Sunday, October 28, 2012

Dusk Eternity: Chapter 21

The missing
Ethaniel pov

Bukangliwayway na sila ng makabalik sila sa noewin  village. Nabawasan din ang pasanin nila.
Kasundo na nila ang mga taong lobo. Humingi oa nga ng tawad kay Olive sa kabila doon ay binigyan sila ng basbas nito na mamuhay ng mapayapa at Malaya. Masaya nga ang mga ito nang malaman na ililigtas sila.


Sa ngayon bukas ang loob ng mga taong lobo na tulungan silang pigilan si Oreon sa pagkontra kay Olive.Kung sakali manh susulpot ito anumang oras. Andyan ang mga taong lobo para sumaklolo.Sa pagkamatay ng ama ni Knight,si Knight ang ginawang bagong pinuno ng fausse wolfee. Naging Masaya si olive ng malaman iyon kaya excited itong makausap si knight.


Tatlong araw na lang pala ay sasapit na ang pulang buwan.marami pang dapat paghandaan dahil nandiyan pa ang bigating kalaban.


Nasa front porch siya ng noewin haven. Hinihintay na lumabas si Olive. Tahimik siyang nakatayo sa gilid ng pintuan habang nakikinig sa huni ng hayop. Napalunok siya. Isang araw nap ala ang nakalipas nang di pa siya nakakainum ng dugo kaya pala hinang-hina siya.
Magtitiyaga muna siyang hintayin si Olive marahil mamaya narito na iyon.Gusto niyang magkasabay silang uminom ng dugo.


“ethan!” bumaling kaagad siya sa loob ng pintuan kung saan nakat yo si Olive na may bibit na bag ng dugo.kalahating tinatakpan ito ng anino kaya di niya masyadong maaninagan ang mukha nito. “Inumin mo muna.”


Nilapitan niya ito at kinuha ang bag.


“Tama ang hinala kong nawawala si Diane dahil nakita ko siya sa gubat ng catharsis noong dinala ko si Kuya Knight sa vampire females sa gubat. Nagtataka ako bakit siya umalis.”sabi nito na nakakunot ang noo.


“Isa lang ang alam ko,marahil pinossess ulit siya ni Hylla para umalis ditto.”conclude niya.

“Malamang gagamitin siya nito para tirahin ang weakness ko.Alam mo naming mahal ko si Diane at handa ko siyang iligtas.”

“Isa itong patibung.Wag mong iligtas si Diane.”

Lumaki ang mga mata ni Olive.

“Hindi pwede. Kaibigan ko siya kaya di ko siya pwedeng pabayaan.”protesta ni Olive.


Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito. “Olive making ka,si Diane ay nasa ilalim ni Hylla ngayon kaya anumang oras kaya ka niyang saktan. Ayokong mapahamak ka dahil nakasalalay sayo ang buhay ng lahat.”


Yumuko si Olive. “Ano nang gagawin ko?”anas nito.

Tinggal niya ang kamay sa balikat nito.

“Wag muna nating isipin si Diane.Maliligtas din natin siya sa tamang oras. Kailangan na nating maghanda sapagkat natitiyak kong patungo na si Oreon dito.” Pahayag niya sa neutral na tono.


“Si oreon pa pala.”Olive clench her fist. “Ang numero unong sumira ng buhay ko.Mananagot siya sa akin.”

“Kamusta na pala si Knight?”change topic niya.


Inangat ni Olive ang mukha. “Maayos na at Masaya dahil nalaman niyang wala na si Mareo at pinuno na siya ng Fausse Wolfee. Baka mamaya narito na siya para samahan tayong bumalik sa mansiyon at gagawa ng bagong plano.”lahad nito.


“Ayan na pala siya.” Aniya nang Makita si Knight na papalapit sa posisyon nila.


Lumingon si Olive para patunayang totoo ang sinabi niya.Kumibot ang isang sulok sa labi ni Knight. Naghilom na ang sugat nito at nakakalakad din ng matuwid. Parang wala lang nangyari.


Natagpuan niya ang sarili na nakaupo sa sofa ng mansiyon kasama si Olive at knight.Tahimik siyang nakikinig sa usapan ng dalawa habang binubuo ang isusuggest sa plano mamaya.
Nasa mesa ang  mapa ng noewin village. Minamarkahan ni olivr ang bawat boundary na pwedeng madaanan ng d’ rebillous.


“Dito ko ilalagay ang mga seabert dahil malapit sa lawa at hindi sila mahihirapang tawagin ang kapangyarihan nila. Malamang kalahati sa d rebillous ay dadaan sa tubig.dito naman ang mga imperial sa gilid ng gate dahil may pinakamalakas na depensa sila at ang crystal ball…”naputol iyon ng sumulpot si Selene.



“And speaking of crystal ball. Currently nawawala iyon.”pahayag nito.”Im sorry for the bad news.”


“What?”napatayo siya.


“Ow god wala natayong barrier sa paligid ng noewin. Ito ang sinasabing magaasa tayo sa isa’t isa.”


“Sino naman kaya ang kumuha ng crystal ball?”sabad ni Knight.


“May alam ako but Im not sure. Nakita ko kasi si Diane na umisneak sa temple ni Lady Yvette.Hinayaan ko na lang kasi im sure di niya alam ang mga bagay doon.Pero duda kong siya ang kumuha non. Tanga ko eh.”napakalmot ni Selene ang batok.


“Kailan ba nangyari iyon?”tanong niya.

“Kagabi lang.”


“Marahil tangay na ni Diane ang crystak ball noong nakita ko siya sa gubat ng catharsis.”pumikit si Olive. “She betray me. Perhaps she’s acting na pino-possess ni Hylla para ma-confuse tayo. Iyon pala umiispiya siya sa atin.”


“Wala ng oras.”bulalas niya. “Selene,tawagin mo ang lahat na pumunta dito.”

Tumango si Selene saka talikod.

“Ang sakit ng ginawa ni Diane. Tinuring ko siyang kaibigan.Trinaidor niya ako.”niyakap ni Knight si Olive.


Maya-maya’y nasipagdatingan ang lahat. Nagsimula na sa pagdiscussion. Siay syempre ang speaker.

“Mamayang dapit hapo humanda na kayo sa pagabang sa D’Rebellious sa bawat lugar na dinestino ko sa inyo.Kami naman ni Olive ay aabang sa tapat ng mansiyon. Maliwanag?”
Tumango ang lahat at kanya-kanyang nagsipag-alisan.


2 comments:

  1. WAaaaAaaah eXcitiNg na,,, paTaPOs na tLga,,,

    ReplyDelete
  2. sasabunutan ko rin yang si diane.. makki eksena rin eh.. hahah

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^