Wednesday, March 14, 2012

Kissing Bandit : Chapter 6

CHAPTER 6
(ATASHA ORELLANA POV)



Nagmadali na akong umuwi after ng class. Lalong gumulo yung buhay ko nung ginawa ko yung Anti-fan account na yun! Tapos alam pa nga ni Laris na ako yun.





Pero mukhang hindi naman siya nagalit… o baka humahanap pa lang siya ng tyempo para gumanti. Na-eenjoy pa niya kasi yung kalokohan eh.




“Atasha!!!” Pagtingin ko sa likod ko, si Zack!!!





Pinagtinginan tuloy kami ng mga estudyante kasi si Zack ay TOP #9 sa TMU Diary. “Zack… wag mo akong kausapin.”





“Bakit naman?” Tapos umakbay pa siya saakin.





Eh kasi ang gwapo mo. “Eh kasi makikita tayo ng mga fans mo.”



“Anong fans? Artista? Wag ka munang umuwi! Kain muna tayo.”





“Kakakain ko lang.”





“Inom na lang tayo.”





“Kaiinom ko lang.”





“Tambay na lang tayo.”





“Katatambay ko lang.”





“Date tayo?”





“Kade-date ko… ano? Date?”





“Kade-date mo lang rin ba? Ikaw ha! Sumbong kita kina tito at tita!” Tapos hinila na niya ako. “Tara na Tasha! Samahan mo na ako!” At dinala niya ako sa may car park dun sa isang sasakyan.





“May sasakyan ka na?” Dapat pa bang itanong yan? Bulag ka ba Atasha?





“Yes, sakay na!” Wow! Parang feeling gelprend naman ako nung pinagbuksan pa niya ako ng pinto ng sasakyan.





“Saan ba tayo pupunta?”





“Kahit saan! Mag-bonding lang tayo tulad nung dati! Namimiss pa rin kita eh.”





Napakamot na lang ako at sumakay na sa sasakyan. Eh kasi naman ang haba ng hair ko! Biruin mo si Zack ang kasama ko!





Okay lang sana kung katulad pa rin siya nung dati! Yung kalaro ko na uhugin at lampa na nadapa pa at na-shoot ang mukha sa ebak ng kalabaw! Kung katulad pa rin siya nun, okay lang sana eh!





Kaso ang laki ng evolution niya! Yung tipong ipis tapos biglang tao agad! Hindi man lang dumaan sa pagkaunggoy o yung homo erectus chuva na yun!





Ayun, so dinala niya ako sa mall. Tapos nag-merienda kami. Saka siya nag-aya na manood daw kami ng sine then after nun nag-dinner din kami. Everytime na magpapaalam na akong umuwi, saka siya mag-aaya pa ng ibang gagawin.





“Bakit nga pala Zack na tawag mo saakin? Nasaan na yung Bao?” Ngayon, nilibre niya ako ng shake at nakatambay kami ngayon sa labas habang nandito sa sasakyan niya.





“Hindi na bagay sayo yung ‘Bao’. Gusto mo ba ipaalala ko pa sayo kung pano mo nakuha yung nickname na yun?”





Bigla siyang nabulunan. “Ahahahaha! Sige wag na! Zack na nga lang!” Ang gwapo niya tumawa! Ay ano ba yan Atasha! Kung makapagpantasya ka! Mahiya ka nga sa bangs mo! “Hmm… oo nga pala!” Bigla siyang umakbay saakin at nagpicture kaming dalawa sa cellphone niya.





Ganito pa mata ko kasi biglaan… (_)





“Ay ano ba yan! Burahin mo nga yan! Biglaan ka naman kung mag-picture! Walang pasabi!”





“Ahahahahaha!!! Ang laki ng mata mo dito!”





“Burahin mo!!!”





“Ayaw!” Tapos parang may kinalikot siya sa cellphone niya. “May account ka na ba sa TMU diary?”





“Meron. Atasha Orellano yung account ko mismo.” At tsaka yung Anti_Kissing_Bandit.





“Okay… yun… tag… post!” Ano daw ginawa niya? “Na-post ko na yung picture natin! Na-tag na din kita! Ni-follow pa kita ha!”





“ANO???” Hala!!! “Bakit mo ginawa yun?” Sisikat na ako! Feeler much! “Mai-issue ako sa school niyan eh! Sikat ka pa naman!”





“Eh ano? Friend naman kita eh. Tara na! Ihahatid na kita. Gabi na din.”





“Buti naisip mong gabi na!” Hala naman kasi! Magte-ten na!





Pero ano ba yan! Wag yung oras yung isipin mo Atasha! May mas malala ka pang kaharap ngayon! Una, na-issue na ako dun kay Laris nung first day pa lang, tapos ngayon dahil sa ginawa ni Zack, mai-issue ulit ako! Panigurado yung mga kaklase at fans nitong si Zack, dudumugin ako bukas sa room! Owno!!!





Aizt! Bakit ba kasi ang hirap ma-link sa sikat eh!



















Inihatid nga ako ni Zack pero hindi ako nagpababa dun mismo sa Isang Dipa Street. Alam niyo na, dapat kasing panatiliing sekreto ang lugar na yun! Nilakad ko na lang din pauwi at hindi naman yun nakakapagod.





Kailangan ko pang isipin yung palusot ko bukas kung paanong nakasama ko si Zack kanina! At ihahanda ko na rin ang sarili ko sa mga possibleng comments dun ng fans ng kaibigan kong aning-aning! Pero kinakabahan talaga ako! Wag na lang kaya akong pumasok!





Nag-elevator na ako… joke lang! Hindi pa ako ganun kasanay kaya stairs lang ang gamit ko.





Pagdating ko dun sa floor namin, napatigil ako sa paglalakad. Si Ate Ganda kasi, nakaupo sa harap ng kwarto niya at parang natutulog yata! Eh kaharap nga lang ng kwarto niya ang kwarto ko diba?





Paglapit ko, “Hay ano ba yan! Hindi na lang pumasok sa loob ng kwarto niya at doon matulog!” Weh? Hindi ako pinansin! Tulog nga yata!





Bahala nga siya sa buhay niya jan! Ipisin sana siya! Hwahahaha!





Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko, naupo sa sahig at ipinatong na ang gamit ko sa lamesa. Pero… “Ano kayang trip ng lalaking yun?” Concern citizen lang naman! Nagtataka kung bakit nandun siya natutulog.





So sinilip ko siya sa labas at… “Hala! Nandito pa rin siya! Tulog pa rin?” Pero baka mamaya trip niya lang ‘to! Kaya isinarado ko na lang ulit ang pinto.





Eh Atasha baka mamaya kung ano na nangyari dun sa lalaking yun! Bakit kasi siya doon natutulog? Sinilip ko nga ulit para i-check kung may pagbabago… hala!!! Ganun pa rin posisyon niya!!!





Oh! Inuulit ko po! Concern citizen lang kaya lumabas na talaga ako para gisingin na siya. “Hoy! Lalaki! Gumising ka jan!” Tinapik-tapik ko siya.





“Hmmmmm…”





“Pakalat-kalat ka sa daan! Mahiya ka naman! Doon ka sa kwarto mo!”





“Ano ba!!!” Nakapikit siya na nagsalita!





Alangya! Nakainom pala ang mokong! Naamoy ko ang alak sa bibig at damit niya! Teka galing siya ng school kanina tapos umuwi siyang lasing ngayon! Ayus ha…





*light bulb!*





Oh!!! Ito na ang hinihintay kong chance!!! Magpo-post ako ng picture ni Laris na lasing siya after niyang pumasok ng school! Kung ano pa man ang okasyon na pinuntahan niya kanina, hindi pa rin siya dapat umuwi ng lasing!





At bukod pa roon! Kung makakapag-post ako ngayon ng tungkol kay Laris, possibleng matakpan nun ang issue sa picture namin na pinost naman ni Zack! Tama!!! Isa kang henyo Atasha!!! This is my best chance!





Agad akong pumasok sa kwarto ko para kunin ang SLR ko. This is it! Ito na talaga ang start ng Anti_Kissing_Bandit!





*click!*





Photo evidence! Huli ka balbon! Laris Howfer, lasing na umuwi sa dorm niya! Hwahahaha!



“Hoy HOT PINK!!! Anong ginagawa mo ha!!!”





Nagising na siya! “Ah… wala! Wala naman!” Sisimulan ko lang na sirain ang pangalan mo! Tutal ikaw naman mismo ang nagsabi na i-update ko na yung anti-fan account!





Pinilit niyang tumayo pero naout-of-balance siya at wala naman sana akong balak siyang saluin para mabukulan siya! Kasalanan niya kasi, bakit naglalasing siya! Kaso, saakin siya bumagsak eh ang bigat niya kaya napatumba din ako.





“Aray!!! Ang bigat mo!!!”





“Grabe ka Hot Pink. Babae ka ba talaga~?” Ang bangag ng boses niya! Nakakalasing pa amoy ng bibig niya! “Bakit wala ka man lang boobs ha?”





*boooggggssssh!!!*





“Walangyang ‘to! Hagis kaya kita mula dito sa fourth floor!”





“Ahahahahahahahaha!!! Ah walang boobs!!!”





*booggggggsssshhhh!!!*





Isa pang sapok para sa kanya! Dahil doon, nakatulog siya ulit at nakasalampak na siya sa sahig.





“Bahala ka na nga jan! Ang manyak manyak mo!!! At anong tingin mo sa boobs ko ha? Tinubuan lang ng butlig? Meron kaya akong boobs!!!” Hala sige Atasha! Isigaw mo pa! Knockout na nga yang kausap mo diba?





Plano ko na talaga sanang iwanan na lang siya dito sa daanan eh kung hindi lang ako dinalaw ng habag at awa. Hinanap ko kung nasaan yung susi niya at nakapa ko naman agad yun sa bulsa niya.





Pagbukas ko ng kwarto niya, hinila ko na siya sa paa at pina-slide papasok sa kwarto niya. Paniguradong napunas na ng suot niyang leather jacket yung mga alikabok sa sahig! Hwahahaha!





Pagpasok namin sa kwarto niya, pinilit ko siyang ihiga sa kama niya at tinanggal pa yung jacket at sapatos na suot niya. OA na sa kabaitan ‘to ha! Bayaan mo na Atasha, may katapat na good karma ‘to!





Aalis na sana ako kaso nakita ko yung laptop niya. Nandun kaya naka-save yung pictures ko? Ni-try kong i-check kaso may password kaya fail! Iniwan ko na siya at lumabas na feeling so~ mabait!



Biruin mo kaaway ko, tinulungan ko pa!





Nung bumalik na ako sa kwarto ko, now I’m feeling so~ masama! Oh yes! Masama dahil gagawin ko na po yung evil plans ko! Hwahahaha!!!



















Agad akong nag-login sa Anti_Kissing_Bandit account. At syempre, windang pa rin ako sa mga hate comments at samo’t saring mura galing sa kung sinu-sino.





Pero infairness, dahil first follower ko mismo si Laris Howfer, dumami rin ang followers ko! But I know kung bakit nila ako ni-follow! Yun ay para malaman nila ang each and every move ko para sirain ang sinasamba nilang Kissing Bandit!





Iba-iba pa ang reaction nila about this! At yung iba, naisipan ko na talagang replayan.





“WTH! Talagang pinag-aksayahan ka pang i-follow ni Kissing Bandit!”



“Kanya-kanyang trip yan. May sayad talaga yung idol niyo eh.”



“Ang tagal-tagal ko nang nagda-diary, ni minsan hindi ako na-tag o ni-follow ni Laris! Nakakaasar ka!”



“Eh’di gawa ka rin ng anti-fan account, baka sakaling i-follow ka rin niya.”



“Sana mamatay ka na kung sino ka man!”



“Mauna ka na lang kung gusto mo.”



“Buti ka pa napansin ni Laris! Pero kahit na, I still hate you for hating Kissing Bandit!”




“And would you love me if I’m one of your rivals?”





At marami pa akong ni-replyan pwera lang yung mga pure mura yung message. Ayoko silang patulan, hindi naman ako sa kanila galit eh.



Anyway, ito na! Ni-upload ko na yung picture ni Ate Ganda! Ano kayang magiging reaction ng lahat tungkol dito.



"Kissing Bandit, umuwi ng lasing!!!"
Huling-huli ang sinasamba niyong Kissing Bandit na umuwi ngayon ng lasing dito sa dorm niya.
Pero kung maglalasing naman kasi, siguraduhing kakayanin! Hindi yung uuwi ka sa dorm na hindi mo na kayang pumasok sa sarili mong kwarto dahil sobrang antok ka na at matutulog ka na lang sa hallway!
Malaking abala ka sa mga tao! Bukod pa sa amoy alak ang bibig at suot mo, ang bigat-bigat mo pang ipasok sa loob ng kwarto mo!



Save and Publish Post? Click! Published!



Ayan na! Ayan na! Ayan na! Ayan na!



Tumakbo ako bigla para kumuha ng isang basong tubig para ikalma ang sarili ko.



“Ano ka ba naman Atasha! Ngayon ka pa ba naman aatras eh napost mo na! At tsaka, binunyag mo lang naman ang baho ng lalaking yun! Hindi ka naman nagsinungaling!”



Dahan-dahan ulit akong nagbalik sa harap ng laptop ko. At pagka-refresh ko sa page, trending na ako agad within minutes at ang dami ng comments at posts na nakatag saakin!



@Anti_Kissing_Bandit:


“How the hell did you get this picture?”


“Omo! So you were in Laris’ dorm?”


“Totoo ba ‘to? Lasing siya? Bakit ang gwapo niya!”


“OMG! He’s goddamn gorgeous drunk here!”


“This picture is one of the best pictures of Laris!”


“Anti-fan ka ba talaga niya? Ang ganda ng shot mo!”



Ako – ?(_)?



That post was supposed to get negative feedback for Kissing Bandit! Hello!!!!!! Title ng post? Idol niyo, umuwi ng lasing! Malaking abala sa dorm nila!!!!!! Hindi ba nila binasa yung caption na nilagay ko? Langya naman!



Yung picture lang yung pinag-pyestahan nila! Tuwang-tuwa pa sila sa post ko!



Newest notification:

TMU_Admin started following you.



Ako ulit - !!!(o)!!!



Si TMU_Admin??? Ni-follow na ako!!!



TMU_Admin liked and reblogged your post.



“Uwaaaaaaaaahhh!!! For real? Si #1!!!”



TMU_Admin tagged you on a post.


“@Anti_Kissing_Bandit... So may alam ka tungkol kay Kissing Bandit. Alam mo kung saan ang dorm niya and you just got him to follow you. I think you’re a great source. Keep it up! ^^”



Ako – (_)



Grabe na talaga ang nangyayari! Pinuri pa ako nung TMU_Admin!



Nag-logout na ako agad, ni-shutdown ang laptop ko at nahiga sa kama ko.



Nasaan na napunta yung evil plan ko? Yung plano kong sirain ang pangalan ni Laris Howfer?



Eh sa ginawa kong first post, bukod sa nagtrending yun at humakot ng papuri dahil sa ganda ng shot ko, ni-follow pa ako ni #1 Most Popular Personality of TMU na si TMU_Admin!



Teka lang… ito na ba talaga ang simula ng pagsikat ko?



Anti_Kissing_Bandit…? Anti-fan ka ba talaga?



OO NAMAN NOH! Hindi ko lang talaga ma-gets kung anong klaseng utak meron ang mga taong nag-like sa post ko na yun! Argh!!! Mukhang mahihirapan akong sirain ang reputasyon ng half syokoy, half ET na yun ha!



(Disclaimer: I do not own the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)

End of Chapter 6



8 comments:

  1. crush ko si zack! hahaha!

    feeling ko mahihirapan akong mamili between laris and him! pero alam ko naman kung sino ang partner ni atasha! xempre si kissing bandit yun!

    natawa ako sa mga pinag-rereply ni atasha dun sa account nia! at natawa ako pati si tmu admin, nagfollow na sknya! haha.

    ReplyDelete
  2. owwwwwwmmmmyyyyy!!!!
    gnda ng upd8 n 2!

    bkit kya umuwi ng lasing si laris?
    nde kya dhil nkita nia cna zack ata atasha!
    wooow! tmang hinala lang agd! hahahhaha!!!

    ang gwapo nla zack at laris!!!!

    ung drunken laris! no wonder nde n mpgkkmlng anti si atasha e! ang gwpo nga ng shot nia! hahahahha!

    ReplyDelete
  3. waaaaaaaaaaaah i love it!
    momnt nina zack at atasha!!!!!!!
    matinding luv triangle siguro tlga ito!!!!!!!
    cn't wait 4 d next upd8!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  4. hahah .. nikikilig ako sa asaran nila ni laris .. haha

    ReplyDelete
  5. gawd. para akong sira na gugulong-gulong sa kama ko sa sobrang excitement. hahaha.

    ReplyDelete
  6. Wahahaha.... "Anti-fan ka ba talaga niya? Ang ganda ng shot mo!" wahahha.. nawindang ako sa kakatawa. Epic din kasi iyong emoticon eh. wahahhaa

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^