Sunday, March 18, 2012

Kissing Bandit : Chapter 7

CHAPTER 7
(ATASHA ORELLANA POV)



Kinabukasan pagdating ko sa school, pinagpipyestahan pa rin ng mga classmates ko yung picture ni Laris na lasing siya.



Grabe ha! Trending pa rin yun hanggang ngayon!


“Uy anong meron?” Pakunwari pa daw!



“Hindi ka ba talaga nagchi-check ng TMU Diary ha? Oh yan!!!” Pinakita niya saakin yung picture ni Laris na ako rin mismo ang kumuha! Pinabasa pa saakin yung post.



“Woah!!! Ang bangag!!!”



*booogsssshhh!!!*



Nasapok tuloy ako ng di oras! “Bangag ka jan! Ang gwapo-gwapo kaya! Ayiiiiehhh!!! Laris my loves!!!”



“Eww sa endearment ha! Teka… eh sa account ni Anti-KB yan ha.” Anti-KB, in short for Anti_Kissing_Bandit. “Oh kitam mo naglasing daw siya! Bakit natutuwa pa kayo? Ganyang lalaki ba ang dapat na ina-idolize?” Sige Atasha! Pangaralan mo yang mga baliw na fans ni KB! Na dapat ma-turnoff sila jan sa Laris na yan.



“Well, we’re pretty sure na may dahilan kung bakit lasing si Laris.” Sabi ni B1.



“Oo nga! Malay mo may party na pinuntahan!” Dagdag naman ni B2.



“Korek kayo jan!” At sabat din ni B3. “B” stands for BABAE hindi Banana ha!



“Tapos tamang matulog siya sa hallway?”



“Eh kasi nga lasing.”



“ABALA yun noh! Lalo na dun sa nag-buhat!”



“Kung makapagsalita naman ‘to akala mo siya yung nagbuhat!” Ako naman talaga eh! “At tsaka swerte nga yung nagdala kay Laris eh! May free chansing pa at makita ng malapitan si Laris!”



“OO NGA!!! AYIIIIIIIIIIIIEEEHHH!!!” Ang lalandi! Sabay-sabay pa sila niyan!



“Pero ang nakakapagtaka talaga, paano nakakuha ng picture na ganun itong si Anti Kissing Bandit.”



“Anti-KB.” Pinapahaba pa eh!



“Oh ‘di Anti-KB!!! Ibig sabihin lang nun, magkasama sa isang dorm sina Laris at yung anti niya!”



“Uy grabe naman! Malay mo nagkataon lang!”



“At feeling ko yang Anti-KB na yan, kaya yan naghihiganti ngayon ay dahil hindi siguro siya pinagbigyan ng first kiss ni Laris.”



“Uy! Malay mo naman may ginawa talagang masama yung Laris kay Anti-KB!”



“Teka nga Atasha, bakit ba kanina mo pa parang pinagtatangol yung Anti ni Laris?”



“Oo nga! Nakakapagtaka ka ha! Hindi ka ba talaga fan ni Laris ha?”



“Hmmmm… Alam mo Atasha, kanina ka pa talaga eh! Tama sila, hindi kaya…”



*gulp…*



Kinabahan ako bigla ha! Malilintikan talaga ako kapag nalaman nila na ako yung Anti na yun ng idol nila!


Ang tatalim na ng mga tingin nila saakin! Kabado much na ako!



“Hindi kaya…” Ow no!!! Naghihinala na yata sila na ako yung Anti!!! Biglang napatingin ng masama saakin si Raiza eh. “… pinagtatakpan ng babaeng yan yung post ni Zack Guiller na magkasama sila kagabi!”



“Ha?”



“Ay oo nga!!!” Tapos dinumog nila ako. Para ngang sinakal pa ako nung isa sa kanila eh!



“Bakit magkasama kayo ni Zack ha!!! Follower mo pa siya! Anong ibig sabihin nun Atasha! Kilala mo siya?!”



Nakahinga naman ako ng malalim dahil hindi naman pala nila ako pinaghihinalaan na ako yung may-ari nung account ko na yun. Pero ngayon iba na naman ang dahilan ng kaba ko!



“Magkababata kasi kami… aray… yung leeg ko!!!” >__< Sinasakal pa rin nila ako sa pangigigil!



“Talaga!!!”



“Ang swerte mo naman Atasha!!!”



“Araaaaaaaaaayyyyyyy~!!! Bitawan niyo na ako!!!”



“Bakit hindi mo naman agad sinabi!”



“Eh hindi ko rin nga alam na siya pala yung kababata ko eh.” At binitawan na nila ako.



“Pakilala mo kami kay Zack! Sige na please!!!”



“Weh!!! Nakakahiya!!! Ako nga nahihiya na akong kasama siya dahil sikat pala siya dito!”



“Okay lang yun Atasha!!! Sige na please!!!” At sasakalin pa sana nila ulit ako kaya…



“OO na! OO na!!!” Lumayo na ako sa kanila. “Papakilala ko kayo pag may time na.”



“Yey!!!!!!!!!” Mga lukaret talaga kahit kelan! Una ang target ng paglalandi si Kissing Bandit! Ngayon naman si Zack ko! Ay bakit may ‘KO’? Ang kapal lang Atasha ha!



“At tsaka hoy! Bakit hindi mo pa pala ina-update yung diary mo?”



“Ang dami niyo namang napapansin! Sige later, magta-try na akong magpost dun. Pero maduga kayo, i-follow niyo ako ha!” Pagkasabi ko nun hindi na sila nagsalita at isa-isa silang nag-alisan. Pati si Raiza na-busy bigla sa laptop niya!



Ang dadamot ng mga ‘to! Ayaw akong i-follow! Okay lang! Follower mo naman sila sa Anti-KB account mo eh.










Napunta ako sa isang tahimik na lugar. Sa library! Walang masyadong tao. May free wifi kaya nakapaglaptop din ako. Opo dala ko na laptop ko. Para kung sakaling may magandang chance ako para mag-post ng kasiraan ni Laris, mai-post ko agad!



Pero bago yun, in-open ko muna yung totoong account ko. Yung Atasha09 lang at ang tanging follower ay si Zack Guiller.



Gumawa ako ng first post ko…

First post! Hello!!!

First time ang lahat para saakin ngayon! First time kong nalayo sa parents ko, first time kong mamumuhay ng mag-isa… at first time akong mag-try nitong online diary sa student's portal ng university namin.

Anyway, nakarating na rin ako sa tagong dorm na napili ng parents ko. Maayos naman siya, maganda yung room ko, may magandang view, mura lang ang renta at 30 minutes lang ang byahe sa Tierra Madsen University.
Sa dorm ko na ito nakilala ang taong ito…


(A/N: Tignan niyo na lang ulit yung kabuuan nung post ni Atasha dito: LINK HERE)



Type… type… type… insert pictures… type again…



“Woi!!!”



“Ay anak ka ng ina mo!!!” May biglang sumundot sa bewang ko eh ang lakas pa naman ng kiliti ko dun!



Sinimangutan ko siya. Sino pa nga ba ang epal na susulpot dito at makikipag-pilosopohan kundi si Laris!!! “Alangan naman anak ako ng nanay mo.” At umupo siya sa upuan sa may harap ko mismo!



Ganito pala ayos niya ngayon oh.
“Anong ginagawa mo dito?” Buti na lang walang tao! Baka kasi may makakita saamin! At dahil nga sa walang tao kaya nagagawa kong lakasan ang boses ko.



“Pakelam mo? Eh natambay din ako dito eh.”



“Psh!”



“I just found out about your post. ‘Kissing Bandit umuwi ng Lasing!’ Ayos!” *clap… clap… clap…* “Biruin mo, nagtrending yun! Sumikat pa ako! Ang gwapo ko dun sa picture eh.”



“Hoy! Nagkataon lang na gifted akong photographer! Pero hayaan mo, the next time na mahuhuli kita, ie-edit ko at papapangitin ko para sayo!”



“Papapangitin? So inaamin mo ngang gwapo ako.”



“Inaamin kong nasosoray ako sayo!” Nakakabwiset talaga ‘to kahit kelan! Tapos ngumiti pa siya! Parang timang lang! Ang sarap ihagis sa imburnal eh! "Ngingiti-ngiti ka pa Laris!!! Mukha ka lang bangag!!! Arg!!!" Pero bakit ang gwapo niya? Nakakaimbyerna!!!



"Gaganyan-ganyan ka pa, if I know balak mo ring hingiin ang first kiss mo saakin."



"Kapal mo! Sa asong ulol na lang ako hahalik!!!"



"Eh bakit may mga pictures ko sa online diary mo?" Uwaaahhh!!! Ibig sabihin nakita niya?



"Shatap!!! Asa kang pictures mo 'to!!! (>///<) Lumayas ka sa harapan ko!!!"



“Ayaw! Ikaw ang lumayas!”



Grrrrrr… Howkei! Payn! Makalipat na nga ng ibang pwesto!



Nagtungo ako sa ibang table at tinuloy yung pagtatype nung post ko. At nung matapos na…



Save and Publish?



Of course not!



Eh di malalaman ng lahat yung tungkol sa pagtira ko sa iisang dorm with Laris!



At higit sa lahat, malalaman din ni ET na may pictures nga siya sa post ko na ito.



SAVE PRIVATELY TO YOUR DIARY. Click! Saved!



Oh yan, yung first post ko, wala ring nakabasa!



Magpo-post na lang ako ng iba! Hahanap ako ng picture ko na naka-save dito sa folder ko.



Scroll down… scroll down… scroll down… alin ba magandang picture ko dito? Akala mo naman maganda ako eh noh! Scroll down… scroll down… scroll down pa… wala na!



“Wala ba akong matinong picture dito?” Bulong ko. “Ano ba yan! Ano bang magandang pam-post dito?”



“Yan oh! At saka yan ang mga ipost mo!”



“Ay baklang butiki!!! Paano ka napunta sa likod ko?” May lahing kabute rin ba itong si Laris? Eepal na lang ng biglaan! “At saka bakit nakikisilip ka ng mga pictures?”



“Yung dalawang pictures na tinuro ko. Yun ang ipost mo.”



“Eh bakit ba nakikialam ka.”



“Pasasalamat ko yan dahil sa sa ginawa mo saakin kagabi. Alam kong ikaw rin ang nagpasok saakin dun sa kwarto ko.




“Ano? Nagte-thank you ka?”



“Ay hindi baka nagsu-survey ako!” Pilosopo!



“Lumayas ka na nga dito!!!” At pinalo-palo ko siya nung notebook ko para umalis na siya sa likod ko.



“Aalis na talaga ako noh dahil may klase pa ako!” At nagsimula na nga siyang maglakad paalis. Pero may pahabol pa ulit siyang sinabi, “Yung pictures na tinuro ko! Yun ang ipost mo! Ang papangit mo kasi dun sa iba mong pictures eh.”



“HAYUP!!!” Ay teka!!! Hindi ko natanong kung bakit nga ba siya lasing kagabi.



Anyway, why do I need to care noh!



Bumalik ako sa laptop ko… at hmmmmm… sige na nga! Ipopost ko na yung pictures na tinuro ni Laris. May tama naman siya, itong dalawa nga lang ang matino kong pictures.



Hello TMU!
Atasha here! ^___^





After five minutes… ay wala pa rin nag-comment o nag-like man lang?



Owwell!!! Asa naman ako diba? Dakilang nobody lang naman ang Atasha Orellano sa school na ‘to!



Pero dun sa Anti-KB account ko, ang popular ko! Hmp! Mga tao talaga! Basta ba walang kinalaman kay Laris Howfer, wala nang halaga?



1 notification.



“Uy! Ano kaya ‘to?”



Zack Guiller liked your photo.



“Uwaaaaaaaahhhh!!! Si Zack!!!” (O///O) ~ 



Newest notification:



Zack Guiller commented on your photo.



“@Atasha09, wow! Ang ganda naman ng bestfriend ko dito! To my dear followers, please follow her too.”



“Uwaaaaaaaaaahhhh!!! Bakit may ganun pa Zack!!!” Ang landi ko lang!!! Sabi niya maganda daw ako! Hihi! At pino-promote pa niya ako!



Ako na yata ang pinakamasayang nilalang sa mundo ngayon!



Newest notification:



Kissing Bandit started following you.



“What???” Bakit niya ako biglang ni-follow!



Kissing Bandit liked your photo.



“Why???” Bakit pa niya ni-like???



Kissing Bandit  also commented on your photo.



“@ZackGuiller, oh yan na pare! Na-follow ko na siya.”



Lintek na…



Oo nga pala!!! Magkaibigan yung dalawang yun!!! Ano ba naman yan!!!



Kanina, ako na yata ang pinakamasayang nilalang sa mundo. Ngayon, 50-50!



Ni-follow na ni Kissing Bandit ang mismong account ko!!!










Ang epz talaga ni Laris! Hindi na siya dapat pang nag-follow, nag-like at nag-comment! Lagi na lang yata na issue ang kaharap ko! Simula nung makilala ko yung Laris na yun, at malaman kong si Bao pala ay si Zack Guiller, parang ang gulo na ng takbo ng mundo ko!



Issue talaga yun promise!!! Ni-hindi ko na nga ni-check yung Atasha09 dahil paniguradong may mga nagtataka na dun! Mga ingeterra pa!



Pauwi na sana ako kaso nakita ko na naman si Laris. Hindi pa siya uuwi dahil alam kong ibang way ang dinaanan niya. “Sundan ko kaya siya? Malay mo may pang-Anti-post na naman akong makuha! Tama!”


Sunod… sunod… sunod…



Bumuntot lang ako sa kanya kung saan siya pupunta.



Buti na lang may extrang pera akong dala ngayon pansakay ng taxi ha!



Nakita ko na siyang bumaba kaya, “Manong, dito na lang rin po sa tabi! Eto po bayad oh!”





Agad naman akong nagtago at para akong paparazzi na nakasunod lang sa kanya. Bagong bihis pa siya! Change outfit? Pero saan kaya siya pupunta sa ganitong oras?” Madilim na kasi. Pagtingin ko sa orasan ko, seven na pala!



Syempre, hawak kong mabuti ang camera ko. Getting ready sa mga pwede kong makuha. Patuloy lang din ako sa pagkuha ng pictures niya.



Hindi rin naman nagtagal, nakita ko siyang pumasok sa isang nightclub!



*Click… click… click!!!*



Huli ka balbon!!! Kaso, nakatalikod siya! Okay lang, nahuli ko pa rin na pumasok siya sa loob ng bar na yun!



Pero ano kayang ginagawa niya doon? Siguro madalas siya sa lugar na ‘to!



Ayun naman pala!!! Kaya siguro umuwi siya ng lasing kagabi!



Teka… ipo-post ko muna! Pumasok ako sa malapit na 7-11. Buti meron nito dito noh! 



Ito ang post ko:



“Kissing Bandit in BloodReef Bar!”

Anong ginagawa ng isang Laris Howfer sa lugar na ito?
That just solves the puzzle kung bakit siya umuwi ng lasing kagabi!
Now imagine kung anu-ano ang ginagawa niya dito with all the alcohol, drugs and girls na present lahat sa nightbar na yan!



Insert pictures here…



Then post!



After five minutes… ayos diba? Laging after five minutes! Actually seconds ago pa nga lang may mga nag-comment na eh! Pinarami ko lang bago ko binasa.



@Anti_Kissing_Bandit:


“At paano mo nasabing siya nga ang nasa picture na yan? Nakatalikod kaya!”


“That’s not Laris! Gawa-gawa ka lang ng kwento!!!”


“Ang papansin mo naman! Anong sense ng post na yan! Ni hindi namin maaninag si Kissing Bandit!”



Wow!!! Ayan na!!! Puro negative comments ang nakuha ko! Negative dahil hindi sila naniniwala na si Laris nga yun!



“Ayaw niyong maniwala ha!” Ni-check ko yung camera ko kung may picture ba na kita ang mukha ni Laris.



Syempre meron!!! Kanina ko pa nga siya sinusundan diba?



“ Told yah, it’s Laris Howfer!!!”
Oh yan po! Kitang-kita na ang pagmumukha ni Kissing Bandit wearing the same clothes!
Siya yun!!! Walang iba!!!



Save and Publish? Click!



After five minutes…



@Anti_Kissing_Bandit:


“OMG!!! Siya nga! Ang gwapo!!!”


“So talagang nagpunta pala si Laris sa bar na yun!!!”


“I have to go there and see him in person!!! Thanks for the tip!!!”



Ay teka lang ha???



Nagte-thank you pa sila ngayon???



At ano daw??? Pupuntahan nila si Laris ngayon dito sa BloodReef???



Patay tayo jan Atasha!!! Ano ‘tong ginawa mo!!!



(Disclaimer: I do not own the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)

End of Chapter 7



6 comments:

  1. WAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH >.< CHAPTER 8....................HAHAHA NEGATIVE DAPAT PERO PINUPURI PA...LOL

    ReplyDelete
  2. hahaha .. ang kulit kulit :)

    ReplyDelete
  3. ay grabe!!!!!!!!!! ang gwapo nga ni laris!!!!!!!!!!!!! anu b yan!!!!!!!!!!!
    naiinlab aq s pix!!!!!!!!!!!!!

    siguro kun aq man, pupurihin ko ung anti!!! mgttaka p aq kung 22o b tlga xang anti! hahahhaahahha!!! ang gnda ng pinagpopost nia eh!!!! next n agad!!!!!

    ReplyDelete
  4. ang kulit kulit talaga! nde q mapigilan n titigan ng maigi ang pix ni laris sa ubod ng gwapo nia!

    puro twa tlga aq s kwentong ito! kulang n lng masabihan aqng baliw ng mga nkkkita sken eh. hhaaaahhhaa!

    ReplyDelete
  5. kyaaaaaaaaaaaaaaa. hindi ko kinaya ang ginawa ni zack. hhahhahah! kinilig ako. weeeew.

    ReplyDelete
  6. Nakakatawa talaga pinag-gagawa ni Atasha sa pagiging Anti niya hahaha..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^