Monday, March 5, 2012

Kissing Bandit : Chapter 5

CHAPTER 5
(ATASHA ORELLANA POV)



So yun, nag-usap lang kami ni Bao tungkol sa mga naging buhay namin nung nagkalayo kami. Hindi pa rin naman siya nagbabago, pwera lang talaga sa God-like face niya ngayon! Para ngang nakaka-awkward nang makipagharutan sa kanya dahil ang gwapo-gwapo na niyang nilalang! Hindi ko carry! Nakakanose-bleed!



“Madilim na pala. Napasarap yata ang usapan natin.” Napasarap din ang pagtitig ko sa kanya! Ay ano ba yang pantasya mo Atasha! Si Bao yan, kababata mo yan! “Paano yan kung hindi kita pwedeng ihatid?”



“Ano ka ba! Okay lang ako, hindi naman mahirap magbyahe sa gabi eh.”



“Ay nabasa ko sa update sa TMU Diary na halos pareho lang kayo ng way ni Laris. Diba? Nagkasabay pa nga kayo ng sinakyan nung first day.”



“Nagkataon nga lang yun Zack!” Naks sa palusot! At medyo hindi rin ako sanay na tawagin si Bao sa real name niya… pero mas weird naman na tawagin ko siya sa badoodles niyang nickname diba? “Sige mauna na ako.”



“Ang arte naman nitong kaibigan mo Zack, pakunyari pang ayaw sumabay.” Pagkasabi niya nun, narindi na naman ako kay ET. Ano bang gusto niya, sabayan ko siya para ma-issue na naman pag may nakakita saamin! Tapos ano? Kawawa ako… teka… yun nga gusto niya! Makawawa ako!!! “Tara na sabay ka na! Ayan na yung bus!”



Papalag pa sana ako kaso humawak siya sa kwelyo ko tas inakyat na ako agad sa bus! Lintek na ‘to! Bakit kasi kailangang pareho kami ng sakyang bus! At bakit kasi pareho kami ng tinutuluyang dorm! At lalong bakit kasi nabubuhay ‘tong Laris na ‘to! Hindi ba pwedeng burahin na lang natin siya sa kwento?



“Uy ingat kayo ha! Laris, ingatan mo yang si Atasha!”



Ano ba ‘tong si Zack! Kaasar, hanggang ngayon ba iniisip niya na bata pa rin ako? Dalaga na nga ako eh! Pwede na nga akong mag-boyfriend! Weh malandi lang!



Anyway, heto na nakasabay ko na nga si Laris, pero hindi naman kami nagtabi sa bus! Nasa harap ako tapos nakaupo siya sa likuran ko. Mabuti yun para hindi ako mahawa sa sakit sa utak ng lalaking ‘to.



Nakasilip lang ako sa bintana, tuluy-tuloy lang din yung byahe kasi wala namang traffic sa way namin… all is peaceful at iniisip ko pa rin yung muling pagkikita namin ni Zack. Hay naku! Bakit kinikilig ka Atasha kapag binabanggit mo ang name niya!



Ayiiieh!!! Ang landi ko talaga! Kaderder sa part ko diba?



Pero paano kasi naging ganun ka-gwapo si Zack?



May girlfriend na kaya siya?



Magustuhan niya kaya ang isang tulad ko?



Maayos na sana sa imagination ko eh, kaso maya-maya nakaramdam na lang ako na parang may gumagalaw sa buhok ko. Wala naman akong kuto ha, ano ‘tong gumagapang?



“Eh?” Nakatirintas ng yung ilang parte ng buhok ko! “Hoy manyak!!! Ang epal mo!!! Bakit mo tinitirintas ang buhok ko ha.” Pampam masyado! Pakelamero ng buhok! Yung masklap pa, yung iba hindi tirintas, pinulupot niya lang na ewan!



“Naalala ko shih-tzu namin sa buhok mo eh.”



Letchugas na yan! “At anong tingin mo saakin, alaga mo?”



“Hindi. Mas cute yung shih-tzu kesa sayo. Makasing buhok lang kayo, medyo madumi kaya gusto kong i-braid.”



Argh!!! Inuubos ng taeng ‘to ang pasensya ko! Ang kapal ng mukha niyang sabihing madumi ang buhok ko!!! Nakalugay kasi ako, tapos dahil sa byahe kanina, naalikabukan yun ng konti! Eh ano? Pake ba niya!



“Itirintas mo yang buhok mo, wag yung saakin!” Tapos tumayo na lang ako at humanap ng ibang pwesto malayo sa autistic na lalaking yun. Baka yung kulot kong buhok, malagas dahil sa kunsumisyon kay Laris Howfer!
















Nakarating na kami sa Isang Dipa Street at naglalakad na kami pareho. Pero ilang feet ang layo ko sa kanya, ayoko talaga kasi sa aura ng lalaking ito.



“Hot Pink! Kaya ka siguro lumipat sa dorm ko dahil narinig mo na noon pa yung usap-usapan tungkol saakin noh?”



“Usap-usapan na balak ka daw i-gang rape ng mga kaklase ko? Yun ba yun?”



“Ano?” Bigla naman siyang kinabahan sa sinabi ko. Joke lang naman yun! Hindi lang puro mga kaklase ko ang may plano nun, lahat ng mga fans niya, ganun ang plano!



“Kaya mag-iingat ka, halos mga baklang sabik pa naman yung mga yun. Siguro mga thrice as manyak as you.”



“Ako ba talagang gusto mong gaguhin, Hot Pink?”



“Hindi… at hindi ako si Hot Pink. Tigilan mo ang pagtawag saakin ng ganun!”



“Si Zack… crush mo noh?”



At napatingin ako sa kanya at, “Ay tipaklong na kabayo!” Natapilok ako ng di oras! Paano niya nalaman? “Hindi noh!!! Magkababata lang kami nun!”



“I know a lot of girls. Alam ko ang tipo mo.”



“Aber? Sige nga? Ano?”



“No boyfriend since birth.” Aww… “You will never like someone na hindi mo pa madalas na nakakasama.” True! “You believe in fairytales and happy endings.” All girls do! “And right after na magkita ulit kayo ng ‘childhood friend’ mo, you can’t stop thinking about him. Asking yourself kung paano siya naging ganun ka-gwapo, kung may girlfriend na ba siya… at kung magustuhan kaya niya ang isang tulad mo.”



Uwaaahhh!!! Binabasa ba niyang isipan ko? Ohmaygawd! Paano niya nalaman ang lahat ng yun? “I’m right, right? At sa tipo mo, idi-deny mo lang lahat ng yun.”



“Hindi yun totoo!!!” Ohmaygawd again! Ni-deny ko nga! Kasasabi pa lang niya!



“Makinig ka saakin Hot Pink…” Nasa may gate na kami ng dorm tapos dahan-dahan siyang lumapit saakin kaya napaatras naman ako at nasandal dun sa may pader. “Gusto mo si Zack Guiller. Obvious sa malapad mong mukha.” Syeteng lalaki talaga ‘to!



“Kailangan may lait?” At ituloy mo na lang yang pagdi-deny mo Atasha. “At kung gusto ko man si Zack, yun ay dahil magkaibigan kami!” Kalma lang para hindi halatang defensive masyado!



“Alam kong alam mo na yung tungkol sa mga balita tungkol saakin. You know if you like Zack, I’m the best person who can help you get him for sure. Kaya nga panay ang sunod mo saakin eh. You planned all of this!”



Tinulak ko siya kasi bukod sa mahangin na masyado… err… yung mukha niya kasi malapit na masyado sa mukha ko. Nakakalula pa rin yung ka-GANDAHAN niya.



“Tigilan mo ako sa mga pinagsasabi mo Howfer! Wag kang magbintang jan!” So kasalanan na ba ang magka-crush ngayon? “Wag mong bigyan ng malisya yung friendship namin ni Zack!”



“From what I remember, you use to call him 'Bao'. Pinagkamalan mo pa nga ako diba?” Eh ano bang gusto talagang ng lalaking ‘to? Bakit ang pilit niya! “Why can’t you call him Bao now? Kasi nalaman mo na siya pala si Zack Guiller. Si Zack Guiller na oozing with sex appeal and now you’re just one of those girls na attracted na sa kanya!”



Maka-walkout na nga lang! I stand corrected at tama na siya! Sige na, pero crush nga lang talaga promise!!! Pero ayoko pa ring aminin noh! Ano na lang iisipin ni Bao… ni… Zack… ah basta!



“I know lalapit ka rin para hingiin ang tulong ko.”



“Magpapakamatay na lang ako noh!”



“Magpapaturo ka rin saakin kung paano mo makukuha si Zack.”



“Ay hindi! Ikaw na lang pala ang magpakamatay!”



“At magmamakaawa ka just like all the girls na naghahabol saakin.”



Bleeehhhh!!! Sukaan ko kaya pagmumukha nito! Ang kapal ng fezlaks niya! “Hindi ka ba titigil ha?”



“Nabubwiset kasi ako sayo.”



“Hoy! Times ten naman ang nararamdaman ko para sayo!”



“Eh di umalis ka na sa dorm na ‘to.”



“Ikaw ang umalis!!! Dito lang ako!”



“Nalalagay sa panganib ang katahimikan ko dahil nandito ka rin nakatira.”



“Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko ipagsasabi! At… at tsaka… ipinanakot mo nga yung pictures ko diba?”



“Not good enough. Nagka-issue na nga agad nung first day pa lang eh.”



“Nakalusot naman yun diba!”



“Hindi yun sapat. Paano kung may sumunod pa?”



“Eh di ilulusot ko ulit! Masaya ka na?”



“Hindi!!! Tutulungan naman kita eh, basta gusto kong lumayas ka.”



“AYOKO!!”



Hindi lang mukha ang matigas sa kanya, pati ulo niya! Anong oras na ba? Nasaan na ba utak ng lalaking ‘to? Ano ba talagang gusto niyang palabasin?



“Okay sige, pumikit ka na. Ibibigay ko na sayo yang pinaka-aasam mong first kiss basta umalis ka na dito sa dorm ni Aling Mangkay.” Ano daw? First kiss? Bakit may biglang ganun?



“Nagda-drugs ka ba o talagang may sayad lang yang utak mo? Bakit ko ibibigay sayo ang first kiss ko, aber?”



“Diba kaya mo nga ako kinukulit at binubwiset dahil  tulad ng iba, pangarap mo din na isang Laris Howfer ang magbigay ng first kiss mo.” Pangarap lang ng iba yun kasi ang stupid ng legend na binuo nila tungkol sa kanya!



“Una sa lahat, hindi kita kinukulit. Pangalawa, ikaw ang nambu-bwiset at pangatlo, hindi ko pinangarap na mahalikan ka! Sino ka ba? Alien ka ba na pinatalsik sa planeta niyo dahil ang lakas na ng saltik mo?”



“Galit ka ba o ganyan ka lang talaga magsalita? Lumalaki butas ng ilong mo eh.”



That’s it! Rumble na ‘to! “DIE LARIS HOWFER!!! DIE!!!” Kailangan nang burahin ang lalaking ito sa mapa ng Pilipinas! Pinilit ko siyang sipain, hambalusin, sapukin at bigwasan pero nailagan niya lang lahat ng yun.



Nalulukaret ako dahil sa kanya! At mas nakakaasar pa dahil hindi ko siya matamaan! Dahil wala akong magawa, dumirecho na lang sa ako loob ng dorm. Mabuti nang pumasok dito kesa patuloy pang patulan ang kaaningan ng lalaking alanganing syokoy at ET.



Hahanap ako ng paraan para makaganti sa kanya! Hahanap talaga ako!!!



At ang tanging paraan nga na naisip ko na eh yung naisip ko nung nakaraan!



[[[ From CHAPTER 4: Ay teka… tama! Madali lang para saakin na nakawan ng pictures ang Laris na yun! So… Ehehehe… I just had a brilliant idea! ()

Brilliant and evil idea!

Bakit ba hindi ko naisip yun agad! Hwahahaha!!! Humanda kang Howfer ka! Anong plano ba yan? I’ll share it later. Paplanuhin ko lang ng maigi! ]]]










Nasa loob na ako ng kwarto ko tapos kinalaykay ko na yung mga gamit ko. Nilabas ko yung laptop ko at nag-internet na. May free wi-fi kasi sa dorm namin, biruin mo yun!



Tapos una kong ni-check yung account ko na ginawa ni Raiza para saakin… nothing special kaya nag-logout din ako agad. Yun naman ay dahil gagawa ako ng isang bagong account! Hehehe!!!



Name: Unknown
Gender: Unknown
Birthday: Unknown
Username: Anti_Kissing_Bandit
Password: •••••••••••••

Profile: Hindi ko lubos maintindihan kung bakit maraming may gusto sa Laris Howfer na yan o kilala niyo bilang Kissing Bandit.

He is a kissing legend? Ow come on! Sinong gumawa ng alamat na yan? Ang korni! Shet! Wala akong pakelam kahit siya pa ang #2 Most Influential Personality dito sa TMU Diary, at lalong wala akong pakelam jan sa 850,000+ followers niya.

Ilalabas ko ang baho ng lalaking ET na yan! Manyak siya, magaling mamblackmail, at bakla! Kaya humanda kayo people at mga fans niya, marami akong ilalabas na mga pasabog tungkol sa kanya! Hwahahaha!!!



Yan ang foreword ko, and there’s no turning back!


Confirm to complete your sign-up… CLICK… Welcome Anti_Kissing_Bandit!!!



After 5 minutes… 100+ people tagged you on their post.



@Anti_Kissing_Bandit:



“Who the fvck are you?!?”



“And how are you going to ruin Kissing Bandit’s name?”



“Pakamatay ka na kung sino ka man!!!”



“Hetong middle finger ko, sayong-sayo! ..|..”



“Wala kang magawa sa buhay mo noh!!! Go to hell!”



“Humanda ka saamin kapag nalaman namin kung sino ka!!!”



Ako - (O,O*)



Ilan lang yan sa hate comments na naka-tag saakin. Wala pa nga akong first post! Langyang yan! Nakakatakot yung fans ni Laris! Oh bakit aatras ka na? Wala eh, napasubo na ako!



Pero bukod dun sa mga death threats na nakuha ko, meron pang isang post na naka-tag saakin at yun ang pinakamakapanindig balahibo sa lahat…



“Kissing Bandit says... I know who you are, @Anti_Kissing_Bandit.”



Uwaaaaaaahhhhh!!! Napa-logout ako sa diary at ni-shutdown ko na agad yung laptop… Owemji! Nangyari ba talaga yung ginawa ko?










So after nun, umiwas muna talaga ako sa harap ng laptop. Nakakatakot yung ginawa ko. Hindi ko pa alam yung susunod kong gagawin.



Tapos nung Monday, sinadya ko talagang hindi makasabay sa umaga si Laris Howfer. Hindi naman sa natakot ako sa post niya na, “I know who you are, @Anti_Kissing_Bandit.” Hello! Ako lang ba ang nag-iisang anti-fan niya? Oo, mukhang ako lang nga yata!



Hindi niya alam na ako yun!



Hindi niya alam na ako yun!



Hindi niya alam na ako yun!



Hindi niya alam na ako yun!



Alam niya ba talagang ako yun?



Uwaaahhh!!! Hindi niya alam na ako yun! Walang pwedeng makaalam!!!



Sa loob ng classroom pagpasok ko, himalang ang tahimik yata, sa kabaligtaran! “Good morning, Raiza.”



“There’s no good in the morning.” Aligagang tuod naman siya! Ang aga-aga, sa laptop niya agad nakatuon! “Since Saturday, hindi ako nakatulog ng matino.”



“Bakit?” No wonder! Internet adik siya eh.



“Hanggang ngayon, trending pa rin yung Anti-underscore-Kissing-underscore-Bandit na yan!” Kinabahan ako bigla! So hanggang ngayon, malaking gulo pa rin yun? So yun pala yung topic ng bulungan kahit doon pa man sa labas. “At alam mo ba kung ano yung nakakapanggalaiti jan?”



“A… ano?”



“Nag-tag pa talaga mismo ng post si Laris Howfer sa kanya! Alam mo bang bihira lang mag-post si Laris! Ni-hindi nga siya nagrereply sa milyong comments na natataganggap niya! Nakakaasar, pinag-aksayahan talaga siya ng oras ni KB! Kakaiinggit!”



“Gawa ka rin ng anti-account.” Para may kadamay ako diba!



“No! No! No! No! No! Yan ang never kong gagawin para lang mapansin ni Laris noh!” Tapos tinry kong silipin yung TMU Diary, kahit medyo nanginginig na ako sa takot sa kaloob-looban ko! “Malaman lang talaga namin kung sino yun, babalatan namin siya ng buhay!!!”



Gulp, with matching pagpapawis ng malamig. “Grabe naman kayo… pwede kayong kasuhan nun ha.”



“Bahala na, basta maglaho lang siya sa mundong ibabaw!” Grabe!!! Ako ang gusto ko lang, mabura si Laris sa mapa ng Pilipinas. Kapalit pala nun ang pagkabura ko naman sa mundo!  “Hinihintay na lang namin kung anong next na gagawin ng Anti-underscore-Kissing-underscore-Bandit na yan. Ano naman kayang mga ipo-post niya para sirain ang pangalan ni Laris. Hmfp!”



Actually, hindi ko rin alam ang mga ipo-post  ko.










The whole day, ang bukam-bibig lang ni Raiza at yung ibang tao sa paligid ko eh yung plano nilang pag-assasinate kay Anti_Kissing_Bandit. At least mapaghahandaan ko kung gaano ka-brutal ang gagawin nila saakin kung sakali.



“Ah sige Raiza, alis na muna ako ha.”



“Tumulong ka saamin mag-plano!”



“Eh… wala pa ngang pinopost si Anti. Anong malay niyo, baka umatras na yun.”



“Kahit na! Gumawa pa rin siya ng account na naka-dungis sa magandang pangalan ni Kissing Bandit! Sa tuwing naalala ko nga yung nasa profile niya, kumukulo na dugo ko eh.”



“Ah kasi… bibili lang ako sandali sa cafeteria. Kanina pa ako nagugutom eh.”



“Ganun? Sige, bilisan mo ha!”



“Yep!” Napilitan ako ngumiti sa harap niya at sa ilan pang Anti’s ni Anti_Kissing_Bandit.





Nung ako na lang mag-isa, dumirecho ako dun sa pinakamataas na floor kasi balita ko bihira lang ang tao dun.



“Ano ba ‘tong gulong ginawa ko!” Napakamot na lang ako sa ulo ko. “Ang sakit sa ulo!”



Tapos palakad-lakad na lang ako dun sa floor na yun. Nag-iisip ako kung paano ko aayusin ang gulong ginawa ko.



Itutuloy ko ba yung account?



Wag na lang kaya!



Hindi pang-ganti mo nga yun kay Ate Ganda eh!



Anong ipo-post ko?



Gamitin mo kaya yang camera na palagi mong dala!



Kukuha ako ng pictures niya? Anong bago dun?



I-edit mo, papangitin mo siya! Sirain mo image nya!



Masisisira naman image ko lalo!



Dadami ang taong magagalit saakin!



Oh no!!! Pati ang POV ko, naguguluhan na! Hindi ako makapag-isip ng matino!



“Ang ingay naman ng sapatos mo.”



Bigla akong napalingon sa boses mula dun sa likod. Nakaupo siya at nakasandal lang sa pader. Parang natutulog yata siya kanina dun sa gilid na yun! At kilala ko ang taong iyon!



Tumayo na siya at tumitig pa ang inaantok niyang mga mata.


“Ikaw pala yan Hot Pink! Kahit kelan, istorbo ka.”



Hindi ako nakasagot… aalis na ba ako sa harapan niya?



Naalala ko kasi ulit yung ni-tag niyang post… “I know who you are, @Anti_Kissing_Bandit.” Does he really know me?



Naglakad siya papalapit saakin, tapos ipinatong niya lang ang kamay niya sa balikat ko. “Sinusundan mo talaga ako noh?”



“HINDI NOH!!!”



Akala ko kung ano pang sasabihin niya… na pagbabantaan niya ako tungkol sa ginawa kong account… na iri-reveal niya sa lahat ang identity ko para kuyugin na ako ng mga nagngingitngit niyang fans.



Pero sa tingin ko, hindi niya talaga siguro alam na ako yun! Panakot lang niya yung post na ginawa niya! Paalis na kasi siya eh… so nakahinga ako ng malalim kahit papaano.




.



.



.



“Oh! By the way! Ni-fan ko yung bagong account mo! Ang galing! Sumikat agad! But don’t worry Hot Pink, gusto kong makita kung anong mga ipopost mo dun para sirain mo ako. Things are getting more interesting! Update mo na yung Anti_Kissing_Bandit ha!”



Ako - ……. ( ._. )






Wala na. Dead on the spot!




(Disclaimer: I do not own the photo used in this post. Credit goes to the owner!!!)
End of Chapter 5



14 comments:

  1. hala!!!!!!!!!! hahahaahhhhaahhaha!!!
    ntwa nmn aq s ginwa ni hot pink! tlgang gumwa ng hate account!

    yan 2loy, nmumuroblema k, peo itong si laris mukhng naeexcite p s ggwin!!!!! nku, ano nga kyang ggwin ni atasha!


    ate, kinikilig tlga aq s dlwang yan!!!!!!!!!! ang landi nla preho!!!!!!

    peo nmn kasi, bkit si bao ang type ni atasha? owell, kay laris p rin nmn ang bagsak nia...

    nxt agd ate!!!!!!!!!! at first pla aq!!!!

    ReplyDelete
  2. ay grabe talaga!
    this chapter is epic!
    natawa ako sa ginawa ni laris dun sa hair ni atasha!
    talagang ni-braid niya!

    ang kulit ng pilosopohan nila!
    hey you two, the more you hate the more you love nga diba?

    and because atasha made an anti-fan account dahil ganun niya ka-hate si laris,
    ibig sabihin nun, ganun din niya ka-love si laris!

    next chapter please!

    ReplyDelete
  3. “No boyfriend since birth.” Aww… “You will never like someone na hindi mo pa madalas na nakakasama.” True! “You believe in fairytales and happy endings.” All girls do! “And right after na magkita ulit kayo ng ‘childhood friend’ mo, you can’t stop thinking about him. Asking yourself kung paano siya naging ganun ka-gwapo, kung may girlfriend na ba siya… at kung magustuhan kaya niya ang isang tulad mo.”-------------Favorite line ko!!! hahaha! ang kulit nilang dalawa!!..

    ReplyDelete
  4. hala ka nmn atasha!!!! lol!

    tawa ako sa ginawa niya e!!!!

    pero feeling ko type n yan siya ni laris! kasi lagi nia inaasar din si atasha eh!

    waahhhh!!!!! kilig!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  5. hehehee...sana mainlove si zack kay atasha tapos magselos si laris,,hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. darating din tayo jan! wuhoooo!!! >__<

      Delete
  6. HAHAHA....

    LIKE THIS LINE

    >“No boyfriend since birth.” Aww… “You will never like someone na hindi mo pa madalas na nakakasama.” True! “You believe in fairytales and happy endings.” All girls do! “And right after na magkita ulit kayo ng ‘childhood friend’ mo, you can’t stop thinking about him. Asking yourself kung paano siya naging ganun ka-gwapo, kung may girlfriend na ba siya… at kung magustuhan kaya niya ang isang tulad mo.”



    Uwaaahhh!!! Binabasa ba niyang isipan ko? Ohmaygawd! Paano niya nalaman ang lahat ng yun? “I’m right, right? At sa tipo mo, idi-deny mo lang lahat ng yun.”



    &

    >
    “Oh! By the way! Ni-fan ko yung bagong account mo! Ang galing! Sumikat agad! But don’t worry Hot Pink, gusto kong makita kung anong mga ipopost mo dun para sirain mo ako. Things are getting more interesting! Update mo na yung Anti_Kissing_Bandit ha!”


    OHHHH....NEXT NEXT PAGE NA ...EEEEHHHHHHHHH

    ReplyDelete
  7. bwahahs. batsa stories ni unni, mgaganda lhaaaaaaaaat. hihi

    ReplyDelete
  8. Wahaha..you're dead hot pink! wahahaha.. naadik na ako sa story na ito.. <3

    ReplyDelete
  9. >.> Why so Clever,Ate Ganda? Gusto kong tumawa pero pagkakamalan akong adik..syet-e mahirap magpigil! >.<

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^