero at this moment,Halos hindi mahulogan ng karayom sa subrang dami ng tao. Umorder ng pack lunch si Diane para sa kanilang dalawa. Saka dinala siya nito sa Fancy garden, ang malawak at maalindog na hardin ng university. Animo'y harden ng palasyo sa fairytales. Sapagkat pinaliligiran ng namumukadkad na pulang rosas at ang tila sumasyaw na mga paru-paro sa himpapawid. Umupo sila sa isang bench sa harap ng flowing fountain. Nakaka-relax itong tingnan dahil sa matiwasay na agos ng tubig at kumikinang na animo'y may krystal na lumulutang.




"Balikbayan ka ba?" tanong ni Diane matapos silang kumain.




Tumango siya.




"Dito ako pinanganak pero tumulak kami sa Belgium noong 7 years old ako."sabi niya."ikaw?"




"Galing ako sa manila.Tumulak kami dito noong 10 years old ako.Bakit ba kayo tumulak sa Belguim?"




Natigilan si Olive.Ano ang irarason niya dito.Bakit pa kasi usisira ito.




"Hmm..namatay kasi si Mama,Dinala kami ng tatay ni Kuya sa Belgium para gamutin ako.Nagka-trauma kasi ako sa pagkamatay ni mama."




"Ganoon ba,Sorry kong nag usisa pa ako.E..ang papa mo bakit di ka niya kinuha?"




"A..e..wala na rin si Papa.Ang half-brother at si tito ang kasama ko.Pero ngayon." rason niya."Ikaw?"





"Ako? a tumulak ng america ang parents ko.Iniwan nila ako dito ayaw ko kasing sumama,mas gusto ko kasi dito."kwento nito.




"Wala ka bang kapatid?"




"Wala."






* * * * *

Her first week in Emma City is a good start.Masigla at maligaya ang nagdaang mga araw sapagkat nakilala niya si Diane Ojara. Ang first ever bestfriend niya.Natutu na rin siyang tumawa at makipag-mingle sa iba. Kaya ngayon hindi na siya wierd sa pananaw ng iba.Marami nang estudyante ang pumapansin sa kanya.Halos magkaka-stiff neck na nga siya sa kakabaling sa mga taong huma-hi at naghe-hello sa kanya. In one week,wari siya na ang miss popular ng universidad.



Pero may bumabagabag sa kanya.Ang napanagipan noong sumasakay sa eroplano.Kung may masamang pinahihiwatig iyon ay di man nangyari noong nakaraang linggo.Marahil iyon ay sa subrang pag iisip at pagkabahala niya na bumalik dito. 



Nasa malamig na silid si Olive. Ang silid na pinangyayarihan ng masamang pangyayari sa buhay niya. Subalit tapos na iyon. Na-renovate na ang dating silid. Maaliwalas at ligtas na ito ngayon. Natakpan na ang butas sa dingding na  nilikha ni Knight.Siya ay walang imik na nakupo sa study table.Nakapangalumbaba.Nakaharap sa bintan.Malalim ang pagmasid sa maalindog na full moon.Kagyat pumasok sa isipan ang 18th birthday.Iyon ay sa November 18 na.Dalawang buwan at labing walong araw na lang. Tila nakadama siya na  may nakaabang na panganib kapag sinapit iyon. Ngunit hindi niya mababatid.She grimaced. Tumayo. Nagpaunat-unat.Tumungo sa kama at nagpatihulog. And abruptly,she close her deep brown eyes.



Her tears had long gone dry.Her eyes went wide with horror as she saw the vampire closing in on her.Then,she squeezed shut her eyes and her face had turned completely white.As she popped open her eyes,she saw the vampire standing right above her. she tightly embrace her legs.Shivering.Her body is full of numbness.Wala na siyang kawala ngayon.Wala nang magliligtas sa kanya.Si Knight ay nawalan na ng malay dahil sa pagsipa ng bmapira dito.Sa subrang lakas ay tumilapon ito at tumama sa dingding.Na nilikha ang malaking butas.



"L-lumayo ka!"she said between gasps.




Nakakasindak na tumawa ang bampira.



"Paalam,Olivia!!"he said flashing his fangs then haul her.
But suddenly,napanginig ang bampira at awtomatiko siyang binitawan.He shriek with great pain,despair. She was astonished.Animo'y na kuryente ito ng humawak sa kanya.Nakita niyang nasunog ang kamay nito.Then she found her skin glowing.




Her dream shifted to the darkness place. She was at the middle of black forest. It was nightfall. She was wearing a masquerade gown. and trying to runaway.But abruptly,pinigilan siya ng isang lalaki.She glance at him with full of harted. she dont know why she was resented him. Desperado ang paningin nito.Napansin niyang paled-skinned ito na nakasuot ng black long sleeve and slacks.Saka may mabangis at mysterious eyes.Ss pagbuka ng bibig nito ay kagyat siyang nagising.Nasapo niya ang noo.Umaga na pala.




End of Chapter 1

6 comments:

  1. nice sis! ang lalim ng mga tagalog! continue mo lang! ^__^

    PS. i like knight's character... pero hintayin ko muna si ethan... hintayin ko kung sino ang bet ko sa kanila! :D

    ReplyDelete
  2. Ah..hehehe..thanks..gawin kong love triangle kaya? hehehe..pag aagawan siya ng lobo at bampira..hehehe

    ReplyDelete
  3. wow! team edward at jacob ba ito! nakow bias ako sa mga vamps! XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. team edward din ako! i mean team bampira sa story na 'to! next na agad ate!

      Delete
  4. nice story po ate phoebe! i'm jiyeon nga pala also known as kpop! ill support ur story too!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^